登入AWTOMATIKO NA LUMUNGKOT ang mukha ni Gia, sa totoo lang ay ayaw niya pa sanang tapusin ang tawag kaso ay hindi naman pwede na igiit ito. Kailangan ng magpahinga ni Bene. Buti siya, maghapon na nakahilata lang sa kama samantalang ang nobyo ay hindi. Iba ang sitwasyon nito. Napakalayo sa kanya. Bugbog ang katawan nito at tagtag sa byahe.“Okay, have a good sleep Bene. Sleep tight.”“I love you, Gia…”Hindi napigilan ni Gia na mapaluha. Dala ng emosyon. Hindi pa rin noon makapaniwala na kasintahan na niya ang isang Benedict Madrigal. Parang kailan lang ay pinagpapantasyahan niya lang ang lalaki. Pinapangarap ng gising na di naglaon ay nag-manifest. Medyo na-delay nga lang iyon. “I love you too, Bene…”On the day of Gia’s returned to the city, hindi niya nagawa ang unang plano na mag-room tour sa kwarto mismo ni Bene. Masyadong busy noon ang nobyo dahil sa tumambak niyang mga trabaho. May mga local business trips na hindi na kinuha ni Gia ang mga detalye. Masyado na iyong personal. Hihin
UNTI-UNTING NAGING KAWANGIS ng hinog na kamatis sa pula ang mukha ni Gia kahit na hindi naman siya nakikita ng personal ng nobyo. Aaminin niya na noon pa lang ay excited na siya sa kanilang muling pagkikita ng kasintahan. Hindi na rin niya mapigilang matawa ng mahina kung bakit napunta doon bigla ang kanilang usapan gayong kanina ay nasa kumustahan lang naman. Hindi nila namalayan pareho ang pag-shift ng topic nang walang kahirap-hirap na biglang nagpaiba ng ihip ng hangin. Pareho silang hilaw napangiti.“Wala na akong lagnat.” yabang ni Gia kahit na hindi naman iyon tinatanong noon ni Bene.Wala lang, nais lang ng babae na baguhin ang paksa ng kanilang usapan. Medyo ang weird kasi nito. Makikita sa mukha ni Gia na hindi pa rin sanay si Gia na ganun na sila ka-pormal. Parang kailan lang, magkaibigan ang dalawa. Sinong mag-aakala na ngayon ay mayroon na silang relasyon? Di lang iyon, may nangyari pa!“That’s good, hindi ko na kailangang mag-alala habang narito ako sa ibaba. Magiging p
WALA SA PLANO ni Bene na patagalin ang pagpapakasal nila ni Gia. Pagbaba nito ng Manila ay magpro-propose siya. After noon ay magpapakasal sila. Hindi na nito kailangan na ituloy ang kanyang trabaho. Mananatili na lang ito sa bahay o kung hindi naman ay isasama niya sa opisina araw-araw. Hindi na nito kailangang magbanat ng buto. Buhay prinsesa na lang. Mananatili sa pwesto na abot ng kanyang mga mata. Iyon ang kanyang plano na paniguradong sasang-ayunan ng nobya.“Huwag niya sanang tanggihan ang proposal ko…”Nagkulong si Gia sa kanyang silid nang makabalik ng mansion. Sinubsob niya ang mukha sa unan. Pilit nilalabanan ang emosyon na yumayakap noon sa kanyang puso. Emosyon na ayaw mawalay kay Bene na para bang nangibang bansa ito.“Bakit naman kasi ngayon ka pa dumating lagnat? Kung wala ka, sana sumama na ako sa kanya pababa.” Pulang-pula na ang buong mukha noon ni Gia. Mahapdi na rin ang kanyang mga mata dahil sa buhos ng mga luha. “Nakakainis ka naman eh, hadlang ka sa aming kal
HINDI MAGAWANG MAKAALIS ni Bene kinabukasan ng mansion ng mga Bianchi dahil biglang inapoy ng lagnat si Gia. Kung iiwan niya ang kasintahan ay lalabas na wala siyang puso. Isa pa, siya ang dahilan kung bakit ito dinapuan ng lagnat. Napilitan siyang kunin ang kanyang luggage sa hotel at dalhin iyon sa mansion. Labis namang ikinatuwa na iyon ni Gia.“Sige na, bumaba ka na Bene. May mga kasama naman akong katulong.” a-tres ng umaga ng sabihin ito ni Gia sa nobyo. Humupa na ang lagnat niya. Sinat-sinat na lang. Gumagaan na rin ang napakabigat na pakiramdam niya.“Hindi pwede—” “Bene? Huwag mong kalimutan na may pinapasahod kang mga employee. Kailangan mong bumaba.” Sinubukan ni Gia na maging mahinahon ang boses. Ayaw niyang tumaas ang tono, isa pa ay ayaw niyang bumalik ang lagnat niya dahil nabinat siya. Malambing niyang hinaplos ang mukha ni Bene. Nakahiga siya noon sa hita ng kasintahan.“Magpapagaling lang ako at bababa na rin ako. Kapag nasa Manila na ako, ikaw ang una kong pupunt
PUNO NG PAGDUDUDA na hinagod ng tingin ni Brian ang mukha ni Bene. Hindi sa nagdududa siya, pero may kutob siya.“Baka kasi lumabas si Gia. Ni hindi nga rin alam ng mga katulong kung saan siya pumunta.” Hindi na sumagi sa isipan ni Brian ang CCTV ng kanilang mansion sa hallway na lingid sa kanilang kaalaman ay pinakialaman din ni Gia nang sa ganun ay walang evidence na makukuha dito kahit na ilang beses pang panoorin nila ito.“Why don’t you call her?” suggestion ni Bene na sa mga sandaling iyon ay umaakto pa rin na inosente.“Walang silbi. Naka-off ang kanyang cellphone. Hindi ko alam kung walang battery o sadya niyang pinatay.”“Ganun ba? Wala rin akong alam. Natanong mo na ba ang parents niyo?” Kailangang sabihin iyon ni Bene nang maging convincing na wala siyang alam na wala doon ang kanilang magulang. “Wala dito sina Mom at Dad, pumunta ng Masbate para sa wedding ng anak ng kaibigan nila.” si Ceska ang sumagot.“Bababa na kami ngayon ng Manila. Magpapaalam lang sana kami sa ka
TATANGGALIN NA SANA ni Bene ang sarili nang yakapin ni Gia nang mahigpit ang beywang niya. Nandilat na ang mga mata ni Bene. Hindi makapaniwala na gagawin iyon ng kasintahan gayong alam niya kung gaano ito nasasaktan ngayon noon.“No, ituloy mo…”Nakagat ni Gia ang pang-ibabang labi. Binawi na ang paningin sa nobyo. “T-Tutal sinimulan mo na, bakit hindi mo ituloy?”Hindi makaumang si Bene sa ginawang iyon ni Gia. Kitang-kita niya sa mukha ng nobya ang sakit na tinitiis at habang nakatunghay dito, hindi niya kayang panoorin. Ngunit sino siya para hindi na naman tuparin ang kahilingan ni Gia noon?“Are you sure?”“Hmm, I am sure…”“Alright, magiging masakit ito sa una pero kapag sinabayan mo ako sa ritmo maya-maya lang din ay mawawala na ang sakit. You can do whatever you want. Pwede mo akong kagatin. Kalmutin. Anything you want Gia na makakapagpa-relieve ng sakit na pinapadama ko sa’yo. Naiintindihan mo? Binibigyan kita ng consent. Basta huwag mo akong e-headbutt, baby.”Nais matawa n
HINDI NAGING MADALI sa kanilang mag-asawa ang pagdadalang-tao ni Gabe sa ikalawang pagkakataon. Nariyan ang kada buwan ay mayroon siyang spotting at kailangang na isugod ng hospital dis oras ng gabi. Hindi siya naging maselan sa paglilihi, ngunit ang katayuan ng kanyang mga anak sa loob ng tiyan an
LUMAMBOT PA ANG puso doon ni Gabe dahil mukhang epektibo sa mga anak ang panunuhol na ginagawa ni Atticus. Hindi niya mapigilang isipin kung ano kaya ang inihanda ng lalaki na breakfast na para naman sa kanya ngayong umaga? Parang older version siya ng anak na babae na biglang naging excited na rin
GABE DID HAVE a purpose; to have sex with him upang muli siyang mabuntis. Nahirapan siyang manganak sa kambal, ngunit hindi naman sobra. Sa palagay niya ay makakaya niya ulit iyong tiisin at isakripisyo kung muling mauulit ito. But the driver was there, and his villa? Masyadong malapit iyon sa vill
TAHIMIK NA PINULOT ni Gabe ang kanyang nagkalat sa sahig na mga damit. Masakit man ang buo niyang katawan ay hindi niya iyon inalintana. Nagbingi-bingihan pa rin siya sa kanyang naririnig. Hindi niya kailangang bigyan ito ng dahilan lalo na at ang lalaki naman ang nagpumilit iyong gawin. Kung tutuu







