Share

Chapter 20.2

last update Last Updated: 2025-08-09 20:30:54

SIGURADO ANG LALAKI na mahal niya si Ceska, ngunit walang magawa ang pagmamahal niyang iyon. Kahit naman marahil wala si Piper sa kanilang pagitan ay imposible pa rin naman silang magkasama dahil sa kanilang madilim na nakaraan. Iyon ang mas nagpasakit pa ng damdamin ni Brian. Gaya ng pangako ni Gabe, pagkababa ng tawag ni Brian ay tinawagan niya naman ang number ni Franceska na galing mismo sa kanyang pinsan. Ilang minutong tinitigan lang ni Ceska ang numerong iyon na hindi naka-saved sa kanyang contacts. Tulala at walang lakas pa rin siyang nakaupo sa sofa at pinagninilayan ang mga pangyayari kanina. Hindi pa rin makapaniwala na magagawa iyon ni Brian sa wedding dress. Batid nito ang kanyang pagmamahal sa lahat ng kanyang ginagawa kung kaya nahihirapan siyang lunukin ang nangyari. Tunawin ang katotohanan na kayang gawin iyon ng lalaking minsan niyang labis na minahal dahil kilala rin siya nito.

“Sino ba ‘tong tawag nang tawag na ‘to? Ang kulit naman!” hindi na napigilan ni Ceska na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Emilie Baylosis Forbes
sana maganda ang twist ng story ni Ceska at Brian kung paano kawawa nong Araw si Ceska mging masaya sila ni Brian
goodnovel comment avatar
Bido Ko
thank you sa update miss A wag mo na masyado pahabain Yung kwento nila Gabriano at chesca para nxt na kina Gabe...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 76.1

    SUMILID SA ISIPAN ni Atticus iyong naging huling pagniniig nila bago siya umalis. Ito marahil ang nakasakit kay Gabe dala na rin ng kanilang posisyon at pagmamadali. Hindi na siya nakapag-isip pa doon ng maayos dahil nagmamadali eh. Nilamon pa ng guilt ang loob ni Atticus. Ilang beses ipinangako sa kanyang sarili na dapat ay maging gentle na sa asawa.“Hay naku, huwag mo na akong alalahanin. Tutal narito ka na rin naman, siguradong magiging maayos na ako.” Hindi pa rin noon naibsan ang nararamdaman ni Atticus na guilt, ngunit minabuti niyang huwag ng ipakita pa kay Gabe. Ayaw naman niyang mag-alala ang babae sa laman ng kanyang isipan. Kailangang ipakita niya dito kalmado na rin siya.“Bakit? Na-miss mo lang ba ako kaya sumama ang pakiramdam mo? Sabihin mo, mahal kong Gavina. Nais kong marinig.” Mahinang natawa si Gabe sa kalokohang iyon ni Atticus. Pino na niyang kinurot ang tagiliran nito bilang kanyang ganti. Bago pa siya muling makapagsalita, narinig na nila ang ingay ng kambal

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 75.4

    KALMADONG NGUMITI LANG si Gabe ngunit sa loob niya, abot-abot na ang kanyang kaba. Paniguradong katakot-takot na paliwanag ang gagawin niya kay Atticus. Siyang asawa nito ay hindi niya alam na pauwi na pala ng araw na iyon ang asawa. Sa ina niya pa iyon nalaman. Gumaganti ba ito sa kanyang ginawang pagsisinungaling? Ayaw lang naman niyang mag-alala si Atticus. Magaling din naman ang asawa niya. Nagawa nitong itago sa kanya na may alam na pala sa tunay niyang kalagayan. Kaya pala panay ang tawag nito sa kanya kahit pa sinasabi nitong busy siya sa business trip. Panay din ang tanong kung kumusta ang pakiramdam niya, akala niya pa naman ay normal lang iyon. Worried na pala ito sa kanya.“Siya nga pala, Gabe, Maiba ako. Kumusta naman anak ang pagsasama niyong dalawa ni Fourth sa iisang bahay ha?” “As you can see Mommy, okay naman kami. May sama lang ako ng pakiramdam ngayon pero overall ay okay lang kami.”Bago pa muling makapagsalita si Bethany ay nahagip na ng kanilang paningin na mag-

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 75.3

    HINDI NAGING MADALI kay Gabe ang sumunod na araw nang dahil sa kanyang kalagayan. Ayaw niyang uminom ng gamot dahil gusto na nga niyang mabuntis siya kung kaya naman tiniis niya ang lahat ng sakit. Iniisip niya na kung iinom siya noon, liliit ang tsansa na mabuntis siya agad. Nagpasalin lang siya ng dugo at pagkatapos noon ay wala na siyang ibang hiniling na gawin sa kanyang katawan kahit pa may mga suggestion ang doctor na tumingin noon sa kanya. “Okay na sa akin ito, Doc. Ayos na ako.” “Pero Attorney Dankworth, kailangan mo pa ri na—” “Okay na nga po ako, in case na hindi ko kayanin saka na ako lalapit ulit sa inyo. Huwag niyo akong pangunahan.” Walang nagawa ang doctor kung hindi ang hayaan lang siya dahil hindi pa rin naman ito mannaalo kahit igiit niya ang nais kay Gabe na nakatatak na sa kanyang sarili na katawan niya iyon kung kaya dapat na siya ang masusunod. Sa kabila rin ng kanyang mga pinagdadaanan ay kinakailangan niyang magpanggap na ayos lang ang lahat lalo na sa ta

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 75.2

    BAHAGYANG UMINGIT ANG aso kung kaya naman binuhat niya ito at nilagay sa ibabaw ng kama. Diretso itong pumunta sa maliit na space na pagitan nina Hunter at Haya. Padapang nahiga si Gabe, paharap sa kanila. Hinaplos ang ulo ni Otso.“Tulog na tayo…”Tanghali na nang magising si Gabe. Wala na ang kambal sa kama at wala na rin doon ang aso. Nasa living room na ang mga ito. Humahalay ang panaka-nakang sigaw ng dalawang bata na para bang tini-training nila ang alaga nilang aso. Bukas nang maliit ang pintuan kung kaya naman naririnig niya ang ingay ng dalawang bata. Maliit na napangiti si Gabe. Maya-maya pa ay narinig niya ang mahinang mga yabag na paakyat. Hinintay ni Gabe kung sino ito sa mga anak nila. Si Hunter. “Are you awake now, Mommy?” lapit nito sa kama sabay sampa. “Hmm…” mahinang ungol niya na nakatingin pa rin ang mga mata sa namumulang pisngi ni Hunter. “Naglalaro kami ni Haya sa baba. Nilalaro namin si Otso.” kwento nito na para bang kailangan niyang sabihin iyon. “Okay

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 75.1

    TUMALIKOD NA ANG lalaki. Akmang aalis na ng silid nang makita niyang nagdilat ng mata si Gabe. Bigla itong bumangon kahit na pupungas-pungas at halatang hindi pa gising nang lubusan ang kanyang diwa. “Aalis ka na?” Lumapit si Atticus sa asawa na nasa gilid na ng kama. Yumakap si Gabe sa kanyang beywang at binaon angn mukha nitong antok pa sa banda ng kanyang tiyan. Hinayaan naman siyang gawin iyon ni Gabe, hinaplos pa ang gulong buhok.“Hmm…” “Have you had breakfast?” Tinitigan ni Atticus ang kanyang mukha, maya-maya pa ay muling yumukod upang halikan lang ang labi ng asawa. Tumagal iyon ng ilang segundo. Ginantihan naman iyon ni Gabe kahit wala pang toothbrush na mas pinikit ang mata.“I’ll be back in five days. Ikaw na muna ang bahala sa ating kambal na mga anak.” Naramdaman ni Atticus ang mas humigpit na yakap ni Gabe sa kanyang katawan. Iyong tipong ayaw siyang paalisin. “Gusto mo bang—”Bumitaw si Gabe sa yakap sa kanya ngunit si Atticus naman ang yumapos sa kanyang katawan

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 74.4

    SINULIT NILANG MAG-ASAWA ang gabing iyon. Mula sa cloakroom ay dinala ni Atticus ang asawa sa kama. Walang kaba na baka magising ang mga anak nang mga sandaling iyon nang dahil sa labis na himbing sa kanilang pagtulog. Mula rin ng gabing iyon ay nakitaan niya si Gabe ng malaking pagbabago. Marahil ay isang factor ang pagpapakilala niya sa asawa sa kanyang pamilya. Labis iyong ikinaligaya ni Atticus. Sa puntong iyon ng kanyang buhay ay wala na siyang mahihiling. “So kailan ni Mrs. Carreon nais na magkaroon ng wedding ceremony?” Kinuhang pagkakataon iyon ni Atticus upang tanungin ang asawa. Ilang beses nitong sinabi na kuntento na siya sa katotohanang legal silang kasal, ngunit para kay Atticus ay nais niya pa ‘ring ituloy kung ano ang plano nila noon na magkaroon ng wedding ceremony. Nagka-edad man sila, para sa lalaki ay wala pa rin iyong pagbabago sa kanyang gusto.“Papayag ka kapag sinabi kong kapag nakabuo na tayo ng magiging kapatid sina Haya at Hunter?” harap ni Gabe sa kanya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status