แชร์

Chapter 27.3

ผู้เขียน: Purple Moonlight
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-13 23:57:10

PASALAMAT NA LANG si Atticus na hindi sila napahamak ng babae dahil kung hindi, mas malala ang mangyayari na kargo de konsensya pa niya dahil hinayaan niyang ito ang humawak ng manibela na dapat ay siya ang gumawa. Naging doble ang panghihina niya nang tumigil ang kotse kahit pa nakahinga siya ng maluwag pagtingin niya sa labas at nakitang nasa pamilyar na parking na sila ng mansion. At least, tinupad nito ang pangako sa kanya.

“Lolo Gov! Tita Briel! Tulungan niyo kami!” exaggerated na paglabas pa lang ng sasakyan ay eskandalosa na ang naging sigaw ni Gabe doon.

Natataranta namang umahon sa kanyang upuan si Giovanni na nagkataong nasa may pintuan noon dahil kakatapos lang ng tawag ni Bethany sa kanya, kinakamusta ng pamangkin niya ang anak nito at si Atticus na nasa puder nila ngayon kung ayos lang sila. Sinabi ni Giovanni na mukha namang ayos ang dalawa. Aniya ay wala doon ay nasa trabaho na sila.

“Oh Gabe, apo bakit ka—”

Hindi na nagawa pang matapos iyon ni Giovanni na malalaki na
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (3)
goodnovel comment avatar
jennylyn rulloda
sana magkaaus na sila ......
goodnovel comment avatar
Haydin Mangudadatu
gave dapat hind muna awahin c fourth kawawa nman xa hind alam Ng family Nia na ganyan ang sinapait Nia sana nman balikan muna xa..baka sa bandang huli mapagod na xa sa kasusuyo sau...
goodnovel comment avatar
Aiza Tambio
sabi ng author dagdagan niya update ngayon bakit dalawa lang ...
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 27.3

    PASALAMAT NA LANG si Atticus na hindi sila napahamak ng babae dahil kung hindi, mas malala ang mangyayari na kargo de konsensya pa niya dahil hinayaan niyang ito ang humawak ng manibela na dapat ay siya ang gumawa. Naging doble ang panghihina niya nang tumigil ang kotse kahit pa nakahinga siya ng maluwag pagtingin niya sa labas at nakitang nasa pamilyar na parking na sila ng mansion. At least, tinupad nito ang pangako sa kanya.“Lolo Gov! Tita Briel! Tulungan niyo kami!” exaggerated na paglabas pa lang ng sasakyan ay eskandalosa na ang naging sigaw ni Gabe doon. Natataranta namang umahon sa kanyang upuan si Giovanni na nagkataong nasa may pintuan noon dahil kakatapos lang ng tawag ni Bethany sa kanya, kinakamusta ng pamangkin niya ang anak nito at si Atticus na nasa puder nila ngayon kung ayos lang sila. Sinabi ni Giovanni na mukha namang ayos ang dalawa. Aniya ay wala doon ay nasa trabaho na sila.“Oh Gabe, apo bakit ka—”Hindi na nagawa pang matapos iyon ni Giovanni na malalaki na

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 27.2

    PUNO NG PAG-AALALA ay natataranta ng binuksan ni Gabe ang pintuan sa driver seat upang alisin lang doon si Atticus at patuloy na itaboy upang pumunta sa likod na bahagi ng kotse. Sa mga sandaling iyon ay nakasubsob na ang mukha ni Atticus sa manibela ng sasakyan kung kaya naman sumidhi pa ang kanyang nararamdamang pag-aalala sa kalagayan nito. Pakiwari niya ay hindi na maganda ang pakiramdam ng lalaki ngunit pinipilit lang nitong ipakita na ayos lang siya. Tila kandilang nauupos na noon ang paghinga ni Gabe. Biglang bumigat na ang dibdib niya. Stress na stress sa mga nangyayari. Mauubusan siya ng hininga kung patuloy na magmamatigas pa rin ito at hindi pa rin susundin ang kanyang nais.“A-Ayos lang ako…kaya kitang ipagmaneho pabalik ng mansion. Lumulan ka n.” mahinang boses ni Fourth na sinubukan na ayusin ang upo sa harap ng manibela, malamlam na ang mga mata ng lalaki na halatang hindi na iyon maganda. Sinubukan niyang ikabit ang seatbelt ngunit nanghihina ang mga kamay niyang bumib

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 27.1

    SINABAYAN NI VANIEL ang pagtawa ng ama na ikinapikon pa ni Briel dahil pinagtutulungan na siya. Tahimik lang silang pinanood ni Atticus na inuubos lang ang pagkain at magpapahinga na rin ulit. Gusto niyang sundan si Gabe at kausapin. Iyon ay kung haharapin pa siya ng babae. Baka mamaya sa kanya na naman nito ibaling ang kinikmkim na galit niya.“Ako tigilan niyong mag-ama. Oo, may ugali ako noon pero hindi naman ganyan kalala ah! Mild lang iyon.” “Tatanggi ka pa? Alam na alam ko ‘yun dahil ako mismo ang nakaranas, Gabriella. Umamin ka na nga!” “Giovanni? Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo. Tingnan mo! Bababa ako ng Manila at pupunta ako kay Brian. Huwag mo akong punuin—” “Tingnan mo? Pakinggan mo ang sarili mo. Ganyan na ganyan ang pamangkin mo, Briel. Ganyan siya!” Naningkit pa ang mga mata ni Briel. Pikon na pikon na sa kanyang asawa na hinawakan pa ang tiyan sa pagtawa. Patuloy na nag-aasar ang mga tingin nito.“Mom, calm down. Pupuntahan mo pa si Kuya eh busy iyon kay Ate Ceska…”

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 26.4

    HINAYAAN SILA NG mag-asawang Bianchi na magpahinga ng ilang oras pagkarating ng mansion ngunit ipinagising din sa mga maid nang sumapit na ang hapunan upang makasabay nilang kumain. Sa pagkakataong iyon ay si Vaniel lang ang kasama doon ng mag-asawa. Nasa Manila na si Gia dahil doon ito nag-aaral ng kolehiyo. Iyon ang unang beses na kakain si Atticus na kasama si Gabe pagkaraan ng matindi nila naging away. Tahimik ang simula ng naging pagkain nila. Iyong tipong nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Kapansin-pansin na kakaunti lang din ang sinusubong pagkain ni Gabe na halatang parang ang lalim ng kanyang iniisip. Hindi iyon nakaligtas kay Giovanni na kanina pa gustong punahin ang apo. Ilang beses na rin siyang napatingin kay Briel at sumenyas na kausapin na nito ang pamangkin. Umiling naman si Briel, kumibot-kibot ang bibig na si Giovanni ang inuutusang gumawa ng bagay na iyon. Kalaunan, walang nagawa ang matandang dating Governor kung hindi ang sundin na ang asawa niya.

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 26.3

    MATAPOS NA SABIHIN ni Gabe iyon ay muli niyang tinalikuran si Atticus na animo ay halamang lanta na biglang nadiligan sa narinig. Puno ng buhay siyang sumunod kay Gabe matapos na isakay sa likod ng sasakyan ang kanyang dalang maleta. Masigla na ang kanyang mga mata na kanina ay tila pundidong ilaw na pinanawan ng liwanag. Mahal pa rin siya ng Tadhana.“Lolo Gov!” maligayang bati ni Atticus na halos labas na ang lahat ng ngipin sa kaligayahan niyang nadarama. Tumango lang si Giovanni na bahagyang hinila si Gabe palapit sa kanya upang bigyan ng pwesto si Atticus sa tabi niya. Pumiglas namang parang bata ang babae na humalukipkip pa para ipakita kay Atticus na ayaw niyang tatabi ito sa kanya.“Doon na siya sa unahan, Lolo Gov!” labas ang lahat ng gitli ni Gabe sa noo na tila sinusukat ang haba ng pasensya niya. Si Atticus na ang nag-adjust. Siya na ang kusang pumunta ng front seat ng makaalis na sila. Kung igigiit niya na sa likod sila, matatagalan sila at baka abutin pa ng kalaliman n

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 26.2

    PAGDATING NILA NG terminal ng bus sa Baguio ay nakaabang na ang sasakyan na magsusundo sa kanila doon. Nagawa na namang banggitin ni Atticus na nakapag-booked na siya ng hotel kay Gabe para sa kanila, hindi dahil sa nakalimutan niya na may mansion doon ang mga Bianchi na pwede nilang tuluyan habang nasa lugar. Gusto niya kasing maging independent sila at hindi sa mga ito tumira habang naroon sila ni Gabe. Iyong tipong feeling nila ay silang dalawa lang ang nasa lugar at walang ibang nakakakilala sa kanilang dalawa at ginagawa lang ang kanilang pakay na trabaho sa lugar. “Kina Lolo Gov ako titira habang narito tayo.” anunsyo ni Gabe na tinawag na ang driver upang magpatulong sa maleta.Buong akala ni Atticus ay malinaw na kay Gabe ang plano niya at sang-ayon ito sa kanya. Ni hindi rin kasi ito nag-react nang sabihin niya ang tungkol sa hotel kanina sa babae habang naka-stop over ang bus nilang sinakyan bandang Tarlac.“Magbigay ka na lang ng lugar kung saan tayo pwedeng magkita kada s

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status