Share

Chapter 29.2

last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-21 20:34:45

KALMADO PA RIN ang mukha ni Giovanni kahit na kulang na lang ay hambalusin na niya ang anak sa isipan niya. Pinapasakit nito ang kanyang ulo. Iyon nga lang ano ang magagawa niya? Mukhang sa kanya pa yata ito nagmana doon.

“Anong plano mo sa inyong relasyon? Siguro naman ay may plano ka tutal pinasok mo ang sitwasyong iyan, hindi ba?”

Umayos ng upo si Giovanni habang hinihintay ang magiging sagot ng anak.

“Yes Dad. Nakausap ko na po sina Tito Conrad at Tita Cora, actually kinausap na namin sila ni Ceska.”

“Anong sabi? Malamang magagalit iyon. Tiyak galit iyon sa akin dahil nilasing ko siya kagabi.” iling pa ni Giovanni dito.

“Payag na po sila sa relasyon namin ni Ceska, Daddy.”

Inaasahan man ay medyo nagulat pa rin doon si Giovanni. Sino ba namang hindi? Akala niya ay hahadlang pa sila dito dahil sa magulong nakaraan ng dalawang bata. Sabagay, wala naman silang magagawa kung ang mga ito ang nagpasya.

“Kapag nakausap ko na po si Mommy ng tungkol dito, pwede po tayong makipag-dinner
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (9)
goodnovel comment avatar
Erlinda Malabega
bida bida itong c piper,tinapat na sya ni brian pero parang naghahabol pa
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
patay ka Brian talagang haharang pa yata c piper sa relasyon no ceska pero c brayson Ang gusto ni piper
goodnovel comment avatar
Lany D Nuñez
oh Akala Kuna c Bryson Ang gzto mo piper. bkit nghahabol kpa KY Brian.? msisira nanamn diskarte Nyan ni Brian. bka mlaman nmn ni cheska mag aaway nanamn cla.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 79.3

    MULA NG GABING iyon, pinilit ni Gabe na libangin ang kanyang sarili. Tuwing malulungkot siya, iniisip na lang niya ang mag-aama na doble ang mararamdamang lungkot oras na siya naman ang mapahamak. Paunti-unti, nagawa ni Gabe na mag-adjust at tanggapin ang kapalaran ni Jake. Panay pa rin ang dalaw nila sa puntod nito na kada buwan din nangyayari. Isang taon din halos ang naging set up nila na ganun na kada malulungkot si Gabe ay binibisita nila kung nasaan si Jake.“Aalis na tayo agad?” puno ng pagtatakang tanong ni Atticus nang sindihan lang ni Gabe ang dala nilang kandila at tumayo na, bahagyang nag-inat pa ang katawan ng asawa na para bang pagod na pagod na agad sa kanyang pag-upong ginawa doon. “Pero hindi pa tayo nagtatagal dito, Gabe. Parang fifteen minutes pa lamang tayo mula ng makarating dito.”“Ayos na iyon, gusto ko ng umuwi.” Sinundo siya ni Atticus sa law firm dahil nag-aya si Gabe na magtungo nga sila ng puntod ni Jake. Hindi nila kasama ang kambal. Sa halip na magtanong

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 79.2

    GANUN PA MAN ang ginawa ni Atticus, hindi naibsan ang sakit na nararamdaman ni Gabe. Para sa kanya ay kapatid niya ang nawala dahil iyon naman ang turing niya sa lalaki. Feeling niya ay napilay siya ng isang paa. Hindi sa hindi niya alam kung paano magsisimula, ngunit nais niyang bigyan ang kanyang sarili na i-proseso ang mga bagay na iyon kahit na alam niyang mahirap. Unti-unting tanggapin ang katotohanan ng kanyang isipan na kahit na ubusin pa ang luha niya sa katawan ay hindi na maibabalik ang buhay ni Jake. Batid ng babae na matagal bago makabawi ang katawan niya doon pero dahil alam niyang nasa kanyang tabi ang asawang si Atticus, ang lahat ay makakaya niyang gawin. Masakit man ay tinanggap niya sa puso niya na hanggang doon lang ang binigay ng langit na buhay sa lalaki.“Sa ngayon ay makakapahinga na siya sa lahat ng hirap na pinagdadaanan niya. Kailangan mo na siyang bitawan. Paunti-unti. Jake life were beautiful. Alam kong wala siyang pinagsisisihan sa mga huling sandali niya.

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 79.1

    MULING IBINUKA NI Gabe ang bibig. Wala siyang matandaan na may kakilala silang kailangan nilang saglit na puntahan sa bansang iyon. Kumbaga wala iyon sa plano nilang mag-asawa simula noong umpisa, subalit bago pa niya magawa ay nagawang pigilan na siya ng nagmamadali doong si Atticus. Iyong tipong parang walang ibang makakapigil sa kanya.“Pwede bang mamaya na ako mag-explain, Gabe?” mahina ang tinig na hiling ni Atticus na pinalamlam pa ang kanyang mga mata upang humingi ng malalim na pang-unawa sa asawa. Pinagbigyan naman iyon ni Gabe dahil dama niya ang pakiusap ni Atticus. “Kailangan ko na munang mag-booked ng ating flight. Huwag kang mag-alala, sasabihin ko lahat.” Hinayaan siya ni Gabe kahit ang dami ng gumugulo sa isipan ng babae na mga katanungan. Sa paningin niya mas magulo ang isipan ng asawa dahil halatang tulala ito at parang hindi makausap nang maayos. Binitawan niya ang braso nito at pinanood niya ang bawat galaw ni Atticus na bagama’t kalmado, alam niyang may mabigat

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 78.4

    DALAWANG LINGGO ANG nakatakdang honeymoon nina Gabe at Atticus. Dapat ay isang buwan iyon ngunit sila na ang kusang nagbawas ng mga araw nang dahil sa mga trabaho nilang maiiwan. Sinubukan ng kanilang mga magulang na ipaiwan ang kambal na sina Hunter at Haya, subalit alinman sa dalawang pamilya nila ang hindi nagtagumpay na gawin iyon. Hindi pumayag ang mag-asawa lalo na at sakitin ang dalawang bata na hindi pa rin alam ng mga magulang nila.“Sige na iwan niyo na ang kambal, isang Linggo sila dito sa amin at isang Linggo naman sa mga Carreon.” si Gavin iyon na pilit kinukumbinsi ang mga anak na sina Gabe at Atticus na silang mag-asawa na lang ang umalis para sa honeymoon. “Dad, hindi nga pwede. Isasama namin ang kambal. Kung hindi namin sila kasama, ang maigi pa ay huwag na lang kaming umalis ng bansa ni Atticus.” giit pa rin ni Gabe na buo na ang desisyon bago pa maganap ang wedding ceremony.Napag-usapan na rin nilang mag-asawa ang kanilang mga gagawin sa kanilang honeymoon at hindi

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 78.3

    PARANG REPLAY NG isang maganda at puno ng aral na pelikulang tapos na nag-highlights sa kanyang isipan ang mga paboritong eksena na naganap sa pagitan nila ni Gabe noong mga batang paslit pa lang sila. Ang mga panahon na binu-bully niya ito hanggang sa magustuhan niya na ang pagkatao nito. Iyong mga panahong unti-unting sumisibol ang pagmamahal niya sa kanyang puso hanggang sa lumago. Kumbaga, parang naka-timelapse ang lahat ng iyon in slow motion nga lang. Bumagsak pa ang mga luha ni Atticus nang mapunta na iyon sa part ng challenge sa relasyon nila na hindi niya alam kung paano nila nagawang malampasan ang lahat ng iyon. “Fourth, masamang pangitain iyang ginagawa mo. Uso ngayon online na kapag umiiyak ka sa kasal ay nagloloko.” muling bulong-bulong ni Fifth sa gilid, paulit-ulit na pinagti-tripan ang kanyang kakambal. “Kalokohan. Hindi ‘yan totoo kaya huwag niyong paniwalaan iyan,” ang kanilang amang si Geoff iyon na nais pabulaanan ang pang-bu-bully ni August. “Umiyak din ako sa

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 78.2

    GABE ALWAYS CARED. Bigla siyang na-conscious at nagselos kahit hindi niya aminin. Ang isipin na iyon ang nagtulak sa kanyang katawan upang ipulupot na ang kanyang mga braso sa leeg ng asawa. Wala pa man kaganapan sa kanila ay dama niya na ang kakaibang reaksyon ng katawan lalo na ng pagkababae niyang biglang nag-init. Naglabas ng likido, alam niyang discharge dala ng init ng katawan.“Paano kung hindi pa ako bumalik ng bansa, Fourth? Ano ang gagawin mo? Hihintayin mo pa rin ba ako o gagawa ka ng paraan upang hanapin na kami?” Sa totoo lang ay hindi iyon sumagi sa isip ni Atticus. Alam niyang babalik at babalik ng bansa ang asawa kasama ang mga anak nila kahit hindi man niya alam kung kailan ang eksaktong taon o panahon. Ang plano niya sana, kung sakali man na sumapit ang edad nila na malapit ng maging kuwarenta at wala pa ang babae ay gagawa na siya ng paraan upang bumalik lang ito ng bansa. Hahanapin niya. Gagamit na siya ng dahas malaman lang kung saan nagtatago ang kanyang mag-iin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status