“Hindi mo ako mauuto, Gabriella. Oras na pumayag ako at iwan kita dito ngayon, malamang pagbalik ko dito ay lumayas ka na. Saan na naman kita hahanapin noon? Hindi mo alam na sa dami ng problema ko, nitong mga nakaraan na sinabayan mo pa talaga—”“Kaya nga sinasabihan kita na huwag ng makialam sa problema ko di ba? Kayo lang naman ng asawa mo ang mahilig pakialaman ang buhay ko. Tahimik na ako dito eh. Huwag niyo ng guluhin. Ayos lang ako. Hindi mo ba maintindihan na ayos lang ako?!”Bago pa makasagot si Gavin ay narinig na nila ang malakas na iyak ni Brian. Sabay silang napatinging dalawa sa kwarto na para bang nakalimutan nilang may bata silang kasama at tulog dahil sa lakas at wagas na mga sigawan nilang magkapatid. Walang pagpipilian ay mabilis ng lumapit si Briel sa kama na nasa loob ng maliit na silid na kurtina lang ang sara ng pinto. Walang sariling dahon ng pintuan iyon na lalong ikinalaki ng mga mata ni Gavin. Sinundan siya doon ni Gavin. Natagpuan na lang nito na tinatapik
HINUBAD NA NI Gavin ang kanyang suot na coat at wala ng ano pa mang tanong na lumabas sa kanyang bibig. Tahimik na muli siyang pumasok sa loob ng apartment na ikinadilat na ng mga mata ni Briel. Ilang segundo ang lumipas bago matauhan ang babae at napatanong kung ano ang gagawin sa loob ng kanyang kapatid. Base sa action nito at reaction, nataranta na si Briel doon. Hinabol niya ito at tama nga ang hinala niyang ang anak niya ang pakay ng kapatid. Nadatnan niya kasing nakabalot na si Brian sa coat nitong hinubad at yakap na rin niya ito sa kanyang bisig. Gustong magsisigaw ni Briel pero kapag ginawa niya iyon, magigising niya ang bata.. “Anong ginagawa mo, Kuya Gav!” sigaw niya pero pigil na pigil ang kanyang boses at sa tingin niya lang pinapakita na galit siya para hindi magulat ang anak. “Ibalik mo siya sa kama, baka magising siya!”Hindi pa si Briel nakuntento doon nang makitang parang walang narinig ang kapatid niya. Hinawakan niya ito sa braso upang magmakaawa lang dito na ibab
HUMAPDI NA NAMAN ang mga mata ni Briel sa sinabing iyon ng kapatid. Oo na, mali na talaga ang desisyon niya at ang kapatid niya ang nagpa-realize noon. Ilang saglit na tumigil si Gavin sa may pintuan ng kotse upang lingunin lang ang tahimik at nahihikbi na namang si Briel. Tinitingnan niya ang magiging reaction sa kanyang sinabi ng kapatid.“Pamilya palagi ang unang tutulong sa’yo, Briel. Hindi man iyon ma-apply sa ibang pamilya pero sa pamilya natin, ganun tayo. Di ba? Hindi mo nga kami iniwan ni Thanie noong nalulugmok kami, tapos sa ganito mong problema tatalikuran ka namin? Ano ba ang Kuya mo? Nakalimutan mo rin?”Hindi pa rin nagsalita si Briel dahil baka kapag binuka niya ang bibig niya, sumabay na naman ang kanyang mga luha pababa. Bagay na ayaw niyang mangyari. Bago tuluyang makasakay ng sasakyan ay nagising si Brian at agad na dumapo ang mga mata nito sa mukha ni Gavin. Nanlaki ang mga mata ng bata na bahagyang natakot sa bagong mukha ng may karga sa kanya. Ganunpaman ay hind
TINUNGO NI BRIEL Briel ang marangyang sofa na nasa sala ng villa. Pagod ang katawang naupo na siya doon. Iginala niya pa ang paningin sa kabuohan ng kanilang tanggapan na naghuhumiyaw ng karangyaan. May mga painting sa wall noon. Family portrait ng kanilang pamilya. Pakiramdam ni Briel, hindi na sanay ang kanyang mga mata sa ganun kagandang mga bagay. Sa loob lang ng dalawang taon, nasanay na siyang maging kabilang ng low class. Mahina siyang natawa para sa kanyang sarili. Naisip na ngayong nakabalik na siya, makakaya niya pa kayang mabalik ang dating siya kahit nariyan na si Brian? Hindi niya sigurado. Parang ang hirap na ibalik ng dating siya. Paniguradong suportado naman siya ng kanyang kapatid at mga magulang, pero para sa kanya si Brian pa rin ang top priority niya in case na mag-resume sila sa kinagisnan niyang buhay noon. Pakiramdam niya pwede pa naman iyon, kaso nga lang ay parang mahirap na. “Ang weird na ng mindset ko na dati make up, physical appearance, nail arts, weekly d
TAHIMIK NA NAUPO si Briel sa may counter at pinanood ang kanyang hipag sa ginagawa. Panaka-naka ang sulyap niya sa seryoso nitong ginagawa. Sa anggulo habang nakatitig kay Bethany, napagtanto pa niya kung gaano ito kahawig ng Governor. Sabagay nga naman, ang ina nito ay kapatid ng binata kaya malamang ay malaki ang chance na may pagkakataong magiging magkamukha talaga sila. Napaiwas na sa ginagawa niyang paninitig si Briel nang lumingon si Bethany upang alukin na siya ng inihanda niyang pagkain para sa kanyang hipag.“Halika na dito, Briel, kumain ka na.”Sinamahan si Briel ni Bethany na kumain. Pinanood nito ang kanyang bawat subo na sa totoo lang ay noon niya lang yata muling natikman ang ganun kakasarap na pagkain magmula noong mag-desisyon siyang magtago. Wala naman siyang alam paano magluto. Sa pagsasaing nga ay pahirapan pa sa rice cooker na kanyang binili dahil ilang beses iyong nalugaw at hindi niya matantiya kung gaano karami ng tubig. Nanood naman siya online kung paano gaga
MARIING NAPAPIKIT NA si Briel na agad sinaway ang sarili sa pagbabalik-tanaw niya sa kanilang nakaraan. Malamang ay iiyak na naman siya pagkatapos noon. Hahanapin kung ano ang kulang sa kanya at bakit umabot sila sa ganung sitwasyon. Dama niya na sobrang mahal na mahal siya nito. Sobrang alaga nito. Baby na baby siya. Hindi niya kailangang manlimos ng oras at atensyon dahil walang bayad na ibinibigay iyon ng Governor kung kaya naman mas lalo siyang nahulog. Lalo niya itong minahal. Kung mag-ra-rate nga siya, kumpara kay Albert sobrang mahal niya si Giovanni. Bukod sa nakukuha niya ang kanyang gusto, parang lahat ay posible kapag kasama niya ito. “Tama na, Briel…ikaw na naman ang masasaktan sa ginagawa mo. Kung almost perfect na ang relasyon niyo, bakit nangyari ito? Bakit humantong kayo sa ganito? Kung sinabi ko ba ang tungkol kay Brian, babalik kami sa dati?”Huminga na siya nang malalim. Ipinatong na ang isang braso sa kanyang noo. Dama niya ang pag-init ng mga mata. “Wala namang
NAMILOG NA ANG mga mata ni Bethany nang bumaling kay Briel. Hindi niya namalayan na nakababa na ang hipag. Naburo pa ang mga mata ni Briel sa hipag nang makita niyang namumutla na tila ba may masamang nangyari sa kanyang kapatid na asawa nito. Tinambol pa ang kanyang puso. May bumubulong sa tainga niya na may hindi ito magandang gagawin pero pilit niyang inalis iyon sa kanyang isipan. Hindi naman siguro marahil gagawin ito ng kapatid niya. Hindi ito magpapadalus-dalos ng kanyang desisyon. Nakuha na naman nito ang gusto niya sa kanya eh; iyon ay ang sumama silang mag-ina sa kanya. Ano pa ang ibang gagawin nito? Isa pa ay busy ito sa negosyo niya. “Nasaan si Kuya Gav? Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang aga-aga pa.” kalmado niyang litanya kahit pa alam niyang may mali at ang ugat na naman noon ay ang kanyang problema. “Ganito ba kayo gumising dito? Napakaaga naman.” “Umalis siya. Hindi ko alam kung saan pupunta.” tugon nito na hawak na ang cellphone, hindi na makatingin nang diretso kay
PINILI NI BRIEL na huwag na lang patulan ang mga sinabi ni Bethany kahit na hindi siya nakailag at nasapul nitong lahat. Hindi iyon ang tamang oras para makipagbangayan siya sa hipag at ipaintindi dito ang emosyon na nararamdaman niya rin bilang ina. Kailangan nilang mabigyan ng solusyon ang gagawin ng kapatid niyang tiyak na malaking gulo. Hindi pwedeng gumawa ito ng eskandalo na ikakapahamak nilang lahat. Kung hindi nila mapipigilan ang marahas na galaw ng kapatid, at least bigyan nila ng warning ang Governor nang sa ganun ay ito na ang kusang mag-adjust. Napakamot na si Briel sa kanyang ulo. Kung makaasta talaga ang kapatid niya akala mo ay sundalo na palaging pasugod sa giyera. Ni hindi siya nito man lang kinausap kung ano ba ang magiging desisyon niya, bigla na lang itong manunugod sa Baguio. Hiniram na lang niya ang cellphone ng hipag na noong una ay ayaw pang ibigay sa kanya. Basang-basa niya sa mga mata nitong ayaw sa kanyang ipahiram at naiintindihan naman niya iyon. May cel
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay
MULING HINALIKAN SIYA ni Giovanni ngunit sa pagkakataong iyon ay namasyal na sa loob ng bibig ni Briel ang dila nitong mapaghanap at kung saan-saan pumupunta na para bang mayroon doong kung anong bagay na hinahanap. Sa inis ni Briel ay inihawak na niya ang dalawa niyang kamay sa garter ng suot nitong pajama na pangbahay. Walang kahirap-hirap na nagawa na niyang ipasok ang isang kamay sa loob noon habang patuloy ang kanilang mas lumalim na halikan. Hindi pa nakuntento doon ang babae na ipinasok na sa loob ng boxer ang kanyang isang palad. Segundo lang at nagawa na niyang mahawakan ang pagkalalaki ni Giovanni na mabilis ng nag-react sa init ng palad ni Gabriella.“Briel!” bulalas ni Giovanni na mabilis ng ini-angat ang katawan na para bang sinisilaban na ang buo niyang pagkatao at napaso sa hawak pa lang ni Briel sa kanyang pagkalalaki, windang na windang ang mukha niya sa ginawa ni Briel.Napangisi na doon si Briel na hinagod na ng tingin si Giovanni na para bang nang-aasar. Napaupo na
NANLALAKI ANG MGA matang pinalo ni Briel ang palad ni Giovanni nang maramdaman niyang yumakap ito mula sa kanyang likuran habang nagpapalit siya ng damit. Nakapalit na siya ng pants ngunit hindi pa ng pang-itaas na suot. “Tigil nga, baka mamaya biglang umakyat dito ang Mama mo at kasama si Brian!” asik pa niya habang nandidilat na humarap na kay Giovanni na pinapapungayan na siya ng mga mata, “Mamaya na lang, hindi ka ba napapagod, hmm? Bugbog pa tayo sa biyahe. Uso ang magpahinga muna.” taas pa ng isang kilay dito ni Briel na halatang nate-tempt din. Makahulugang ngumisi si Giovanni nang maalala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi. Ito kaya ang gutom na gutom na kulang na lang ay lamunin siya nang buo kung makakaya lang nitong gawin ang bagay na iyon.“Ano bang inaarte mo? Kagabi nga ayaw mo akong tigilan, tapos ngayong nakabawi na ako ng lakas ang dami mong dahilan. Ready na ako ngayon, Baby, kahit ilan pa. Kung gusto mo bukas na tayong umaga lumabas ng silid na ito eh!” nagta