BATID NG ASAWA ni Rina na imposibleng hindi ito makilala ng abugado, ngunit para hindi ito mapahiya ay pinili na lang niyang sakyan. Wala namang mawawala. Isa pa, nabanggit na ng asawa niya ang pakay ni Bethany sa abugado.
“Attorney Gavin Dankworth, ito nga po pala si Bethany Guzman. Kaibigan nitong asawa ko noong nag-aaral pa lang sila sa kolehiyo. Isa siyang talentadong music teacher. Tumutugtog din siya ng iba’t-ibang uri ng mga instrument.”
Maliit na ngumiti si Gavin.
“Ah, isa pala siyang guro.” usal nitong sinipat ng tingin mula ulo hanggang paa si Bethany.
Hinarap na ni Gavin ang dalaga upang ilahad ang kanyang kamay. Nagdulot iyon ng mahinang komosyon mula sa mga kapwa golfer's nasa paligid nila. Hindi lingid sa mga ito ang tunay na katauhan ni Attorney Gavin Dankworth. Hindi rin maikaila sa kanilang mga mata ang inggit dahil batid nilang ang abugado pala ang ipinunta ng maganda doong maestra ng musika.
“Ang swerte naman ni Attorney, mukhang siya ang dahilan ng pagpunta dito noong magandang babae.” komento ng isa sa mga ‘yun.
Nahihiyang inilibot ni Bethany ang mga mata. Hindi siya sanay sa mga ganung pangyayari kahit pa sabihing isa siyang guro. Pakiramdam niya ay nasa kanya ang lahat ng atensyon. Tinanggap niya ang nakalahad na kamay ni Gavin. Napalunok siya ng maramdaman ang lambot noon.
“Pwede ba kitang tawaging Teacher—”
“Teacher Thanie, iyon na lang ang itawag mo sa akin Attorney.” pagputol dito ni Bethany na napaiwas na ng tingin sa lalake.
Matapos na marahang pisilin ni Gavin ang kamay niya ay umiwas na siya dito ng paningin. Binitawan naman na iyon ng lalake. Matutunaw siya oras na hindi niya gawin iyon.
“Okay, Teacher Thanie, maaari mo ba akong samahang maglaro?”
Pagkasabi nito ay tumalikod na si Gavin papunta ng playground, na parang hindi niya bibigyan ng pagkakataong makatanggi si Bethany kaya niya ginawa niya iyon.
Walang pagpipiliang iba, mabagal na sumunod na dito si Bethany matapos na lingunin ang kaibigan niyang si Rina na tumango sa kanya.
Sa bandang likod nila ay naroon si Albert, hawak ang golf club at may mapanuri ng mga mata sa kanila.
Maganda ang mood ni Gavin ng mga sandaling iyon, ni hindi nga ito nagalit ng sabihin ni Bethany na hindi siya marunong maglaro nito.
“Walang problema. Tuturuan kita.”
Nang sabihin iyon ni Gavin ay mas nagulat pa ang mga nakarinig nito. Bilang lalake ay alam nila kung ano ang ibig sabihin ng attorney na ‘to.
Hindi mapurol ang isip ni Bethany, alam nito kung sino siya. At ang pagpapakita nito ng pagiging close nito sa kanya ay patunay lang na hindi sila close ni Albert.
Sumunod na si Bethany sa gusto ni Gavin, tumayo siya sa harapan nito. Naisip niya na isang paraan iyon upang makuha niya ang loob nito. Umayos na ito ng tayo sa likod niya na para siyang niyayakap. Tila may dumaloy na kuryente sa kanyang balat mula sa lalake nang magdikit iyon. Namula na doon si Bethany. Hindi na mapakali. Namasa na rin ang palad niya sa sobrang kaba dito.
“Teacher Thanie, bigyan mo naman ito ng pansin!” mahinang bulong ni Gavin sa tainga ni Bethany, mainit ang hinga nitong dumapo doon na nagbigay ng kakaibang kiliti. Kung sa malayo rin sila titingnan ay mapagkakamalang magkarelasyon.
Hinawakan na ni Gavin ang kamay ni Bethany upang gabayan na iyon. Ilang sandali pa, tumira ang lalake. Malakas na nagpalakpakan ang mga kapwa manlalaro na nanonood.
“Whoaaa! Ang galing!”
Namula pa ang mukha ni Bethany lalo na ng lumakas pa ang hiyawan lalo na nang bahagyang humilig ang katawan ni Gavin palapit kay Bethany upang mahinang bumulong.
“Gusto mo bang subukan ulit?”
Pumayag doon si Bethany at sa muli nitong tira ay agad na pumasok ang golf ball sa butas. Muli na namang nagsigawan ang mga manonood.
Nanginig na ang katawan ni Bethany, ang tanging goal niya ay ang akitin ito pero nagawang manipulahin iyon ni Gavin. Sa halip na ito ang maakita niya, siya ang mas humanga sa galing nito. Hindi lang ito basta matalino, at gwapo. Pagdating sa golf ay talentado rin ang magandang lalakeng abugado. Kung sakali na may gustuhin ang lalake na isang babae, paniguradong 95% noon ay mahuhulog sa kanya. Walang kahirap-hirap na itatapon ang sarili nila mapansin lang ng lalake. Ganun ang karisma ni Gavin. Pero syempre, mataas ang standard nito na mahirap abutin ninuman. Ilang goals pa ang na-score ni Bethany bago nagpasyang tumigil.
Habang intermission, pinili na umupo ni Bethany sa tabi ni Gavin. Hindi siya nito kinakausap, sa halip ang pinapansin nito ay ang ibang mga katabi na kinakausap about sa business o kundi man ay sa mga legal matters na propesyon nito. Sinikap ni Bethany na kunin ang atensyon nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng drinks at towels, umaasa na pagbibigyan sa hiling.
Nang makita iyon ni Rina ay lihim siyang napangiti, mukhang may pag-asa pang makuha ng kaibigan niya ang atensyon niya. Nang magkaroon siya ng pagkakataon ay hinila na niya ang kaibigan sa banyo.
“Hindi ko alam na may ganun pa lang side si Attorney Dankworth, Thanie. Ilang beses ko siyang nakita sa mga party at sobrang seryoso niya. Kaya babalaan kita, ingat ka.”
Natatakot si Rina na baka madarang ang kaibigan sa apoy at hindi maiwasang mahulog sa abugado. Masyadong mataas ang status sa lipunan ng lalake, mukhang hindi ito magiging seryoso sa kaibigan niya. Isa pa, nariyan si Albert ang magiging hadlang sa pagitan nila.
“Nagkukunwari lang ako, alam mo naman kung bakit ko ‘yun ginagawa. Hindi ako ganun katanga para itapon ang sarili ko sa kanya, Rina…”
Nakahinga na ng maluwag si Rina. Palabas na sana ang dalawa ng banyo ng biglang itulak ni Albert ang pinto noon at saka pumasok. Marahas niyang itinulak ang katawan ni Bethany pasandal sa wall ng bathroom habang galit ang mukha. Sa kabila ng pagkagulat ni Rina ay nagawa niyang hilahin ito.
“Albert, ano bang ginagawa mo?!”
Marahas na tinulak ni Albert si Rina gamit ang isang palad niya hanggang sa makalabas ng pinto. Pagkatapos noon ay sinara niya na ang pintuan at inilagay na ang lock.
“Walanghiya ka, Albert! Buksan mo ang pintuan! Bakla ka ba? Bakit nananakit ka ng babae?!” si Rina, na paulit-ulit na hinampas ang pinto.
SA BANDANG HULI, wala na namang nagawa si Ceska kung hindi ang sumang-ayon na lang sa gusto ng kaharap na babae. Nagsimula na silang i-flipped ang bawat pahina ng menu. Sanay naman si Ceska na kumain sa mamahaling restaurant at hindi siya ignorante kung kaya naman naging smooth ang kanilang pag-order. Main course. Side dishes. Drinks. Dessert. Iyon lang ang kanilang in-order na okay na rin naman kay Gabe. Sa tingin niya iyon lang ang capacity ng kanyang tiyan.“Kapag hindi ka busy sa trabaho mo anong ginagawa mo?” interview ni Gabe habang nakalapat ang bibig sa straw ng kanyang iniinom na drinks at ang mga mata ay nakatuon kay Ceska na bahagya pang naiilang sa atensyon na nakukuha.“Hmm, bahay lang. Hindi ako mahilig lumabas. Pakiramdam ko hindi ako makahinga kapag maraming tao.” Tumango-tango si Gabe. Iginala na ang mga mata sa paligid. Medyo maraming customer sa restaurant na iyon ngayon. “Kumusta ang pakiramdam mo ngayon? Tingin mo nahihirapan ka pa rin huminga?” Umiling si Cesk
SINASABI NA NGA ba niya. Malamang nagtalo sila ng fiancee niya o mas malala pa doon ang nangyari sa kanya.“Sige po, Mr. Bianchi. Sandali lang…” taranta na niyang galaw upang sundin ang iniuutos nito sa kanya.Sa linya ng kanyang trabaho, alam na alam na niya kung kailan wala ito sa mood at kung kailan siya dapat magsalita. Kapag marami itong iniisip, ganito ang ginagawa niya. Sinusubsob niya ang kanyang sarili sa trabaho na parang wala ng bukas. Nagkukumahog siyang dinala na ang pile ng documents na hinihingi ni Brian. Magkasalubong na ang kilay nito. Mariing nakatikom pa rin ang bibig na parang ni minsan sa kanyang buhay ay ayaw niyang ngumiti kahit na sandali lang.“Tawagin niyo lang po ako kung may kailangan kayo sa akin.” ana pa ng babaeng lumabas na ng opisina. Nakahinga nang maluwag at nag-improved ang mood ni Brian nang makatanggap ng tawag mula sa kanyang pinsan. “Pumayag na siya na mag-dinner kami, ayaw mo bang maki-join sa amin? We can disguise it as a coincidence, Brian
SIGURADO ANG LALAKI na mahal niya si Ceska, ngunit walang magawa ang pagmamahal niyang iyon. Kahit naman marahil wala si Piper sa kanilang pagitan ay imposible pa rin naman silang magkasama dahil sa kanilang madilim na nakaraan. Iyon ang mas nagpasakit pa ng damdamin ni Brian. Gaya ng pangako ni Gabe, pagkababa ng tawag ni Brian ay tinawagan niya naman ang number ni Franceska na galing mismo sa kanyang pinsan. Ilang minutong tinitigan lang ni Ceska ang numerong iyon na hindi naka-saved sa kanyang contacts. Tulala at walang lakas pa rin siyang nakaupo sa sofa at pinagninilayan ang mga pangyayari kanina. Hindi pa rin makapaniwala na magagawa iyon ni Brian sa wedding dress. Batid nito ang kanyang pagmamahal sa lahat ng kanyang ginagawa kung kaya nahihirapan siyang lunukin ang nangyari. Tunawin ang katotohanan na kayang gawin iyon ng lalaking minsan niyang labis na minahal dahil kilala rin siya nito.“Sino ba ‘tong tawag nang tawag na ‘to? Ang kulit naman!” hindi na napigilan ni Ceska na
PINALIS NA NI Piper ang kanyang mga luha. Hindi pwedeng malusaw ang kanyang make up at makunan siya ng larawan sa ganung hitsura. Kailangan niyang kalamayin ang kanyang sarili. Kailangan niyang patigilin ang mga luha. Hindi deserved ng Gabriano Bianchi na iyon ang iyakan. Hindi niya naman ito mahal, bakit nagpapaapekto ba siya dito?“No, Daddy, I can handle na. Kailangan ko lang pong kumalma.” “Are you sure?” “Yes, Dad.” “Alright, just calm down first bago ka mag-drive ha?” Marahang tumango ang ulo ni Piper kahit di nakikita ang kanyang ama. Nasa isip na tawagan si Bryson at magpasundo doon. Sana lang ay hindi ito busy. Ganun pa man ang nangyari, nakatakda siyang ikasal sa pinsan nito ay hindi pa rin nila mapigilang magkita kahit na pinipilit nila ang kanilang sarili. Si Bryson lang kasi ang nakakaintindi sa kanya. “Thanks, Dad.” “Hayaan mo at tatawagan ko ang ama ni Gabriano. Baka kailangan niyo lang mag-usap ng maayos.”Tinawagan naman ni Patrick si Giovanni upang sabihin lang
IKINURAP NA NG dalaga ang mga mata, kahit anong pilit niyang unawain ito. Hirap na hirap ang utak niya. Ang puso niya. Gawa pa rin ng kanyang mga kamay ang design na iyon na kailanman ay hinding-hindi rin matutumbasan ng halaga.“He never changed. Akala niya mababayaran pa rin ng salapi ang lahat.” malungkot ng usal doon ni Ceska na mas lumungkot pa ang mukha at hindi lang ang kanyang boses, nanamlay na rin ang kanyang katawan dahil sa nangyari.Dumating ang assistant dala ang baso ng tubig. Muli iyong kinuha ni Ceska at ininom. Bakas sa mukha ang panghihinayang na nilingon na niya ang basurahan. Naroon pa rin ang damit. Ni hindi iyon natakpan nang maayos.“Kunin ko po ba Miss Natividad? We can fixed—”“No, it’s okay. Hayaan mo na lang siya sa basurahan but make sure, singilin mo sila ng triple hanggang times five sa tunay na halaga ng gown. Iniyayabang nila sa atin na mayaman sila, pagbayarin natin sila ng mas malaking halaga.” Tumango lang ang assistant sa tinuran ni Ceska. Puno n
NAPAHAWAK NA SA kanyang dibdib si Ceska matapos tanggapin ang tubig na ibinigay ng kanyang assistant na punong-puno na ng pag-aalala sa kanyang reaction. Nagpapanting na ang kanyang tainga sa huling tinuran ni Piper ngunit inuna niya munang uminom at baka iyon pa ang maging dahilan upang matigok siya. Kapag nangyari iyon, hindi na niya magagawa pang bawian ang babaeng kaharap na akala mo ay tanging siya lang ang anak ng Diyos doon.Anong pinagsasabi ng babaeng ‘to sa kanya? Lantarang inaakusahan siya sa mismong harapan ni Brian? Eh, kung sabihin niya kayang oo? Baka lumupasay siya sa sobrang pagkapikon!“Excuse me, Miss Hidalgo, bigla akong nasamid.” taas ni Ceska ng isa niyang kamay upang humingi ng paumanhin. Hindi naman niya iyon sinadya kung bakit siya nasamid. Nahagip pa ng mga mata niya ang pag-angat ng gilid ng labi ni Brian na parang tuwang-tuwa na nasamid siya o baka mali lang ang kanyang nakita. Nainis pa siyang lalo dito. “I just want to clear things out, first para mag