HINDI NA NAMALAYAN pa ni Fourth kung paano nagawang makalapit sa kanya ng babae. Natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na hinahalikan na nito ang kanyang labi. Nakayakap na ang dalawang braso sa kanyang leeg. Dala ng labis na pangungulila, hinapit na ni Fourth sa beywang si Gabe. Ito na ang lumalapit sa kanya, palalampasin niya pa ba iyon?“G-Gabe…”“Ayaw mo? Hindi mo ako na-miss?”Puno ng kasakiman na ginantihan niya ang halik nito na kulang na lang ay kagatin niya. Gabe’s uncontrollable breathing echoed through the living room of the penthouse, making anyone blush and their heart skip a beat. Puno ng pagmamahal na humagod ang mga daliri ng babae sa isang kamay sa kulot na buhok ni Fourth na animo ay marahan niya iyong sinusuklay. Patuloy na hinalikan ang labi ni Atticus na para bang baliw na baliw siya sa kanya. Ilang beses silang muntik matumba ngunit hindi hinayaan ni Fourth na mangyari iyon. Sinigurado niyang hindi niya mabibitawan ang katawan ni Gabe. Lumalim pa ang kanilang
LUMIPAS PA ANG isang Linggo na naging abala na nga si Fourth sa kanilang kumpanya. Panay ang patudyo ni Fifth sa kanya na hindi na tumigil ang bunganga kada magkikita sila o magagawi ito sa loob ng kanyang opisina, nais niya tuloy pagsisihan na pumayag siyang magkaroon ng sariling opisina. kapag hindi kasi busy ang kapatid ay lagi itong naroroon. Ilang beses na silang pinuntahan ng panganay nilang si Dos na siyang namumuno naman sa Carreon Holdings na main business ng kanilang amang si Geoff. Hindi naman din iyon naging sagabal sa kambal. Minsan sabay-sabay silang kumakain ng lunch, ngunit madalas ay sa dinner sila nagkakatipon-tipon. Minsan pa ay kasama nito ang babae nilang kapatid na si Addison. Naging smooth naman ang pagsisimula doon ng trabaho ni Fourth. Madalas nababanggit ni Fifth ang tungkol kay Gabe na para bang nais i-involved si Addison at Dos upang kumbinsihin ang kapatid na tigilan na ang kahibangan, ngunit hindi naman naging interesado doon ang dalawa dahil katwiran nil
MABILIS NA BINITAWAN siya ni Fourth at nilayuan nang akmang sisipain ni Gabe ang parte ng katawan na nasa pagitan ng kanyang mga hita. Matapos na mag-smirk ay pamartsa siyang nilayasan ni Gabe na halatang wala na namang pakialam. Puno ng galit ang mga mata nito na kung sakaling mapapalapit siya ulit sa kanya ay paniguradong masasaktan siya. Napakurap ng mga mata si Fourth nang biglang lumingon si Gabe sa kanya gamit ang matalim nitong mga mata. Animo papatay ang kanyang mga titig. Punong-puno iyon ng pagbabanta at pagkadismaya na nagpakabog sa dibdib niya.“Isa pa Atticus, isang halik mo pa sa akin nang hindi nagpapaalam at may kalalagyan ka na talaga!” Pagkasabi noon ay tuluyan na siyang iniwan ng babae. Akmang susundan pa sana niya ito ngunit nakita niyang lumabas na ang mag-asawang Dankworth sa kusina. Nagtataka ang mga tingin. Hinahanap kasi nila ang panganay na anak kung saan na napunta dahil may sasabihin. Sabay-sabay silang napatingin sa main door nang marinig ang tunog ng sas
LANTARANG INIIKOT NOON ni Gabe ang kanyang mga mata. Hindi na makapaniwala sa pinagsasabi ni Fourth. Hindi na nahiya sa kanyang ama na naroon? Sadyang sinadya pa nitong ipaarinig iyon sa matanda? Sinusubok na naman siya nito.“Kung gusto mo na ng anak, bakit hindi ka pa mag-asawa? Huwag ako ang guluhin mo. My time is precious, Atticus.” “Kung ayaw mo ng anak, pwede din naman na huwag na tayong mag-anak. Ayos lang sa akin. Hindi kita pipilitin.” Tumayo na si Gavin, hindi na kinakaya ang paladesisyong usapan ng dalawa. Hindi siya makakapayag sa bagay na iyon.“Tumigil kayong dalawa! Anong ayaw niyo ng anak? Hindi pwede. Kailangan niyo kaming bigyan ng apo!”“Dad?!” “Sayang ang lahi. Ayaw niyo man lang ikalat iyan? Hindi maaari ang gusto niyo. Kailangang may apo kami sa inyo!” Napahawak na si Gavin sa kanyang batok. No matter how shameless he had been back then, he never said these words in front of Bethany’s parents. Akmang bibigyan na naman niya ng lecture ang dalawa nang tumayo na
NASA MAY HAGDAN na si Fourth at paakyat na sa ikalawang palapag ng villa.“Saka na lang po, Tito. Pasensya na po kayo, gusto ko na po talagang mahiga at matulog.”Ilang beses na niyang narinig ang love story ni Gavin at ng kanyang asawa. Di naman boring, hindi lang siya interested. “Atticus!” Tuloy-tuloy pa rin ang hakbang niya paakyat ng hagdan at walang nagawa si Gavin kung hindi panoorin lang siya. Mahina na lang siyang natawa. Mukhang nasasawa na siya sa pakikinig ng mga pangaral niya. Natawa pa noon si Gavin.“Bigyan niyo na rin ako ng apo ni Gavina. Kapag nagawa mo iyon, hindi ka na noon hihiwalayan. Maniwala ka sa akin. Narinig mo ako, Atticus? Bigyan mo siya ng anak. Bigyan niyo na kami ng apo ni Gabe.” puno ng pagkunsinting sambit pa ni Gavin dahil matanda na rin naman ang kanyang anak. “Huwag kayong padadaig kay Gabriano. Huwag kayong magpapauna sa kanya. He got things done so quietly and even resolved their family conflict. Ang talino niyang bata.” pagkukumpara pa nito sa
NABUHAYAN NG MATA at agad na napatayo si Jake nang makita niya ang pagpasok sa pintuan ng police station ni Gabe. Ito ang kanyang tinawagan dahil wala naman siyang ibang malalapitan para tubusin siya doon. Mabuti na lang at gising na ang abogada at hindi siya nito kayang tiisin maburo. Parang batang sinalubong niya ang babae, agad ditong yumakap. Iyong tipong batang nagsusumbong. Humagod na agad ang isang palad ni Gabe sa likod ni Jake na mula sa kanyang ulo.“Gusto lang naman kitang tingnan sa penthouse mo kagabi.” sumbong nito nang kumalas ng yakap si Gabe sa kanya, may effect pa ng paghikbi upang maging epekto ang pag-arte niya. “Hindi ko alam na ito ang sasapitin ko. Ang sakit nila…”Sinuri ni Gabe ang mga pasa at sugat nito sa kanyang mukha. Napailing siya nang bahagya. Parehas lang ito ng natamo ni Fourth. Hindi niya maintindihan kung bakit sa mukha ang naging puntirya ng dalawang lalaki sa halip na sa katawan. Pwede namang sa katawan, nagtataka siya kung bakit parehong gigil an