MasukGABE FELT GUILTY. Mahina na siyang naubo. Aminado naman siyang hindi nila naisip ang mararamdaman ng kanilang mga magulang. Sinulyapan niya si Atticus. Kung tutuusin ay ang asawa ang may kasalanan kung bakit nangyari nang biglaan ang kanilang kasal, ngunit syempre ay hindi niya isusumbong ito dahil pihadong mas lalalalim ang galit ng kanilang magulang. Hahayaan na lang niya na sa kanilang dalawa sumama ang loob nila. Ika nga, tutal mag-asawa na sila dapat ay magkaramay sila sa lahat ng bagay. Iyon ang kanilang sinumpaan. Sa hirap at ginhawa ay magsasama sila nito.“Dad, huwag ka ngang OA diyan. Ginawa lang naming legal ang aming pagsasama pero wala pa naman kaming proper na wedding ceremony.” nais niyang ipabatid sa ama na matutupad pa rin kung ano ang na-imagine nila noon. “Haya and Hunter are already so grown up, having a wedding now would be too unattractive. Huwag niyo ng palakihin pa ang isyu.” Gavin knew her well enough. Inaasahan na niya ang gagawin nitong pagsagot sa kanya. A
NOONG SUMAPIT ANG araw ng Sabado, sinimulang tawagan ni Gavin ang mga anak upang pumunta ng villa nila sa Batangas. Maging ang anak na panganay ng kapatid niyang si Briel ay kanyang idinamay. Aniya, mas marami ay mas masaya. Muli pang naging maingay ang villa nila ng asawang buong linggo ay napakatahimik dahil halos sila lang ang naroon. Excited na ang kambal na mga anak nina Gabe at Atticus na pumunta sa bahay ng kanilang grandparents sa ina. “Totoo Mommy, naroon si Franco na anak ni Tito Gabriano?” “Hmm, iyon ang sabi ng iyong Lola.” “Hunter, narinig mo? Naroon si Franco.” baling pa ni Haya sa katabing kapatid na panay ang hikab at halatang antok. Ilang beses na nilang nakalaro ang anak na iyon ni Gabriano na unang kita pa lang ay nagustuhan na ng dalawang bata. Minsan ay dumadalaw din sila sa villa nina Gabriano at Ceska at hinahayaan na maglaro ang mga anak. Franco usually had a serious little face, but he would become a spoiled brat in his mother's arms. Medyo may pagka-supl
NANGHIHINANG NAPAUPO NA ng kama si Gabe. Yumuko siya at pinatay na ang malakas na sindi ng ilaw at hininaan ito. Nilapitan naman siya ni Atticus. Marahang hinaplos na ang kanyang ulo na para bang sinasabi na handa siyang makinig. “Doon tayo sa labas.” aya ni Gabe kay Atticus sa labas upang doon sila mag-usap. Nagpatiuna na itong humakbang na sinundan lang naman ni Atticus. Nanatiling tahimik si Gabe nang makarating sila ng sala, hawak niya pa rin ang baso ng tubig na pinag-inuman ng mga anak. Nilapitan siya ni Atticus at kinuha na ang baso. “Take your time, hindi mo kailangang madaliin ang mga bagay na nahihirapan kang sabihin sa akin.”Naupo si Gabe sa sofa na tinabihan ni Atticus pagkaraan na dalhin ang baso sa kusina. Nagpalitan sila ng mga tinginan. Tumikhim si Gabe pagkaraan ng ilang sandali. Inihanda na ang kanyang sarili upang simulan na ang pagkukwento niya. “Minsan habang naka-admit si Haya sa hospital ay nagising siya at narinig ang mga doktor na pinag-uusapan ang kanyan
PAGBALIK NILA NG villa ay sinalubong sila ng ilang mga kasambahay. Kinarga ni Gabe si Haya, samantalang si Hunter naman ang kinuha ni Atticus. Namumula pa noon ang kanyang mga mata ngunit walang sinuman ang pumuna. Kinuha ng isa sa mga kasambahay si Otso. Hinintay ng mag-asawa na isara ng maid ang sasakyan bago sila tuluyang pumasok sa loob ng villa. Diretso sila sa master bedroom upang ihiga ang mga anak na problema na agad ni Gabe kung paano papalitan ng damit at papainumin ng gamot gayong himbing na himbing na ang tulog nilang magkapatid ngayon. Hindi naman pwede na hindi sila uminom ng gamot dahil baka kung ano ang mangyari sakaling mag-skip sila nito ngayon.“Kailangan ba talaga natin silang gisingin, Gabe?” “Oo, kailangan…” sagot ni Gabe na kinuha na ang bote ng gamot ng mga bata. Kumuha na rin siya ng tubig nila. “Paano kung mag-alboroto?” “Ganun talaga ang mangyayari, pero hindi pwede ang hindi.” muli pang turan ni Gabe na desidido sa mga sinabi niya.Naupo si Gabe sa gilid
MATAPOS ANG ILANG minuto nilang titigan ni Gabe nang dahil sa kanyang sinabi ay sinulyapan na ni Atticus ang kambal na pilit na lang dinidilat ang kanilang mga mata upang manatiling gising. Mahina siyang natawa nang makitang ubos na ubos ang energy ng dalawang bata. Sigurado siyang pagdating nila ng villa ay himbing na ang tulog ng mga bata. “Ibang-iba ang paraan ng celebration niyo ng law firm event sa celebration ng company na hinahawakan ko.” Mahinang natawa na lang si Gabe na bahagyang iniiling ang kanyang ulo. “Sobrang interesting lang. Masasabi ko na ang event talaga ng mga company ay base kung ano ang trabaho niyo.” Binuhay na ni Atticus ang makina ng sasakyan at humanda ng umalis sa venue. Marami pa sa mga employee ang naiwan upang ituloy ang celebration. “Ganun talaga. Since mga abogado at abogada kami, malamang puro about cases ang aming mga usapan.” “Exactly, Gabe.” “Bagay na alam kong hindi mo enjoy, Atticus. Huwag ka ng magpanggap. How could someone like you find A
DINAAN NA LANG ni Atticus ang sagot niya sa tanong ni Gabe sa mahinang tawa. Iginala na rin niya ang mga mata sa venue upang hanapin kung nasaan ang kanilang mga anak na naroon lang naman sa paligid at nagbibigay ng kakaibang aliw at saya sa mga employee. Wiling-wili sila sa pagiging bibo ng dalawang bata. Katunayan nga, ang kambal ang naging center of attraction ng event na iyon na dapat sana ay nakasentro sa husay at galing ng employees ng Worthy Law Firm.“Tingnan mo ang mga anak natin oh, halatang enjoy na enjoy…akala mo ay laging nagtutungo sa mga ganitong event.” Si Gabe naman ang natawa sa tinurang iyon ni Atticus na ginamit pa talaga ang mga anak nila upang huwag lang sagutin ang kanyang katanungan. Pasimpleng pinanliitan na niya ito ng kanyang mga mata. Napaiwas pa nito si Atticus sa kanya.“Wala talaga akong plano, kita mo ngang kasama namin si Otso.” hindi nakatiis ay tugon ni Fourth dahil alam niyang hindi siya titigilan ng asawa, “Kung mula umpisa na plano naming sumama,







