MATULING LUMIPAS ANG mga araw na hindi na nagawang mapansin pa ni Briel sa kasiyahan na bumabalot sa kanya. After ng ilang araw sa Baguio ay bumaba na rin ang pamilya ng kanyang kapatid ng Maynila, ilang beses na ipinakiusap pa ni Briel si Gabe na iwan na lang doon ngunit hindi pumayag si Gavin na sa bandang huli ay kinailangan niyang igalang. Hindi na lang niya iyon pinilit kahit pa gustong-gusto iyon ni Gabe. Tiyak na sila ang magkakasugatan ng kapatid.“Walang makakasama ang Mommy at si Bryson, Gabe. Gusto mo bang malungkot ang Mommy dahil miss ka niya?” rason ni Gavin na muntik ng ikaikot ng mga mata ni Briel dahil alam niyang may mga maid. “May business trip ako na kailangang puntahan kaya sa sunod na lang, okay?”Ipinadyak ni Gabe ang kanyang isang paa upang umapela sa sinabi ng ama ngunit tiningnan lang ito ni Gavin ng seryoso na mayroong pagbabanta. Iyong tipong sinasabing makuha ito sa tingin.“Pero Daddy, I want to stay here with Tita Briel and Lolo Gov—” “Anak, hindi mo ba
PUMASOK NA ANG bagong dating na mag-anak sa loob habang si Briel naman ay lumapit kay Giovanni upang ipakita ang mukha ng karga niyang si Bryson na padilat-dilat lang ng mga mata habang kinikilala ang kanilang mukhang dalawa. Ilang beses pa ng inilayo at inilapit iyon ni Briel kay Giovanni na nakuha na rin ang atensyon ng mukha ng kanyang apo.“Cute ‘no? Sinong kamukha?” hindi nawawala ang ngiting tanong ni Briel sa lalaki, “Side niyo pa ba o sa side na namin?” Natawa si Giovanni sa tanong na iyon ni Briel na halatang wiling-wili sa anak ng pamangkin niya. Kinuha pa niya ang munting kamay nito upang marahang pisil-pisilin lang. Hindi naman malakas iyon kung kaya hindi umiiyak si Bryson.“Side namin—” “Anong side niyo? Side namin.” agad na putol ni Briel sa naging sagot ni Giovanni. “Masyado naman kayong gamul. Si Brian kamukha mo, si Gabe kamukha ni Bethany. Syempre, hayaan mo ng maging kamukha naman namin itong si Bry.”Marahang pinisil lang ni Giovanni ang pisngi ni Briel dahil sa
PINAUNLAKAN NI GRACIE ang paanyaya ni Briel na samahan silang mag-merienda. Susuplahin sana iyon ni Donya Livia at itataboy na ang bisita, ngunit dahil nakita niyang ayos lang naman kay Briel na naroon ito ay hinayaan na lang niyang manatili na lang muna doon ang babae. Isa pa, lalabas na masama ang ugali niya oras na bigla niyang palayasin si Gracie. “Kailan niyo ba planong magpakasal ni Mr. Bianchi, Mrs. Bianchi?” tanong ni Gracie na sinunod agad ang sinabi ni Donya Livia kung paano niya tatawagin si Briel sa pangalan niya.Friendly na ngumiti si Briel kahit na gusto na niyang pandilatan ito ng mata sa pakikialam. “Hindi pa namin sini-set pero paniguradong ngayong taon na iyon.” “Saan? Dito sa mansion ng mga Bianchi?” feeling close na tanong na ni Gracie na animo ay matagal na silang magkakilalang dalawa, iginalaw ni Briel ang magkabila niyang balikat. “Kung ako ang masusunod, gusto ko sa mansion namin ang venue sa Manila pero hindi pa naman namin napagkakasunduan ni Giovanni ku
MARAHANG ITINANGO LANG ni Briel ang kanyang ulo at nagtungo na ng kusina nang hindi binibitawan ang kanyang anak. Hindi na niya inabala pa ang ibang maid. Kung ano ang nakahain sa mesa ay iyon na lang ang kanyang kinain kahit na makailang beses siyang tinanong ng maid kung may nais bang ibang ipaluto para magawa nilang maihanda para sa babae. “Huwag na kayong mag-abala. Okay na sa akin kung ano ang nakain sa hapag.”Matapos na kumain ay pinaliguan niya si Brian na na-miss niyang gawin. Hindi naman siya pinuna ni Donya Livia na hinayaan lang kung ano ang gagawin niya matapos na magpaalam dito. Hindi niya pa tapos bihisan ang anak ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang hipag.“Kumusta kayo diyang mag-ina? Feeling mas better ba na kasama niya kayo?” “Ayos lang naman, Bethany. Oo, mas okay kapag nakikita namin ang Tito mo. Kayo ng mga bata?” “Heto, ayos lang din naman.” Biglang napuno ng excitement ang dibdib ni Briel nang sabihin ni Bethany na nagpla-plano silang umakyat doon n
GUSTO NG PAGTAWANAN ni Giovanni ang ina dahil sa sinasabi nitong mayroong dalaw si Gabriella eh gayong kaka-testing pa lang niya at wala naman. Ganun pa man ay hindi na lang siya nagsalita at baka masamain pa ito ng Donya. Napailing pa ang matanda nang manatiling walang reaction si Giovanni na parang hindi naniniwala ito sa kanya.“Naiintindihan mo ang sinasabi ko, Giovanni?”Kung tutuusin ay wala naman dapat pakialam si Donya Livia sa kanyang anak at future na manugang, ngunit pakiramdam niya, kailangan niyang makialam kahit sa munting bagay lang.“Oh, ibigay mo ‘to sa kanya!” lapit pa ni Donya Livia sa tray ng tea kay Giovanni.Gumalaw ang adams apple ni Giovanni na nilingon na ang banyo kung saan kasalukuyang nasa loob pa nito si Briel. Sinundan ng mga mata ng matanda ang tinitingnan ng kanyang anak. “Basta ipainom mo iyan sa kanya.” Pagkasabi niya noon ay umalis na ang matanda at naiwan pa ‘ring nakatayo si Giovanni hawak ang tray na iniwan ng kanyang ina. Sumugat na sa isang ng
HINDI NA SILA muling nag-usap pa hanggang sa tuluyan silang makauwi ng mansion ng mga Bianchi. Gising pa ang Donya pagdating nila. Kakarating din lang nila halos galing ng dinner noon kung kaya naman nasa sala pa. Naunang bumaba ng sasakyan si Briel. Plano niya sanang mauna na kay Giovanni sa loob ngunit hindi niya iyon itinuloy nang makita ang matandang Donya na gising pa at malakas na naririnig niya ang mga halakhak habang kausap ang anak nila. Nakababa na lang at lahat si Giovanni ay nakatayo pa rin doon si Briel na para bang hinihintay siya para sabay na rin sila.“Bakit hindi ka pa pumasok—” Matapos na irapan ay pamartsa ng iniwan ni Briel si Giovanni na tanging malakas na tawa lang ang ginawa. Binitbit na nito ang mga paperbags na kanilang pinamili. Kung ano ang pagkabusangot ni Briel kanina ay agad naglaho nang makapasok siya ng sala at matanaw ang matandang Donya na naroon at kaharap ang marami pang energy nilang anak.“Oh? Bakit narito na kayo? Ang aga pa ah? Tapos na agad a
MALAKAS ANG NAGING tawa ni Felicia na sinadya niya upang marinig ni Briel na nag-uusap silang dalawa ni Giovanni. Feeling close na bahagyang pinalo niya pa sa balikat si Giovanni na agad namang nakaiwas at hindi naabot ng kamay niya. Bahagyang napahiya doon ang babae na hindi nakaligtas sa paningin ni Briel na nagkaroon na ng lakas ng loob na lumapit sa kanilang dalawa. Malambing na iniyakap pa ni Briel ang isang niyang kamay sa beywang ni Giovanni na nagulat sa kanyang ginawa. Ganunpaman ay inakbayan na lang niya si Briel upang hindi naman ito magtampo sa kanya. “Nakapili ka na ng belt?” malambing niyang tanong, na sa harap mismo ni Felicia ay hinalikan ang tuktok ng ulo ni Briel. “Hmm, tapos na.” pakita pa ni Briel na hindi na inalis ang mga mata sa babaeng kaharap nila na biglang na-estatwa na. Wala naman na sanang pakialam si Felicia kay Giovanni, may partner na rin siya ngunit kada makikita niya ang lalaki hindi niya mapigilan na balikan ang nakaraan nila lalo pa at sobrang mi
NAKANGITING DUMUKWANG NA si Giovanni upang hipuin at haplusin ang ulo ni Briel na biglang natigilan sa gagawin niya sanang pagsubo. Inangat na niya ang mga mata kay Giovanni na nakangiti pa rin sa kanya at malamlam ang mata. Nilagyan na niya ng pagkain ang plato ni Briel pagkatapos niyang gawin ang bagay na iyon. Muli pang iginala ni Briel ang kanyang mga mata at lumaki pa ang ngisi niya nang makitang napuno na ng inggit ang mata ng mga nakatinging babae sa kanila ng dating Gobernador. Napalis na ang selos na nararamdaman niya at ipinagkibit na lang iyon ng balikat niya. “Ganito ka rin ba ka-sweet noon kay Paloma at Margie?” Natigilan si Giovanni sa tangkang pagsubo niya ng pagkain nang marinig ang sinabing iyon ni Briel. Ang buong akala niya ay tapos na, pero hindi niya alam kung bakit napunta sila sa mga nakaraan na naman niya. Nais niya rin sanang banggitin ang lalaki sa buhay ni Briel ngunit alam ni Giovanni na siya lang din ang magseselos dito kapag ginawa pa ito.“Kailangan ba
HINDI NAMAN NAGUSTUHAN ni Giovanni ang pang-iistorbong ginawa ng kanyang secretary. Seryoso na ang mukhang hinarap niya ito na ng magtama ang kanilang mga mata, alam ng dating Gobernador na inaalaska siya ng secretary niya.“Ilagay mo iyan doon,” turo ni Giovanni sa malayong lamesa, “Mauna ka ng mag-out at umuwi sa akin. May lakad pa kami.” dugtong niya na agad namang sinunod ng kanyang secretary na may mapanukso pa ‘ring mga ngiti sa labi niya.Nang sumara ang pintuan at makalabas ang secretary, muli na naman siyang kinarga ni Giovanni at pilit na pinaupo sa kanyang kandungan. Nag-protesta na doon si Briel kahit pa kilig na kilig na siya sa pagiging maharot ng dating Governor.“Ibaba mo ako. Pangit kung maraming makakakita sa ating ganito.” “Sino pang makakakita sa atin? Pinauwi ko na ang secretary ko.” pilyong tugon ni Giovanni na kumindat pa sa kanya.Humagikhik lang si Briel na pabiro ng hinampas ang balikat ni Giovanni. “Let me kiss you, Baby…kunti lang bago ko ituloy ang traba