Share

Chapter 70.1

last update Last Updated: 2025-05-19 20:41:31

MARAHAS NA IPINADYAK ni Briel ang kanyang isang paa kung saan ay natamaan ang isang paa ni Giovanni na dahilan upang mabitawan siya nito. Itinaas na nito ang isang paa na parang napilay, ininda niya na ang sakit na idinulot noon. Sinamantala ni Briel ang pagkakataong iyon upang makatakas ngunit agad din siyang nayakap ni Giovanni sa beywang.

“Bitawan mo sabi ako! Katawan ko lang ang gusto mo! Paulit-ulit na lang tayo sa ganitong scenario! Ayoko na, Giovanni! Tapusin na natin ‘to! Nakakapagod ka na. Sobrang pinapagod mo na ako, hindi lang ang katawan ko pati ang isipan ko!”

Unti-unting lumuwag ang yakap ni Giovanni kay Briel na para bang natauhan sa kanyang mga narinig. Kinuhang pagkakataon iyon ni Briel na agad lumabas ng silid upang balikan ang kanilang anak na mahimbing pa rin ang tulog. Problemadong naiwan si Giovanni na hindi pa rin makaalis sa mga salitang binitawan ni Briel at isinampal pa sa kanya. Nanghihina siyang napaupo ng kama. Nasapo na ang mukha gamit ang dalawang palad.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Emilie Baylosis Forbes
Tama yan Blier ipaglaban mo Ang mahal mo sa malanding babaeng yan aagawin Sayo ng malanding babaeng yan si Giovanni bohok Ang utak kayamot ka Giovanni tanga
goodnovel comment avatar
Anna Nami
ka stress tong kwento hay nako ayaw k muna magabasa
goodnovel comment avatar
Rexy Gonzales
layasan mo na briel,,at wag kanang bumalik kahit kailan,,mga ganyang lalaki hindi na pinapatawad.uulitin nya lang ang mga ginagawa nya sayo..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 70.2

    NAPUNO PA NG sakit ang mukha ni Briel habang nakatingin kay Giovanni na halatang naguguluhan sa mga nangyayari. “Hindi ako naniniwala na wala ka ng magiging pakialam sa mag-inang iyon in the future. Tandaan mo, sobra-sobra ng panahon ang binigay ko sa iyo dahil ang buong akala ko ay magbabago ka na, magiging totoo ka na. Pero ano? Heto na naman tayo, bigo na naman ako. Sarili ko lang ang pinapahirapan ko nang dahil sa lintik na pagmamahal ko sa iyo eh! Nang dahil sa lintik na pangarap kong bigyan ng buong pamilya ang anak natin. Nakakapagod ka na talaga, seryoso ako!”Walang imik na napalunok na lang ng laway si Giovanni habang nakatingin ang mga mata sa mukha ni Briel. “Mali na naman ang desisyon ko na umasang nagbago ka na at this time kami na ang uunahin mo. Hindi rin naman pala!”“Give me some time to deal with it—” “Na naman?” Walang humor ng natawa si Briel sa sinagot ni Giovanni sa napakahabang litanya niya. “Ilang panahon pa? Tumanda na ako ng ilang taon kakahintay sa’yo.

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 70.1

    MARAHAS NA IPINADYAK ni Briel ang kanyang isang paa kung saan ay natamaan ang isang paa ni Giovanni na dahilan upang mabitawan siya nito. Itinaas na nito ang isang paa na parang napilay, ininda niya na ang sakit na idinulot noon. Sinamantala ni Briel ang pagkakataong iyon upang makatakas ngunit agad din siyang nayakap ni Giovanni sa beywang.“Bitawan mo sabi ako! Katawan ko lang ang gusto mo! Paulit-ulit na lang tayo sa ganitong scenario! Ayoko na, Giovanni! Tapusin na natin ‘to! Nakakapagod ka na. Sobrang pinapagod mo na ako, hindi lang ang katawan ko pati ang isipan ko!”Unti-unting lumuwag ang yakap ni Giovanni kay Briel na para bang natauhan sa kanyang mga narinig. Kinuhang pagkakataon iyon ni Briel na agad lumabas ng silid upang balikan ang kanilang anak na mahimbing pa rin ang tulog. Problemadong naiwan si Giovanni na hindi pa rin makaalis sa mga salitang binitawan ni Briel at isinampal pa sa kanya. Nanghihina siyang napaupo ng kama. Nasapo na ang mukha gamit ang dalawang palad.

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 69.4

    NAGPATULOY PA SA mahabang sermon si Donya Livia na hindi niya malaman kung ano pa ang kulang sa anak. Hindi niya lubos maisip ang naging sitwasyon sa site. Mabuti nga at hindi gumawa doon ng scene si Briel, kung ibang babae lang iyon paniguradong nag-eskandalo na ito. Pasalamat pa rin siya na may breed ang kanyang future manugang. Di asal kalye kagaya ng ibang babae na porket mayaman, porket kilala ang angkan na pinagmulan kung umasta ay kung sino na.“Hindi ko naman sinasadya iyon, Mama. At isa pa, hindi ko rin alam na pupunta silang mag-ina. Gusto lang talaga ng batang makita ang huling project na sinimulan ng kanyang ama. Sa tingin ko ay wala namang masama doon, di po ba?” “Wala ngang masama, ngunit sa paningin ni Gabriella sa tingin mo magiging magandang tanawin iyon? Mag-isip ka nga! Sa totoo lang, napaka-considerate ng babae ni Briel sa’yo Giovanni. Sino bang maganda namang babae at maraming nagkakagusto ang willing na hintayin ka, unawain ka at paulit-ulit na patawarin ka sa m

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 69.3

    IBANG-IBA ANG NAKIKITA ni Briel sa aura ng babae kahit na nasa malayo lang niya ito natanaw. Unang tingin pa lang niya halatang may gusto na ito kay Giovanni. Baka nga anak niya pa ang bata, sinasabi lang na hindi sa kanya upang utuin siya. Bilugin ang ulo at muling paikutin sa mga kamay ng lalaki. Bagay na hindi na niya mapapayagan pang mangyari.“Bababa na muna kami ni Brian ng Maynila.” determinado ng sambit ni Briel na kahit hadlangan ni Giovanni ay igigiit.Hindi na nagawa pang magsalita ni Giovanni nang makita niyang gising na si Brian. Inaantok na kinusot ng bata ang mga mata at bigla itong bumangon at umayos ng upo sa kandungan ng ina nang makita niya ang ama. “D-Daddy?” Maliit ang ngiting hinaplos ni Giovanni ang ulo ng anak na hindi inaalis ang mga mata sa mukha ng bata. “Ako nga, Brian…” Ini-unat ni Brian ang kanyang isang braso sa ama upang magpakarga. Kinuha naman siya ni Giovanni upang buhatin matapos na sulyapan si Briel na kahit labag sa loob niya na ibigay ang ana

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 69.2

    SA TERMINAL NA ng bus byaheng Manila natagpuan ni Giovanni ang kanyang mag-ina. Tumawag siya sa kanyang ina kung nasa mansion na sina Briel, ngunit ang sabi nito ay wala pa kung kaya naman doon na siya dumiretso. Malakas ang kutob niya na doon sila pupunta ni Brian kung kaya naman iyon na ang kanyang pinakinggan. Hindi na siya nagdalawang-isip pa dahil alam niyang doon lang naman pwedeng pumunta ang mag-ina niya. Taxi ang sinakyan nila na kung nagkataong sariling sasakyan ito ni Briel, paniguradong itutuloy niya iyon pagbaba ng Baguio; na pauwi na sa kanila.Napakamot na si Giovanni sa kanyang ulo at lihim na napamura. Panibagong problema na naman kasi iyon at batid niya na hindi niya basta-basta mapapaniwala ang babae. Base na lang sa sama ng loob na nakita niya sa mga mata nito kanina.Napatayo naman si Briel sa kanyang upuan na nasa waiting area nang mabanaag ang bulto ng katawan ni Giovanni. Kinarga na niya ang kanyang anak na nakatulog nakatulog na. Puno na ng panghuhusga ang mga

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 69.1

    PAULIT-ULIT NA SINUBUKAN ni Giovanni na tawagin ang pangalan ng kanyang mag-ina upang kunin ang atensyon sa pag-aakalang sapat na iyong dahilan upang huminto ang babae at hintayin siya. Ngunit bigo siya. Parang binging-ahas ang pandinig ni Briel kahit na naririnig naman nito ang ginagawang pagtawag sa kanya. Nagtama ang mata nila ni Brian na agad siyang itinuro at pagkatapos ay nilingon niya ang mukha ni Briel na seryoso. “Mommy, that’s Daddy…tawag niya tayo…Mommy?” Binilisan pa ni Briel ang kanyang mga hakbang nang marinig ang sinabi ng kanyang anak at maging ang pagtawag sa pangalan niya ni Giovanni. Wala siyang planong harapin ito ngayon.“Mommy?” puno na ng pagtataka ang mga mata ni Brian dahil parang hindi siya naririnig ng kanyang ina, “Tatawag tayo ni Daddy…si Daddy iyon oh…tawag niya tayo…Mommy!” muling malakas na saad ni Brian na naguguluhan na sa kung ano ang inaasta ng ina niya ngayon.Hinihingal na lumapit na ang secretary ni Giovanni sa kanya. “Mr. Bianchi, hindi ko al

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 68.4

    NAAGAW ANG PANSIN ni Briel ng sinabing iyon ng secretary na para bang ayaw ipa-meet sa kanila ang dating Gobernador. Oo, alam niyang marami nga itong bisita. Maano bang mag-congratulations lang naman sila ni Brian tapos ay uuwi na. Hindi naman nila ito aayaing umalis na rin ng site dahil alam niya ang tungkulin ni Giovanni sa proyektong iyon.“Hello, Miss Dankworth? Narinig mo ba ako?” “Oo, sige. Hindi kami aalis ni Brian kung nasaan kaming banda at—” Hindi na nagawa pa ni Briel dugtungan iyon nang maputol na ang tawag nito. Nang tingnan niya ang phone, napakahina ng signal noon kung kaya kahit tawagan niya ang secretary ay hindi iyon o-obra. Marahil ay nang dahil din sa dami ng tao sa lugar na iyon kung kaya naapektuhan ang linya ng communication. Pwede naman silang umalis na ni Brian at sa mansion na nga lang maghintay, ngunit tutal ay naroon na rin naman sila bakit hindi na lang nila lubusin iyon? Lumapit na lang sila sa staff matapos na wala pa rin ang secretary ng lalaki pagkar

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 68.3

    HINDI NA NAGSALITA pa si Briel na umayos na rin ng higa sa tabi ni Giovanni na mahina ng humihilik roon. Nagawa na nitong makatulog sa loob lang ng ilang minutong hindi niya pagsagot. Ganun ang kanyang pagod na nararamdaman na para kay Briel ay nakakaawa din naman kung kaya naman hindi na lang niya ito kinulit. Kung ayaw talaga siyang pagbigyan nito na pumunta sila ni Brian sa launching site ng project nito, siya na mismo ang kusang gagawa ng paraan upang makapunta silang mag-ina. Hindi naman iyon mahirap sa kanya e.“Nakalimutan mo yata kung sino ako, si Gabriella Dankworth yata ‘to.” kibot-kibot ng bibig ni Briel habang matamang nakatingin sa mukha ni Giovanni na nahihimbing, sa mga sandali pa lang na iyon ay ini-imagine na niya kung ano ang magiging reaction nito oras na makita sila. Syempre, wala na itong magagawa. “Kapag ginusto ko, malamang lahat ay nakukuha ko.”Kinabukasan ay naging normal lang ang daloy ng lahat. Nang ulitin na sabihin ni Giovanni na hindi sila pwedeng pumunt

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 68.2

    MATULING LUMIPAS ANG mga araw na hindi na nagawang mapansin pa ni Briel sa kasiyahan na bumabalot sa kanya. After ng ilang araw sa Baguio ay bumaba na rin ang pamilya ng kanyang kapatid ng Maynila, ilang beses na ipinakiusap pa ni Briel si Gabe na iwan na lang doon ngunit hindi pumayag si Gavin na sa bandang huli ay kinailangan niyang igalang. Hindi na lang niya iyon pinilit kahit pa gustong-gusto iyon ni Gabe. Tiyak na sila ang magkakasugatan ng kapatid.“Walang makakasama ang Mommy at si Bryson, Gabe. Gusto mo bang malungkot ang Mommy dahil miss ka niya?” rason ni Gavin na muntik ng ikaikot ng mga mata ni Briel dahil alam niyang may mga maid. “May business trip ako na kailangang puntahan kaya sa sunod na lang, okay?”Ipinadyak ni Gabe ang kanyang isang paa upang umapela sa sinabi ng ama ngunit tiningnan lang ito ni Gavin ng seryoso na mayroong pagbabanta. Iyong tipong sinasabing makuha ito sa tingin.“Pero Daddy, I want to stay here with Tita Briel and Lolo Gov—” “Anak, hindi mo ba

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status