NAPATAKBO NA ANG dalawa nang marinig ang malakas na iyak ni Gia na hindi nila alam kung napaano sa labas ng garden. Sari-sari na ang naging laman ng kanilang isipan dahil habang palapit sila sa banda nila ay palakas ito nang palakas. Iyong tipong parang sasabog na sa labis na pag-aalala ang dalawa. Naunang tumakbo si Giovanni, kasunod si Briel na halos sumayaw na ang buong katawan sa labis niyang pag-aalala sa tunog ng iyak ng kanyang anak na babae.“Anong nangyari?” karga agad dito ni Giovanni na cheneck na ang katawan ng kanyang anak kung mayroong sugat. OA kung pakaiisipin pero iyon ang unang instinct ni Giovanni. Nasugatan ang anak kung kaya naman biglang umiyak. Hagas na hagas din ang mukha ni Briel na hindi na makaimik at tahimik na rin na hinagod ng tingin ang kanilang anak.“Takot siya sa bulate, Daddy.” natatawang paliwanag ni Brian na nasa shovel na dala ang bulateng kinatatakutan ng kapatid, nabungkal niya ito sa lupa. “Takot siya dito oh kasi hindi lang mahaba kundi malam
KAKASABI LANG NI Giovanni kay Briel ng tungkol doon dahil sa ginawang pagtawag ng kanyang inang si Donya Livia. Tutal ay wala na rin naman silang ibang lakad, pagbibigyan na nila ang matandang nasasabik na makasama sila sa Baguio. Kung ipagpapabukas pa nila iyon, ganun din naman ang amount ng oras ng kanilang biyahe. Hindi nila pwedeng isakay si Gia sa chopper dahil masyado pang bata. Hindi lang iyon, matatakutin ito sa heights kung kaya sa kotse na lang.“O siya sige, mag-ingat kayo. May mga kasama pa naman kayong bata.” si Mr. Dankworth na di maitago ang pag-aalala.Inihatid nila ang mag-anak sa parking lot kung saan ay naroon na ang dalawang van na naghihintay. Ang isa ay may lulan na mga bodyguards at driver na magpapalitan kapag inaantok na ang isa. Lima hanggang anim na oras ang biyahe nila. “Ingat kayo! Bye!” “Ba-bye!” si Brian na patuloy ang naging kaway sa kanilang mga naiwan.“Brian, pagbaba mo magdala ka ng strawberry ha? Sabihin mo kay Lola Livia na hiling ko.” si Gabe n
HINDI NAGLAON AY maligaya na silang dumulog sa hapag na puno ng iba’t-ibang putahe ng pinaluto nilang pagkain. Puno ng pasensya na nilagyan ng pagkain ng dalawang pares ang mga batang behave ng nakaupo sa harap ng mesa na para bang hindi nagpakita kanina ng kagaspangan ng mga pag-uugali nila. Tabi-tabi na rin sila. Iyong tipong para bang hindi sila nag-agawan kay Giovanni. Agad ng nakalimutan ang alitan sa kanilang pagitan na literal na away bata lamang.“May gusto ka bang sabihin sa amin, Giovanni?” tanong ni Mr. Dankworth nang matapos na silang kumain, kanina pa kasi napapansin ng matandang lalaki ang lingon nito sa kanila na para bang may pinipigilan lang na sabihin sa kanila. Wala na sa hapag ang mga bata na abala ng naglalaro. Naiwan lang silang matatanda doon upang mayroong pag-usapan. Alam na iyon ng bawat isa. Hindi na kailangang magtanong pa o magpakiramdaman pa para simulan na ang usapin nila.“Alam ko po na marami akong maling nagawa kay Briel at pati na rin sa aming mga a
HUMAGALPAK NA NG tawa si Briel sa ginawang paghahamon ng dating Governor. Ang lakas nitong maghamon pero halatang hindi na naman niya kaya ang isang round pa. Pabiro na niyang piningot ang tainga nito ay hinalikan ang labi na bahagya niyang kinagat. Napatulala na si Giovanni sa hitsurang iyon ni Briel na parang ina-underestimate ang kaya niya.“Tama na, may bukas pa. Baka tubuan ka na ng panibagong sakit diyan sa kahayukan mo sa laman.” yakap na ng mahigpit ni Briel sa hubad na katawan ni Giovanni habang patuloy pa rin sa kanyang malakas na pagtawa, nang-aasar pa.“Kaya ko pa—” “Oh please? Shut up na! Matulog na tayo. Ayokong mabibitin lang ako, at alam mo ang bagay na iyan!” Pareho na silang malakas na natawa sa sinabing iyon ni Briel.“Bukas naman okay? Saka ubos na rin ang lakas ko. Kailangan na muna natin matulog at mag-recharge ng energy.”Hindi natuloy kinabukasan ang pag-akyat nila ng Baguio dahil tumawag si Mr. Dankworth kay Giovanni. Iniimbitahan sila na pumunta doon. Hindi
MAHINA NG HUMAGIKHIK si Briel. Binitawan na ni Giovanni ang kutsilyo. Umikot na upang mahigpit na yakapin ang babae na nasa likuran matapos na taniman muna niya ng halik ang labi nito. Mabilis na namula ang magkabilang pisngi noon ni Briel na kilig na kilig. Para siyang teeangeer na napansin ng long time crush. Hinawakan niya pa ng magaan ang isang pisngi ni Briel at muli sanang hahalikan nang marinig na niya ang matinis na boses ni Gia na nasa paahan na pala. “Daddy, karga!” Makahulugan na silang nagkatinginang dalawa ni Briel, halatang bitin. Pinagbigyan na niya ang hiling ng bunsong anak. Kinarga niya ito. Ganun naman palagi, kahit si Brian ay palagi niyang pinagbibigyan sa kanyang munting kahilingan.“Ilang taon na nga itong si Gia?” “Pa-three pa lang siya.” “Siguro kailangan na rin natin siyang ipasok ng school para walang istorbo.” Pagak na natawa na doon si Briel na bahagyang kinurot pa sa tagiliran niya si Giovanni. “Masyado pa siyang bata para doon. Huwag na muna. Hayaa
HINDI NA SUMAGOT si Giovanni na hinubad na ang suot niyang roba na basta inihagis sa may pintuan ng banyo. Walang hirap na isinandal na niya ang katawan ng tulalang si Briel sa pader malapit sa sink at siya na ang nagkusang kunin ang isang binti nito at iyakap na sa kanyang beywang. Pareho silang napapikit nang muli nitong magawang maipasok ang kanyang sarili sa loob ni Gabriella na mahina ng napadaing habang mariing kagat ang labi upang hindi tumakas ang kanyang mga munting daing. Sa loob mismo ng banyo ay muling nagsalpukan ang kanilang katawan na animo ay sabik na sabik pa rin sa bawat isa, hindi alintana ang mahirap na posisyon dahil ang mahalaga ay ang mailabas nilang pareho ang natitirang init ng kanilang katawan na alam nilang hindi sila papatulugin kung hindi nila hahayaang lumabas iyon. Nakagat na ni Giovanni ang labi ni Briel habang halos maibaon naman ni Briel ang kanyang kuko sa likod ni Giovanni ng pareho silang makaraos at maabot ang rurok ng sukdulan. Parehong hindi mak