共有

Chapter 17.3

last update 最終更新日: 2025-09-28 22:26:53

SINANDAL NA NI Gabe ang kanyang katawan kay Atticus na mas nasiyahan pa dahil hindi na nagsusungit si Gabe sa kanya. Humigpit pa ang yakap ni Atticus sa kanya, nais namnamin pa ng ilang sandali ang tagpong iyon sa kanilang dalawa.

“Kakain. Gutom na gutom na ako.”

“Sige, iinit ko na ang pagkain natin.”

Bumitaw si Atticus at humakbang na patungo ng kusina. Naiwan si Gabe na nahahati ang isipan kung babanggitin niya ba ang bagay na iyon kay Atticus. Kung itatago naman niya, baka pag-ugatan ito ng kanilang away dahil medyo magiging busy siya. Kung alam nito ang sitwasyon ni Jake, baka magawa pa nitong i-consider iyon. Sa bandang huli ay pinili na lang niya na sabihin na lang kay Atticus. Maghahanap lang siya ng tamang pagkakataon kung kailan niya ito sasabihin dito.

“Gabe, halika na…”

Nahimasmasan si Gabe nang marinig ang pagtawag ni Fourth. Walang imik siyang sumunod sa kusina upang tulungan itong dalhin ang kanilang mga pagkain sa dining table. Magkaharap na silang naupo. Nilagyan na
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 18.3

    GABE TOOK A few bites and was a little dazed. Sabi ni Atticus mahuhumaling siya sa kanya, pakiramdam niya nagkakatotoo na nga ang sinasabi nito. Hindi lang nahuhumaling kundi ay nahuhulog na naman siya dito nang malalim. Atticus knows what she wants. He can give her what she needs. This kind of feeling is not something that everyone can give. Tanging si Atticus lang ang makakagawa noon sa kanya. Ilang beses pa siyang napakurap na ng kanyang mga mata.“Anong ginagawa mo dito? Sino ang nagsabing pwede kang pumasok sa silid ko? Labas! Hindi ka welcome dito!” Hindi pinansin ni Atticus ang sunod-sunod na tanong at rant ni Jake.“Bingi ka ba? Tinatanong kita!” “May sakit ka na nga ganyan ka pa kung umasta. Dinalhan kita ng pork ribs stew at—” “Bakit mo ako dadalhan? Hindi ko kakainin iyan. Malay ko bang nilagyan mo iyan ng lason para mapadali ang buhay ko!” bintang pa ni Jake na pulang-pula na ang mukha sa galit na kanyang nararamdaman sa presensya ng kanyang karibal.Tumigil ang galaw n

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 18.2

    SAKTONG NAGCRA-CRAVE NOON si Gabe sa vegetables salad kung kaya naman hindi na siya umangal pa. Nag-iinit pa rin ang mukhang sumunod siya kay Atticus, dumadampot ng mga nadadaanan nila na sa tingin niya ay kailangan nila at wala sa penthouse. Nagmistula tuloy silang bagong kasal. Si Atticus ang nagdedesisyon kung ano ang kanilang papamilhin, paminsan-minsan ay tinatanong niya si Gabe kung ano ang gusto nito lalo na pagdating nila sa fruit section. Isang oras silang tumagal sa pamimili. Dalawang box ang kanilang bitbit pag-akyat ng penthouse. Pagod ang katawang tinanggal ni Gabe ang kanyang suot na heels. Humilata siya agad sa sofa na tila patang-pata ang katawang lupa sa lumipas na araw.“Grabe nakakapagod!” tahasang reklamo niya na pinanood si Atticus na buksan ang aircon sa sala. “Fourth, sa sunod huwag mo na akong isama sa pag-grocery. Grabe mas nakakapagod pa iyon kumpara kapag nasa court session ako eh!”Natawa lang si Atticus na dinala na ang dalawang box ng kanilang pinamili sa

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 18.1

    IPINAGPATULOY LANG NI Gabe ang kanyang pagkain ng sandwich habang tahimik siyang pinagmamasdan ni Atticus. Sanay na doon si Gabe kung kaya naman hindi na niya sinaway sa ginagawa niya si Atticus. Nang matapos kumain ay nagtungo siya ng law firm. Umaga ng araw na iyon ay mayroon siyang court hearing. Naka-plano na ang mga gagawin niya buong araw na ang isa doon ay pagkatapos umattend ng hearing ay pupunta siya ng hospital para makita si Jake. Hindi rin siya ginulo ni Atticus buong araw na ipinagtaka naman ni Gabe. Ni hindi nag-send ng message ang lalaki sa kanya o kahit ang isang beses na tumawag. Nang tingnan niya ang CCTV sa penthouse ay hindi niya ito mahanap. Nag-backward siya ng footage at nakita niyang umalis pala ang lalaki na malamang ay sa Creative Crafters ang tungo. Subalit nang paalis na sana siya sa hospital ng araw na iyon, nakita niya si Atticus na kausap ang dean ng hospital. Hindi siya lumapit at nanatili siyang nakatayo malayo sa kanilang banda, mga ilang metro ang la

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 17.4

    MATAPOS MAUBOS ANG fruit wine ni Gabe ay nagpasya na silang magpahinga. Matapos na mag-shower ni Gabe ay nahiga na siya habang nakatutok ang mga mata sa screen ng cellphone. Nagbabasa siya ng article doon tungkol sa sakit ni Jake. She was wearing a silk bathrobe, and her curly hair was scattered on her shoulders, looking much softer than usual. Paglabas ni Atticus ng banyo ay iyon ang tagpong kanyang naabutan. Bigla niyang pinatay ang ilaw na kinagulat ni Gabe.“Bakit mo pinatay? May binabasa pa ako. Masamang gumamit ng gadget kapag sobrang dilim ng paligid.” “Anong oras na, kailangan na natin matulog.” sampa ni Atticus ng kama, ikinaikot ito ng mata ni Gabe dahil paladesisyon.Walang nagawa si Gabe kung hindi ang pagbigyan sa nais si Atticus. Tama naman ito. Malalim na ang gabi. “Kailan mawawala ang period mo?” yakap ni Atticus na hindi naman tinanggihan ni Gabe na siniksik na rin ang sarili. Humalik pa ang lalaki sa puno ng kanyang tainga na naging dahilan upang malakas na bumulw

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 17.3

    SINANDAL NA NI Gabe ang kanyang katawan kay Atticus na mas nasiyahan pa dahil hindi na nagsusungit si Gabe sa kanya. Humigpit pa ang yakap ni Atticus sa kanya, nais namnamin pa ng ilang sandali ang tagpong iyon sa kanilang dalawa.“Kakain. Gutom na gutom na ako.”“Sige, iinit ko na ang pagkain natin.” Bumitaw si Atticus at humakbang na patungo ng kusina. Naiwan si Gabe na nahahati ang isipan kung babanggitin niya ba ang bagay na iyon kay Atticus. Kung itatago naman niya, baka pag-ugatan ito ng kanilang away dahil medyo magiging busy siya. Kung alam nito ang sitwasyon ni Jake, baka magawa pa nitong i-consider iyon. Sa bandang huli ay pinili na lang niya na sabihin na lang kay Atticus. Maghahanap lang siya ng tamang pagkakataon kung kailan niya ito sasabihin dito.“Gabe, halika na…” Nahimasmasan si Gabe nang marinig ang pagtawag ni Fourth. Walang imik siyang sumunod sa kusina upang tulungan itong dalhin ang kanilang mga pagkain sa dining table. Magkaharap na silang naupo. Nilagyan na

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 17.2

    PINILI NA LANG ni Gabe ang huwag sumagot. Sa isip niya, hindi niya kailangang mamili sa dalawa. Pwede naman niyang i-keep silang pareho kaya bakit niya pahihirapan ang sariling mag-isip? Hahatiin niya lang ang oras niya. Pwede niyang ipaliwanag iyon kay Atticus na tiyak niya namang maiintindihan ang kanilang sitwasyon dahil sa sakit ngayon ni Jake. Hindi rin naman ipipilit iyon ni Jake at kung ipilit man nito ang kanyang nais ay hindi pa rin siya papakinggan ni Gabe.“Tanggalin mo ang pag-aalala mo sa isipan. Ang itanim mo diyan ay magpapalakas ka para sa mas mabilis na paggaling. Huwag mo akong isipin. Huwag mong isipin ang ibang tao. Walang kailangang abandonahin at piliin sa inyo, Jake. Pareho kayong mahalaga, kaya huwag mo akong pahirapan na mamili. Hindi ‘yun importante. Sa ngayon, ikaw ang priority ko…” Kumibot-kibot ang bibig ni Jake habang nakatitig sa mukha ni Gabe. Marami pa siyang nais sabihin. Sa huling sinabi nito na siya ang priority, iyon ang pumigil sa kanya na igiit

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status