MasukMay mga umagang pare-pareho lang ang galaw namin sa tuwing nasa bahay.
Nasa dining table kami—ako, sina mommy at daddy routine namin ito. Kahit noong nandito pa si ate Elle, ganito pa rin walang kwentuhan o imikan. Walang drama pero ngayong wala siya, bawat kutsarang gumagalaw parang may kasamang tanong. "Anak," sabi ni daddy habang hinihigop ang kape, "Nakuha mo na ba 'yong mga gamit ng ate mo sa bahay nila Ash?" Napatingin ako sa kanya kaagad akong umiling. "Hindi pa po, dad wala akong duplicate key ng bahay nila tuwing pumupunta ako dati minsan wala si kuya...minsan si ate Jinchi lang." Tahimik na tumango si daddy inilabas niya ang isang susi at inabot sa akin. "After class, dumiretso ka na ro'n kunin mo na hindi na babalik ang ate mo sa bahay na 'yon." Napatingin si mommy kay daddy halatang nagpipigil ng emosyon. "Paano kung bumalik ang anak mo?" tanong niya, halos pabulong. "Dito na siya titira," sagot ni daddy ng diretso. "Alam mong may bagong babae ang asawa ng anak mo." Parang may humigpit sa dibdib ko. "Hindi kasi niya alam na umalis ang asawa niya," depensa ni mommy. "Kung alam lang ni Ash, hindi siya magiging ganito, kilalw natin siya, Emman Mahal niya ang anak mo." Totoo. Si kuya Ash ang tipo ng lalaking buo kung magmahal—walang plan B. Minsan iniisip ko sana may magmahal din sa akin nang gano'n...hindi dahil sa apelyido, hindi dahil sa pangalan ng magulang ko kundi dahil ako lang. "Mali man ang ate mo sa pag-alis nang walang paalam," dagdag ni daddy, "May pagkukulang din tayo pinayagan natin siya akala natin 'yon ang makakabuti." Hindi na ako nagsalita tinapos ko na lang ang pagkain ko. "After class, pupunta ako sa bahay nila," sabi ko. "Sana nandoon si kuya." Tumango sila pareho. Pagkatapos kong mag-bihis at bumaba nadatnan ko si daddy sa sala, naghihintay. "Aral mabuti," sabi niya. "Graduating ka na sa Canada ka magco-college o dito? Pumili ka na lang sa list na binigay namin ng mommy mo." "Yes, Dad," sagot ko at sumandal sandali sa balikat niya. "Mag-e-eighteen ka na," ngiti niya. "Saan mo gusto mag-celebrate?" Napangiti ako, pero mabilis ding nawala. "Okay lang kahit walang party, gusto ko lang...bumalik na si ate, dad miss ko na siya lalo na kayo ni mommy." Bumuntong-hininga na lang siya sobra ko na talaga miss si ate. "Miss na miss ko na rin ang ate mo pero huwag nating ipahalata kay mommy mas masakit para sa kanya." Tumango na lang ako. Lumabas si mommy mula sa hagdan. "Matagal ba ako?" "Hinding-hindi, princess," biro ni daddy. Sumakay kami sa van namin papunta na kami sa trabaho at school. Sa daan, bilin ni mommy, "Mag-taxi ka papunta sa subdivision mahirap pumasok doon." "Yes, Mom." Sa school ng makarating kami bumaba kaagad ako sa van sinalubong agad ako ng tatlo. "Axelle!" sigaw ni Zaimah. "Miss you, siesie," dagdag ni Erika. "Huwag ka namang mawawala nang isang linggo," reklamo ni Kath. "Hindi man lang nag-text." Ngumiti ako. "Busy lang ang kapatid n'yo...artista raw." "Tapos may notes ka pang kokopyahin," tawa ni Kath. Naglakad kami papuntang classroom nagkwentuhan parang normal na araw. Pero alam kong hindi na ito katulad ng dati. "Sabay tayo umuwi mamaya," bulong ni Kath habang nakatalikod ang teacher. "Hindi ako pwede," sagot ko. "May pupuntahan ako." "Working-student ka na nga, artista ka pa," sabi ni Erika. "Dapat enjoy ka lang sa life." "Mas okay na 'to," sagot ko. "Ayokong madikit ang pangalan ko sa magulang ko, gusto kong makilala ako dahil sa sarili kong talento." "Tama," sabi ni Zaimah. Pagkatapos ng klase, nag-taxi ako papunta sa bahay nila kuya Ash. Habang papalapit kami sa subdivision, may kakaibang pakiramdam sa dibdib ko. Pagbaba ko— bukas ang gate. Napakunot-noo naman ako. May narinig akong sigawan sa loob. "Hoy! Kaya ako nandito para sunduin ka! May party tayong pupuntahan!" boses ni ate Jinchi. "Totoo ba na kapatid mo siya?" tanong ng isang babae. "Yes," sagot ni kuya Ash. "Twin sister ko." Tumigil ako sa may pinto. Sino siya? Pumasok ako nang diretso hindi pinansin ang tensyon hanggang sa mabangga ko ang babae. "Ops—sorry." Nagka-tinginan kaming dalawa kilala ko siya dahil doon siya sa network kung saan ako nag-work. "At sino ka?" tanong niya, sinusukat ako mula ulo hanggang paa. "Paano ka nakapasok?" "Axelle?" gulat na tanong ni kuya Ash. "Anong ginagawa mo dito?" "May pinakuha si mommy," sagot ko. "Mga gamit ni ate." "Magkakilala kayo?" tanong ng babae kay kuya Ash. "Oo," sagot niya. "Anong ate?" kumunot ang noo niya sa narinig hindi naman ako umimik. "Kaibigan namin," sabat ni ate Jinchi ng mabilis. Umakyat ako hindi ko na kayang manatili sa baba. Sa kwarto nila nandun pa ang wedding pictures mga litrato ng isang pamilyang minsang naging buo. Mahal pa rin niya si ate. Kinuha ko ang mga gamit ni ate—damit, personal na gamit. Hindi ko ginalaw ang pictures. Hindi ko rin kinuha ang mga gamit panglingo. Pagbaba ko naman nakita ko tahimik si kuya Ash. "Bakit hindi mo siya pinigilan?" tanong ng babae. Hindi sumagot si kuya. "Ash, aalis na ako," sabi ni ate Jinchi. "Sabihin mo na lang kung pupunta ka." "Susubukan ko," sagot niya. Lumabas ang mga gamit ni ate dala nang mga kasambahay niya. "Wait, sabay na kami," sabi ko. Bago ako tuluyang umalis, tumingin ako kay kuya Ash. "Sana hindi mo na 'to ulitin," sabi ko, mahina pero malinaw. "At sasabihin ko kina mommy at daddy ang nakita ko." Hindi siya sumagot. Sa tricycle, tahimik kami ni ate Jinchi sa loob. "Okay ka lang?" tanong niya. "Iniisip ko lang, kung may ginawa ba si kuya na dahilan ng pag-alis ni ate." sabi ko. Umiling siya. "Wala, mahal niya ang ate mo kaya nga sila nagpakasal nang maaga." Tumango ako. Wala silang alam sa totoong dahilan ng pag-alis ni ate. "Ate," tanong ko, "Alam nyo ba na nagkasakit ng malala si ate noong bata pa siya?" "Yes," sagot niya. "Pero hindi namin alam kung ano." "Ayaw na raw balikan ng magulang ko," sabi ko. "Muntik na nila siyang mawala." Tahimik kami pareho. At doon ko naintindihan hindi lahat ng iniwan dahil sa kakulangan ng pagmamahal. Minsan, dahil sa takot. Minsan, dahil sa sakit na piniling sarilinin. At ang katahimikan 'yon ang unang naging lihim ng pamilya namin. Tahimik ang biyahe pauwi. Hindi 'yong klaseng katahimikan na nakaka-relax kundi 'yong mabigat parang may nakabara sa lalamunan. Naka-titig lang ako sa kalsada habang umaandar ang tricycle. Si ate Jinchi, nakatingin sa kabilang direksyon halatang ayaw din magsalita. May mga tanong sa isip ko na ayokong sagutin. May mga sagot na ayokong marinig. Pagdating namin sa gate ng subdivision bumaba kami. Hawak pa rin ni ate Jinchi ang bag niya, parang nagmamadali parang gusto na niyang iwan ang lahat ng eksenang nangyari sa bahay ni kuya Ash. "Axelle," tawag niya bago kami tuluyang mag-hiwalay ng direksyon. "Kung may kailangan ka...sabihin mo lang." Ngumiti ako, pilit. "Salamat, ate." Hindi ko na dinugtungan hindi ko alam kung ano ang kailangan ko kasi pati ako, magulo. Pagdating ko sa bahay tahimik ang buong paligid. Wala pa sina mommy at daddy. Siguro nasa meeting o may pinuntahan. Dinala ko ang mga gamit ni ate papasok sa loob isang malaking bag ng mga bagay na parang may kasamang alaala sa bawat zipper na hinihila. Ipinatong ko ang bag sa may sala hindi ko agad binuksan. Umupo ako sa sofa at doon ko naramdaman ang pagod hindi sa katawan, kundi sa isip. Parang isang buong araw ng emosyon ang pumatong sa dibdib ko. Mahal pa rin siya ni kuya Ash 'yon ang malinaw sa akin. Kung gano'n, bakit may iba? Hindi ko kayang isisi lahat kay kuya hindi rin kayang ipagtanggol nang buo si ate. May mga desisyong hindi nila ipinaliwanag may mga lihim na iniwan nilang nakabitin sa pagitan ng mga taong nagmamahalan. Tumayo ako at dinala ang bag sa kwarto ni ate ang kwartong nanatiling gano'n pa rin mula nang umalis siya. Parehong kurtina. Parehong amoy. Parehong tahimik. Binuksan ko ang bag ni ate mga damit niya ang nandoon lumang notebook at isang scarf. May nahulog. Isang maliit na envelope nakatiklop nakita kong walang pangalan at walang petsa. Napatingin ako sa pintuan parang may mahuhuli akong lihim kapag binuksan ko 'yon. Sandali akong nagdalawang-isip pero binuksan ko pa rin. Hindi sulat. Hindi rin larawan. Medical paper. Hindi ko agad inintindi ang lahat ng nakasulat pero may isang salita akong agad nakilala. Leukemia. Nanlamig ang mga kamay ko bigla kong naalala ang sinabi ni ate Jinchi. Nagkasakit siya noong bata pa siya. Hindi sinabi kung ano kami lang kasi nakaka-alam at ang mga ninong at ninang lang namin na malapit sa magulang ko. Lumunok ako. May mga petsa at may mga resulta. May mga salitang masyadong pormal, masyadong tahimik pero alam kong mabigat. Bumalik ang sakit na matagal ng nawala sa akin para kay ate. Doon ko naintindihan kung bakit umalis si ate nang walang paalam hindi para iwan si kuya Ash. Hindi para talikuran ang pamilya kundi para protektahan. Isinara ko ang envelope at inilagay ulit sa bag. Parang natatakot akong hawakan pa ang katotohanan parang baka mas masakit kapag tuluyan ko itong inintindi. Naupo ako sa gilid ng kama sana sinabi mo, ate. Sana hindi mo kinimkim mag-isa nandito ako—kapatid mo. Pag-uwi nina mommy at daddy agad nilang napansin ang bag sa sala. "Nakuha mo?" tanong ni mommy. Tumango ako. "Oo." Hindi na ako nagsalita pa hindi ko pa kaya. Nang gabing 'yon hindi ako agad nakatulog. Paulit-ulit sa isip ko ang mukha ni kuya Ash kanina—tahimik, parang may hinihintay pa ring bumalik. Ang babaeng nakaupo sa tabi niya walang ideya na isa lang siyang pansamantalang pahinga. At si ate nasa kung saan man siya ngayon, mag-isa, lumalaban sa sakit niya. Doon ko naintindihan: May mga taong umaalis hindi dahil ayaw na nila. Umaalis sila dahil masyado silang nagmamahal. At minsan, ang mga taong naiwan sila ang napipilitang mabuhay sa gitna ng kalituhan. Hindi ko agad sinabi kina mommy at daddy ang nakita ko. Buong gabi, nasa bag lang ni ate ang envelope parang bomba na alam kong sasabog kapag binuksan ko ulit sa harap nila. Nakahiga ako sa kama, nakatitig sa kisame, habang paulit-ulit sa isip ko ang salitang hindi ko inaasahang babalik sa buhay namin. Leukemia. Akala ko tapos na. Akala ko noong bata pa kami, iyon na 'yon, isang bangungot na nalagpasan namin pero mali pala ako. Mas masahol pala kapag ang sakit...marunong bumalik. Kinabukasan, maaga akong nagising hindi dahil may pasok ako kundi dahil hindi na ako makatulog. Naririnig ko sa baba ang tunog ng kutsara at pinggan nag-aalmusal na sina mommy at daddy. Routine na talaga at normal na ginagawa namin. Parang walang mabigat na iniisip na nakahiga lang ako sa kama ko. Dinala ko ang envelope dapat malaman ito nina mommy at daddy. Hindi ko na inilagay sa bag hawak ko lang siy diretso na walang takip, walang proteksyon kasi gano'n naman ang katotohanan kapag inilabas mo na, wala nang atrasan. Pagbaba ko napatingin agad si mommy sa akin. "Anak, hindi ka pumasok?" tanong niya. Umiling ako. "May kailangan po akong itanong." Nagka-tinginan sila ni daddy nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. May mga tanong talagang nararamdaman ng magulang kahit hindi pa binibigkas. Umupo ako sa tapat nila sa dining table maingat kong inilapag ang envelope sa gitna. Tahimik. Walang gumalaw. Si daddy ang unang nagsalita mahina, pero alam kong mabigat. "Saan mo nakuha 'yan?" "Sa gamit ni ate," sagot ko. "Sa bahay ni kuya Ash." Hindi agad tumingin sa akin si mommy pinag-laruan niya lang ang tasa ng kape niya nanginginig ang daliri. "Axelle..." mahinang tawag niya. "Hindi mo dapat—" "Bakit?" putol ko hindi ko sinasadya. "Bakit hindi ko dapat malaman?" Tumingin ako sa kanila—una kay mommy, tapos kay daddy. "Bakit hindi nyo sinabi sa amin na bumalik ang leukemia ni ate?" Doon bumigay ang katahimikan. Inilapag ni daddy ang kutsara niya parang may iniiwasan siyang tunog. "Dahil ayaw niya," sagot niya sa wakas. Napangiti ako. Hindi dahil natutuwa—kundi dahil masakit. "Hindi siya ang tinatanong ko, dad," sabi ko. "Kayo." Napapikit si mommy isang malalim na hinga parang may hinugot mula sa dibdib. "Natakot kami," amin niya. "Natakot kaming mawala ulit siya." "Pero nawala pa rin siya," sagot ko agad. Hindi ako umiiyak sa kahit anong problemang dumating sa amin. Hindi pa...pero ramdam ko ang pag-ipit sa lalamunan ko. "Alam mo bang umalis siya nang buntis?" tanong ko. Tumango si daddy. "Alam mo bang hindi alam ng asawa niya?" dagdag ko. Mas tumagal ang sagot. "Hindi," sagot ni mommy basag ang boses niya. "Ayaw niyang sabihin." Napahawak ako sa mesa. "Hindi niyo ba naisip," sabi ko, mas mabagal na ngayon ang salita ko, "Na karapatan ni kuya Ash na malaman? Na karapatan naming malaman?" "Axelle," tawag ni daddy, "May mga sakit na mas madaling tiisin mag-isa." Napatingin ako sa kanya. "Hindi po," mahina kong sagot. "Mas madaling mamatay mag-isa pero mas mahirap mabuhay." Doon na umiyak si mommy. Tahimik lang at walang hikbi pero ramdam ko ang bigat. "Sinabi niya sa amin," sabi ni mommy sa pagitan ng luha, "Na kung sakaling bumalik...ayaw niyang makita mo siyang naghihirap ayaw niyang maalala mo siya gano'n." Lumunok naman ako, ate bakit ka ganyan? Kapatid mo pa ba ako? "Pero mas masakit," sagot ko, "Na maalala ko siyang umalis nang walang paalam." Tumahimik kami. Walang panalo sa usapang 'yon. Walang tama. Walang mali. May mga taong nagmahal lang nang sobra sa maling paraan. Tumayo ako. "Hindi ako galit sa kanya," sabi ko bago umalis. "Pero sana...sana sinabi niyo sa akin hindi ako bata. Kapatid niya ako." Hindi na ako naghintay ng sagot. Sa kwarto ko, doon ako tuluyang umiyak. Hindi dahil sa sakit ni ate. Hindi dahil sa babae ni kuya Ash. Kundi dahil sa katotohanang ang katahimikan kahit minsan proteksyon kaya ring pumatay ng tiwala at doon ko tuluyang naintindihan kung bakit pinili ni ate ang mawala. Pero hindi ibig sabihin noon... na tama 'yon.Huminga na lang ako nang malalim kaya ayaw niyang sumama ako dahil sa mag-ina niya.Bakit kailangan niyang itago sa akin?Maluwag ako sa kanilang magkapatid kaya kinausap ko ang anak ko nang kaming dalawa lang."Anong dahilan mo para itago mo sa akin ang tungkol sa mag-ina mo, anak?" tanong ko naman sa kanya alam niyang maluwag ako sa kanilang magkapatid."Hindi ko rin alam, eomma kung bakit ko nagawang itago ang luwag mo sa amin ni hyung kahit 18 pa lang ako nagkaroon ng relasyon wala kang reklamo sa akin ang bilin mo lang sa amin kung handa na ako sa isang responsibilidad humayo ako at umalis ako sa pamamahay natin buhayin ko ang magiging pamilya ko nung panahon na 'yon hindi ko ginawa nag-focus ako sa study at after that sa work," sagot naman sa akin ng anak ko.(Mommy) (eldest brother)Kaya nga bakit?"Bakit, anak?" tanong ko naman sa anak ko nang balingan ko naman siya ng tingin.Walang sagot mula sa kanya huminga na lang ako ng malalim. Pinagsabihan ko na lang siya at napag-desi
Ngayong nag-iisa na ako sa buhay feeling ko kailangan kong hindi maging pabigat sa anak ko. Nakakahiya naman magpapa-bigat pa ako tumutulong ako sa business nila kahit naka-upo na lang ako sa wheelchair.Maraming nagbago sa nakalipas na taon naging mas moderno ang galawan ng lahat na dati hindi naman."Eomma, yeogi eotteohge jinae?" bungad ng anak ko hinalikan niya ako sa noo ko nagpunta siya sa bahay.(Mom, how are you doing here?)Nilabas nila ako nang dumating ang anak kong bunso walang trabaho ngayon ang anak ko. Masaya ako na nakikita kong walang iniisip na problema ang mga anak ko ganito sana sila habangbuhay."Gwaenchanh-ayo. jigeum jigjang eobs-eo? oneul il eobs-eo?" banggit ko naman sa anak ko.(I'm fine, don't you have a job now? Don't you have work today?)Eomma, jigjang geumandwoss-eoyo. geogiseo wonsuleul mandeul-eossgeodeun-yo. jega siljighaess-eul ttae munjega saeng-gigi jeon-e geumandul gyehoeg-ieossneunde dahaeng-ieoss-eoyo." sagot ng anak ko sa akin.(left my job, mo
Makalipas ng ilang taon, nakapagtapos ang anak ko sa pag-aaral bumalik siya dito sa Korea para mag-trabaho nung nakausap ko ang asawa ko pumayag siya na tapusin na lang ng anak namin ang pag-aaral niya ang bilin lang at huwag gagawin ng anak namin ang lumala ang sakit niyang HIV sa katawan. Hindi namin siya pinigilan na magmahal normal ito at hindi mapipigilan. Nakahanap ng matinong tao ang anak ko tinutulungan siyang gumaling sa sakit niya hindi man kaagad tanggap ng pamilya ng partner niya ang relasyon nila wala silang magagawa matatanda na rin ang mga batang ito.Sumama sa kanya ang partner niya naninirahan sila ngayon sa Mullae-dong masaya sila ngayon na nagsasama. May balak sila mag-adopted ng baby pero parehas namin sinabi ng asawa ko na magpa-surrogate sila at maghanap ng babaeng magdadala ng baby nila."Eomma, sa United State namin planong magpa-surrogate nagtanong-tanong na rin ako sa mga kakilala kong nakatira doon mahal lang talaga dahil sa mga proseso $15,000-$60,000 sa ag
Kinausap ko muna nang masinsinan ang asawa ko pagkatapos niya pagsabihan ang anak namin."Kitty, now that you know about the mistake he made with the wrong person, let's let him learn from his mistake." sabi ko naman sa kanya nilayo ko siya sa anak namin nagpunta kami sa kusina ng mansyon ng pamangkin ko.Humingi ako ng medicine kit sa kasambahay nasalubong namin."What's my fault?" pahayag niya hinawakan ko ang pisngi niya at umiling kaagad ako sa kanya.Alam niya ang pag-iling ko na wala siyang kasalanan iniisip niya karma ito ng buhay niya."You did nothing but let us accept our son's personality he just made a mistake and it's not his fault the mistake is like yours, kitty It's not your fault and it's a mistake to love your ex-girlfriend your son is a person who knows how to love, he just made a mistake that person has a contagious disease, If he loves, he will accept him completely. No matter what happens now." bulalas ko sa kanya nilalagyan ko ng betadine ang gasgas sa kamay niy
Tahimik lang ang mag-ama ko sa unahan habang magkakasama kaming apat sa Venice Grand Canal Mall namamasyal kaming apat ngayong araw. Walang klase ang anak ko sa school kaya nagkaroon ng oras na makasama namin siya.Nakamasid naman ako sa kanilang dalawa katabi ko si manang. Hindi pa sila nag-uusap mula nang magkita silang dalawa ilang linggo nakakalipas. Kausap ng anak ko ang kapatid niya kasama namin si manang at ang bodyguard ng asawa ko.Naiiling na lang ako sa nakikita ko hinayaan ko muna silang magsaya bago magbago ang mood nilang dalawa kapag nagsimula na sila mag-usap tungkol sa problema namin."Ajik baegopa ji anha?" tawag pansin ko sa mag-aama ko tumaas naman ang kilay ko sa pag-lingon nila na parang nagtataka pa ang mukha.(Are you not hungry yet?)"Eomma, jigeum jom jwi apayo." angal naman ng bunso kong anak naka-simangot ang mukha nito sinaway ko lang dahil nag-aasta nang batang paslit.(Mom, I'm already tired.)"Geurae, appa? Ajik wonhaji anayo?" tawag pansin ko sa asawa
Nagulat ako ng makatanggap ako ng tawag mula sa asawa ko nasa airport na silang dalawa ng bunso kong anak. Nabigla ako nang tawagan niya ako para sunduin ko silang dalawa hindi ko naman alam may plano sila. "Eomma!" tawag sa akin ng anak kong bunso. (Mommy!) Kasama ko ngayon si manang para sunduin ang mag-ama ko may kasamang bodyguard ito para sa kaligtasan niya sa mga crazy fans. Niyakap ko na lang ito nang mahigpit at hinalikan ko sa labi ang asawa ko sa harapan ng mga taong nagsusundo sa mga kamag-anak. Nag-renta ako ng sasakyan at isang kakilala ni manang ang nagmamaneho para sa amin. Nilagay na sa loob ng sasakyan ang mga maleta nauna akong sumakay sumunod ang anak kong bunso at ang asawa kasama ang bodyguard. Nasa unahan naman nakaupo si manang hindi nakasama ang anak kong panganay dahil nasa school pa ito. Sinabihan ko ito na maagang umuwi dahil darating ang appa niya hindi ko na binanggit na kasama ang kapatid niya. (Daddy) Umuwi na kami sa condo kumuha ako ng ano







