MasukMalamig ang studio hindi lang dahil sa aircon, kundi dahil sa katahimikan na nakasanayan ko na.
Habang abala sina mommy at daddy sa pakikipag-usap sa organizer sa labas, iniwan ko muna sila at dumiretso sa dressing room namin. May rehearsal pa. May mall show mamaya at pagkatapos nito, uuwi na kami sa Pilipinas. Ganito ang buhay namin—palipat-lipat ng lugar, palaging may schedule, palaging may ngiti sa harap ng camera. Pero sa likod ng lahat ng 'yon, may isang pangalan na hindi nawawala sa isip ko. Si ate. “Ate Axelle, maupo ka na,” sabi ng Korean make-up artist habang inaayos ang ilaw sa harap ng salamin. Umupo ako at sinulyapan ang sarili ko sa repleksyon. Mukha akong okay. Mukha akong normal. Mukha akong isang batang lumaki sa spotlight. Pero hindi nila alam—na may bahagi sa akin na palaging naghahanap. “Ate, mamaya uuwi na tayo sa Pilipinas, nakapag-impake na ba sila dad?” tanong ko sa manager at personal assistant ko na nasa gilid. “Hm, hindi ko napansin kung tapos na sila,” sagot ng manager ko. Siya ang dating manager ni ate—bago siya nagpakasal, bago siya tuluyang naglaho sa mundo namin. Tahimik akong tumango. “Wala pa rin talagang balita kay ate,” sabi ko, parang wala lang. Pero may bigat iyon. Palagi. Napailing ang manager ko. “Ewan ko ba sa ate mo, Axelle ang talino-talinong tao, pero pagdating sa desisyon…palaging sarili ang inuuna.” Masakit pakinggan mas masakit dahil may katotohanan. Pwede naman niyang sabihin. Pwede naman niyang ipaalam. May asawa na siya hindi naman siya nag-iisa may pamilya–may kami. Pero pinili niyang umalis ng tahimik at walang paalam. Miss ko siya—oo. Pero may tampo rin akong hindi ko matanggal. “Si kuya Ash nagbago rin,” sabi ko, mababa ang boses. “Tumigil sa pag-aaral—Iba na siya ngayon.” “Sayang,” sagot ng manager. “Ang tino-tino noon.” Hindi ko na dinagdagan ang binanggit niya hindi nito kilala ng lubos si kuya Ash para magsalita ito ng hindi maganda. May mga kwento na kahit gusto mong ipagsigawan, kailangan mong ilibing. Tinawag ako ni daddy mula sa labas ng dressing room. “Matagal ka pa ba diyan, hija?” “Lalabas na ako, dad,” sagot ko habang tumatayo. “Nandyan na ba ang makakasama natin?” “Wala pa,” sagot niya. “Kayo na lang bumalik sa hotel at mag-impake, Isabay nyo na rin ang gamit ni Axelle.” “Bossy mo today, dad,” biro ko. Napangiti siya ng kaunti. “Wala, naiinip lang ako parang VIP yata ’tong hinihintay natin.” Hindi ko alam kung bakit napatingin ako sa paligid. Parang may pakiramdam akong may mangyayari—kahit hindi ko alam kung ano. Sa IFC Mall rehearsal area, matagal naming hinintay ang makakasama namin. Tahimik lang ako habang inaayos ang mic ko hanggang sa may dumating na lalaki. “Siya ’yong bumangga sa anak mo kanina sa bus,” bulong ni mommy kay daddy. Napatingin ako. Salamin. Tahimik. Matangkad. May presensya na hindi maingay pero hindi rin nawawala. “Artista siguro,” sabi ni daddy. “Umiwas lang sa tao.” Hindi man lang siya humingi ng sorry noon, pero ewan ko—hindi ako galit. Curious lang. “RR Eun daw ang pangalan,” sabi ng manager namin. “Dating may grupo, nag-solo.” RR Eun. Hindi ko alam kung bakit tumatak ang pangalan niya sa isip ko. Habang nagre-rehearse kami sa harap ng malaking salamin, ilang beses kaming nagka-tinginan at sa tuwing mangyayari 'yon, ako ang unang umiilag. Hindi dahil nahihiya ako. Hindi rin dahil may ibig sabihin na agad. May mga taong ganoon lang talaga—parang may dala silang katahimikan na pamilyar. Pagkatapos ng rehearsal, bumalik na kami sa dressing room. “Hindi ba nagsasalita ’yon?” tanong ni mommy habang nauupo. “Nagsasalita,” sagot ni daddy. “Mukhang naiintindihan pa tayo.” Napatingin ako ulit sa lalaki sa malayo at bago ko pa maiwasan, narinig ko ang sarili kong tinatawag ang magulang ko. “Mommy, tawag na daw tayo service bus na papuntang mall.” Habang naglalakad kami sa hallway ng network, nauuna ako sa magulang ko. Naririnig ko pa silang nag-uusap sa likuran ko. “Ang galing talaga ng mga anak natin,” sabi ni daddy. “Iba-iba man ang pinili nilang landas, pareho pa ring may talento.” “Lalo na si Elle,” sagot ni mommy. “Namana niya pati dugo ni Papa.” Tumigil ang hakbang ko sandali. Si ate na naman. “Kung nandito lang sana siya,” dagdag ni mommy. “Kung sinabi lang niya…” Hindi na niya tinuloy bigla na lang may tumabi sa akin. “Sorry.” Napatingala ako. Siya. “I’m sorry,” dagdag niya agad. “When I hit you earlier…I didn’t apologize, I was embarrassed.” Nagulat ako sa kanya at hindi ko inaasahan ang sasabihin niya. “You speak English?” tanong ko. “Yes, and a little Tagalog,” sagot niya. “I had Filipino friends in high school.” Napangiti ako nang hindi ko sinasadya. “Well,” sabi ko, “You’re forgiven, I understand, I’m the same person.” “Sorry again, miss Axelle.” “Call me Axelle,” sagot ko. At doon ko naramdaman—ang unang kakaibang tibok ng puso ko. Hindi malakas. Hindi rin malinaw. Pero naroon. Matapos ang mall show, mabilis kaming umalis. May flight pa kami pauwi ng Pilipinas. Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan, nilingon ko ang paligid. Hindi ko alam kung bakit hinanap ng mata ko ang isang pamilyar na anyo. Hindi ko siya nakita. Siguro ganon talaga may mga taong dadaan lang saglit sa buhay mo. Sa loob ng eroplano tahimik lang kami dahil sa pagod pero gising ang isip ko. “Nag-sorry ba ’yong lalaki?” tanong ni daddy. “Opo,” sagot ko. Tumango lang siya at wala nang follow-up. Habang pinipikit ko ang mata ko, isang mukha ang pumasok sa isip ko—hindi ang sa kanya. Kundi ang kay ate. Bago pa kami nagpunta sa Korea nakitaan ko ang magulang ko ng matinding kalungkutan kahit may isa pa silang anak—sa katauhan ko. Naalala ko ang eksaktong sinabi ni daddy sa amin ni mommy bago magpunta ng Korea kahit 50/50 ang chance na makikita namin si ate. Mula nang umalis si ate sa bahay at maagang nag-asawa, maraming nagbago sa amin. Madalas pumupunta ako at ang magulang namin sa mansyon ng pamilya ni ate Elle. Pero may isang pangyayari ang tuluyang bumiyak sa lahat—ang biglaang pagkawala niya. Hindi niya sinabi ang totoo sa asawa niya ang lahat. Hindi niya sinabi kay kuya Ash ang kalagayan niya. Nagbago ang bayaw ko mula sa Ash Chen Swellden na kilala naming tapat at tahimik— naging isang taong hindi na namin makilala. "Playboy," sabi ng iba. "Wasak," sabi ko. Kasama niyang umalis ang dinadala niyang bata at ang sakit na unti-unting umuubos sa kanya. Tatlong taon. Tatlong taong hinanap namin siya sa iba’t ibang bansa. At ngayon, nasa South Korea kami— hindi lang para sa concert, kundi para sa pag-asang buhay pa siya. “Mommy,” tanong ko habang naglalakad kami, “Dito rin ba natin hahanapin si ate?” “Oo,” sagot ni mommy. “Dito siya huling nakita.” Yumakap lang ako sa baywang niya matanda na siya. Mas tumanda pa dahil sa pag-aalala niya sa ate ko na nagtatago sa amin. Hindi ako galit kay ate. Takot lang ako—sa maaaring dulo ng paghahanap namin. At doon ko naintindihan hindi pala biglaang nawawasak ang pamilya. Unti-unti pala. Sa mga lihim. Sa katahimikan. Sa mga hindi nasabi sa tamang oras. May mga pamilyang buo sa litrato—pero kulang sa loob. At sa araw na 'yon, doon nagsimula ang unang bitak. Hindi agad ako nakatulog sa eroplano. Habang nakasandal si mommy sa balikat ni daddy, pinagmamasdan ko ang liwanag sa labas ng bintana. Maliit ang mundo kapag nasa taas ka—lahat ng problema parang kayang paliitin. Pero alam kong paglapag namin, babalik ang bigat. “Axelle,” tawag ni mommy, mahina. “Gising ka pa ba?” “Opo,” sagot ko agad. “Okay ka lang?” Tumango ako kahit hindi siya nakatingin. “Pagod lang po.” Hindi ko masabi sa kanila na pagod na rin akong umasa. Pagdating namin sa Pilipinas, diretso kaming tatlo sa bahay. Walang media. Walang interviews. Tahimik lang—parang sinadya ng lahat na huwag banggitin ang pangalan ni ate. Pero sa pamilya namin, hindi kailanman naging bawal ang katahimikan mas delikado ang mga salitang hindi binibigkas. Kinagabihan, habang kumakain kami sa mahabang mesa, biglang nagsalita si daddy. “May balita ulit ang private investigator.” Tumigil ang kutsara ni mommy sa ere. Ako rin. “Nasaan?” tanong niya. “South Korea,” sagot ni daddy. “Confirmed na nandoon siya…weeks ago.” Parang may humigop ng hangin sa loob ng bahay. “Kaya pala,” bulong ni mommy. “Kaya pala pakiramdam ko malapit siya.” Hindi ako nagsalita kasi takot akong umasa ulit. “Hindi lang siya mag-isa,” dagdag ni daddy. “May bata.” Napahawak si mommy sa bibig niya. Ako naman, napapikit. “Totoo?” mahina niyang tanong. Tumango si daddy. “Mukhang maayos ang panganganak ang apo natin, buhay ang mag-ina.” Doon ko naramdaman ang unang halo ng saya at sakit. May pamangkin ako. Pero wala pa rin ang ate ko. Kinabukasan, nasa studio na naman ako. Recording session this time—solo. Habang inaayos ang mic, bigla kong naalala ang sinabi ni ate noon. “Axelle, huwag mong hayaang kainin ka ng ingay, piliin mo rin minsan ang katahimikan.” Noon, hindi ko siya naintindihan. Ngayon, unti-unti ko nang nararamdaman. “Ready ka na?” tanong ng sound engineer. “Ready na po,” sagot ko. Pero ang boses ko, may bitbit nang lungkot. Habang kumakanta ako, pumasok sa isip ko ang lahat ng hindi ko nasabi kay ate lahat ng tanong na hindi ko naitanong. Bakit ka umalis? Hindi ba kami sapat? Hindi mo ba kami pinagkatiwalaan? Pagkatapos ng take, tahimik ang booth. “Ang sakit ng boses mo ngayon,” sabi ng producer. “Maganda pero mabigat.” Ngumiti lang ako hindi ko masabing—totoo 'yon. Gabi na nang makauwi ako. Nasa sala sina mommy at daddy, nag-uusap pa rin. “Kung sinabi lang sana niya,” sabi ni mommy, basag ang boses. “Kung sinabi lang niya sa atin na may sakit siya ulit…” “Takot siya,” sagot ni daddy. “Takot siyang makita natin siyang mahina.” “Pero pamilya niya tayo,” sagot ni mommy. “Hindi ba niya naisip ’yon?” Hindi ko napigilang sumabat. “Siguro,” sabi ko, “Akala niya mas ligtas kung wala siya.” Sabay silang napatingin sa akin. “Axelle…” tawag ni mommy. “Hindi ako galit kay ate,” dagdag ko. “Nasaktan lang ako kasi kung may nangyari sa kanya—hindi ko alam kung mapapatawad ko ang sarili ko.” Lumapit si daddy at hinaplos ang ulo ko. “Hindi kasalanan ng sinuman ang sakit.” Pero alam naming tatlo—hindi 'yon totoo. Ilang araw matapos noon, kinumpirma ng investigator: France. Doon siya tumuloy. Doon ang doktor niya. Doon ang totoong buhay niya ngayon. “Kami na lang ng daddy mo ang pupunta,” sabi ni mommy isang umaga. “May school ka pa, anak may recording ka.” Gusto kong sumama. Pero alam kong tama sila. “Sige po,” sagot ko kahit malungkot ako. Bago sila umalis niyakap ako ni mommy nang mahigpit. “Kapag nakita namin siya,” sabi niya, “Sasagutin niya lahat ng tanong natin.” Tumango ako, pero sa loob-loob ko, may tanong akong hindi ko alam kung gusto ko pang marinig ang sagot. Sa gabing 'yon, mag-isa ako sa kwarto. Tahimik. Walang ilaw. Walang ingay. Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ng lalaking nakilala ko sa Korea. RR Eun. Hindi ko alam kung bakit—pero parang pareho kami. Tahimik. May bitbit na hindi agad sinasabi. Mabilis ko ring iniling ang ulo ko hindi ito panahon para sa ganoon. May pamilya akong inaantay na mabuo ulit. Doon ko tuluyang naintindihan: Ang pamilya pala, hindi nasisira sa isang malaking pangyayari. Nasisira ito sa mga lihim, sa mga takot, sa mga salitang piniling hindi sabihin. At kahit buo kami sa litrato may isang puwang na hindi kayang punuan ng kahit anong ngiti. Si ate. At habang lumalalim ang katahimikan, mas lalo kong natutunang piliin ito dahil minsan, ang katahimikan ang tanging paraan para hindi tuluyang masira.Huminga na lang ako nang malalim kaya ayaw niyang sumama ako dahil sa mag-ina niya.Bakit kailangan niyang itago sa akin?Maluwag ako sa kanilang magkapatid kaya kinausap ko ang anak ko nang kaming dalawa lang."Anong dahilan mo para itago mo sa akin ang tungkol sa mag-ina mo, anak?" tanong ko naman sa kanya alam niyang maluwag ako sa kanilang magkapatid."Hindi ko rin alam, eomma kung bakit ko nagawang itago ang luwag mo sa amin ni hyung kahit 18 pa lang ako nagkaroon ng relasyon wala kang reklamo sa akin ang bilin mo lang sa amin kung handa na ako sa isang responsibilidad humayo ako at umalis ako sa pamamahay natin buhayin ko ang magiging pamilya ko nung panahon na 'yon hindi ko ginawa nag-focus ako sa study at after that sa work," sagot naman sa akin ng anak ko.(Mommy) (eldest brother)Kaya nga bakit?"Bakit, anak?" tanong ko naman sa anak ko nang balingan ko naman siya ng tingin.Walang sagot mula sa kanya huminga na lang ako ng malalim. Pinagsabihan ko na lang siya at napag-desi
Ngayong nag-iisa na ako sa buhay feeling ko kailangan kong hindi maging pabigat sa anak ko. Nakakahiya naman magpapa-bigat pa ako tumutulong ako sa business nila kahit naka-upo na lang ako sa wheelchair.Maraming nagbago sa nakalipas na taon naging mas moderno ang galawan ng lahat na dati hindi naman."Eomma, yeogi eotteohge jinae?" bungad ng anak ko hinalikan niya ako sa noo ko nagpunta siya sa bahay.(Mom, how are you doing here?)Nilabas nila ako nang dumating ang anak kong bunso walang trabaho ngayon ang anak ko. Masaya ako na nakikita kong walang iniisip na problema ang mga anak ko ganito sana sila habangbuhay."Gwaenchanh-ayo. jigeum jigjang eobs-eo? oneul il eobs-eo?" banggit ko naman sa anak ko.(I'm fine, don't you have a job now? Don't you have work today?)Eomma, jigjang geumandwoss-eoyo. geogiseo wonsuleul mandeul-eossgeodeun-yo. jega siljighaess-eul ttae munjega saeng-gigi jeon-e geumandul gyehoeg-ieossneunde dahaeng-ieoss-eoyo." sagot ng anak ko sa akin.(left my job, mo
Makalipas ng ilang taon, nakapagtapos ang anak ko sa pag-aaral bumalik siya dito sa Korea para mag-trabaho nung nakausap ko ang asawa ko pumayag siya na tapusin na lang ng anak namin ang pag-aaral niya ang bilin lang at huwag gagawin ng anak namin ang lumala ang sakit niyang HIV sa katawan. Hindi namin siya pinigilan na magmahal normal ito at hindi mapipigilan. Nakahanap ng matinong tao ang anak ko tinutulungan siyang gumaling sa sakit niya hindi man kaagad tanggap ng pamilya ng partner niya ang relasyon nila wala silang magagawa matatanda na rin ang mga batang ito.Sumama sa kanya ang partner niya naninirahan sila ngayon sa Mullae-dong masaya sila ngayon na nagsasama. May balak sila mag-adopted ng baby pero parehas namin sinabi ng asawa ko na magpa-surrogate sila at maghanap ng babaeng magdadala ng baby nila."Eomma, sa United State namin planong magpa-surrogate nagtanong-tanong na rin ako sa mga kakilala kong nakatira doon mahal lang talaga dahil sa mga proseso $15,000-$60,000 sa ag
Kinausap ko muna nang masinsinan ang asawa ko pagkatapos niya pagsabihan ang anak namin."Kitty, now that you know about the mistake he made with the wrong person, let's let him learn from his mistake." sabi ko naman sa kanya nilayo ko siya sa anak namin nagpunta kami sa kusina ng mansyon ng pamangkin ko.Humingi ako ng medicine kit sa kasambahay nasalubong namin."What's my fault?" pahayag niya hinawakan ko ang pisngi niya at umiling kaagad ako sa kanya.Alam niya ang pag-iling ko na wala siyang kasalanan iniisip niya karma ito ng buhay niya."You did nothing but let us accept our son's personality he just made a mistake and it's not his fault the mistake is like yours, kitty It's not your fault and it's a mistake to love your ex-girlfriend your son is a person who knows how to love, he just made a mistake that person has a contagious disease, If he loves, he will accept him completely. No matter what happens now." bulalas ko sa kanya nilalagyan ko ng betadine ang gasgas sa kamay niy
Tahimik lang ang mag-ama ko sa unahan habang magkakasama kaming apat sa Venice Grand Canal Mall namamasyal kaming apat ngayong araw. Walang klase ang anak ko sa school kaya nagkaroon ng oras na makasama namin siya.Nakamasid naman ako sa kanilang dalawa katabi ko si manang. Hindi pa sila nag-uusap mula nang magkita silang dalawa ilang linggo nakakalipas. Kausap ng anak ko ang kapatid niya kasama namin si manang at ang bodyguard ng asawa ko.Naiiling na lang ako sa nakikita ko hinayaan ko muna silang magsaya bago magbago ang mood nilang dalawa kapag nagsimula na sila mag-usap tungkol sa problema namin."Ajik baegopa ji anha?" tawag pansin ko sa mag-aama ko tumaas naman ang kilay ko sa pag-lingon nila na parang nagtataka pa ang mukha.(Are you not hungry yet?)"Eomma, jigeum jom jwi apayo." angal naman ng bunso kong anak naka-simangot ang mukha nito sinaway ko lang dahil nag-aasta nang batang paslit.(Mom, I'm already tired.)"Geurae, appa? Ajik wonhaji anayo?" tawag pansin ko sa asawa
Nagulat ako ng makatanggap ako ng tawag mula sa asawa ko nasa airport na silang dalawa ng bunso kong anak. Nabigla ako nang tawagan niya ako para sunduin ko silang dalawa hindi ko naman alam may plano sila. "Eomma!" tawag sa akin ng anak kong bunso. (Mommy!) Kasama ko ngayon si manang para sunduin ang mag-ama ko may kasamang bodyguard ito para sa kaligtasan niya sa mga crazy fans. Niyakap ko na lang ito nang mahigpit at hinalikan ko sa labi ang asawa ko sa harapan ng mga taong nagsusundo sa mga kamag-anak. Nag-renta ako ng sasakyan at isang kakilala ni manang ang nagmamaneho para sa amin. Nilagay na sa loob ng sasakyan ang mga maleta nauna akong sumakay sumunod ang anak kong bunso at ang asawa kasama ang bodyguard. Nasa unahan naman nakaupo si manang hindi nakasama ang anak kong panganay dahil nasa school pa ito. Sinabihan ko ito na maagang umuwi dahil darating ang appa niya hindi ko na binanggit na kasama ang kapatid niya. (Daddy) Umuwi na kami sa condo kumuha ako ng ano







