LOGINElle's POV (Axelle's sister)
2026 - France smells like rain and old stone. Hindi siya mabango hindi rin siya comforting pero tahimik siya at 'yon ang kailangan ko. Nakatayo ako sa harap ng salamin ng maliit naming apartment, hawak ang tiyan ko. Halos hindi pa halata, pero ramdam ko. Araw-araw. Parang paalala na may isang buhay na umaasa sa katawan kong unti-unti namang sumusuko. "Be strong," bulong ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung para kanino—sa baby, o sa akin. Sa mesa, nakakalat ang mga papel medical reports, blood counts. French words na natutunan ko na kahit ayaw ko. Relapse. Acute leukemia. Immediate treatment recommended. Noong una, natawa pa ako. Hindi na naman, sabi ko sa sarili ko hindi na uli. Pero wala namang pakialam ang sakit kung ayaw mo na. Naalala ko ang gabi bago ako umalis ng Pilipinas. Tahimik si Ash akala niya may tampo lang ako. Akala niya pagod lang ako. Akala niya—dahil sa pagseselos ko sa isang babaeng may gusto sa kanya kaya nagbago ako. Hindi ko siya sinisi o pinagsalitaan ng hindi maganda kilala ko kasi siya at hindi ako nagsalita. Hindi ko magawang aminin sa kanya ang problema ko kahit may karapatan naman siya na malaman ito—dahil asawa ko siya. Nakaupo kami sa kama ng magkatabi, pero parang may pagitan na hindi ko kayang tawirin. "Elle," sabi niya noon, "Bakit parang ang layo mo?" Ngumiti ako. 'Yong pilit. 'Yong sanay na sanay na akong magpanggap na wala lang ang iniisip ko. "Pagod lang," sagot ko. Hindi ko sinabi na takot ako. Hindi ko sinabi na nanginginig ako sa tuwing nahihilo. Hindi ko sinabi na isang linggo na akong nagduduwal—hindi lang dahil sa pagbubuntis. Dahil kung sinabi ko... Hindi niya ako papayagang umalis. Hindi niya ako papayagang mag-isa. Hindi niya ako papayagang mamatay nang tahimik at mas kinatakutan ko 'yon. Sa ospital sa France walang nakakakilala sa akin. Walang "Anak ka nina—" Walang "Asawa ka ni—" Walang "Sayang, bata ka pa." Doktor lang ang nakakakilala sa akin at sakit ko na akala ko matagal ng patay bumalik rin pala. "You're pregnant," sabi ng doktor sa English na may French accent. "This complicates things." Tumango lang ako. "Do you want to continue the pregnancy?" Hindi ko inisip ang sarili ko—hindi ko pinag-isipan. "Yes," sagot ko agad. Parang doon ko nakuha ang lakas ko. Kung mamamatay man ako hindi ako aalis nang walang iiwan. Tuwing mag-isa ako sa maliit na kwarto, doon ako nadudurog. Kapag tulog na ang baby sa loob ko o baka ako lang ang humihinga nang mabagal saka bumabalik ang mga mukha ng mga taong iniwan ko. Si mommy. Si daddy. Si Axelle—ang bunso naming mas matapang pa sa akin. At si Ash. Mas lalo na si Ash. Naaalala ko ang kamay niya sa buhok ko. Ang boses niya kapag tinatawag niya akong love. Ang paraan ng pag-yakap niya parang may pangako. Sorry, bulong ko sa dilim. Hindi kita sinama kasi mahal kita. Hindi ko alam kung maiintindihan niya pero umaasa akong balang araw...mapapatawad niya ako. – Tahimik ang café kung saan ako at si kuya Ash. Hindi 'yong romantic na tahimik kundi 'yong may naka-ambang sasabog. Nakaupo sa tapat ko si kuya Ash kahit nangangayat siya may dating pa rin siya baka dahil sa pagiging prinsipe niya sa underground world na mundo ng kanilang pamilya. Mas maputla at mukhang pagod kaysa sa lalaking kilala ko noon. "Bakit mo ako pinatawag?" tanong niya. Hinawakan ko ang baso ng tubig ko hindi ko tinitignan. "Gusto lang kitang makita," sagot ko. Ngumiti siya pero walang saya. "Hindi mo kailangang magsinungaling sa akin, Elle—" Huminto siya bigla bago umiling. "Axelle." Napatingin ako nakikita niya sa akin si ate hindi ako anino ni ate sa pamilya ko pero pagdating sa showbiz industry at kay kuya napagkakamalan nila ako si ate dahil sa hugis ng mukha namin parehas. "May alam ka," sabi niya sa akin ng diretso. "Ramdam ko." Nilunok ko ang totoo. "May alam ako," sagot ko. "Pero hindi pa oras para malaman mo." Tumawa siya nang mahina ng may pait sa labi. "Tatlong taon na, Axelle, Ilang oras pa ba ang kailangan?" Tahimik ako. Kung alam lang niya. "May babae ka," sabi ko sa wakas. Hindi siya tumanggi o nag-deny man lang. "Hindi ko siya mahal." Mas masakit ang totoo kaysa kasinungalingan. "Pero mahal mo pa si ate," sagot ko. Doon siya tumingin sa akin ng diretso walang ka-akibat na pag-iwas. "Araw-araw," sagot niya. "Kahit galit ako sa kanya." Pumikit ako. "Si Sherylle o si ate?" Pagtatanong ko sa kanya may mali man si ate sa paglayo niya kay kuya kasal pa rin silang dalawa panloloko pa rin 'to. Kung alam mo lang kung bakit siya umalis. "Kung sakaling bumalik siya," sabi ko, nanginginig na ang boses ko, "Anong gagawin mo?" Hindi siya nag-isip. "Uuwi ako," sagot niya. "Kahit saan siya naroon." Napayuko ako hindi ko kayang sabihin. Hindi ko kayang maging dahilan ng isa pang pagkawasak. Tumayo ako. "Hindi pa ngayon, kuya," sabi ko. "Pero huwag kang tumigil sa paghihintay." Tumayo rin siya. "Axelle," tawag niya, halos pakiusap. "Buhay pa ba siya?" Tumigil ako sa paglakad. Isang segundo lang. "Oo," sagot ko. "At sapat muna 'yon." Hindi niya alam pero sa gabing 'yon, unang beses akong natakot sa araw na sasabihin ko ang buong katotohanan. Hindi agad ako umalis. Akala ko kaya ko pero may mga tanong na hindi mo kayang iwan kahit pilitin mo. Tumalikod ako at muling umupo sa inupuwn ko tahimik din si kuya Ash parang alam niyang may kasunod pa. "Kuya," sabi ko, mas mababa ang boses ko ngayon. "May tanong ako." Tumango naman siya nakita ko sa kanya ang Pagod na pagod na, pero handang makinig. "Kung sakaling...may dahilan pala ang pag-alis niya hindi pagtataksil, hindi pagtakbo kundi takot," sabi ko, maingat ang bawat salita, "Maiintindihan mo ba?" Matagal siyang hindi sumagot malalim niya iniisip siguro ang isasagot niya. Tinitigan niya ang mesa parang binibilang ang mga gasgas sa kahoy, parang doon niya inilalagay ang galit niya para hindi sumabog. "Tatlong taon akong naghintay," sagot niya sa wakas. "Tatlong taon akong gumising araw-araw na galit... at pag-tatampo tapos natutulog akong may pag-asa." Huminga siya nang malalim. "Kung takot lang pala," dagdag niya, "Bakit hindi niya ako isinama?" Doon ako natigilan hindi dahil wala akong sagot kundi dahil tama siya. "Dahil may mga taong akala nila," mahina kong sabi, "Mas mahal nila ang iba kapag mag-isa silang nasasaktan." Tumawa siya. Isang maikling tawa—basag. "Kung gano'n, nagkamali siya," sagot niya. "Kasi mas masakit pala 'yong iniwan ka para hindi ka raw masaktan." Hindi ako sumagot hindi dahil ayaw ko. Kundi dahil kung magsasalita pa ako...mababasag na ang lahat. Tumayo siya. "Axelle," sabi niya, seryoso. "Sabihin mo sa akin—galit ba siya sa akin?" Muntik akong umiyak. "Hindi," sagot ko agad. "Never." "May iba ba?" sunod niyang tanong. Umiling ako. "Buhay pa ba siya?" Sandali akong tumahimik mas walang lumabas na hangin sa akin kaysa kanina. "Kuya," sabi ko, pinipigilan ang boses ko, "Kung may pagkakataon ka pang ayusin ang mga relasyon—hindi ba't pipiliin mo 'yon?" Tumitig siya sa akin parang may hinahanap. "Oo," sagot niya. "Kahit masakit." Tumango ako. "Then...huwag mo sanang ubusin ang sarili mo sa hinanakit," sabi ko. "Hindi niya 'yon kakayanin kung makita ka niya." Napapikit siya parang may tumusok sa kanya. "Akala ko ba galit siya," bulong niya. "Mas takot siya," sagot ko. "At mas mahal ka niya kaysa sa sarili niya." Hindi na niya napigilan. "Axelle," sabi niya, basag na basag na ang boses, "Kung may alam ka...huwag mo akong gawing tanga." Tumayo ako at lumapit sa kanya sa unang beses sa loob ng tatlong taon—niyakap ko siya ng mahigpit at sobrang tagal. "Hindi ka tanga," bulong ko. "At hindi ka iniwan." Nanigas siya sa una, tapos...bumigay. Hindi siya umiyak nang malakas habang yakap ko siya. Tahimik lang parang pagod na pagod nang pigilan. Pagbitaw ko, umatras ako. "Hindi pa oras," sabi ko. "Pero darating." Tumango naman siya. "At kapag dumating," sagot niya, "Handa akong masaktan at patawarin siya—basta totoo." Umalis ako nang hindi na lumingon. Sa labas doon ko hinayaang umagos ang luha. Hindi dahil sa bigat ng sikreto kundi dahil alam kong kapag sinabi ko na ang buong katotohanan... may mga pusong tuluyang mababasag. At ang tanong handa na ba akong maging dahilan? – Elle's POV (Axelle's sister) Nasa loob ako ng kwarto ko at napaka-tahimik ko. Hindi 'yong klaseng katahimikan na payapa kundi 'yong katahimikan na parang hinihintay ka kung kailan ka susuko. Nakahiga ako sa kama ng maliit na apartment sa Paris, hawak ang tiyan ko. Pitong buwan pa lang noon pero ramdam ko na may mali. Matagal ko nang ramdam. Ang sakit sa buto, ang bigat ng paghinga, ang pagkahilo na hindi nawawala pero mas pinili kong manahimik. Hindi dahil matapang ako kundi dahil natatakot ako. Natanggap ko ang tawag ng doktor kanina. "Elle, your blood work confirms it, the leukemia is back." Hindi na ako umiyak katulad ng dati sanay na ako. Siguro kasi alam ko na. Siguro kasi matagal ko nang hinihintay marinig ang kumpirmasyon mas masakit ang kasunod. "We need to decide. Immediate treatment...or you continue the pregnancy." Tahimik. Parang may humawak sa lalamunan ko ng marinig ko ang sinabi ng doctor sa akin. "Kung magpa-chemotherapy po ako ngayon?" tanong ko. Huminga siya nang malalim bago sumagot. "High risk for the baby." Napapikit ako. "Kung itutuloy ko ang pagbubuntis?" halos pabulong kong banggit sa doctor. "High risk for you." Doon ako natawa bigla isang mahina at basag na tawa. "May chance ba...na pareho kaming mabuhay?" Mahabang katahimikan. "...We can't promise." Pagkababa ng tawag doon lang ako umiyak. Hindi dahil mamamatay ako kundi dahil may isang maliit na buhay sa loob ko na hindi humingi ng ganitong mundo. Lumuhod ako sa sahig yakap ang tiyan ko. "Sorry," bulong ko. "Sorry kung ganito ang mommy mo." Naalala ko si Ash ang mga plano namin at ang mga pangarap na hindi niya alam na sabay kong inilibing sa desisyong ito. Kung pipiliin ko ang sarili ko mamamatay ang anak ko. Kung pipiliin ko ang anak ko baka, hindi ko na makita ang mundo niya. Hindi na ako nag-isip pa. Tinawagan ko ulit ang doktor. "I will continue the pregnancy," malinaw kong sabi. "Whatever happens...I choose my baby." Tumahimik siya saglit. "Then we will do everything we can to keep you both alive." Pagkababa ng tawag humiga na ako ng malalim. "Laban tayo," bulong ko sa tiyan ko. "Hangga't kaya." Emergency — Labor, Disyembre 2026. Madaling-araw nang magsimula ang sakit. Akala ko contraction lang hanggang sa may dugo. Maraming lumabas na dugo mula sa akin. Napaupo ako sa kama nanginginig ang kamay ko habang tumatawag ng emergency. "Je suis enceinte...I'm bleeding," umiiyak kong sabi. (I am pregnant) Hindi ko na maalala ang sumunod—sirena, ilaw, malamig na stretcher. Sa ospital, nagmamadali ang lahat. "She's preeclamptic." "Blood pressure's dropping." "Baby's in distress." Hinawakan ko ang tiyan ko. "Please," pakiusap ko sa doktor, "Save my baby." Tinitigan niya ako hindi bilang pasyente, kundi bilang ina. "We need to operate. Emergency C-section." Tumango ako kahit nanginginig. Habang tinutulak ako papunta sa operating room, isang tanong lang ang nasa isip ko: Makikita ko pa ba siya? Sa loob ng operating room, maliwanag ang ilaw. Malamig. Tahimik pero puno ng utos. Nararamdaman ko ang paghila, ang pressure pero mas ramdam ko ang pagod. Parang hinihigop ng katawan ko ang huling lakas. "Stay with us, Elle," sabi ng nurse. Gusto kong sumagot pero ang lumabas lang hininga ko. Tapos—Isang tunog. Mahina pero malinaw. Isang iyak. Napangiti ako, kahit luha ang lumabas sa mata ko. "Baby?" mahina kong tanong. Inilapit nila sa akin ang maliit na mukha—mapula, nanginginig, buhay. "It's a girl." Humagulgol ako. "Hi," bulong ko. "Hi, love." Hinawakan ko ang maliit niyang kamay. "Sasabihin ko sana sa'yo...may tatay ka na mabait," pabulong kong sabi. "Hindi lang niya alam... na nandito ka." Ramdam kong bumibigat ang katawan ko. "Her name," tanong ng nurse. Huminga ako nang malalim. "Ashley," sagot ko. "Ashley Beiche Villa Swellden." Napangiti sila. "She's strong," sabi ng doktor. Tumango ako, dahan-dahan nang pumipikit. "Mana sa ama niya," bulong ko. Bago tuluyang magdilim ang paligid, isang huling dasal ang binitiwan ko— Please...kahit siya na lang. Nagising ako sa tunog ng makina. Mahina lang pero paulit-ulit parang orasan na nagbibilang ng oras na hindi ko alam kung akin pa. Hindi agad ako gumalaw ayokong malaman kung buhay pa ako kasi kung hindi, hindi ko na kailangang magdesisyon ulit. "Elle?" Tawag ng isang boses babae natatakot man ako dumilat ako. White ceiling at amoy disinfectant. May kirot sa tiyan ko—malalim, parang may hinila mula sa loob ko at iniwan akong guwang. "Welcome back," sabi ng nurse, nakangiti pero pagod ang mga mata. "You scared us." Buhay pa pala ako. "Baby?" unang salitang lumabas sa bibig ko basag ang boses na lumabas sa akin. "Your daughter is in NICU," sagot niya agad. "Premature, but stable. She's a fighter." Napapikit ako, hindi ko alam kung iiyak o tatawa. "Can I see her?" "Not yet," sagot ng nurse. "Your body needs to rest." Rest. Parang biro. Ilang oras matapos no'n, dumating ang doktor. Diretso siya magsalita. Wala nang paligoy. "You survived the surgery but your blood counts are dangerously low." Tumango naman ako. "Chemotherapy needs to start as soon as possible." Huminga ako nang malalim. "Hindi pa," sagot ko agad. Napakunot ang noo niya. "Elle—" "Please," pakiusap ko. "Give me time, I need to breastfeed, I need to be there." Tahimik siya saglit. "Postponing treatment is risky." Tiningnan ko siya hindi bilang pasyente—kundi bilang ina. "Lahat ng ginawa ko mula simula risky," sagot ko. "Pero nandito siya." Matagal siyang hindi nagsalita. "We'll monitor you closely," sabi niya sa wakas. "But if your condition worsens—" "Then I'll face it," putol ko. "Pero hindi ngayon." Tumango siya. Nang maiwan akong mag-isa sa ward room doon ko lang naramdaman ang ngalay ng katawan at manhid. Hindi ako ligtas. Hindi pa tapos. Pero may anak ako. At sapat na 'yon—sa ngayon. Pagkalipas ng ilang araw, dinala nila ako sa NICU. Nakita ko ang munting anghel na binigay sa amin ni Ash. Maliit siya. Sobrang liit. May mga tubo, wire, ilaw parang masyadong malaki ang naka-lagay para sa katawan niya. "Ashley," bulong ko. Hinawakan ko ang daliri niya napakaliit pero humigpit ang kapit niya. Parang sinasabi huwag ka munang umalis. Noong gabing 'yon, humingi ako ng papel at ballpen. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil may mga salitang hindi pwedeng manatili sa loob. Letter #1 — For Ash Ash, Kung mababasa mo man 'to ibig sabihin, may nangyari na sa akin na hindi ko na kayang ipaliwanag nang personal. Hindi ako umalis dahil hindi kita mahal. Umalis ako dahil natakot ako na kapag nakita mo akong unti-unting nawawala, mas masasaktan ka. May anak tayo. Ashley ang pangalan niya. Mana sa'yo ang tapang. Sana mana rin sa'yo ang pagkakataong mabuhay nang buo. Patawad kung hindi kita isinama sa laban na 'to. Akala ko kaya kong mag-isa. Hindi pala. — Elle Tinupi ko ang papel hindi ko alam kung ipapadala ko. Inilagay ko lang sa drawer. Letter #2 — For Mommy & Daddy Mom, Dad, Kung galit kayo sa akin, naiintindihan ko. Kung nasaktan ko kayo, mas naiintindihan ko. Hindi ko sinabi dahil ayokong makita kayong masira habang pinapanood ninyo akong lumalaban. May apo na kayo. Maganda siya. Tahimik pero matapang. Kung hindi man ako makauwi, sana siya ang yakapin ninyo para sa akin. — Elle Tumulo ang luha ko sa papel pinunasan ko agad. Ayokong mabasa ang tinta ayokong magmukhang paalam. Letter #3 — For Axelle Ito ang pinakamahirap. Matagal akong nakatitig sa blangkong papel bago ako sumulat. Axelle, Sorry kung iniwan kita. Ikaw ang pinakamalakas sa ating dalawa pero ikaw rin ang pinaka-nakakaramdam. Kung may pagkakataon ka mang magalit sa akin, gawin mo. Mas pipiliin kong galit ka kaysa iniisip mong hindi kita mahal at kapatid. May pamangkin ka. Kung dumating ang araw na hindi na ako ang kasama niya, sana ikaw ang maging kwento ko sa kanya. Sabihin mo sa kanya...na pinili ko siyang mabuhay. — Ate Hindi ko tinapos. Tinupi ko rin. Tatlong sulat. Tatlong katotohanan. Tatlong pusong hindi ko pa kayang harapin. Humiga ako, mahina ang katawan pero gising ang isip. Buhay pa ako pero bawat araw—mahalaga na. At habang may oras pa, isang bagay lang ang sigurado: Hindi pa tapos ang laban.Huminga na lang ako nang malalim kaya ayaw niyang sumama ako dahil sa mag-ina niya.Bakit kailangan niyang itago sa akin?Maluwag ako sa kanilang magkapatid kaya kinausap ko ang anak ko nang kaming dalawa lang."Anong dahilan mo para itago mo sa akin ang tungkol sa mag-ina mo, anak?" tanong ko naman sa kanya alam niyang maluwag ako sa kanilang magkapatid."Hindi ko rin alam, eomma kung bakit ko nagawang itago ang luwag mo sa amin ni hyung kahit 18 pa lang ako nagkaroon ng relasyon wala kang reklamo sa akin ang bilin mo lang sa amin kung handa na ako sa isang responsibilidad humayo ako at umalis ako sa pamamahay natin buhayin ko ang magiging pamilya ko nung panahon na 'yon hindi ko ginawa nag-focus ako sa study at after that sa work," sagot naman sa akin ng anak ko.(Mommy) (eldest brother)Kaya nga bakit?"Bakit, anak?" tanong ko naman sa anak ko nang balingan ko naman siya ng tingin.Walang sagot mula sa kanya huminga na lang ako ng malalim. Pinagsabihan ko na lang siya at napag-desi
Ngayong nag-iisa na ako sa buhay feeling ko kailangan kong hindi maging pabigat sa anak ko. Nakakahiya naman magpapa-bigat pa ako tumutulong ako sa business nila kahit naka-upo na lang ako sa wheelchair.Maraming nagbago sa nakalipas na taon naging mas moderno ang galawan ng lahat na dati hindi naman."Eomma, yeogi eotteohge jinae?" bungad ng anak ko hinalikan niya ako sa noo ko nagpunta siya sa bahay.(Mom, how are you doing here?)Nilabas nila ako nang dumating ang anak kong bunso walang trabaho ngayon ang anak ko. Masaya ako na nakikita kong walang iniisip na problema ang mga anak ko ganito sana sila habangbuhay."Gwaenchanh-ayo. jigeum jigjang eobs-eo? oneul il eobs-eo?" banggit ko naman sa anak ko.(I'm fine, don't you have a job now? Don't you have work today?)Eomma, jigjang geumandwoss-eoyo. geogiseo wonsuleul mandeul-eossgeodeun-yo. jega siljighaess-eul ttae munjega saeng-gigi jeon-e geumandul gyehoeg-ieossneunde dahaeng-ieoss-eoyo." sagot ng anak ko sa akin.(left my job, mo
Makalipas ng ilang taon, nakapagtapos ang anak ko sa pag-aaral bumalik siya dito sa Korea para mag-trabaho nung nakausap ko ang asawa ko pumayag siya na tapusin na lang ng anak namin ang pag-aaral niya ang bilin lang at huwag gagawin ng anak namin ang lumala ang sakit niyang HIV sa katawan. Hindi namin siya pinigilan na magmahal normal ito at hindi mapipigilan. Nakahanap ng matinong tao ang anak ko tinutulungan siyang gumaling sa sakit niya hindi man kaagad tanggap ng pamilya ng partner niya ang relasyon nila wala silang magagawa matatanda na rin ang mga batang ito.Sumama sa kanya ang partner niya naninirahan sila ngayon sa Mullae-dong masaya sila ngayon na nagsasama. May balak sila mag-adopted ng baby pero parehas namin sinabi ng asawa ko na magpa-surrogate sila at maghanap ng babaeng magdadala ng baby nila."Eomma, sa United State namin planong magpa-surrogate nagtanong-tanong na rin ako sa mga kakilala kong nakatira doon mahal lang talaga dahil sa mga proseso $15,000-$60,000 sa ag
Kinausap ko muna nang masinsinan ang asawa ko pagkatapos niya pagsabihan ang anak namin."Kitty, now that you know about the mistake he made with the wrong person, let's let him learn from his mistake." sabi ko naman sa kanya nilayo ko siya sa anak namin nagpunta kami sa kusina ng mansyon ng pamangkin ko.Humingi ako ng medicine kit sa kasambahay nasalubong namin."What's my fault?" pahayag niya hinawakan ko ang pisngi niya at umiling kaagad ako sa kanya.Alam niya ang pag-iling ko na wala siyang kasalanan iniisip niya karma ito ng buhay niya."You did nothing but let us accept our son's personality he just made a mistake and it's not his fault the mistake is like yours, kitty It's not your fault and it's a mistake to love your ex-girlfriend your son is a person who knows how to love, he just made a mistake that person has a contagious disease, If he loves, he will accept him completely. No matter what happens now." bulalas ko sa kanya nilalagyan ko ng betadine ang gasgas sa kamay niy
Tahimik lang ang mag-ama ko sa unahan habang magkakasama kaming apat sa Venice Grand Canal Mall namamasyal kaming apat ngayong araw. Walang klase ang anak ko sa school kaya nagkaroon ng oras na makasama namin siya.Nakamasid naman ako sa kanilang dalawa katabi ko si manang. Hindi pa sila nag-uusap mula nang magkita silang dalawa ilang linggo nakakalipas. Kausap ng anak ko ang kapatid niya kasama namin si manang at ang bodyguard ng asawa ko.Naiiling na lang ako sa nakikita ko hinayaan ko muna silang magsaya bago magbago ang mood nilang dalawa kapag nagsimula na sila mag-usap tungkol sa problema namin."Ajik baegopa ji anha?" tawag pansin ko sa mag-aama ko tumaas naman ang kilay ko sa pag-lingon nila na parang nagtataka pa ang mukha.(Are you not hungry yet?)"Eomma, jigeum jom jwi apayo." angal naman ng bunso kong anak naka-simangot ang mukha nito sinaway ko lang dahil nag-aasta nang batang paslit.(Mom, I'm already tired.)"Geurae, appa? Ajik wonhaji anayo?" tawag pansin ko sa asawa
Nagulat ako ng makatanggap ako ng tawag mula sa asawa ko nasa airport na silang dalawa ng bunso kong anak. Nabigla ako nang tawagan niya ako para sunduin ko silang dalawa hindi ko naman alam may plano sila. "Eomma!" tawag sa akin ng anak kong bunso. (Mommy!) Kasama ko ngayon si manang para sunduin ang mag-ama ko may kasamang bodyguard ito para sa kaligtasan niya sa mga crazy fans. Niyakap ko na lang ito nang mahigpit at hinalikan ko sa labi ang asawa ko sa harapan ng mga taong nagsusundo sa mga kamag-anak. Nag-renta ako ng sasakyan at isang kakilala ni manang ang nagmamaneho para sa amin. Nilagay na sa loob ng sasakyan ang mga maleta nauna akong sumakay sumunod ang anak kong bunso at ang asawa kasama ang bodyguard. Nasa unahan naman nakaupo si manang hindi nakasama ang anak kong panganay dahil nasa school pa ito. Sinabihan ko ito na maagang umuwi dahil darating ang appa niya hindi ko na binanggit na kasama ang kapatid niya. (Daddy) Umuwi na kami sa condo kumuha ako ng ano







