INICIAR SESIÓNHindi pa rin maalis sa isip ni Serena ang mga messages na natanggap n’ya habang nakatayo sa labas ng gate.
Lalo na ang huling message.
ESPECIALLY YOUR MOM.
Pagpasok n’ya sa bahay, nadatnan n’ya si Damian sa sala. Nakatayo habang may kausap sa phone, at kahit hindi n’ya marinig ang nasa kabilang linya, halatang seryoso ang usapan.
“I’m telling you, someone has access to information they shouldn’t have,” sabi ni Damian.
“Check it again. I want to know how they got her details.”
Napahinto si Serena.
Her details?
After a few seconds, ibinaba na ni Damian ang phone at saka s’ya hinarap.
“Did you get another message?”
“Bakit? May report na ba ako sa’yo ngayon?”
“Serena, I’m not in the mood for this.”
“Good. At least parehas tayo.”
Pinakita ni Serena ang bagong message at binasa ni Damian. Unti-unting nagbago ang expression nya.
“Nag-reply ka?”
“No.” pasungit na sagot ni Serena.
“Good.”
“Don’t start.”
Tumingin ito kay Serena. “What?!”
“‘Yung tono ng boses mo para akong aso na kailangan turuan kung ano ang mga dapat kong gawin.”
“I’m just trying to keep you alive.”
Natigilan si Serena.
Hindi dahil sa sinabi ni Damian, kundi dahil sa paraan ng pagkakasabi nito. Walang yabang, walang halong biro.Para bang seryoso talaga si Damian sa bawat salitang lumalabas sa bibig n’ya.
“Then tell me what’s happening,” sagot ni Serena. “Kahit kaunti lang. Hindi naman ako tanga, Damian. Alam kong may dahilan kung bakit ako kasama sa kung ano man yang imbestigasyon mo.”
Hindi sumagot agad si Damian.
Sa halip, tumingin ito sa bintana bago muling ibinaling ang atensyon kay Serena.
“We’re leaving.”
Napakunot na naman ng noo si Serena. “What?!”
“Pack what you need. Ten minutes.”
“Excuse me? Saan tayo pupunta?”
“Somewhere safer.”
“Safer than my own house?”
“Yes.”
Napailing s’ya. “Hindi ka ba talaga marunong magpaliwanag man lang ng maayos?”
“Not when we don’t have time.”
Gusto pa sana makipagtalo ni Serena, pero may napansin s’ya sa mukha nito. Hindi lang basta nagmamadali si Damian. May bagay itong ikinababahala, at kahit pilit nitong itago, hindi na nito kayang itago ng maayos.
“Is someone coming?” tanong ni Serena.
“I’m not sure.”
“That’s not so reassuring.”
“It’s not supposed to be.”
Napamura s’ya ng mahina bago umakyat para mag-impake. Wala s’yang idea kung saan ba talaga s’ya dadalhin ng lalaking ‘to, pero isang bagay ang malinaw: ayaw n’yang mag-stay sa bahay habang may taong nakakaalam kung nasaan s’ya.
At mas ayaw n’yang malaman sa huling sandali na tama ang lahat ng kinakatakutan nya.
Halos isang oras silang nag-byahe bago tuluyang huminto ang sasakyan sa isang tahimik na residential area. Hindi ito mukhang lugar na pupuntahan ng isang tao na nagtatago. May ilang bahay magkabilang gilid ng kalsada, maliliit na garden, at mga ilaw na nagbibigay ng ordinaryong itsura sa buong paligid.
Pero nang pumasok na sila sa isang bahay na nasa dulo ng kalye, napansin ni Serena ang mga camera sa labas at ang mga matibay na kandado sa p***o.
“Safe house?” tanong n’ya agad habang inilalapag ang bag nya.
“Something like that.”
“May mas normal pa bang sagot dyan?”
“Not today.”
Napapikit si Serena at huminga ng malalim.
Lord, please give me lots of patience.
Dinala na sya ni Damian sa isang maliit na kwarto sa second floor. May kama, closet, at bintana na nakaharap sa bakuran. Simple lang ang lugar, pero napakalinis at maayos.
“You can stay here,” sabi ni. “Don’t open the door for anyone unless I tell you it’s safe.”
“May kasama ba tayong iba?”
“Not at the moment.”
“Meaning, may parating?”
“Meaning, just stay inside.”
Napalingon sya rito. “Alam mo, kung hindi lang kita kailangan tanungin tungkol sa mga sikreto ng pamilya ko, matagal na kitang sinigawan.”
Damian raised an eyebrow. “You can still do that.”
“Oohhh… Tempting.”
For the first time, she saw Damian slightly smiled.
Sandali lang ‘yon pero nakita ni Serena.
At nakakainis na napansin nyang bagay pala kay Damian ang nakangiti.
Agad nyang iniwas ang tingin nya rito.
‘Wag kang tanga, Serena. Please lang.
Hindi nya dapat magustuhan ang lalaking ito. Dahil unang una sa lahat, asawa na ito ng nanay nya, at pangalawa ang dami nitong itinatago.
After a few hours, nakaupo si Serena sa sala habang sinusubukang maghanap ng signal sa phone nya. Hindi nya alam kung anong oras na dahil wala syang ibang magawa kundi maghintay.
Nang marinig n’ya ang pagbukas ng p***o, napatingin sya.
Si Damian.
Pero may kakaiba sa kilos nito. Nakayuko ng kaunti, at ang isang kamay ay nakahawak sa kabilang braso. May bahid ng dugo sa manggas ng T-shirt nito.
Napatayo si Serena sa sofa.
“Damian?”
“It’s nothing.”
“May dugo ang t-shirt mo.”
“I noticed.”
“Wow! Congratulations.”
Hindi nito pinansin ang sarcasm nya at dumiretso na sa kusina.
Sinundan nya ito at nakita nyang pilti nitong hinihila pataas ang manggas ng damit nya. May hiwas sa braso nito, hindi naman mukhang malalim, pero dumudugo pa rin ng husto.
“Sit down,” utos ni Serena.
“I can handle it.”
“Hindi kita tinatanong kung kaya mo. Umupo ka.”
Tumingin ito sa kanya, na parang nagulat sa tono nya.
“Are you always this bossy?”
“Kapag may taong duguan sa harap ko, yes.”
Pagkatapos ng ilang segundong pagtatalo gamit ang mga tingin, umupo rin si Damian sa upuan.
Kumuha si Serena ng first-aid kit sa cabinet. Hindi nya alam kung saan nya nakuha ang lakad ng loob na asikasuhin ‘to, pero hindi naman nya kayang panoorin lang itong magkalat ng dugo sa buong kusina.
“Ano bang nangyare?”
“Nothing important.”
“Kung sasabihin mo ulit na nothing, baka masaktan kita ng sadya.”
“Is that a threat?”
“It’s a promise.”
Natawa si Damian, pero agad din itong tumigil nang linisin ni Serena ang sugat.
“Aray!”
Napatingin sya rito. “Oh? Akala ko ba nothing. Masakit pala?”
“I’m fine.”
“Sure ka? Kasi kanina parang wala lang sa’yo.”
Hindi na sumagot si Damian.
Maingat na nilinis ni Serena ang hiwa at nilagyan ng antiseptic. Habang ginagawa nya ‘yon, napansin nyang maraming peklat ang braso nito. May maliliit na marka, may mas mahahabang guhit, at may isang peklat na parang matagal nang magaling.
Hindi ‘yon ang mga sugat na makukuha sa simpleng trabaho ng isang security consultant.
“Your job must be dangerous,” bulong nya.
Natigilan si Damian.
“Sometimes.”
“Security consultant lang ba talaga ang trabaho mo?”
Dahan-dahan syang tinignan nito.
“Why do you ask?”
“Dahil hindi normal na ganito karami ang mga sugat at peklat ng isang tao na nag-aayos lang ng security systems.”
For a moment, akala ni Serena ay sasagot ito.
But as what she’s expecting, Damian avoided answering it.
“Finish the bandage.”
Napailing s’ya. “Unbelievable.”
Tinapos nya ang pagbabalot ng sugat at saka lumayo kay Damian.
“There. Try not to get stabbed again. Nakakapagod kang gamutin.”
“Noted.”
Nang tumayo sya, biglang nagsalita si Damian.
“Thank you.”
Napahinto si Serena.
Dalawang simpleng salita lang ‘yon, pero kakaiba ang dating mula sa isang lalaki na halos lahat ng sagot ay itinatago.
“Don’t mention it,” sabi nya, saka mabilis na nagligpit ng mga gamit.
Ayaw nya aminin na may nagbago sa pakiramdam nya nang marinig nya ‘yon.
Pero sa unang pagkakataon, nakita nya ito hindi bilang misteryosong asawa ng nanay nya, kundi bilang isang tao na may sariling sugat–at hindi lahat ng ‘yon ay nasa kanyang balat.
Gabi na nang mapansin ni Serena na matagal nang nakaupo si Damian sa kabilang side ng sala. May hawak itong maliit na device at tila may binabasa sa screen.
“May problema ba?” tanong ni Serena.
“Nothing you need to worry about.”
“Alam mo, kapag sinabi mong ‘nothing’ nang isa pang beses, maghahanap talaga ako ng paraan para maging something yan.”
Hindi ngumiti si Damian.
“Go to sleep, Serena.”
“Hindi pa ako inaantok.”
“Then just stay quiet.”
Napasinghap s’ya. “Grabe no? Ang bait mo talaga kasama.”
Tumayo si Serena at pumunta sa kusina para kumuha ng maiinom. Nung napadaan s’ya sa likod ni Damian, napansin nyang biglang namatay ang screen ng device na hawak nya.
Masyadong mabilis.
Parang may itinatago talaga ‘to sa kanya.
Hindi na sya nagtanong. Bumalik na lang sya sa kwarto at isinara ang p***o.
Ilang minuto lang ang nakalipas, at hindi pa man sya nakakahiga sa kama, biglang nag-vibrate ang phone nya.
One new message.
Walang pangalan. Walang paliwanag.
FIELD UNIT 07 – OPERATION CLOSED.
Napatayo agad si Serena sa kama.
Hindi n’ya maintindihan ang meaning nung message na ‘yon. Pero bago pa sya makapag-isip ng maayos, may kasunod pang message.
ASK HIM WHO HE LEFT BEHIND.
Nanlamig ang mga kamay nya.
Dahan-dahan syang lumabas ng kwarto at bumaba sa sala. Nandoon pa rin si Damian, pero this time wala na ang device na hawak nya sa kamay nya.
“What’s Field Unit 07?” tanong ni Serena.
Nang makita nya ang pagbabago sa mukha nito, alam nyang tama ang kutob nya.
“Where did you get that?”
“Someone sent it to me.”
Iniabot nya ang phone nya kay Damian. Binasa nito ang mga message, at sa unang pagkakataon mula nang magkakilala sila tuluyan nyang nakita na nagbago ang expression ng mukha nito.
Hindi galit.
Hindi rin simpleng pagkabahala.
Kundi isang uri ng sakit na pilit nitong itinatago.
“Who did you leave behind?” tanong ni Serena, mas mahina na ang kanyang boses.
Matagal bago nakasagot si Damian.
“His name was Adrian Cole.”
“Was?”
“Former colleague.”
Napatingin sya rito. “And what happened to him?”
Hindi agad sumagot si Damian. Umupo ito at ipinatong ang mga kamay sa tuhog, na parang pinag-iisipan kung gaano karami ang pwede nyang sabihin kay Serena.
“May operation kami sa Manila years ago. It went wrong. May mga taong hindi nakauwi.”
“Kasama si Adrian?”
Tumango ng bahagya si Damian.
“And a woman named Elena,” dagdag nya. “She died during that operation.”
Natahimik si Serena.
For the first time, she can’t even give a sarcastic remark. Hindi nya alam kung ano ang nangyari sa operation, o kung bakit may taong gustong ipaalala kay Damian ang nakaraan nito.
Pero may isang bagay syang napansin.
Hindi lang sya ang may mga tanong tungkol sa mga namatay.
May sarili ring multo si Damian Cross.
“Did you intentionally leave them behind?” tanong ni Serena.
Dahan-dahang tumingin si Damian sa kanya.
“I did what I could.”
“That’s what I asked.”
“It’s the only answer I can give you.”
Nakaramdam si Serena ng pagka-inis, pero may halo itong ibang bagay ngayon. Hindi awa, hindi pa. Mas malapit sa kagustuhan na maintindihan kung bakit tila pasan ni Damian ang isang bagay na hindi nya kayang bitawan.
Bago pa sya makapagtanong ulit, ibinalik na ni Damian ang phone sa kanya.
“Don’t answer any more messages. Whatever they want, they’re trying to get inside your head.”
“Or maybe they’re trying to tell me something you won’t.”
Tumayo ito at tumingin sa kanya.
“Then you need to decide which one of us is actually trying to keep you alive.”
Hindi na nya alam kung ano ang isasagot nya rito.
Because despite everything, the doubts and all, there’s still a part of her that wanted to believe.
At ‘yon ang pinakakinatatakutan nya.
Bumalik si Serena sa kwarto, pero hindi na sya nakatulog agad. Nakatitig lang sya sa phone nya, sa message na hindi nya maintindihan, at sa pangalan na ngayon ay hindi na nya makalimutan.
Adrian Cole.
Elena.
Field Unit 07.
Sa kabilang kwarto, may narinig syang mahinang bukas ng p***o. Sumunod ang mga footsteps ni Damian sa hallway, hanggang sa tuluyan na wala na syang marinig na kahit ano.
Hindi pa rin nya alam kung sino ang nagsasabi ng totoo.
Pero ngayong gabi, may nadagdag na naman na sikreto sa listahan nya.
At pakiramdam nya, ang mga sagot na hinahanap nya ay mas malapit sa lalaking pinakasalan ng nanay nya kaysa sa gusto nyang paniwalaan.
The first thing Serena did the following morning was check the locked case.Nandoon pa rin ang folder.Ilang segundo nya itong tinitigan bago napatingin sa wall clock. Alas-sais pa lang ng umaga, pero ilang beses na s’yang nagising buong gabi. Paulit-ulit na bumabalik sa isip nya ang mga detalye ng report–ang hindi tugmang timeline, ang pangalan ng nanay nya, at ang reference number na hindi nila ma-trace gamit ang kopyang hawak nila.Hindi nya alam kung alin ang mas nakakabahala.Ang mga bagay na nakasulat sa dokumento, o ang mga bagay na sadyang hindi isinama roon.“You’re up early.”Napalingon si Serena.Nakatayo si Damian sa may doorway, hawak ang isang mug ng kape. Mukhang bagong gising, pero gaya ng dati, maayos pa rin ang itsura nito. Hindi halatang ilang oras lang ang naging pahinga nya.“Didn’t sleep much.”“Because of the folder?”“Because of the folder. And because someone here thinks four hours of sleep is enough.”Inilapag ni Damian ang mug sa mesa.“It’s enough for now.”
Nakatitig si Serena sa unang page ng folder.For several seconds, neither she nor Damian spoke.Nakalatag sa harap nila ang isang lumang dokumento. Bahagyang naninilaw na ang mga gilid nito, pero malinaw pa rin ang mga nakasulat. May mga petsa, reference numbers, at pangalan na hindi pamilyar kay Serena.Sa pinakailalim ng pahina, may maikling note na nakasulat gamit ang red ink.Serena leaned close.“Is this an official report?”“Part of one,” sagot ni Damian.“Part of one?” Napatingin sya kay Damian. “Meaning, may iba pang folders?”“Most likely.”“Then why are we staring at this one like it’s going to explain everything?”“Because it might explain something.”Serena gave him a look.“Wow. Very helpful, Sir.”Hindi pinansin ni Damian ang sarcasm n’ya. Inayos nito ang folder at inilapit sa ilaw.Tahimik ang safe house maliban sa mahinang ugong ng refrigerator at paminsan-minsang patak ng ulan sa bintana. Late na, pero wala ni katiting na balak si Serena matulog habang nasa harap nila
Makalipas ang ilang oras, nakarating na sila sa lumang terminal sa Manila. Gaya ng inaasahan, hindi ito mukhang lugar na may mahalagang impormasyon na nakatago. Pero as per Damian, may archive records doon na hindi basta naa-access sa mga karaniwang system.With the help of its access credentials, they were able to open the archive file. Ilang minutes silang naghahalungkat ng mga document at larawan hanggang sa may isang file na nakakuha ng atensyon ni Damian.Isang litrato.Nandoon si Vivienne, kasama ang isang lalaking agad nakilala ni Serena mula sa mga impormasyon na nalaman nya tungkol sa Field Unit 07–Adrian Cole. Sa likuran nila ay isang building na hindi pamilyar kay Serena.Nang makita ni Damian ang petsa ng litrato, biglang nagbago ang expression nito.“Let’s gather and save all the files we need. We need to get to the safe house before someone knows we’re here.” nagmamadaling sinabi ni Damian.Napabuntong-hininga na lang si Serena.“Ok, Sir.”“Don’t start, Serena.”Sumunod
Tahimik ang safe house kinabukasan, pero hindi ibig sabihin no’n ay at ease na si Serena.Ever since she returned home, sunod-sunod na ang mga tanong na walang gustong sumagot. Una, ang biglaang pagpapakasal ng nanay nya kay Damian Cross. Pangalawa, ang mga messages na nagsasabing may mga sikretong namatay kasama ang tatay nya. At pangatlo, ang pangalan nya sa isang investigation file na tila matagal nang existing bago pa sya bumalik sa bahay nila.Ang mas nakakainis? Nasa harap nya ang lalaki na posibleng may pinakamaraming alam, pero ni isang diretso at kumpletong sagot ay hindi nya man lang makuha.“You’re staring again.”Napatingin si Serena kay Damian, na nakaupo sa kabilang dulo ng mesa habang may ginagawa sa laptop.“At least ako, sa mukha mo nakatingin. Ikaw, ilang oras nang nakatutok sa screen mo. Hindi ka ba napapagod?”“I know when to take a break.”“Wow, congrats!”Hindi sya pinansin ni Damian. He continued with what he was doing, na para bang hindi nakaupo ron si Serena a
Hindi pa rin maalis sa isip ni Serena ang mga messages na natanggap n’ya habang nakatayo sa labas ng gate.Lalo na ang huling message.ESPECIALLY YOUR MOM.Pagpasok n’ya sa bahay, nadatnan n’ya si Damian sa sala. Nakatayo habang may kausap sa phone, at kahit hindi n’ya marinig ang nasa kabilang linya, halatang seryoso ang usapan.“I’m telling you, someone has access to information they shouldn’t have,” sabi ni Damian.“Check it again. I want to know how they got her details.”Napahinto si Serena.Her details?After a few seconds, ibinaba na ni Damian ang phone at saka s’ya hinarap.“Did you get another message?”“Bakit? May report na ba ako sa’yo ngayon?”“Serena, I’m not in the mood for this.”“Good. At least parehas tayo.”Pinakita ni Serena ang bagong message at binasa ni Damian. Unti-unting nagbago ang expression nya.“Nag-reply ka?”“No.” pasungit na sagot ni Serena.“Good.”“Don’t start.”Tumingin ito kay Serena. “What?!”“‘Yung tono ng boses mo para akong aso na kailangan turua
Serena read the message again.WELCOME HOME, SERENA. YOUR DAD WASN’T THE ONLY ONE WHO DIED KEEPING A SECRET.For a moment, parang nakalimutan nyang huminga.Her dad had been dead for years. Matagal na n’yang tinanggap na may mga tanong tungkol sa pagkamatay nito na baka hindi na n’ya kailanman malaman ang kasagutan. But this?This was different.Someone knew something. Someone wanted her to know that her dad’s death wasn’t the end of the story.“Serena,”Napalingon sya kay Damian, na nakatayo sa likuran nya.“Who sent that?”“Kung alam ko, sa tingin mo ba hindi ko sasabihin?”“Let me see your phone.”Serena tightened her grip. “Why? Para malaman mo kung gaano karami ang alam nila tungkol sa’ken?”“Para makita ko kung may number o information na pwedeng makatulong.”For a few seconds, pinagmasdan lang n’ya ito. Hindi n’ya alam kung bakit, pero ang pagiging kalmado ni Damian ay lalo lang nagpapakaba sa kanya. Parang hindi bago sa lalaking ‘to ang ganitong sitwasyon.“Did you know my dad







