LOGINThe first thing Serena did the following morning was check the locked case.
Nandoon pa rin ang folder.
Ilang segundo nya itong tinitigan bago napatingin sa wall clock. Alas-sais pa lang ng umaga, pero ilang beses na s’yang nagising buong gabi. Paulit-ulit na bumabalik sa isip nya ang mga detalye ng report–ang hindi tugmang timeline, ang pangalan ng nanay nya, at ang reference number na hindi nila ma-trace gamit ang kopyang hawak nila.
Hindi nya alam kung alin ang mas nakakabahala.
Ang mga bagay na nakasulat sa dokumento, o ang mga bagay na sadyang hindi isinama roon.
“You’re up early.”
Napalingon si Serena.
Nakatayo si Damian sa may doorway, hawak ang isang mug ng kape. Mukhang bagong gising, pero gaya ng dati, maayos pa rin ang itsura nito. Hindi halatang ilang oras lang ang naging pahinga nya.
“Didn’t sleep much.”
“Because of the folder?”
“Because of the folder. And because someone here thinks four hours of sleep is enough.”
Inilapag ni Damian ang mug sa mesa.
“It’s enough for now.”
“That’s not a healthy answer.”
“Neither is staying awake just to stare at a locked case.”
Serena crossed her arms.
“Hindi naman ako nakatitig.”
“Oh, yeah. Hindi nga halata.”
“Don’t start.”
Bahagyang nag-smirk si Damian.
“Breakfast first. Then we work.”
“Can we work while eating?”
“No.”
“At bakit?”
“Kasi makakalimutan mong kumain.”
Gusto sanang sumagot ni Serena, pero wala naman din syang maisip na magandang dahilan para kontrahin si Damian.
Damn it.
Tama na naman si Damian.
Makalipas ang ilang minuto, magkataopat na silang nakaupo sa maliit na dining table. Simple lang ang almusal nila–toast, eggs, at kape. Halos hindi na napansin ni Serena ang kinakain nya dahil iniisip pa rin nya ang laman ng folder.
Si Damian naman ay tahimik lang habang umiinom ng kape.
“What?”
Tumingin sya rito nang mapansin na nakatingin pala ito sa kanya.
“Nothing.”
“You’re looking at me.”
“I’m making sure you’re eating your breakfast.”
“I’m twenty-seven, Damian. I know how breakfast works.”
“Then you won’t mind if I stop checking.”
“Please do.”
Bumalik si Damian sa kape nya.
Sinubukan ni Serena na pigilan ang ngiti nya. Nakakatawa lang isipin na kahapon, halos mag-away na sila dahil sa report. Ngayon, nag-aasaran sila tungkol sa almusal na para bang normal lang ang lahat.
Except nothing about their situation was normal.
Pagkatapos nilang kumain, dumiretso sila sa maliit na office. Inilabas ni Damian ang folder mula sa locked case at inilapag sa mesa. Binuksan naman ni Serena ang laptop na ginamit nila kagabi.
“Let’s start with the company records,” sabi nya.
Binuksan ni Damian ang incident review sa screen.
“First, we need to establish which entries are confirmed and which ones are questionable.”
Tumango si Serena.
“Okay. The incident was recorded at 11:42 p.m. But the company log shows someone accessed the system at 12:17 a.m.”
“Correct.”
“Then there’s the missing reference number.”
“Which we still can’t trace.”
Sumandal si Serena sa upuan.
“So, basically, mayroon tayong tatlong facts at mas maraming kwestyon.”
“Ganyan talaga ang imbestigasyon.”
“Well, naiintindihan ko naman.”
Napatingin sya kay Damian.
“Was that sympathy?”
“Don’t get used to it.”
“Too late.”
Umiling si Damian bago muling tumingin sa screen.
May binuksan si Serena na hiwalay na document–isang lumang company log na na-save nya noong nakaraang gabi.
“Wait. There’s something else.”
Lumapit si Damian para tingnan ang screen,
“This entry was made at 12:17 a.m.,” paliwanag nya. “But the record shows that the file was accessed again at 12:31.”
“By the same credentials?”
“Yes.”
“Could be the same person.”
“Could be. But look at the next entry.”
Nag-scroll sya pababa.
At 12:46 a.m., binuksan ulit ang parehong file.
Napakunot ng noo si Damian.
“Three accesses within thirty minutes.”
“And the last one happened after the premises were supposedly secured.”
Mas nagging seryoso ang expression ni Damian.
“That’s important.”
Tumango si Serena.
“Eihter the timeline in the report is wrong, or someone had access to the system after the building was secured.
“Or both.”
Napabuntong-hininga sya.
“May mga pwede ka pa bang sabihin na makapagpapa-gaan ng loob ko?”
“Pwera na lang kung hindi totoo.”
Serena sighed.
“Fine. Ano pang pwede natin gawin about dito?”
“We need the system logs.”
“Which are probably missing.”
“Possibly.”
“Damian.”
“What?”
“Can you please stop saying possibly?”
“No.”
Napailing na lang sya.
Lumipas ang halos isang oras sa pag-check nila ng records. May ilang entries na nagtutugma, pero mas marami pa rin ang may kulang na detalye. Habang tumatagal, mas nagiging malinaw na hindi kumpleto ang report na hawak nila.
May mga impormasyong nawawala. May mga entries na mukhang idinagdag na lang pagkatapos ng incident.
May isang section na napansin si Serena.
"This part was updated."
Lumapit si Damian.
"Where?"
"Here." tinuro nya, "the report says the premises were secured at 11:42 p.m., but this note was added the following morning."
"Can you tell who updated it?"
"Not from this copy."
"Please check the metadata."
Mabilis na sinunod ni Serena ang sinabi nito.
Ilang segundo syang naghintay bago kumunot ang noo nya.
"There's no author information."
"Could have been removed."
"Or never recorded."
Tumango si Damian.
Naptingin si Serena sa kanya.
"You think someone deliberately changed the report?"
"I think someone had the opportunity to change it."
"That's not an answer."
"It's the answer I can give you based on what we have."
Muli syang tumingin sa screen.
Nandoon lang ang katotohanan, somewhere in those records. Maaaring nasa nawawalang pages, nasa original system logs, o nasa alaala ng mga taong naroon noong gabing namatay ang tatay nya.
At isa sa mga taong 'yon ay ang nanay nya.
Serena closed the document.
"I need to talk to her."
Hindi agad nakasagot si Damian.
"Not yet."
Mabilis syang humarap dito.
"You promised you wouldn't keep the truth from me."
"I haven't."
"Then why can't I talk to her?"
"Because we don't know what she knows. If we confront her now, she might give us an answer that leads nowhere–or warn someone without realizing it."
Naghigpit ang mga panga ni Serena.
“You’re assuming she’s involved.”
“No, I’m considering the possibility.”
“There you go again.”
Tiningna sya ni Damian.
“Serena, I know you want answers. I do too. But we need to understand what we’re looking at before we make a move.”
Napabuntong-hinga na naman si Serena.
Ayaw nyang maghintay. Gusto nyang tawagan si Vivienne at itanong kung bakit naroon ang pangalan nito sa report. Gusto nyang marinig mismo mula rito ang totoong nangyaru noong gabing namatay ang tatay nya.
Pero alam nya na may punto si Damian.
“Fine,” sabi nya. “But when we have enough information, I’ll talk to her.”
“WE’LL talk to her.”
Napatingin sya rito.
“Together??”
“If that’s what you want.”
Tumango sya.
“That’s what I want.”
By late morning, wala na silang ibang makuhang sagot mula sa mga dokumentong nasa harap nila.
Tumayo si Damian at lumipat sa kabilang part ng kwarto para tumawag. Hindi naman sinadya ni Serena na makinig, pero may ilang salitang umabot sa kanya.
“Original access log.”
“Need verification.”
“Don’t send it through the usual channel.”
Napatingin sya sa laptop nya, pilit na ibinabalik ang atensyon sa mga notes na nagawa nya.
Nang matapos ang tawag, bumalik si Damian sa tabi nya.
“Secret agent business?” tanong nya.
“Something like that.”
“Very mysterious.”
“You’re enjoying this.”
“Not even a little.”
Umupo si Damian sa katabing upuan.
“I just requested a verification of the access records. If the original logs still exist, we may be able to identify the credentials.”
“And if they don’t?”
“Then we find another way.”
Serena studied him.
“Do you always have another way?”
“Not always.”
“That’s disappointing.”
“I’m sorry to hear that.”
Napatawa sya ng mahina.
Saglit na napatingin si Damian sa kanya, na para bang hindi nya inaasahan ang tunog ng tawa nito.
Then his expression returned to normal.
Napansin ‘yon ni Serena, pero hindi na nya pinansin. Mas mabuting ibalik na lang nya ang atensyon sa investigation bago pa sya makaisip ng kung anu-ano.
Maya-maya, nag-vibrate ang phone nya.
Napatingin sya sa screen.
Message ‘yon mula sa nanay nya.
VIVIENNE: Are you safe? Please call me when you can.
Ilang segundo nya itong tiningnan.
“Your mom?” tanong ni Damian.
Tumango si Serena at ipinakita ang message.
“She’s asking if I’m safe.”
“That’s good.”
“Is it?”
Tumingin si Damian sa kanya.
“Nanay mo ‘yan.”
“Exactly!”
Nag-type si Serena ng reply, pero ilang sandali muna syang nagdalawang-isip bago ito ipinadala.
SERENA: I’m safe. I’ll call you later.
Ibinaba nya ang phone.
Hindi agad nagtanong si Damian kung ano ang iniisip nya. Siguro ‘yon ang dahilan kung bakit sya ang kusang nagsalita.
“Sa palagay mo, alam kaya nya na nag-iimbestiga ako?”
“Possible.”
“Or someone told her.”
“Also possible.”
Napatingin sya rito.
“I’m begging you. Kahit ngayon lang, bigyan mo naman ako ng sentence na wala yang salitang ‘possible’ na yan.”
Sumandal si Damian sa upuan.
“Someone may have told her. Happy?”
Serena stared.
“That’s even worse.”
“It’s more specific. That’s what you asked.”
“Barely.”
Bahagyang napangiti si Damian, at napailing naman si Serena.
Hapon na nang maka-receive ng message si Damian.
Binasa nya ang message nang isang beses, bago muling bumalik ang tingin nya rito.
Napansin agad ni Serena na nagbago ang facial expression nito.
“Ano ‘yan?”
Iniikot ni Damian ang phone para makita nya.
Maikli lang ang message,
The original access record has been located. Requesting confirmation before release.
Dalawang beses itong binasa ni Serena.
“So, the original still exists?”
“Apparently.”
“Can we get it?”
“Not yet. They need to confirm the source.”
Napayuko sya sa mesa.
“Bakit kailangan pa nila i-confirm kung nahanap naman na pala nila?”
“Kasi ang mga records na unverified eh maaaring maapektuhan ang imbestigasyon.”
“HA! Everything takes forever.”
“Better than acting on the wrong information.”
Hindi na sya nakipagtalo.
Sa halip, ibinalik nya ang tingin sa folder.
Ang unang page ang nagbigay sa kanila ng timeline na hindi nagtutugma. Ang company logs naman ang nagpakita ng system access matapos ideklarang secured ang building. Ngayon, may posibilidad na makita na nila ang orihinal na record at malaman kung sino ang gumamit ng credentials.
For the first time since they opened the folder, pakiramdam ni Serena ay may nararating na sila.
Pero muling nag-vibrate ang phone ni Damian.
Tiningnan nya ang notification.
Mas parang lumala ang facial expression nito.
“What now?”
Hindi agad nakasagot si Damian.
“Damian–”
Iniikot nito ang screen para ipakita sa kanya.
May notification na nagpapakitang na-access ang parehong reference number na iniimbestigahan nila nang mas maaga noong umagang ‘yon.
Serena stared at the screen.
“Earlier than us? This morning??”
“Yes.”
“By who?”
“That’s what we’re trying to find out.”
Tiningnan nya ang oras na nakalagay sa notification.
Nangyari ang access bago pa sila nagsimulang magtrabaho.
Someone had already been looking at the same record.
Dahan-dahang napatingin si Serena sa locked case.
“Someone knows what’s in that folder.”
Mababa ang boses ni Damian nang sumagot.
“Or someone knows what we’re looking for.”
Biglang orang lumiit ang buong silid.
Tumayo si Serena.
“Then kailangan natin malaman kung sino yan.”
Isinara ni Damian ang laptop.
“We will.”
Tumingin sya rito. Wala na ang pang-aasar sa boses nito. Wala ring pagtatangkang pagaanin ang sitwasyon.
Just certainty.
Gusto nyang paniwalaan ito.
At sa unang pagkakataon, naisip ni Serena na hindi lang pala ang mga bagay na maaari nilang matuklasan ang dapat nyang ikatakot.
Kundi ang katotohanang may ibang tao na nauna na sa kanila.
The first thing Serena did the following morning was check the locked case.Nandoon pa rin ang folder.Ilang segundo nya itong tinitigan bago napatingin sa wall clock. Alas-sais pa lang ng umaga, pero ilang beses na s’yang nagising buong gabi. Paulit-ulit na bumabalik sa isip nya ang mga detalye ng report–ang hindi tugmang timeline, ang pangalan ng nanay nya, at ang reference number na hindi nila ma-trace gamit ang kopyang hawak nila.Hindi nya alam kung alin ang mas nakakabahala.Ang mga bagay na nakasulat sa dokumento, o ang mga bagay na sadyang hindi isinama roon.“You’re up early.”Napalingon si Serena.Nakatayo si Damian sa may doorway, hawak ang isang mug ng kape. Mukhang bagong gising, pero gaya ng dati, maayos pa rin ang itsura nito. Hindi halatang ilang oras lang ang naging pahinga nya.“Didn’t sleep much.”“Because of the folder?”“Because of the folder. And because someone here thinks four hours of sleep is enough.”Inilapag ni Damian ang mug sa mesa.“It’s enough for now.”
Nakatitig si Serena sa unang page ng folder.For several seconds, neither she nor Damian spoke.Nakalatag sa harap nila ang isang lumang dokumento. Bahagyang naninilaw na ang mga gilid nito, pero malinaw pa rin ang mga nakasulat. May mga petsa, reference numbers, at pangalan na hindi pamilyar kay Serena.Sa pinakailalim ng pahina, may maikling note na nakasulat gamit ang red ink.Serena leaned close.“Is this an official report?”“Part of one,” sagot ni Damian.“Part of one?” Napatingin sya kay Damian. “Meaning, may iba pang folders?”“Most likely.”“Then why are we staring at this one like it’s going to explain everything?”“Because it might explain something.”Serena gave him a look.“Wow. Very helpful, Sir.”Hindi pinansin ni Damian ang sarcasm n’ya. Inayos nito ang folder at inilapit sa ilaw.Tahimik ang safe house maliban sa mahinang ugong ng refrigerator at paminsan-minsang patak ng ulan sa bintana. Late na, pero wala ni katiting na balak si Serena matulog habang nasa harap nila
Makalipas ang ilang oras, nakarating na sila sa lumang terminal sa Manila. Gaya ng inaasahan, hindi ito mukhang lugar na may mahalagang impormasyon na nakatago. Pero as per Damian, may archive records doon na hindi basta naa-access sa mga karaniwang system.With the help of its access credentials, they were able to open the archive file. Ilang minutes silang naghahalungkat ng mga document at larawan hanggang sa may isang file na nakakuha ng atensyon ni Damian.Isang litrato.Nandoon si Vivienne, kasama ang isang lalaking agad nakilala ni Serena mula sa mga impormasyon na nalaman nya tungkol sa Field Unit 07–Adrian Cole. Sa likuran nila ay isang building na hindi pamilyar kay Serena.Nang makita ni Damian ang petsa ng litrato, biglang nagbago ang expression nito.“Let’s gather and save all the files we need. We need to get to the safe house before someone knows we’re here.” nagmamadaling sinabi ni Damian.Napabuntong-hininga na lang si Serena.“Ok, Sir.”“Don’t start, Serena.”Sumunod
Tahimik ang safe house kinabukasan, pero hindi ibig sabihin no’n ay at ease na si Serena.Ever since she returned home, sunod-sunod na ang mga tanong na walang gustong sumagot. Una, ang biglaang pagpapakasal ng nanay nya kay Damian Cross. Pangalawa, ang mga messages na nagsasabing may mga sikretong namatay kasama ang tatay nya. At pangatlo, ang pangalan nya sa isang investigation file na tila matagal nang existing bago pa sya bumalik sa bahay nila.Ang mas nakakainis? Nasa harap nya ang lalaki na posibleng may pinakamaraming alam, pero ni isang diretso at kumpletong sagot ay hindi nya man lang makuha.“You’re staring again.”Napatingin si Serena kay Damian, na nakaupo sa kabilang dulo ng mesa habang may ginagawa sa laptop.“At least ako, sa mukha mo nakatingin. Ikaw, ilang oras nang nakatutok sa screen mo. Hindi ka ba napapagod?”“I know when to take a break.”“Wow, congrats!”Hindi sya pinansin ni Damian. He continued with what he was doing, na para bang hindi nakaupo ron si Serena a
Hindi pa rin maalis sa isip ni Serena ang mga messages na natanggap n’ya habang nakatayo sa labas ng gate.Lalo na ang huling message.ESPECIALLY YOUR MOM.Pagpasok n’ya sa bahay, nadatnan n’ya si Damian sa sala. Nakatayo habang may kausap sa phone, at kahit hindi n’ya marinig ang nasa kabilang linya, halatang seryoso ang usapan.“I’m telling you, someone has access to information they shouldn’t have,” sabi ni Damian.“Check it again. I want to know how they got her details.”Napahinto si Serena.Her details?After a few seconds, ibinaba na ni Damian ang phone at saka s’ya hinarap.“Did you get another message?”“Bakit? May report na ba ako sa’yo ngayon?”“Serena, I’m not in the mood for this.”“Good. At least parehas tayo.”Pinakita ni Serena ang bagong message at binasa ni Damian. Unti-unting nagbago ang expression nya.“Nag-reply ka?”“No.” pasungit na sagot ni Serena.“Good.”“Don’t start.”Tumingin ito kay Serena. “What?!”“‘Yung tono ng boses mo para akong aso na kailangan turua
Serena read the message again.WELCOME HOME, SERENA. YOUR DAD WASN’T THE ONLY ONE WHO DIED KEEPING A SECRET.For a moment, parang nakalimutan nyang huminga.Her dad had been dead for years. Matagal na n’yang tinanggap na may mga tanong tungkol sa pagkamatay nito na baka hindi na n’ya kailanman malaman ang kasagutan. But this?This was different.Someone knew something. Someone wanted her to know that her dad’s death wasn’t the end of the story.“Serena,”Napalingon sya kay Damian, na nakatayo sa likuran nya.“Who sent that?”“Kung alam ko, sa tingin mo ba hindi ko sasabihin?”“Let me see your phone.”Serena tightened her grip. “Why? Para malaman mo kung gaano karami ang alam nila tungkol sa’ken?”“Para makita ko kung may number o information na pwedeng makatulong.”For a few seconds, pinagmasdan lang n’ya ito. Hindi n’ya alam kung bakit, pero ang pagiging kalmado ni Damian ay lalo lang nagpapakaba sa kanya. Parang hindi bago sa lalaking ‘to ang ganitong sitwasyon.“Did you know my dad







