Share

Ch. 7: Fake

Author: Aria Stavros
last update Last Updated: 2025-07-18 22:06:22

Karamihan sa mga gamit na ibinigay ng tiyahin ni Chloe bilang dowry sa kanya, puro mumurahin at halos gamit na.

Halimbawa na lang, ang tela ng bedsheet na kasama sa dowry, ang halaga nito sa palengke ay nasa ₱240 per meter lang. Pero kinausap na ng tiyahin niya nang palihim ang tindera at sinabi sa ina ni Chloe na ang presyo raw nito ay ₱1,040 per meter. Syempre, hindi halata ng ibang tao ang kaibahan ng tela.

Para mas makatipid pa, ibinayad nito ang mga sobrang ticket para sa bigas, langis, at tela ng pamilya niya bilang handling f*e sa tindera, kaya’t pumayag ito sa raket. At ‘yung ibang gamit? Mas lalo pang kaduda-duda.

“Auntie,” simulang salita ni Chloe habang iniaangat ang dalawang relos na nasa ibabaw ng mesa, “ito bang mga relos, kayo raw ang bumili sa mall, hindi ba? Pero tingin ko, hindi ito binili ni Mama.”

“Oo, at napakamahal n’yan!” agad na sagot ng tiyahin niya na may kunot sa noo. “Alam mo ba kung sinong nagbibigay ng magkapares na branded na relos bilang dowry ngayon? Suwerte ka na nga, hindi ka pa ba kuntento?”

Ngunit kalmado na si Chloe habang sumagot, “Eh paano kung ayoko na po n’yan? Pwede ko pa po namang isauli sa counter, di ba? Within thirty days ang return policy. Siguro naman po, hindi pa ninyo tinatapon ang resibo? Naka-hang pa ang tag ng brand, malinaw na hindi pa po nagagamit. Auntie, pakibalik na lang po.”

Napaatras ng konti ang tiyahin niya, halatang naguluhan. “Eh...”

“Hindi po pala maibabalik, ano?” sarkastikong tanong ni Chloe, nanlalamig ang boses nito.

“Sa madaling salita po, hindi ito galing sa mall. Second-hand ‘to. Gamit na ng iba, tapos pina-repair lang para magmukhang bago. Ang tunay na presyo po nito? Isa lang sa tatlong bahagi ng totoong presyo sa counter, wala pa sa ₱800, kahit inaangkin mo pong ₱2,400 ang halaga.”

“Hoy! Anong pinagsasabi mo d’yan?!” sigaw ng tiyahin niya, agad itong tumayo at itinuro siya. “Napakabastos mo!”

“Bastos? Kung dadalhin ko ‘tong relos sa mismong mall at tanungin kung pwede pa po ba itong isauli, di ba’t doon pa lang, malalaman na kung sino po ang nagsisinungaling?” tugon ni Chloe na walang ka-emosyon-emosyon sa boses.

Tumayo naman ang tito niya, halatang naguguluhan. “Chloe? Anong klaseng paninira ‘yan sa Auntie mo?! Saka kahit totoo ngang bagong bili ‘yan, paano mo magagawang isauli? Anong iisipin ng ibang tao sa pamilya natin? Gusto mo bang mapahiya tayo?!”

Hindi na sumagot si Chloe. Nakatingin lang siya sa tiyahin niya diretso sa mata, na akala mo binabasa 'yung isip niya, may halo ring panlilibak sa mata nito.

Hindi naman makatingin ang tiyahin niya sa kanya. Dahil alam niyang totoo lahat ng sinabi ni Chloe. Ang totoo? ₱500 lang ang bili niya sa dalawang relos. Pero kung sa mall mo ‘yon bibilhin? Abot ng mahigit ₱2,000. Pero paano nalaman ng batang ‘to? Wala naman siyang alam sa mga ganitong bagay noon.

Alam ni Chloe na kinukunsinti ng tiyohin nito ang asawa niya. Noong una pa lang, ang tiyohin niyang si Carlo ay isang simpleng binatilyong galing sa mahirap na pamilya, ang lolo niya ay isang manghihilot sa probinsya. Samantalang ang tiyahin nitong si Sunshine ay isang babaeng taga-lungsod na piniling magpakasal sa isang kagaya ni Carlo.

Kaya simula noon, pakiramdam ni Carlo ay utang na loob niya kay Sunshine ang lahat. Parang isinugal raw nito ang komportableng buhay para lang sumama sa kaniya.

Alam din ni Chloe na hindi basta maniniwala ang tiyohin niya sa kanya dahil lang sa ilang salita. Pero ang mahalaga, ang gulo na ginawa niya ngayong araw ay sapat na para may sumiksik na tinik sa puso ng lalaki, magtatanong, magdududa at hindi na titingin kay Sunshine nang pareho tulad ng dati.

At kung gusto talaga ni Carlo na malaman ang totoo? Madali lang ang solusyon, pumunta lang siya sa mismong mall. Dalhin ang mga gamit, pa-check kung peke ba 'to o hindi. Ngayon siguro hindi pa niya gagawin. Pero darating ang araw, at doon pa lang uusbong ang lahat.

"Kung gano'n, kalimutan na natin 'yung relos," Chloe huffed , pero hindi pa siya tapos. "Pero papano naman 'yung kotse na sinama raw sa dowry? At ‘yung TV? P’wede bang ipakita ni Auntie ang resibo kung talagang binili niyo ’yan?"

Napalingon ang tiyahin niya at agad nagtaas ng boses, "Ano bang sinasabi mo?! Ako mismo ang bumili ng mga ‘yon, gamit ang sarili kong pera. Bakit naman magiging peke?!"

Ngumiti lang si Chloe ng matamis sa kanya, saka dahan-dahang sumagot, "Bakit po hindi? Pwede namang peke, hindi ba?"

Ang bisikleta na Rooster brand? Gamit na, tapos kalas-kalas pa 'to, pinagsalpak lang ulit para magmukhang bago.

At ang TV? Gawa ng isang brand na kilala sa madaling masira. Tambak lang sa bodega, halos walang bumibili. Ang presyo? Wala pa sa sampung piso, kasi defective ang karamihan. Pero hindi pa ito lumalabas sa balita. Baka sa loob ng dalawang buwan, saka pa lang sumabog ang isyu.

Noong unang bahagi ng dekada otsenta, sobrang bagal ng pagkalat ng impormasyon. At maraming madiskarteng tao ang yumaman sa pagitan ng alam nila at ng hindi alam ng iba.

“Chloe tama na,” mahinang sabi ng ina niya habang hawak ang braso niya ng mahigpit. “Nakatira pa rin tayo sa bahay nila. Baka masyado na tayong lumampas. ‘Wag nating suklian ng sama ng loob ‘yung kabutihan nila.”

Napatingin naman si Chloe sa ina niya. Tahimik lang siya palagi sa tabi, na parang naghihintay lang kung kelan matatapos ang usapan. Pero alam niya kung anong ibig sabihin ng mga salitang sinabi niyang iyon. 'tanggapin mo na lang, para tahimik ang buhay.'

Pero bago pa siya makapagsalita, ang tiyahin na niya ang sumabat, mataas ang tono nito na parang may kinukumbinsi, "Ano ‘yang sinasabi mong 'tama na’? Parang lumalabas tuloy na may utang pa kaming loob sa inyo! Sabihin mo nga, may inurong ba ako sa kabayaran ni Chloe sa kasal?! Ha?!"

Muling nagtinginan ang lahat sa sala. Naging tahimik bigla ang paligid. Si Carlo kahit hindi na nagsasalita, ay pansamantalang tumigil ang pagmamasid sa asawa niya at sa wakas, may bakas na ng pagdududa.

Pagkatapos no’n, itinuro siya ng tiyohin niya. “At ikaw, Chloe, hindi ba’t lahat ng 'yan, tinuro lang sa’yo ni Chase Benjamin? Kung hindi, paanong alam mo ang mga ganyang kalokohan?”

Ngumiti lang ulit si Chloe. Hindi siya mapikon-pikon, pero matalim ang naging sagot nito. “Kung ayaw mong malaman ng iba, ‘wag kang gumawa ng masama.”

“Ha! Inaamin mo pala,” halos mapasigaw ang tiyahin niya, nanlalaki ang mga mata habang sinasabat siya. “Francine! Huwag mong sabihing pinapayagan mo pa rin ‘yang anak mo na makipagkita kay Chase Benjamin?!”

“Alam mo ba kung gaano kataas ang posisyon ni Leonardo Benjamin sa gobyerno?! At ikaw, pinapayagan mong akitin ng anak mo pareho niyang anak?! Kung sawa ka nang mabuhay, huwag mong idamay ang buong pamilya natin!”

“Ay, hindi totoo ‘yan!” napaurong ang ina ni Chloe at dali-daling itinaas ang dalawang kamay. “Ate, ‘wag kang ganyan magsalita. Marunong sa disiplina si Chloe, hindi ‘yan gagawa ng kahihiyan.”

Pero hindi pa rin tumigil si Sunshine. Tumalikod siya at humarap muli kay Chloe, kunwa’y sugatan ang damdamin. “Nakita ko mismo. Noong isang gabi, pagkatapos ng hapunan, palihim siyang lumabas ng bahay. Akala ko lang noon, magpapahangin lang siya. Hindi ko sinabi sa kuya mo dahil ayokong palakihin. Pero ngayon, hindi na ako makakapikit na lang.”

Napuno na rin si Carlo.

“TA-MA NA!” sigaw niya na dumagundong sa buong bahay.

Namula ang kanyang malapad na mukha sa galit, at sa ilang hakbang lang, nakatayo na siya sa harap ni Chloe. “Chloe, sabihin mo nang totoo kay Uncle. Nakipagkita ka ba kay Chase Benjamin nung isang gabi?”

Nagtagpo ang tingin nila ng tiyohin niya, seryoso ang tingin ng lalaki na para bang sinisilip ang kaluluwa niya. Pero si Chloe, walang inuurungan. Matapos ang ilang segundo, dahan-dahan siyang lumingon sa tiyahin niya.

At doon, saglit na sumilay ang ngisi sa sulok ng labi ni Sunshine. Halos hindi na pansin, pero nahuli iyon ni Chloe. Mayabang lang talaga ang tiyahin niya, na akala mo panalo na raw siya.

Alam ni ng tiyahin niya na kapag hindi umurong si Chloe sa hiningi niyang bride price, pupunta siya mismo sa opisina ni Leonardo Benjamin. Magwawala, mag-iiyak, at ikakalat sa buong Visayas ang balitang may lihim na relasyon raw si Chloe Sue at Chase Benjamin.

Pero hindi umimik si Chloe. Imbis na matakot, ngumiti siya. “Gusto mong marinig ang totoo, Uncle?” mahinahon ang tono niya. “O gusto mo lang maniwala sa gusto mong paniwalaan?”

“Wala akong ibang gusto kundi ang katotohanan,” sagot ng tiyohin niya sa mariin na boses.

“Eh ‘di tanungin niyo si Chase Benjamin,” tugon ni Chloe, at nakipag eye to eye contest. “Kung totoo ngang kami ay may relasyon, hindi ba’t dapat matagal na akong pinalayas dito?”

“Hoy!” singit ng tiyahin niya. “Nang-aasar ka pa ngayon?! Ang kapal rin—”

“Ang kapal po?” siningitan siya ni Chloe, tumayo ng diretso at nakangiting mapanukso. “Eh hindi ba ikaw itong bumibili ng sirang TV tapos tinatawag na '

gift? Baka gusto mo pong ako pa ang tumawag sa service center para sa’yo po?”

Namula ang tiyahin niya, pero hindi na siya nakapagsalita. Maging ang tiyohin niya ay nagulat.

“Hindi ako perpekto,” dagdag pa ni Chloe, mas seryoso na ngayon. “Pero hindi rin ako tanga. At kung gusto n'yong paniwalaan ang tsismis kaysa tanungin ang sarili niyo kung sino talaga ang may motibo rito, then go ahead.”

Naging tahimik ang sala, maging ang orasan sa dingding ay parang tumigil.

Para sa reputasyon ni Chloe at para na rin sa ikabubuti ng buong pamilyang Sue, hindi na muling nangahas si ang tiyohin ni Chloe na pag-usapan pa ang tungkol sa pera.

Pero sa totoo lang, hindi inasahan ni Chloe na nakita pala talaga ng tiyahin niya ang nangyari nung gabing ‘yon. Pinilit niyang lunukin ang inis. Hindi siya sumagot, hindi dahil sa wala siyang masasabi, kundi dahil mas pinili niyang manahimik sa ngayon.

May pakay ang tiyahin niya. Mukhang sinadya niyang itago ang impormasyon na 'yon, parang isang alas na itatapon lang kapag kailangan na.

May kutob si Chloe na sinundan sila ng tiyahin niya no’ng araw na ‘yon. Posibleng narinig niya ang buong pag-uusap nila ni Chase Benjamin. Her auntie ay hindi kailanman naging simpleng babae.

Kaya nga sa loob ng maraming taon na nanirahan ang ina ni Chloe sa bahay ng mga Sue, para siyang ginapos sa kadena. Walang naging kapangyarihan at walang tinig. Lahat ay kontrolado ng kapatid nito.

Chloe was silent for a long time, took a deep breath, and said to her uncle. “Uncle, tungkol po dun sa gabing ‘yon.” Pero bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, may kumatok na sa pintuan.

“May tao ba d’yan?” Biglang natigilan si Carlo. Lalong tumigas ang panga niya.

Alam niya ang kasabihan: Ang kahihiyan ng pamilya, huwag inilalantad sa iba.

Napatingin siya kay Chloe, at may mariing tango siyang ibinigay, kasabay ng pabulong na mariing babala, “Hintayin mo ‘ko. Hindi pa tayo tapos.”

Pagkatapos no’n, mabilis siyang lumakad papunta sa pinto at ini-unlock ito. Pagbukas niya, natigilan siya at para siyang sinampal ng hangin.

Isang matikas na lalaki ang nakatayo sa harapan ng bahay, maayos ang suot na military uniform, tuwid ang tindig, at malamig pero magalang ang ngiti.

“May problema po ba?” Tanong ng lalaki habang tumingin direkta sa lalaki. “Uncle, mukhang ayaw n’yo yata akong papasukin?”

Si Yohan Benjamin. At sa likod ng ngiting ‘yon, may dalang bagyo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 10: Dumpling

    Ilang hakbang pa lang ang layo ni Chloe mula kay Yohan. Nag-isip muna siya sandali, tapos saka niya pinangahasan ang sarili. Lumapit siya ng marahan at hinawakan ang laylayan ng polo ni Yohan at mahina niyang tinanong, "Anong gusto mong kainin? Kabisado ko ‘tong area na ‘to.""Kumain na ako kanina pa. Ikaw, anong gusto mo?" Mahinahong sagot ni Yohan.Hindi na nagdalawang-isip si Chloe at hinila na niya ito papatawid ng kalsada.Pagdating nila sa maliit na karinderia na suki na niya, agad siyang kinilala ng may-ari. "Uy! Dinala mo na ang bago mong nobyo rito , ah?"Ngumiti lang si Chloe, pero hindi na nagsalita. Tinapunan ng tingin ng may-ari si Yohan, na parang sinusuri, matangkad, maayos ang postura, gwapo, at naka-uniporme pa. Katabi niya si Chloe na parang ibong pipit sa laki ng agwat nila. Bagay na bagay silang tingnan.Ang importante, mukhang disente si Yohan. Hindi tulad nung lalaking kasama niya dati, may itsura rin pero mukhang may tinatagong kalokohan."O, anong order niyo

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 9: Chocolate

    Nang makita ni Carlo ang ekspresyon ni Yohan, agad siyang kinabahan. “Naku po…” bulong niya sa sarili, habang pinapahid ang pawis na biglang bumalot sa noo niya.Alam niyang sumabit ang asawa niyang si Sunshine sa sinabi nito. Malinaw na hindi alam ni Yohan ang tungkol sa nakaraan nina Chase at Chloe. Kung dito pa mismo sa harap ng mga kapitbahay sila magkakagulo, hindi lang kahihiyan ang kapalit, mawawalan pa ng mukha ang pamilya Benjamin.Medyo nauutal pa na lumapit siya kay Yohan, at marahang hinawakan ang braso nito.“Yohan… hijo, sandali lang…” panimula niya na parang may pag-aalangan.Pero bago pa siya tuluyang makapagsalita, si Chloe na mismo ang nagsalita sa reserve pero kalmadong boses.“Ako na ang nagsabi kay Yohan kagabi. Tungkol kina Chase at sa akin. Hindi ko na itinago.”“Ha?” halos sabay-sabay na nasambit nina Carlo at ng iba sa paligid at napakunot-noo sa gulat.Alam ni Chloe na darating din ang araw na mabubunyag ang lahat. Sa dami ng nakakaalam ng lumang issue, impo

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 8: Return visit

    “Ano ka ba naman. Siyempre, welcome na welcome ka rito!” Agad na bumati si Carlo, sabay abot ng kamay ni Yohan. “Tuloy ka, tuloy ka!” Hindi niya inaasahan ang pagdating ng binata. Ang buong akala ni Carlo, nalaman na ni Yohan ang kung anong nangyari at baka nais nitong bawiin ang kasunduan sa kasal nila ni Chloe. Kaya’t ngayon na nakatayo ito mismo sa harap ng pintuan nila, parang hindi siya makapaniwala. Kasunod ni Yohan ang driver ng pamilya Benjamin at isa pang adjutant, parehong may dala-dalang malalaki at maliliit na pakete, halatang mga regalo. “Teka lang, dumalaw ka na nga, bakit kailangan mo pang mag-abala sa ganito karaming regalo?” ani Carlo, na napakamot nalang ng batok, mukhang nailang din pero may halong tuwa rin naman. “Kaunting pasalubong lang po para kay Tita Francine, at para na rin po sa inyo ng asawa nyo,” magalang ang sagot ni Yohan. “Maaga pong pumanaw ang mama ko, kaya kung may kakulangan sa asal o gal

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 7: Fake

    Karamihan sa mga gamit na ibinigay ng tiyahin ni Chloe bilang dowry sa kanya, puro mumurahin at halos gamit na.Halimbawa na lang, ang tela ng bedsheet na kasama sa dowry, ang halaga nito sa palengke ay nasa ₱240 per meter lang. Pero kinausap na ng tiyahin niya nang palihim ang tindera at sinabi sa ina ni Chloe na ang presyo raw nito ay ₱1,040 per meter. Syempre, hindi halata ng ibang tao ang kaibahan ng tela.Para mas makatipid pa, ibinayad nito ang mga sobrang ticket para sa bigas, langis, at tela ng pamilya niya bilang handling fee sa tindera, kaya’t pumayag ito sa raket. At ‘yung ibang gamit? Mas lalo pang kaduda-duda.“Auntie,” simulang salita ni Chloe habang iniaangat ang dalawang relos na nasa ibabaw ng mesa, “ito bang mga relos, kayo raw ang bumili sa mall, hindi ba? Pero tingin ko, hindi ito binili ni Mama.”“Oo, at napakamahal n’yan!” agad na sagot ng tiyahin niya na may kunot sa noo. “Alam mo ba kung sinong nagbibigay ng magkapares na branded na relos bilang dowry ngayon? S

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 6: Gossip Neighbors

    Makalipas ang kalahating oras, bumaba si Chloe mula sa traysikel sa may bungad ng isang makipot na eskinita, bitbit ang isa niyang maleta. Napatigil siya sandali. Tiningnan ang pamilyar na kalye sa harap niya, ang eskinita kung saan siya halos lumaki, mahigit sampung taon niyang dinadaanan, pero ngayon parang napakalayo na. Parang ibang buhay na ang lahat. Mag-aalas otso na ng umaga, kaya abala na ang mga tao sa pagpasok sa trabaho. Sakto namang lumabas ang kapitbahay nila para bumili ng almusal at napansin siyang nakatayo sa kanto, mukhang pagod at may alikabok pa ang suot nito, tapos may dala pang maleta. “Chloe? Anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong ng kapitbahay. Kalat na kasi sa buong barangay na engaged kahapon si Chloe Sue kay Yohan Benjamin. Kahit mga tsismosa sa tindahan, alam na agad. Matagal nang nakikitira si Chloe at ang nanay niyang si Francine sa bahay ng tiyohin niyang si Carlo. Halos sampung taon 'din 'yun. Tapos bigla na lang may lumitaw na ‘childhood fiancé

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 5: Sandalwood box

    Sa itaas ng kwarto, hindi na hinintay ni Chloe Sue na mahawakan pa siya ni Carolina. Mabilis niyang pinaikot ang braso nito at itinulak palayo. Napaatras si Carolina at natumba sa sahig. Napasinghap naman ito. Nakawala rin agad si Chloe mula sa pagkakahawak ng isa pang katulong. Nagkatinginan ang dalawa, hindi nila alam kung ano ang nangyari. Pakiramdam nila, parang dumulas lang si Chloe mula sa kamay nila, parang linta na hindi mahawakan. Hindi rin inaasahan ni Leona ang lakas ni Chloe. Napanganga siya sa gulat. Hindi kasi nila alam, sanay si Chloe sa mabibigat na trabaho. Lumaki siya sa probinsya kasama ang kanyang ina sa bukid. Hindi siya 'yung tipikal na maarte’t marupok. Isang buhos ng pataba na may daang kilo? Parang kayang-kaya niya. At higit sa lahat, noong nakaraang buhay niya, dumaan siya sa matinding training. Parang mission impossible, pero may twist. Walang sinabi ang ilang katulong sa lakas niya ngayon. Pinagpag ni Chloe ang alikabok sa kamay niya, saka ngumit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status