Share

Ch. 6: Gossip Neighbors

Author: Aria Stavros
last update Last Updated: 2025-07-18 18:54:10

Makalipas ang kalahating oras, bumaba si Chloe mula sa traysikel sa may bungad ng isang makipot na eskinita, bitbit ang isa niyang maleta.

Napatigil siya sandali. Tiningnan ang pamilyar na kalye sa harap niya, ang eskinita kung saan siya halos lumaki, mahigit sampung taon niyang dinadaanan, pero ngayon parang napakalayo na. Parang ibang buhay na ang lahat.

Mag-aalas otso na ng umaga, kaya abala na ang mga tao sa pagpasok sa trabaho. Sakto namang lumabas ang kapitbahay nila para bumili ng almusal at napansin siyang nakatayo sa kanto, mukhang pagod at may alikabok pa ang suot nito, tapos may dala pang maleta.

“Chloe? Anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong ng kapitbahay.

Kalat na kasi sa buong barangay na engaged kahapon si Chloe Sue kay Yohan Benjamin. Kahit mga tsismosa sa tindahan, alam na agad.

Matagal nang nakikitira si Chloe at ang nanay niyang si Francine sa bahay ng tiyohin niyang si Carlo. Halos sampung taon 'din 'yun. Tapos bigla na lang may lumitaw na ‘childhood fiancé’, anak pa ng matataas sa military. Siyempre, taas-noo ang buong pamilya Sue. Hanggang ngayon, kwento pa rin ito sa mga kanto.

Pero heto siya ngayon, Chloe came back early in the morning carrying a suitcase. mukhang walang tulog. Halatang may nangyari.

“Ah, lumipat na raw ng ibang probinsya ang pamilya Benjamin,” pakuwento niyang sagot at may pilit na ngiti. “Tapos may emergency deployment si Yohan Benjamin, kaya ako na lang muna ang umuwi.”

Tumango lang ang kapitbahay, pero halata sa mata nila na may tanong pa rin. Pagliko niya sa eskinita, nagsimulang magbulungan ang ilang matatandang nakatambay sa bangketa.

“Ayun na nga ba ‘teh, baka di siya gusto kasi nagka-boyfriend na dati, ‘di ba?”

“Oo nga. Isang taon din silang magka-relasyon nung lalaking ‘yon. Baka may nangyari na, tapos nalaman kagabi ni Yohan Benjamin.”

“Nako, sabi nga nila, pag maganda ang babae, mas malikot. Wala kasing tatay ‘yang batang ‘yan para magdisiplina.”

Naririnig lahat ni Chloe ‘yon. Hindi na bago. Lumaki na siyang kasama ang mga bulung-bulungan ng kapitbahay. Sanay na siya. Pero kahit gaano kasakit, hindi niya kayang pigilan ang bibig ng iba. Hindi niya hawak ang iniisip nila.

Tahimik niyang hinila ang maleta papunta sa gate ng bahay nila. Kumalabog lang ang bakal nang kumatok siya.

“Sino ‘yan?” sigaw ng tiyahin niyang si Sunshine mula sa loob.

“Tita, ako po 'to si Chloe,” mahinang sagot niya.

Saglit na katahimikan ang sumunod. Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto at si Carlo ang tiyohin niya ang sumalubong sa kanya. Napakunot ang noo nito habang tinitigan siya mula ulo hanggang paa.

“O, anong ginagawa mo rito?” Pagkasabi nun, sumilip ito sa likod niya at mahina pang nagtanong, “Nasaan si Yohan? Bakit mag-isa ka lang?”

“Pasok po muna tayo. Doon na lang po tayo sa loob mag-usap,” mahinahong sagot ni Chloe.

“Oo, oo, tama! Pasok ka na dali!” Agad na inabot ni Carlo ang maleta niya at hinila papasok. “Pasok, bilis!”

Ilang minuto lang ang lumipas at magkakaharap na silang apat sa sala, si tito niya Carlo, tita Sunshine, at ang ina niyang si Francine.

Halatang masama ang loob ni Carlo, habang si Francine naman ay nakaupo sa tabi niya at napabuntong-hininga. “Ano’ng gagawin natin ngayon? Sabi natin, parang kasal na ‘yong engagement nila, pero heto’t mag-isang pinauwi si Chloe.”

“What a disgrace!” singhal ni Carlo sabay turo kay Chloe nang marinig niyang umiyak ang asawa niyang si Sunshine. “Pinahiya mo kami!”

Sa bandang gilid, napakagat-labi lang ang ina ni Chloe habang pinupunasan ang basang kamay niya sa apron. Mahina nitong sabi, “Kuya, hindi naman kasalanan ni Chloe ‘to.”

“Francine, pinagtatanggol mo pa siya kahit ganito na ang nangyari? Isipin mo muna kung paano natin haharapin ang pamilya Benjamin! Sa palagay mo matutuloy pa ba ‘tong kasal?” sabat ni Sunshine na kunot ang noo.

“Ginastos na natin lahat ng twenty thousand na bigay nila noong engagement. Eh paano kung hingin nila pabalik? Ni singkong duling wala akong maibabalik.” Lalong dumilim ang mukha ni Carlo sa narinig.

Si Carlo ay direktor sa isang maliit na printing factory, at kumikita lang ng ₱317.89 kada buwan. Ang twenty thousand na betrothal gift? Para ‘yang anim na taong sahod niya, na parang hindi siya kumain o gumastos kahit piso.

Carlo slammed the table. “ Sixteen o seventeen anyos pa lang si Chloe nun ay nakikipagrelasyon na siya, right? And everyone knows about it. Kung ‘di siya, sino pa ba sisisihin ko?”

Napangiwi ang ina ni Chloe, halatang takot na takot at hindi na nakapagsalita. Tiningnan niya si Chloe na namumula ang mata at punong-puno ng pag-aalala.

Tahimik lang si Chloe habang nakatingin sa kanyang tita Sunshine. Alam niya ang totoo, gusto lang ng tita niya ang halos twenty thousand para sa sarili nito. Ang totoo, mula’t simula, may masama na talagang balak ang tiyahin niya.

“Auntie, lahat ng ginastos sa engagement banquet, mula sigarilyo, alak, hanggang pagkain, galing sa pamilya Benjamin. Ni singkong duling, walang inilabas ang pamilyang Sue. So, sabihin mo nga sa’kin, saan napunta ang twenty thousand?” malamig ang boses ni Chloe habang nakatitig sa kanyang tiyahin na walang bakas ng emosyon sa mukha.

“Aba tingnan mo ‘tong batang ‘to.” Namula naman ang tiyahin niya sa inis at hiya, agad na tumikas ang leeg at sumagot, “Eh ‘yung mga bagay na dala mo bilang dowry, akala mo ba libre lahat ‘yon? Ako at ang nanay mo ang bumili ng mga ‘yon, hindi ba’t patas lang ‘yon?”

Tahimik lang si Chloe, pero sa loob-loob niya, alam na niya ang totoo. Alam niyang dinaya siya ng tiyahin niya.

Ang set ng gamit, mga anim na daan hanggang pitong daan lang ang halaga. Pero iginiit ng tiyahin niya na umabot ito ng tatlong libo. At si Francine, ang nanay niyang sobrang mahiyain, hindi man lang naglakas-loob magsalita kahit alam niyang niloloko na sila.

Noong nakaraang buhay niya, inisip niyang kahit papaano, nakalayo na siya sa impyerno kaya tiniis niya ang lahat. Hindi na siya nakipagtalo sa tiyahin niya tungkol sa pera. Pero ngayon, ibang usapan na.

Tumayo siya at dumiretso sa kanyang maleta, at isa-isang inilabas ang laman. Inayos niya ito sa ibabaw ng mesa sa sala, anim na bagong kumot, ilang kaldero, pinggan, gamit sa kusina at tumingin sa tiyahin niya.

“Maliban sa mga kumot at mga kalderong hindi ko nadala, sige nga, Auntie. Sabihin mo sa’kin, magkano ang bawat isa niyan? Itemized dapat, ha.”

Suminghal naman ang tito niya sa malamig na boses, “hindi mo malalaman kung gaano kahirap ang buhay hangga’t hindi ikaw ang naghahawak ng bahay. Francine, ikaw na nga. Ikaw ang bumili n’yan, hindi ba? Sabihin mo sa kanya ang presyo.”

Umismid lang ang tiyahin ni Chloe, “tingnan mo ‘yang takbo ng bunganga mo, parang ikaw pa ang agrabyado. Eh sino bang nakikitira lang dito? Walang-wala na nga kami—”

“Sige nga, kung walang-wala kayo, bakit tatlong libo ang kinubra mo sa gamit na halatang wala pang isang libo ang halaga?” balik tanong ni Chloe.

“Aba’t sumasagot ka pa?!” galit na sigaw ng tiyahin niya sabay bagsak ng palad sa mesa. “Walang utang na loob! Sampung taon ka naming pinatira rito, Pinakain, at Pinag-aral! Ganyan ka ba magpasalamat?”

Napapikit nalang ang ina ni Chloe, muling namumula ang mata. Tumayo siya at lumapit kay Chloe, at marahang hinila ang laylayan ng suot nito. “Anak tama na. Mag-sorry ka na lang kay uncle mo ay kay Auntie mo.”

Tumingin si Chloe sa ina niya. Alam niya, kahit anong pait ng trato ng mag-asawang ito, may utang-na-loob pa rin sila sa uncle niya. Sa huling mga taon nila, dito sila tumira. Pinagtyagaan silang buhayin, kahit alam niyang may kapalit ang lahat.

Pero iba na ngayon. Hindi na pera ang habol niya. Gusto lang niyang ipaglaban ang dignidad niya. At ang dignidad ng nanay niya.

She glanced at her aunt again and said “Auntie, huwag ka nang mag-alala. Kung sakaling hindi matuloy ang kasal at bawiin ng pamilya Benjamin ang twenty thousand, ako mismo ang magbabayad. Ni kusing, hindi ko kayo uutangan. Isipin niyo na lang ‘yon bilang kabayaran sa lahat ng taon na tumira kami rito.”

Biglang tumahimik ang buong sala. Tahimik na may halong kahihiyan. Tumikhim ang tiyohin niya at muling tumingin sa asawa niya, pero hindi na ito kumibo.

Nakipagtitigan lang si Chloe sa mesa na parang nag-iisip ng malamim. Kalaunan nagsalita na siya sa matatag na boses. “Dapat lang linisin ang usapang kasal na ‘to. 'Yung walang palusot at walang dayaan. Dapat klaro lahat ng kuwenta.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 47: Bitch

    “Si Yohan 'yung nananakit. Wala itong kinalaman kay Chloe,” He swallowed hard and spoke to Leona with difficulty. Pinunasan naman ni Leona ang kanyang luha at tumitig kay Yohan nang may matinding galit. She would settle this account first and then settle the final account with Chloe later. Paalis naman na si Yohan para sa mission niya , at titingnan lang niya kung paano pa niya mapoprotektahan si Chloe. “He's your half-brother. You have to give us an explanation right now. Otherwise, I'll call the police and let them handle this." sabi niya, at tumingin kay Don Lancaster na wala pa ring imik sa tabi. “Dad, Isa lang ang anak ko, at dalawang apo mo lang ang meron ka, dapat pantay nyo silang tratuhin.” Napabuntong hininga nalang si Don Lancaster. Siya at si Leona ay matagal nang magkasalungat at halos hindi nag-uusap ng buong taon. “Bakit ang tahimik nyo naman?” naghintay ng ilang segundo si Leona, saka sumigaw, “Gusto kong makita kung may batas ba dito! Tawagin na ang pulis!!!” “M

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 46: Hit her

    Pagdating ni Yohan sa pintuan, napansin niyang nakabukas ito ng kaunti. Napakunot naman ang noo niya. Alalang-alala kasi niya at sinigurado na isinara niya iyon bago siya umalis. Bago pa man siya makapasok para tingnan ang nangyayari, narinig niya ang pamilyar na boses mula sa loob. “…Pwede bang tigilan mo na ang pagiging galit sa’kin? O baka gusto mo lang talaga ‘yung pakiramdam ng pagiging parang biyuda?” “Alam mo ba, si Yohan pumunta sa isla para mamatay, pero ako pumunta roon para magdagdag ng kinang sa pangalan ko! Pagbalik ko, ibibigay ko sa’yo ang buhay na gusto mo! Anumang meron si Yohan, magkakaroon din ako!” Dalawang minuto lang ang nakalipas mula nang lumabas ng banyo si Chloe, at doon niya naabutan si Chase na biglang nakapasok sa kwarto. Ni hindi niya alam kung paano ito nakalusot. Ngayon ay nakatayo ito na nakasandal sa mesa. “Ni hindi ka man lang katumbas ng isang daliri niya.” mariin niyang sagot at puno ng pagkasuklam. Nakatitig si Chase sa kanya na may hal

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 45: Wedding

        Ramdam niya ang dahan-dahang pag-usad ng dalawang daliri nito pababa sa kanyang likod. 'Hindi pwede ‘to!!!'Kinabahan naman si Chloe at agad niyang hinawakan ang kamay ni Yohan para pigilan ito. When she turned her head, she met his smiling eyes.“Gising ka na?” mahinahon nitong tanong.Doon niya lang napagtanto na mula pa kanina, alam na pala nito na gising na siya. Ginagawa lang niya ‘yon nang sadya. Bigla siyang namula, may halong hiya at inis ang naramdaman niya, kaya mabilis niyang inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito.“Lumabas ka nga muna!” singhal niya, halos hindi na mapakali kasi sobrang naiihi na talaga siya at pakiramdam niya konti na lang, hindi niya na mapipigilan.“Kung gano’n, ilalapag na kita.” mahinahong sagot ni Yohan, bago siya dahan-dahang ibinaba.Pag-apak niya sa sahig, ramdam agad ni Chloe ang panghihina ng mga tuhod niya na parang bibigay siya at halos hindi makatayo ng maayos. Ang laka

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 44: Bathroom

    Chloe couldn't help but rub against his chest a few times, humming with satisfaction. Nanigas naman si Yohan. He frowned and looked down at Chloe in his arms. Lalo pa siyang natigilan nang mapansin na hindi mapakali ang maliliit nitong kamay na parang hinahanap-hanap ang lamig niya. Ang sarap ng lamig niya, parang gusto pa niya. Pero, this little bit of warmth was just a temporary solution to her thirst. “Chloe…” mahinang saway niya, saka hinawakan ang kamay nito. “Magpakabait ka.” Pero agad ding iwinaksi ni Chloe ang kamay nito na para bang naiinis sa paghawak niya. Halos manggagalaiti ang bagang ni Yohan sa pagpipigil. At lalo pa siyang nahirapan nang idikit ni Chloe ang mainit niyang pisngi sa dibdib niya. “Chloe!” He raised his voice a few degrees and called her name. Ngunit wala na siyang naririnig. Para kay Chloe, ang lamig ni Yohan ang tanging lunas sa apoy na kumakain sa buong katawan niya. At lalo siyang napapaso sa init na namum

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 43: Fever

    Ayaw na ayaw ni Yohan na si Chloe pa mismo ang magbalat ng alimango. Paano pa kaya kung siya mismo ang kakain sa mga siopao na pinaghirapan ni Chloe? Baka patayin pa siya sa titig. “Siopao na may mustard greens at pork?” tanong ni Christian. “Oo, Kuya Chris, gusto mo ba?” tanong si Chloe. Napatigil sandali si Christian bago sumagot, “Oo.” Naalala niya na nakakain na pala siya noon. Si adjutant Lu ang nagdala sa kampo, at dahil gutom na gutom siya, kumuha siya ng isa. At aaminin niya, iba ang sarap, mas malasa kaysa sa kahit anong shop na natikman niya. Napabaling naman si Yohan sa kanya. “Gusto mo ulit?” Napatawa naman si Christian at umiling-iling. “Naku, sobra ka namang mag-alala. Hindi ako mangangahas abalahin pa si Chloe.” Ramdam naman ni Chloe na medyo sobra na ang pagka-protektibo ni Yohan. Para sa kanya, mas marami ang makakakain ng siopao, mas makikita niya kung ano ang k

  • The Stoned-Heart Commander’s Unforeseen Affection to his Fia   Ch. 42: Sorry

    Mangiyak-ngiyak na napatingin si Winona kay Yohan. “Isa,” malamig na umpisang bilang ni Yohan, diretso na ang tingin sa kanya. “Kuya Yohan…” halos nakikiusap na ang boses ni Winona. Para kasi sa kanya, ang ipahiya at ipamukha na kailangan niyang humingi ng tawad sa karibal niya sa pag-ibig ay mas masakit pa kaysa kamatayan. At saka, dati namang may relasyon sina Chloe at Chase, kaya sa tingin niya wala naman siyang maling nasabi. “Tatlo.” Hindi na siya binigyan ng tsansa ni Yohan. “Pasensya na!” Mabilis na napalingon si Winona kay Chloe at humingi ng tawad, halos humahagulgol na rin ito. Alam niyang may hawak na sikreto si Yohan laban sa kanya. At natatakot siyang baka talagang kalimutan nito ang dati nilang pinagsamahan at isumbong siya kay John. Wala namang imik si Chloe habang kumakain, parang wala ring naririnig. Si Yohan naman, nakatingin lang kay Winona. “Ano pa ba ang gu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status