Chloe Sue never imagined na ang mapapangasawa niya ay isang lalaking parang yelo na sa lamig, silent and emotionally distant. And Yohan Benjamin never thought that this girl, who was supposed to be just part of a family arrangement, would slowly start breaking down the walls he had spent his whole life building. Nang unang nakita ni Chloe si Yohan, nasa loob siya ng isang eleganteng hall, sun-kissed ang kutis nito. 'Yung mga mata niya, those deep almond eyes, parang may misteryong hindi mo agad mabasa. Tipong kahit sinong lalaki, mahuhulog. Kaya hindi nakapagtataka na halos mapanganga ang buong pamilya Benjamin. Pero si Yohan? Walang reaksyon. Nakatungo lang siya sa maayos niyang military uniform, seryoso ang mukha, at tila ba walang kahit anong nararamdaman. Kung ibang babae siguro, matatakot. Pero si Chloe, curious lang. They're bound by a decades-old debt between their families, at ngayong malapit nang ipadala si Yohan sa battlefield, kung saan walang kasiguraduhan kung makakabalik pa siya, the elders from both families started pushing. Wala nang oras at kailangan na raw nilang magpakasal. Not because they loved each other, but because it was their duty.
もっと見る“Damn… aray, ang sakit,” mahina at pigil na daing ni Chloe habang nakapikit ang mata, kita sa kunot ng noo niya ang kirot. Napapakislot ang katawan niya sa bawat saglit.
“Eh 'di titigilan ko nalang to?” malamig at medyo inis na boses ng isang lalaki ang biglang narinig niya. Bigla naman siyang napabalikwas. nanlalaki ang mata at klarong-klaro sa boses na ‘yon na hindi panaginip 'to. At doon na-realize ni Chloe kung ano ‘yung naramdaman niya kanina. Wait lang. HUH? Limampung taong gulang na siya. Matanda na siya at sensual pa rin?! Ano bang nangyayari?! Napamulat si Chloe ng tuluyan at agad tumingin sa lalaking nasa ibabaw niya. Matangos ang ilong, matitigas ang panga, at ‘yung kutis? Makinis pa ata sa future niya, mukhang nasa teenager lang. “Sino ka?!” halos mapasigaw si Chloe, sabay hablot ng kumot at ibinalot agad ang sarili. Pero sa paggalaw niya, may sumilip sa peripheral vision niya, yung abs nang lalaki, like legit may mermaid line pa. ‘Di naman sa sinasadya pero nakita niya and now she’s dying inside. “Oh my goshh,” bulong niya sa sarili, habang literal na umiwas na ng tingin. “Since ayaw mo rin lang naman, at kaya mo pang magpakamatay para lang maiwasan ’to…” Napalunok ang lalaki, pero ang boses niya matigas pa rin, malamig at parang wala siyang karamdaman. “Edi kalimutan na lang natin, Chloe. Wala naman palang saysay kung pipilitin pa kita.” Sandaling natahimik ang kwarto. Walang ibang maririnig kundi ’yung mahinang tunog ng pagsinghap niya at pilit kinakalma ang sarili. Tumayo naman ang lalaki na mabibigat ang kilos, tapos umupo sa gilid ng kama. Kinuha niya ’yung military jacket niya at pinagpag ng bahagya, tapos isinukbit sa balikat niya. “Wala naman sigurong mawawala kung hindi na lang kita i-istorbohin, ‘di ba?” dagdag pa ng lalaki na hindi tumitingin kay Chloe. “Mula pa noon, parang ayaw mo naman talaga sakin.” Saka lang naramdaman ni Chloe na may hapdi sa dulo ng dila niya. Nalasahan niya ang dugo, dugo na galing mismo sa dila niya. She didn’t even realize she bit her tongue habang… basta, hindi niya pa ma-explain. Habang mahigpit pa ring nakabalot sa kumot si Chloe, napa automatic tingin siya sa likod ng lalaki. At doon siya natigilan. As in, freeze, na parang may bumuhos na malamig na tubig sa ulo niya. Kasi kung tama ang tingin niya, ‘yung suot nung lalaki? Military uniform pero luma na. As in sobrang luma na at mukha pang galing 30 years ago. "You..." Hindi pa man niya tuluyang makita nang malinaw, nakabihis na ‘yung lalaki. Tumayo ito, itinulak pabukas ang pinto at mabilis na lumakad palabas. Napasulyap naman si Chloe sa suot nitong military boots, at doon biglang may pumitik na sa kutob niya. Napatingin siya ulit sa kumot na nakabalot sa katawan niya, makapal ang tela nito at medyo magaspang pero halatang mamahalin. Kulay maroon at may burdang ginto’t pilak pa sa gilid, may disenyo pa ito ng ibong Adarna at mga rosas na parang kinuha pa sa luma’t tradisyonal na kasalang Pilipino. Tipong ‘yung ginagamit sa mga kasal ng mga lola’t lolo noon. Napapikit siya sandali at natulala. “Hindi… imposible ‘to.” She jolted again at bigla siyang napabangon, halos matapilok pa sa pagmamadali. Dumiretso siya sa kung saan niya naaalala na may switch pala ng ilaw. Pagbukas ng ilaw, mabilis siyang tumingin sa paligid. Maliwanag na at tama nga siya, nasa lumang bahay ng pamilya Benjamin siya. At hindi lang basta kwarto, isa itong wedding room setup. May mga pulang palamuti, at ‘yung perpetual calendar sa pader? Maliwanag ang pula ng petsa, October 1, 1981. Napalunok nalang si Chloe at bumuntong hininga. “Hindi puwede. Ito ‘yung engagement banquet ko. Labing-walo lang ako nun. Pero, bakit?!” Napaatras siya nang ilang hakbang, tapos naupo sa sofa na nakatulala pa rin. “So ibig sabihin, patay na nga ako. At ngayon, bumalik ako?!” Napahawak naman si Chloe sa ulo na parang mababaliw, na pati sarili niya ay kinakausap na niya. Pinoproseso pa kasi niya ang lahat. Nagmistulang chant pa nga ito sa utak niya. “Bumalik ako sa mismong gabi ng engagement banquet, tatlumpung taon mahigit ang lumipas tapos, nandito na naman ako?” Nanginginig na ang boses ni Chloe at hindi alam ang gagawin. “Yung lalaki kanina, jusmeyo. Si Yohan Benjamin ‘yon, ‘di ba? Yung fiancé ko, na namatay sa gyera pagkatapos ng party na ‘to?” This time parang buong katawan na ni Chloe ang nanginginig. “Kung ganito lang, ibig sabihin, may pagkakataon akong baguhin lahat?” Noong bandang dulo ng 1981, sobrang aligaga ang sitwasyon. Ang pamilya Benjamin, takot na baka ipadala agad si Yohan sa battlefield. Kaya kahit bagong-engaged pa lang sila, pinatulog na sila sa iisang kwarto. Apat na beses lang yata ni Chloe nakita si Yohan noon, kaya hindi niya kabisado ang itsura. Tapos kanina ay madilim din, kaya hindi niya agad na-recognize. Napakurot siya bigla sa braso, masakit at namula ‘yung parteng kinurot niya. “Aray! Omygulay. So totoo nga ‘to? Hindi ako nananaginip? Hindi ako nasa ospital, hindi ako nasa libingan?” Kinuha niya ang lumang takure sa lamesa at nagbuhos ng tubig sa enamel cup, umuusok pa pero nilaklak niya agad. Pagpasok pa lang sa bibig niya, "ACK!" Napadura siya ng kusa sa sobrang init. “Aaray!” napasigaw si Chloe, sabay tayo ng tuwid at dali-daling pinunasan ang nabasang damit. Pag-angat ng ulo niya, bumungad agad sa kanya ang sariling repleksyon sa antique mirror, at halos mapaatras na siya. Oo, si Chloe nga ang nakikita niya. Pero hindi ‘yung limampung taong gulang na Chloe na pagod na sa mundo. Kundi ito ‘yung younger version niya. Mas maamo ang mukha, oval-shaped, flawless pa ang balat. Ang problema lang, ngayon ay namumula at medyo namamaga ang labi niya dahil sa pagkapaso. Para tuloy siyang naka-lip tint. Cherry red lips, literally. Doon siya tuluyang napatigil. Napakapit siya sa gilid ng salamin, napasinghap siya na parang ayaw paniwalaan. “Wow, binigyan mo pa talaga ako ng isa pang pagkakataon?” Kasi sa nakaraang buhay niya, limang buwan lang mula sa gabing ito, May 1982, namatay si Yohan sa battlefield. Hindi na siya nakabalik, at kahit kailan, hindi rin nahanap ang katawan niya. At sa loob ng limang buwang iyon, sunod-sunod ang pangyayaring nagtulak kay Chloe na gumawa ng pinakamaruming desisyon sa buong buhay niya, ang pakasalan si Chase Benjamin ang nakababatang kapatid ni Yohan. Napahawak siya sa bibig at nanlalambot ang tuhod. “Ano ba’ng ginawa ko noon? Trinaydor ko si Yohan, kahit wala na siya.” Naalala rin ni Chloe hanggang sa dumating ang huling gabi niya. Oo, ‘yung mismong gabing ‘yon kung kailan tuluyan siyang sumuko at nagpakamatay. Klarong-klaro pa rin sa isip niya ang huling eksena bago siya mamatay at masakit pa rin hanggang ngayon. Pero ngayon, buti na lang. Binigyan siya ng Ama ng pagkakataon para itama ang lahat. At ang gabing ito? Ito na mismo ang simula ng pagbabago ng kapalaran niya. Nakaupo siya sa sofa, nag-iisip lang kung ano ang gagawin, pero ramdam mong naka-alerto ang buong sistema niya. Dahan-dahan niyang sinuyod ulit ng tingin ang buong kwarto, parang gusto niyang i-memorize bawat detalye. Colonel na si Yohan ngayon. Battalion commander pa. At sa edad na bente? Halos wala kang makikitang ganon sa panahong ‘yon. Imposibleng hindi mapansin. Napapikit si Chloe sandali, halos nagdasal sa isip. Kung maililigtas lang niya si Yohan mula sa aksidenteng darating limang buwan mula ngayon, sigurado, sisikat talaga ito. Hindi lang sikat, magiging bayani pa. At siya? Sa wakas, baka magkaroon siya ng tsansa na ayusin ang lahat. Mahinang bulong niya sa sarili, “Limang buwan, kaya ko ‘to. Kailangang kayanin. Hindi na mauulit ang nangyari noon. Hindi na ako magiging mahina. Kahit anong mangyari, hindi ko hahayaan na mawala ulit si Yohan sa’kin.” Napakuyom siya ng kamao, mahigpit na parang sinusumpa ang hangin. “Kung kailangan kong suwayin ang langit para mailigtas siya, gagawin ko. Basta’t mabuhay siya. Basta’t mailigtas ko si Yohan.” Kailangan niyang hanapin si Yohan. Kahit galit pa ‘yon, kailangan niyang suyuin. Pasuot na siya ng damit nang may biglang kumalabog at biglang pagbukas ng pinto. “Sino ‘yan?!” Nagulat siya bigla at napalingon saglit pero agad na tumalikod ulit, abalang isara ang huling dalawang butones ng damit. “Ako.” Mahinang sagot ng pumasok na halatang nag-aalangan. Paglingon niya, nanlaki ang mga mata niya. Si Chase. Si Chase Benjamin. Ang nakababatang kapatid ni Yohan. Sandaling natulala si Chloe, pero agad ding tumalikod at kinumpleto ang pagsasara ng kwelyo. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa seryoso ang tono. “Bakit, ayaw mo bang andito ako?” Lumalapit na si Chase, medyo pasuray-suray na ang lakad. Amoy alak din. Lasing na ang loko. Lumingon si Chloe kay Chase at agad lumayo ng dalawang hakbang para may distansya sa kanya. “Chase, malinaw na lahat ‘no’n bago pa magsimula ang party,” matigas niyang sabi. “Sabi mo nga ayaw mo sa kuya ko.” May ngiting may halong sarkasmo at inggit sa mata ni Chase. Nakatikom lang ang bibig ni Chloe at parang hindi makasagot. Sa labas ng kwarto, sa may hallway may isang taong nakamasid sa kanila. At 'yon ay walang iba kundi si Yohan. Kadarating lang niya bitbit ang gamot para sa sugat sana sa dila ni Chloe. Seryoso lang siyang nakatingin sa loob ng kwarto, gamit ang likod ng translucent na bintanang may hamog at tanaw talaga niya ang dalawang tao sa loob.Pagdating ni Yohan sa pintuan, napansin niyang nakabukas ito ng kaunti. Napakunot naman ang noo niya. Alalang-alala kasi niya at sinigurado na isinara niya iyon bago siya umalis. Bago pa man siya makapasok para tingnan ang nangyayari, narinig niya ang pamilyar na boses mula sa loob. “…Pwede bang tigilan mo na ang pagiging galit sa’kin? O baka gusto mo lang talaga ‘yung pakiramdam ng pagiging parang biyuda?” “Alam mo ba, si Yohan pumunta sa isla para mamatay, pero ako pumunta roon para magdagdag ng kinang sa pangalan ko! Pagbalik ko, ibibigay ko sa’yo ang buhay na gusto mo! Anumang meron si Yohan, magkakaroon din ako!” Dalawang minuto lang ang nakalipas mula nang lumabas ng banyo si Chloe, at doon niya naabutan si Chase na biglang nakapasok sa kwarto. Ni hindi niya alam kung paano ito nakalusot. Ngayon ay nakatayo ito na nakasandal sa mesa. “Ni hindi ka man lang katumbas ng isang daliri niya.” mariin niyang sagot at puno ng pagkasuklam. Nakatitig si Jiang Chi sa kanya, may
Ramdam niya ang dahan-dahang pag-usad ng dalawang daliri nito pababa sa kanyang likod. 'Hindi pwede ‘to!!!'Kinabahan naman si Chloe at agad niyang hinawakan ang kamay ni Yohan para pigilan ito. When she turned her head, she met his smiling eyes.“Gising ka na?” mahinahon nitong tanong.Doon niya lang napagtanto na mula pa kanina, alam na pala nito na gising na siya. Ginagawa lang niya ‘yon nang sadya. Bigla siyang namula, may halong hiya at inis ang naramdaman niya, kaya mabilis niyang inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito.“Lumabas ka nga muna!” singhal niya, halos hindi na mapakali kasi sobrang naiihi na talaga siya at pakiramdam niya konti na lang, hindi niya na mapipigilan.“Kung gano’n, ilalapag na kita.” mahinahong sagot ni Yohan, bago siya dahan-dahang ibinaba.Pag-apak niya sa sahig, ramdam agad ni Chloe ang panghihina ng mga tuhod niya na parang bibigay siya at halos hindi makatayo ng maayos. Ang laka
Chloe couldn't help but rub against his chest a few times, humming with satisfaction. Nanigas naman si Yohan. He frowned and looked down at Chloe in his arms. Lalo pa siyang natigilan nang mapansin na hindi mapakali ang maliliit nitong kamay na parang hinahanap-hanap ang lamig niya. Ang sarap ng lamig niya, parang gusto pa niya. Pero, this little bit of warmth was just a temporary solution to her thirst. “Chloe…” mahinang saway niya, saka hinawakan ang kamay nito. “Magpakabait ka.” Pero agad ding iwinaksi ni Chloe ang kamay nito na para bang naiinis sa paghawak niya. Halos manggagalaiti ang bagang ni Yohan sa pagpipigil. At lalo pa siyang nahirapan nang idikit ni Chloe ang mainit niyang pisngi sa dibdib niya. “Chloe!” He raised his voice a few degrees and called her name. Ngunit wala na siyang naririnig. Para kay Chloe, ang lamig ni Yohan ang tanging lunas sa apoy na kumakain sa buong katawan niya. At lalo siyang napapaso sa init na namum
Ayaw na ayaw ni Yohan na si Chloe pa mismo ang magbalat ng alimango. Paano pa kaya kung siya mismo ang kakain sa mga siopao na pinaghirapan ni Chloe? Baka patayin pa siya sa titig. “Siopao na may mustard greens at pork?” tanong ni Christian. “Oo, Kuya Chris, gusto mo ba?” tanong si Chloe. Napatigil sandali si Christian bago sumagot, “Oo.” Naalala niya na nakakain na pala siya noon. Si adjutant Lu ang nagdala sa kampo, at dahil gutom na gutom siya, kumuha siya ng isa. At aaminin niya, iba ang sarap, mas malasa kaysa sa kahit anong shop na natikman niya. Napabaling naman si Yohan sa kanya. “Gusto mo ulit?” Napatawa naman si Christian at umiling-iling. “Naku, sobra ka namang mag-alala. Hindi ako mangangahas abalahin pa si Chloe.” Ramdam naman ni Chloe na medyo sobra na ang pagka-protektibo ni Yohan. Para sa kanya, mas marami ang makakakain ng siopao, mas makikita niya kung ano ang k
Mangiyak-ngiyak na napatingin si Winona kay Yohan. “Isa,” malamig na umpisang bilang ni Yohan, diretso na ang tingin sa kanya. “Kuya Yohan…” halos nakikiusap na ang boses ni Winona. Para kasi sa kanya, ang ipahiya at ipamukha na kailangan niyang humingi ng tawad sa karibal niya sa pag-ibig ay mas masakit pa kaysa kamatayan. At saka, dati namang may relasyon sina Chloe at Chase, kaya sa tingin niya wala naman siyang maling nasabi. “Tatlo.” Hindi na siya binigyan ng tsansa ni Yohan. “Pasensya na!” Mabilis na napalingon si Winona kay Chloe at humingi ng tawad, halos humahagulgol na rin ito. Alam niyang may hawak na sikreto si Yohan laban sa kanya. At natatakot siyang baka talagang kalimutan nito ang dati nilang pinagsamahan at isumbong siya kay John. Wala namang imik si Chloe habang kumakain, parang wala ring naririnig. Si Yohan naman, nakatingin lang kay Winona. “Ano pa ba ang gu
Natatakpan naman ng tablecloth ang mesa kaya walang ibang nakakahalata sa mga nangyayari sa ilalim. Si Yohan naman ay nakatitig lang kay Chloe ng ilang segundo. At nang makita niyang wala itong balak kumilos, bigla niyang hinila palapit ang upuan nito. “Bakit ang layo mo naman sa akin?” pabiro niyang sabi pero may diin sa boses niya, sabay naman lagay ng isang pirasong sweet and sour pork ribs sa mangkok ni Chloe. Agad namula ang pisngi ni Chloe. Tiningnan niya si Yohan na parang gusto na niyang pagalitan 'to, pero may halong inis at kaba sa mga mata niya. Sa kabilang side naman, hindi nakatiis si Winona at napairap nalang, saka marahang napasinghap. Alam niya na ginagawa lang ni Yohan iyon para ipakita sa lahat kung gaano siya ka-close kay Chloe. Kumuha rin si Winona ng ulam at inilagay iyon sa mangkok ni John. “Di ba favorite mo ‘to? Sige, dagdagan mo pa.” Tinapunan siya ng tingin ni John pero wala lang itong imik. May kung anong kakaiba kay Winona ngayong gabi na hindi niya ma
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
コメント