Share

Kabanata 15

Akmang aalis na sana ako sa tabi niya nang hinuli niya na naman ang aking kamay. Agad akong napahinto at napatingin sa kaniya kasunod ay sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

Napalunok pa ako the moment how big his hand is, parang kamay ng bata iyong kamay ko ng hawakan niya. Ang puti at ang kinis pa ng balat nito na nahahalata ang mga ugat sa likod niyon. Napalunok ako, parang iyon mga kamay na na-i-imagine ko sa bawat may nababasa akong nobelang nababanggit ang isang lalaki na may nakakaakit na mga kamay.

Binalik ko ang tingin sa kaniya. “Ano ba? Dadami pa lalo mga tao mamaya. Ano bang gagawin natin dito? Lalabas na si Zelo.” Inis na sabi ko sa kaniya.

Hindi siya nagsalita bagaman ay nilingon niya ang lumapit sa kaniyang isang babae na halatang staff ng event dahil sa suot nito. Kinausap nito si Raffel. Hindi na ako nakinig pa sa kung anomanng pinag-uusapan nila and tried to get rid of Raffael’s hand na hindi ko man lang nagawang mapagalaw kahit ng kaunti dahil sa higpit ng pagkakahawak niya roon. At the end, ay napabusangot na lang ko habang hinihintay silang matapos.

“Pasok lang kayo dito.” Iyon lang ang narinig kong sabi ng babae bago ako nilingon muli ni Raffael.

“Let’s go?” tanong niya pero hindi naman hinintay ang sagot ko and pulled me with him. Napatingin ako sa pintuan ng room at nakitang may nakalagay roon na placard saying, “unauthorized people are not allowed”.

“Huy, bawal tayo pumasok.” Ani ko sa kaniya pero hindi ako nito pinakinggan at pumasok pa rin.

Pagpasok namin ay agad kong nalanghap ang pabango ng kung sino mang naroon at nakatalikod mula sa gawi namin. Doon na binitawan ni Raffael ang kamay ko sa pagkakahawak niya rito kaya agad ko namang kinuha iyon at tiningnan. Napabusangot ako oras na makitang namumula ang palapulsuhan ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya roon kanina.

“Bro!” bati niya sa lalaki.

“Uy, Raffael!” Tinaas ko ang tingin upang makita kung sino ba ang pinunta niya roon at laking gulat ko ng makitang nasa harapan ko ang idolo kong manunulat.

“Oh my god,” pabulong kong sabi na siyang kumuha sa atensiyon nilang dalawa. Raffael chuckled.

Totoo ba ‘to? Napatingin ako sa paligid. So, ito ang room ni Zelo? Oh my god! Totoo ba talaga ‘to. Nagpapanic na ani ko sa aking isipan.

Binalik ko ang tingin sa dalawa at nakitang nakangiti na rin ngayon si Zelo.

“Girlfriend mo?” tanong nito kay Raffael.

“She’s… my friend.” Sagot niya rito.

“Dan, halika.” Si Raffael sa akin, ako naman ay parang robot na sumunod sa sinabi nito habang na kay Zelo pa rin ang mga tingin.  Na s-starstruck ako! Heeeelp!

Gusto nkong tumili dahil sa kilig. Ang gwapo niya! Ilangbesses ko na siyang nakikita sa mga video at pictures pero iba pala talaga sa personal. Mas gwapo siya, Oh my god! Hindi ko na talaga kaya!

“Zelo, oh my god! Pwede pa hug?” tanong ko sa kaniy.  Natawa naman si Zelo sa reasksiyon ko’t open his arms widely kaya I took the chance and hugged him instantly at baka magbago pa ang isip ko. Niyakap ko talaga siya ng sobrang higpit na  sa tingin ko’y kumapit na ang amoy niya sa akin.

A camera flashed kaya napalayo kami sa isa’t isa at nilingon si Raffael.

“Let’s take a photo?” tanong ni Zelo sa akin at sino ba naman ako para tumanggi? Eh, blessing na yon kaya agad akong tumango at nilingon si Raffael na nagging instant photographer namin ni Zeloo. We took some shot nang bumukas ang pintuan at niluwa ang babaeng kausap kanina ni Raffael.

“Mag s-start na.” ani nito.

“I’m afraid I have to go,” sabi nito sa salitang English na mas nagpaalala sa akin sa main karakter nito sa isang nobela.

“Oh, can you sign these books first?”  casual na ani ni Raffael sa kaniya.

“Huy, wag na. Pipila na la-“ nahihiyang ani ko but Zelo insisted at kinuha ang mga books ko kay Raffael and sign all of those. Habang nag pi-pirma si Zelo ay nasa tabi niya ako samantalang si Raffael naman ay patuloy sa pagkuha ng litrato namin na para bang isang napaka supportive na kaibigan. 

Agad naman iyong pinirmahan ni Zelo at nagpaalam na  pupunta na sa labas upang kitain naman ang mga katulad kong  readers na fan niya. Ang kaibahan lang ay pwede na akong hindi tumungo sa linya upang magpapirma sa kaniya.

“Ang gwapo niya,” ani ko at mahinang sinuntok sa dibdib si Raffael habang nakatingin sa likuran ni Zelo na patungo na sa stage.

“Tss, mas gwapo pa ako dun,”  Raffael inserted. Naplingon ako sa kaniya.

At dahil ako ay masaya dahil sa kaniya ay hindi ko siya pinilosopo sa pagkakataong iyon bagaman ay nanahimik na lang ako hanggang sa narinig ko ang sigawan ng mga readers sa hall.

Sumunod kami roon at tinapos ang event kahit na tapos naman nang mapirmahan ang mga libro ko.  Minsan lang  kasi iyon kaya  susulitin ko na.

Buong oras ay tahimik lamang si Raffael. I told him na pwede naman siyang mauna nang umuwi pero he declined kasi wala daw akong kasama. Like, I am not used to be alone. Solo flight kaya ako palagi sa ilang ganap ko sa buhay pero hindi pa rin niya ako iniwan roon.

Sa gitna nang ingay ng mga tao sa loob ay nanatiling nakaupo sa tabi ko si Raffae nang walang naririnig na kahit isang reklamo mula sa kaniya. I wonder if what if it si Kerwin ang kasama ko ngayon? Will he stay too? Susuportahan rin kaya niya ako sa mga bagay na gusto ko?

Napangiti ako. For sure he will, and I'm looking forward to making the things I love with him and support him with the things he loves.

“San tayo?” Unang tanong niya sa akin nang makalabas na kami. Tapos na ang event at nagsilabasan na rin ang mga readers kasabay namin. May mga kinikilig pang grupo ng mga babae na nasa likuran namin dahil kay Raffael. Napairap ako. Sana all may energy pang kumerengkeng.

I didn't answer him kasi gusto ko nang umuwi. Sa sobrang hyper ko kanina ay natablan na rin ako ng pagod.

Nilingon niya ako. " Saan mo gusto?” Tanong niya ulit nang tuluyan na kaming makalabas ng parking lot.

I gasped as I didn’t notice the time. Sobrang dilim na sa labas at uunti na lang ang sasakyang dumadaan. I checked my wrist watch and saw that its already 8 in the evening.

"Fck!" I instantly cursed nang maalala. I havent texted Kerwin na may lakad ako ngayon baka naghihintay iyon sa akin sa school! Napakagat labi ako. Parang umulan pa naman galing kasi basa yung daan. Agad kong kinuha ang cellphone sa bag na dala ko. I check it if Kerwin texted me at meron nga.

Kerwin:

Sorry hindi kita masusundo nngayon.

Napahinga ako ng maluwag nang mabasa iyon and read the next message.

Kerwin:

Babawi ako bukas! Sorry. Ingat ka. Text mo ‘ko please  kapag nakauwi kana.

Atomatikong napangiti at kinilig ako sa huling mensahe niya na iyon sa akin. First time kong magkaroon ng isang taong gusting makaalam kung nakauwi na ba ako? Kung safe ba iyong nagging byahe ko? Kung kumain na ba ako? At kung matutulog na ba ako? Wala lang, kinikilig ako. Hindi ko alam na ganito pala kasarap sa pakiramdam iyon.

Nakangiti akong tumipa ng mensahe pabalik sa kaniya. Hindi ko na namamalayan na pinapanud nap ala ako ni Raffael habang para akong asong ulong na ngiting-ngiti habang nagtitipa.

Me:

Okay lang, hindi ko rin nasabi sayo na may lakad ako ngayon. Sige, ikaw din. Ingat ka!” I replied and insert a heart emoji.

Nakangiting ibinalik ko ang phone sa bag at nilingon si Raffael na seryoso na ngayong nakatingin sa akin. Bumuntong hininga siya.

“Bakit?” tanong ko.

Pero hindi ito sumagot, instead ay umiling lamang ito and looked at the other direction. Pansin ko ang dali niya lang talagang mag change ng mood. Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Ang a-arte? Mag kaibigan nga talaga sila ng pinsan ko.

"Kumain muna tayo bago kita ihatid sa inyo." he said at iniwan ako sa kinatatayuan ko. At dahil matataas ang mga hita niya ay halos tumatakbo na ako para lang masabayan siya sa paglalakad.

“Nakuh! Wag na.”

“No, kakain muna tayo.”

“Wag na Raffael, hindi din kasi ako nakapagpaalam kina Mama. Baka mapagalitan ako.” ani ko habang siya naman ay bigla-bigla na lang huminto. Tiningnan koi to at umatras ng ilang hakbang. Nagtatakang pinanuod koi tong kinuha ang kaniyang cellphone sa bulsa and dialed someone.

“Hello po,” bati nito sa kung sino man ang kausap nito. Nakangiti at puno ng respeto ang tono. I just shrugged baka kausap nito ang parents niya kaya ibinigay ko na lang sa ibang direksiyon ang atensyon ko. “This is Raffael.” Rinig kong ani nito. Inaliw ko muna ang sarili sa panunuod sa mga kapwa ko readers na hindi pa rin nakakasakay pauwi dahil sa walang jeep at kung may dumadaan naman ay kadalasan mga puno pa.

Napangiti ako ng mapansing bawat isa sa mga ito ay may bitbit-bitbit na mga plastic bags, na kung saan nakapaloob roon ang mga libro nila just like mine na siyang si Raffael ang nagdadala. Nilingon ko ito na siyang nakangiti ng todo sa katawagan nito. I wonder if who it is but then, napa-irap ako ng maalalang oo nga pala he’s a playboy. Maybe his calling one of his girls.

Hindi ko na lang pinansin muna ito at binalik ang tingin sa mga readers na ngayon ay nakapara na rin sa wakas ng jeep na masasakyan.

“Hello Tito.” Bati maya-maya ni Raffael sa katawagan nito. “Good evening po."

" Daniella is with me po.” Nang banggitin nito ang pangalan ko’y agad akong napalingon sa direksiyon niya. Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko. Papa ko ba ang kausap niya?

“Sino ‘yan?” I mouthed pero hindi niya ako sinagot, agad na napakunot ako sa aking noo. Paano niya nakuha ang number ng parents ko?

Hinintay ko munang matapos ang tawag bago siya tinanong. “Baka matagalan po kami nang uwi Tito… Yes, opo. Kakain po muna kami Tita bago ko po siya ihahatid po pauwi sa inyo… Sige po, Tita. Thanks.” He said and ended the call.

“Si papa ba yun?” agad kong tanong.

Whoa. Close na sila agad? Parang kailan lang nalaman ko na close sila ni Tito ah tapos ngayon sina Papa naman?

“May number ako ni Zoraida…” sabi niya, pinagsingkitan ko siya ng mga mata. Wag niyang sabihin na pati si Ate Zoraida papatulan niya? For the record, I will never forget na playboy siya kaya umayos-ayos siya sa mga pinaggagawa niya!

Ngumiwi ito sa ipinakita kong reaksyon sa kaniya.

"Tss. Just in case you know... for emergencies.”

Bago nga umuwi ay kumain muna kami sa isang mamahaling restaurant. Kinabahan ako, sa feature pa lang ng restaurant ay nagsusumigaw mamahalin na ito.

“Hindi ba mahal dito?” tanong ko na kinakabahan dahil sa kakaunting pera lamang ang laman ng aking wallet. Isang staff ang agad na nag guide sa amin sa isang bakanteng mesa na malayo sa pintuan kung saan ang entrance. Doon kami inilagay sa parang for VIP area.

I looked around and smelled the delicious aroma na niluluto ng mga kusinero sa kung saan. Tuloy ay parang tumunog ang tiyan ko sa gutom. Sige, bahala nang maubos laman ng pitaka ko basta mabusog lang at mapakain na itong mga alagang dragon ko sa tiyan. Wala pang ilang minuto ay agad na bumalik ang kaninang babae na may bitbit nang pagkain.

"Enjoy Ma’am, Sir." sabi niya at todo ang ngiting iniwan kaming dalawa roon.

“Mahal. Kaya ubusin mo yan para di masayang pera ko sayo.” sabi nito.

Umiling ako. “Magbabayad ako.”

“No need, Dani.”

Umiling muli ako. “Hindi nga, magbabayad nga ako.”

He sighed.

Kumuha siya nang tissue at katulad noong kumain siya sa tapat ko once sa canteen noon ay pinunasan niya muna ang kubyertos na gagamitin.

“Ang hard to get mo naman,” he smirked.

"Shut up, Raff." Gutom ako!

Lahat ng sinerve sa harapan naming ay tinikman ko. Tinikman ko na lahat para hindi masakit para sa loob ko iyong presyo mamaya.

“Ang arte talag nito,” sabi ko nang makitang pinupunasan nito iyong baso niya.

"Hindi naman sa maarte, naninigurado lang. Wala naman sigurong masama ron diba?" Umirap ako at binallik nalang ang tingin sa pagkain na may kasunod pang iilan na dumating.

"Wu-wuy! Ang dami na nito. Hindi natin mauubos to lahat, wuy!"

"Then, let's just give to those kids sa labas." sabi niya na nagsisimula nang kumain in his own maarteng way.

Ah! Oo, pansin ko nga kanina na maraming mga bata sa labas na namamalimos!

We started eating na tahimik siya. Tiningnan ko siya na sobranng seryoso sa pagkain. Napangiti ako. Nakakapanibago, sobra, na ganito kami at walang asaran na nangyayari.

At para hindi mabored I asked him some questions para hindi naman awkward.

“How are you with Kristal, by the way?” Tanong ko.

Tinaas niya ang tingin sa akin. Kumuha nang tissue at pinunasan ang gilid ng baba bago sumagot. I waited for his response. “She’s fine.” His phone buzzed at tsinek iyon. “Actually she just sent me a picture.” sabi niya, mahina siyang tumawa at pinakita sa akin ang ipinasang picture ni Kristal sa kanya.

Muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom nang makita ang picture na na naka roba at kitang-kita ang cleavage. Napamura ako unconsciously.

“Gagi.”

Raffael took his phone back and smirked. “I told you, she’s fine.”

Hindi ako kaagad nakagalaw. Hindi ko alam na dadating sa ganoong punto si Kristal. I know she’s naughty pero sa pagkakaalam ko, she’s conservative… sometimes.

I blinked my eyes thrice and looked at him who’s smiling widely while typing. “Kayo na ba?”

He looked at me at itinabi sa gilid ang cellphone niya. Umayos ito nang upo and crossed his arms in front of his chest.

“What do you think? Hmm.” Ipinatong nito ang dalawang siko sa itaas ng mesa and looked up like he’s thinking deeply.

“Sagutin ko na ba? What do you think?”

Napangiwi ako. Bat parang baliktad? Bat siya ang sasagot? Putik! Kristal! Anong pinaggagawa mo sa buhay mo?!

Umatras muli ito and lay his back on the back rest of his chair. “Alam mo, para kayong hindi magkaibigan eh, she’s so wild yet you’re so innocent.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status