Share

Chapter 18

Matapos ang klase namin at matapos ang pakikipag-ayos ko kay Kristal ay agad naman akong tumungo na sa parking lot upang kitain ang boyfriend ko. I chuckled while walking my way there.

Kinikilig ako! Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng lalaking matatawag kong boyfriend ko!

Agad ko siyang nakita nang palapit na ako roon. Nakaupo siya sa kaniyang motor at hawak-hawak ang kaniyang cellphone. Nang makita ako ay hindi niya na ako pinalapit pa sa kaniya at siya na mismo ang lumapit sa akin.

“Hi,” bati niya sa akin with his smiles na mas maliwanag pa ata kesa sa sinag ng araw para sa akin.

“Hello,” bati ko pabalik and tinanggap ang helmet na inaabot niya sa akin. Sinuot koi yon at siya mismo ang nag lock niyon sa akin na nagpangiti at nagpakilig na naman sa akin.

 Pumunta kami sa café, iyong café na madalas naming pinupuntahan.

 “Anonga gusto mo?” tanong niya. “Treat ko ‘to,” and chuckled. Maybe he remebered the last last time we went here na ako iyong nakabayad ng mga binili namin.

I chuckled. “Milk tea will be fine.” sabi ko dahil busog na rin kasi ako at gusto ko lang ng something malamig dahil ang init-init ng panahon.

Tumango siya at umorder na. Tiningnan ko lamang siya habang nag oorder hanggang sa makabalik ito sa inuupuan niya.

“Bakit?” Tanong niya.

“Wala lang.” I chuckled. And sipped on my milk tea.

“Ano nga?”

I smiled. “Nothing, you look handsome with your new hair cut.” Sabi ko na nagpangiti sa kaniya.

“Nagpa-fresh talaga ako para sa ‘yo.” Kumindat ito.

Tig i-isang cup lang naman sana ang inorder naming na milk tea para sa isa’t isa pero hindi namin alam kung bakit umabot kami roon ng halos tatlong oras na nag-uusap.

We talked about a lot of things and mostly ay tungkol sa mga araw namin from school and from the company where he took his internship. Sobrang busy daw nila sa kompaniya nina Austrid.

Pagkatapos niyon ay balak sana naming tumungo sa malapit na mall para maglaro ng arcade ng biglang tumawag sa kaniya na emergency. Agad din naman akong kinabahan dahil baka emergency iyon sa bahay nila, na baka may hindi magandang nangyari sa nanay o sa kapatid niya.

“What’s wrong?” tanong ko ng makitang he looks so worried after the call na mas lalo lamang nagpakaba sa akin.

“Kerwin?” I called his name ng hindi siya sumagot at tila natulala saglit.

“Ahm, may problema lang daw sa papers na ginawa ko,” sagot niya na kahit papaano ay nagpahupa sa kaba ko. Akala ko kung anong emergency na.

Napabuga ako ng hangin.

“Do you have to go?”

Nilingon niya ako. Halata sa mukha nitong gusto niyang umalis and at the same time ay gusto rin nitong mag stay.

“It’s okay.” I said and smiled at him for assurance na ayos lang sa akin.

“No, no. Ihahatid na lang muna kita. Next time na lang tayo mag arcade? Is it okay?” tanong niya na agad ko namang tinanguan. Mas importanteng unahin niya muna iyong sinasabi niyang papers dahil mas importante iyon. Pwede naman kaming mag arcade sa susunod, hindi naman mawawala iyon.

“I’m sorry.” He said as soon as I get off of his bike. 

“Okay lang. Mag iingat ka.” Ani ko rito and kiss him on his cheek na siyang nagpangiti sa kaniya. Nagpaalam muna ito sa akin bago ito tuluyang umalis sa harapan ko.

I was about to open our gate para pumasok na nang may huminto naman na magarang sasakyan sa tapat ng bahay naming na hindi ko alam kung sino. Napakunot ako sa noo. Wala kaming kakilala na may ganitong sasakyan kaya hinintay ko na lang na lumabas ito.

Unti-unti bumaba ang bintana nito and showed Raffael’s face, parang gusto ko tuloy isara ulit iyong bintana ng sasakyan niya. Tss! Hindi ko nakakalimutang dahil sa kaniya ay andaming nangyari sa araw ko ngayon. Though, it’s not his fault.

“Hello my Dear,” he greeted. Anong ginagawa ng lalaking ‘to dito?

“Bat ka nandito?” taas ang isang kilay na tanong ko.

“Is Austrid there?” tanong niya na sumulyap saglit sa bahay namin.

“Hindi pa ako nakakapasok, bakit?” lumabas na ito ng tuluyan sa sasakyan niya.

“I will go inside.” paalam nito na atomatikong nagpataas muli sa isang kilay ko. Mas nauna pa itong pumasok sa akin na para bang feel na feel nitong welcome na welcome siya sa pamamahay naming.

“What the-“ I whispered at agad na sumunod sa kaniya papasok.

Wala pa sila mama sa mga oras na ito kaya ang naabutan lamang namin na naroon ay si Ate Zoraida na naghahanda na ng makakain para pang hapunan namin. Nabigla pa si Ate Zoraida ng bigla-bigla na lang na pumasok sa bahay namin si Raffel.

“Oh, magkasama pala kayo.” Turo ni Ate Zoraida sa akin pagpasok ko.

“Is Austrid here?” tanong sa kaniya ni Raffael.

Umiling si Ate Zoraida dahilan kung bakit napabuga naman ng hangin si Raffael.

“Where is that girl?” mahinang ani nito.

Badyang aalis na naman sana ito ng pigilan ko ito by holding his hand.

“May problema ba?” tanong ko. Pinsan ko iyon and he’s making me worried by his actions.

“She’s not answering my calls simula kaninang umaga,” ani nito na mahahalata ang pagiging concern sa boses.

“Pinuntahan mo na ba sa kanila?” He nods.

“She’s not there?”

“Wala.”

“May nangyari ba?”

“I don’t know kaya I am worried kasi hindi ko alam.” sabi niya na nagpalito sa akin. “Usually she answers my calls immediately.” Tuloy ay na wo-worry na rin ako

Muli ko siyang binigyan ng tingin. Naabutan ko itong nakatingin sa kamay naming ng nakangiti ng mapaglaro. Agad kong binitawan ang kamay niya.

Ngumisi ito. “I should go. Hindi ko pa napupuntahan ang club. Maybe she’s there.” Ani niya at hindi na hinintay na makapagsalita ako at nagmadali nang umalis.

“Parang tanga, wala pang bukas na club ngayon!” gusto kong sabihin. Bahala na nga lang siya.

“Ang swerte talaga ni Austrid sa kaibigan niyang iyan.” Komento ni Ate Zoraida mula sa likuran ko.

“Napaka maalalahanin at ang bait pa.” sabi nito.

I faked a smile. Kung alam lang nito kung gaano nakaka-asar ang lalaking iyon.

Maya-maya when I was lying on my bed, Raffael’s name popped up on my screen kaya agad ko iyong binuksan dahil baka kung ano nang nangyari sa pinsan ko.

“She’s fine. She’s drunk as fuck.” Ani nito sa mensahe niya kaya agad koi tong tinawagan.

“Is she okay?” tanong ko agad nang sagutin nito ang tawag.

“Yes, she’s fine. She’s sleeping now. Dinala ko siya dito sa bahay because I know Tito and Tita are not there,” sabi niya na nagpahinga ng maluwag sa akin.

“Bat ba kasi nagpakalasing iyang babaeng ‘yan? May problema ba siya?”

“Hmm, I don’t know. We barely talk these past few days.” I nod.

“Thank you, Raff. Please, take care of her.” Sabi ko. Alam kong hindi niya pababayaan ang pinsan ko.

Inalala ko kung mukha bang may problema si Austrid nang tumungo dito kanina. Hindi naman siya malungkot? In fact, ay ang lalaki ng mga ngiti niya kanina. Siguro ay may nagyaya lang sa kaniya nag a kaibigan.

Hindi ko na inisip pa si Austrid dahil alam ko namang aalagaan siya ng bestfriend niya. Imbes ay tumipa ako ng mensahe para sa boyfriend ko. Napangiti na naman ako sa kadahilanang may matatawag na akong boyfriend ko.

Halos tatlong minute na nang masend ko iyong mensahe ko pero hindi pa rin siya nag re-reply. Naiinip na ako kaya hindi ko napigilan ang sarili ko’t tinawagan siya. Kinakabahan pa ako kasi baka busy siya.

“Hello?” sagot niya matapos ang pang limang ring.

“Nakadistorbo ba ako?”

“Ah…” I heard something from the background na parang tumayo siya’t naglakad ng ilang hakbang papalayo sa pinanggalingan niya.

“No, no. May ginagawa lang ako but it’s okay. Ahm, kumain ka na?” tanong niya.

“Oo,” sabi ko sabay tango. “Ikaw? Nakauwi ka na ba?”

“Mmm, hindi pa. Nandito pa ako sa kompaniya. Uuwi din ako mamaya, I’m with Aira.” Sabi niya.

“Ganon ba,” I pout. Gusto ko siyang hatiran ng pagkain para makakain na pero masyadong malayo iyong lokasyon ng kompanya nila Tito sa bahay namin.

“Uuwi din ako agad, malapit na rin naman naming tong matapos. Aira’s helping me din naman.” Ani niya kaya napangiti ako. Buto na lang at hindi siya iniiwanan ng kaibigan niya.

“Okay, say Hello for me to Aira.” Sabi ko dahil kahit papaano ay kilala ko din naman si Aira bilang isa din sa mga kaibigan ng pinsan ko at ilang besses na rin kaming nagsama sa iilang mga okasyon, iyon nga lang ay hindi katulad ng ibang kaibigan nila ay hindi ko pa gaanong nakakausap o nakaka-bond si Aira dahil maliban sa tahimik ay mahiyain din.

“Okay, I will.” Sagot niya bago nagpaalam na tatapusin muna nila iyon para makauwi na. Wala naman akong nagawa kahit gusto ko pa siyang makausap. Napatitig ako sa kisame ko ditto sa kwarto. Wala akong ganang magbasa. Wala na rin kasi akong libro and hindi ko trip magbasa sa cellphone ko ngayon.

Napabuga ako ng hangin and just remember things. Kahit paano ay magaan na ang loob ko hindi katulad kanina na sobrang bigat ng nararamdaman ko dahil hindi ko gustong may nakakaaway ako, lalo na kung kaibigan ko pa. Buti na lang at pinakinggan niya ako.

Tumagilid naman ako’t sa ibang direksiyon napatingin. Bumagsak ang tingin ko sa maliit na bookshelf na naroon sa kaliwang bahagi ng kwarto ko. Puno iyon ng mga libro at isang akda mula sa isang libro doon ang kumuha sa atensiyon ko which made me sit and think.

“Oo nga no? Wala pa kaming endearment ni Kerwin. Ano kayang magandang tawagan?”

Babe? Love? Pangga? Mahal? “Ano kayang maganda? Baby kaya?” natawa ako. “Parang ang cringe naman.” Nag-isip pa ako ng iilan pang tawagan pero wala na akong maisip, I tried to search on the internet pero parang lalanggamin naman kami kasi puro naman pagkain naroon. Ayokong tawagin si Kerwin ng Munchkin o Sweetypie! Ang jeje n’yon!

“Pipili lang naman ako ng pwede ma e-endearment namin. Hindi ko naisip na ganito pala ‘to kahirap.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status