Share

Chapter 22

After that date ay ilang araw din kaming hindi nagkita ni Kerwin. He was so sorry dahil hindi niya na ako nahahatid at nasusundo dahil sa sobrang busy sa kompaniya. Sa chats at tawag na lang kami nag-uusap.

Naiintindihan ko naman siya, sobrang busy niya sa kompaniya kaya hindi niya naa ko magawang masundo. Minsan kung maaga naman siyang nakakapag-out ay, pagod naman siya at nakakatulog. Okay lang naman, naiintindihan ko naman pero minsan nakakatampo lang talaga. Iyong feeling na gustong-gusto mo na siyang makita. Like I want to hold and hug him pero hindi ko maggawa kasi wala siya.

Napabuga ako ng hangin. My day today is very tiring. Maaga akong tumungo dito sa school kanina, we did our action research then pagkatapos ay nagreport ako sa last subject namin kaya I am so drained. Parang lantang gulay akong tumungo sa waiting shed sa labas ng school namin only to find out na may text pala sa akin si Kerwin kanina, habang nag re-report ako na hindi niya ako masusundo dahil may tatapusin lang daw siya.

Napabuga ako ng hangin. I am so tired, and I want to sit pero walang upuan. Gusto ko na din ipikit ang mga mata ko because I slept very late last night para lang matapos ang presentation na ginamit ko kanina para sa report ko pero dahil hindi naman ako susunduin ni Kerwin ay kailangan ko pang maghintay ng jeep na masasakyan.

I sighed. Pagod na pagod na talaga ako at pagsulyap ko sa kalangitan ay parang uulan pa dahil umaambon na.

Lumipas ang ilang minute pero wala pa rin akong nakikitang jeep na maaaring masakyan. Kung meron ay lahat naman iyon ay punuan na.

“Bye Dani,” sigaw ni Jingol nang madaanan ako. I waved on to him and said bye too.

I waited again for 10 minutes, kung wala pang dadaan na jeep na maaari kong masakyan ay magpapasundo na lang ako kay Papa.

Papikit-pikit akong naghintay ng jeep ng hindi ko namamalayang may humintong naka motorsiklo sa tapat ko.

“Paano ka makakapara kung nakapikit ka diyan?” tanong ng isang pamilyar na boses kaya agad akong napabuka sa mga mata ko.

It was Raffael with a big bike.

Napangiwi ako. Nakatingin na sa amin ang lahat ng mga estudyanteng nasal abas ng skwelahan. Sino ba namang hindi mapapatingin eh ang ganda ng motor niya at angt lakas pa ng tunog niyon.

“Wag mo kong asarin ngayon please lang,” I said and close my eyes again habang nakatayo at bitbit-bitbit pa rin ang laptop ko.

“Umangkas ka na.” he said kaya napadilat ako. i looked at him and to his motor.

It is a no, no. Umiling ako. Nakakatakot sayan ang motor niya. Ipinikit ko ang aking mga mata.

I heard him tssked at inagaw ang bitbit kong laptop. Kaya agad akong napamulat.

“Ano ba!” I hissed pero hindi niya ako pinakinggan.

“It’s going to rain. Wala ka nang masasakyang jeep sa ganitong oras. Lahat puno na.”

Masama ko siyang tiningnan.

“Saksakay ka o maghihintay ka dito hanggang gabi?”

Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang napa-tssked. Kung hindi lang talaga ako pagod, hindi ako sasabay sa kaniya. Nahirapan pa akong umangkas sa motor niya dahil sobrang taas. At kahit nakapalda ako ay kinailangan kong sumakay ng nakapanglalaki, ang pangit tuloy tignan.

Kinuha ni Raffael ang isang helmet na isinabit niya sa kaniyang manibela at isinuot niya iyon sa akin.

“Ako na,” I said kasi kaya ko naman.

He sighed. “Give me your bag,” nakita niya sigurong nahihirapan ako. Ano ba kasing upuan ‘to. Pinapaslide ako pababa! Hindi katulad ng kay Kerwin ang gandang sakyan.

“Okay na?” tanong niya sa akin and I nod. “Hold on me,” he said abgo niya pinaharurot ang motor niya na ikinabigla ko kaya napayakap ako sa kaniya.

“PUTANG*NA MO RAFFAEL!” sigaw ko sa gago, pero tinawanan lamang ako.

“HINAAN MO! BW*SET KA TALAGA!” sigaw ko uli pero parang wala lang siyang naririnig. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang ang lakas pa rin ng pagpapatakbo niya. I feel awkward kasi iyong boobs ko nadidikit sa likuran niya!

Wala akong nagawa kundi ang mapamura na lang sa sobrang awkward ng posisyon ko ngayon! Bw*set talaga! Sa susunod hindi na talaga ako sasabay sa kaniya!

“Were here,” rinig kong ani niya at ramdam ko rin ang paghina ng pagpapatakbo niya kaya iminulat ko na ang mga mata ko.

Agad akong bumaba sa motor niya at pinaghahampas siya.

“Bwis*t ka talaga!”

“Hahahaha, sorry, sorry.” Ani niya naman.

He took of the helmet on me at inirapan ko siya agad. Kinuha ko ang bag ko na isinukbit niya sa kaniyang braso at iyong laptop ko na hindi ko alam kung paano niya nahawakan iyon kasi maging ang posisyon niya sa pagmamaneho ay mahirap din.

“Wala man lang bang thank you?” ani niya nang papasok na sana ako sa gate namin ng wala man lang thank you sa paghatid niya.

Inismiran ko siya. “Thanks, kahit muntik mo na akong patayin sa takot.” I rolled my eyes na tinawanan niya lang.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad kong hiniga ang katawan ko sa aking malambot na higaan. Kung kanina, antok na antok ako, ngayon ay tila nawala na ang antok na iyon. Sino ba naman kasing hindi magigising ang katawang lupa s amabilis na pagpapaakbo no Raffael kanina? Parang mahihiwalay na iyong kaluluwa ko kanina.

I checked my phone kung may bagong text ba doon si Kerwin, pero wala. Napabuga ako ng hangin.

Ilang araw na simula niyong date namin na umalis din siya ng maaga dahil sa importanteng project nila. Ngayon ay hindi ko na talaga maiwasang mainis at magtampo lalo na dahil nakikita kong iyong ibang kabatch niya naman ay nagagawa pang gumala. Just like Raffael, nahahatid sundo niya pa rin si Kristal despite his schedule. Kita ko rin sila Edgar at Dashi na nakakapag—clubbing pa nga. Si Austrid naman nagagawa pang mag shopping kasi hindi naman gaanong busy, pero siya kahit bisitahin lang ako saglit sa school ng ilang Segundo hindi niya magawa.

I pouted and rolled my body on the bed. Nakakatampo, miss na miss ko na siya pero siya, parang hindi man lang ako namimiss. Hindi man lang siya makapag-initiate na i-video call ako. Nakakapagod maghintay, pucha.

I waited for him to text, call, or chat me kasi iniwan kong online ang lahat ng social accounts ko pero wala talaga. Tinawag na lang ako ni Ate Zoraida para maghapunan na pero wala pa rin akong natatanggap.

Hanggang sa patulog naa ko, wala pa rin akong natatanggap na mensahe sa kaniya. Dahil s ainis ay in-off ko iyong phone ko. My pride is trying to kill my trying-to-be-an-understanding girlfriend to him.

Mabigat ang loob na natulog ako nang gabing iyon. Hindi ko din siya chinat para sabihin niya na nagtatampo at naiinis naa ko sa ginagawa niya.

Alas nuwebe ang pasok ko kinabukasan kaya wala na sina Mama at Papa pagbaba ko.

“Ate, si Kerwin ba? Hindi ba dumaan dito kanina?” curious na tanong ko kasi baka dumaan dito kanina, tulog pa ako.

Umiling si Ate Zoraida, “Huh? Wala, bakit? May Usapan ba kayo ngayon?” tanong niya.

My shoulder automatically went down. Nawalan tuloy ako ng gana, hindi ko pa na o-open ang phone ko dahil chinarge ko muna iyon sa kwarto.

“Wala naman, naitanong ko lang.” pagkatapos kong kumain ay bumalik naa ko agad sa kwarto ko para buksan iyong phone ko.

I am sure that Kerwin left me a message last night, for sure, sabi ko sa sarili ko pero pagbukas ko roon ay ni isang mensahe galing sa kaniya ay wala talaga. Napaupo ako, confused.

I do not know. Hindi ko maintindihan iyong nararamdaman ko. Naiinis ako, gusto kong sumigaw!

Hindi lang naman kasi ngayon lang ‘to. These past few days talaga parang may iba. Hindi niya na ako masyadong china-chat. Okay lang naman sa akin kung hindi niya ako sinusundo or hinahatid kasi alam ko naman talaga na busy siya and malayo iyong location ng school ko sa kompaniya niya pero iyong simpleng text or chat lang to update or what hindi niya magawa?

 Dahil sa inis ay tinapon ko ang phone ko sa taas ng higaan at tumungo na sa banyo ng nakabusangot.

Mas lalo pang sumama ang araw ko nang whole day si Raffael na nasa campus at ang mga walanghiya ay sa harapan ko pa talaga nag p-PDA!

“Aalis naa ko,” sabi ko at isa-isang niligpit ang mga gamit ko.

Kasalukuyan kaming nasa library para gawin sana iyong by partne na task na bukas na ang deadline pero imbes na tulungan ako ng kaibigan ko nakikipaglambingan lang ito sa boyfriend niya at hindi ako maka-focus dahil sa kailang dalawa kug ganito lang din naman ed isa bahay ko na lang ‘to tatapusin.

“Huh? Why are we not done yet?” nagtatakang tanong ni Kristal. Umirap ako, as if naman na tumutulong siya.

“Ako na bahala, mauna na ako.” Sabi ko sa kanila at agad na umalis kahit ang totoo niyan ay wala pa talaga akong balak na umuwi. Actually, nakatanggap naa ko ng minsahe kay Kerwin and he said that he will fetch me and me being in my m*****a state ay parang gusto kong gumanti. Yes, call me childish pero I feel like I want him to feel how it feels to be waiting for an hour.

Paglabas ko nang library ay tumungo ako sa likod nang institute namin.

I felt my phone vibrate at hind inga ako nagkakamali na si Kerwin iyon. Nasa parking lot na daw siya. So, I replied that we are not done yet, dahil hindi pa naman talaga ako tapos.

“Okay, I will just wait here.” I read his reply.

Tinapos ko na iyong task namin na by partner sana pero dahil busy naman ang kaibigan ko sa partner niya, edi ako na lang ang gumawa. Trenta minute pa lang ang dumadaan at nasa kalagitnaan pa rin ako ng pagsusulat nang maramdaman kong unti-unti nang dumidilim at ramdam ko na rin ang pagdami ng mga lamok kaya hininto ko muna iyong pagsusulat ko.

My phone vibrated kaya doon agad nalipat ang atensiyon ko. It was Kerwin.

“Hindi ka pa ba tapos?” tanong nito sa kaniyang mensahe.

“Bakit naiinip ka na agad? Trenta minutos ka pa nga lang naghihinatay.”

My phone vibrated again. “Babi?” sabi nito and maya-maya ay tumawag but I did not answer.

“Kailangan ko pang bumalik sa kompaniya, matagal ka pa ba diyan?”

Dahil sa mensahe niyang iyon ay napaupo ako ng maayos at napakagat sa pang-ibabang labi.

Eto na naman tayo. I said to myself.

I sighed and typed. “Yes, kakatapos lang namin love lalabas naa ko ngayon,” I was about to tap the send button pero mas naunang dumating iyong mensahe niya na nagpababa sa dalawang mga balikat ko.

“Sorry bi, I have to go back na. Hinahanap naa ko nila. Sorry, bawi na talaga ako next time. May emergency lang talaga, sorry. Ingat ka, I love you.”  Ani niya sa mensahe niya ako naman dahil wala nang magagawa ay binura na lang iyong mensaheng tinipa ko and tears slowly pool on my eyes.

A lot of things were running in my head. Like, palagi na lang siyang kompanya, projects, groupmates? Bakit? Mayari ba siya ng kompaniyang ‘yon? Empleyado ba siya ron? Hindi naman ah? Ako? Bakit hindi niya magawang bigyan ng time? Yes, he did give me time pero, yun lang ba?

 I cried.

Bakit si Raffael nagagawa niyang mabigyan ng sapat na oras si Kristal? Bakit siya hindi? Magkatulad lang naman ang trabaho nila ah?!

Hindi ko alam kung nasasaktan ako o nagagalit sa sarili ko, kasi kung hindi ko tinaasan ang pride ko and acted like a baby edi sana nagkita at nakausap ko na siya. I stayed there for a couple of minutes para pakalmahin ang sarili ko.

Pinunasan ko ang aking mukha and cheer up myself. Siguro, kailangan ko pang mas maging understanding. It is my first time being in a relationship kaya hindi ko alam kung tama ba ako o mali. Pero sa nararamdaman ko, ang hindi pagkibo sa kaniya ay sobrang nakakasatisfied pero dahil din doon ay parang ako pa tuloy ngayon ang mas nasasaktan at nahihirapan.

Umuwi ako ng bahay ng araw na iyon na pula ang mga mata. Agad akong tumakbo sa kwarto ko para hindi ako makita ng mga magulang ko sa ganoong sitwasyon. Dahil sa nararamdamang iyon ay hindi ko na din nakayang tapusin pa iyong task namin kaya I asked Kristal na siya na lang ang tumapos niyon tomorrow dahil hapon pa naman iyon ipapasa at kaunti na lang din naman iyon. Wala na akong energy para magsulat, gusto ko na alng umiyak at ipikit ng mga mata ko.

 Kinabukasan nagising akong pinapangaralan ang sarili kong kailangan ko pang maging understanding. Ayaw kong baka dahil ganoon ay maging dahilan pa iyon ng hiwalayan naming dalawa ni Kerwin and I do not want that to happen. Hindi ko na din hinintay pa na siya ang unang mag chat sa akin at ako na ang umuna.

He was able to fetch me one time, pero hanggang doon lang din. Hindi na kami gumala o kahit kumain man lang sa tuhog-tuhog dahil nagmamadali siyang umuwi kasi may lagnat daw si Kiana, ang kapatid niyang babae.

“I wish I could hug you whenever I miss you,” I said when I was hugging him bago siya umalis.

He did not talk but I felt his hug to me tightened.

“I’m sorry. I promise after all of this pag may trabaho naa ko I will treat you to everywhere you want.”

“I don’t need those, it’s you that I want…” and I need. I whispered.

“Sapat na sa akin na makasama ka Babi,” I said and look at him.

Ngumiti siya sa akin.

“Wait for me,” the last words he said.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status