Share

Chapter 19

Days passed by and naging usual routine na naming ni Kerwin ang susunduin niya ako sa school para ihatid sa bahay. Ngayong araw, plano ko siyang ipakilala sa parents ko at kahit mamayang gabi pa naman iyon ay sobrang kinakabahan na ako.

First time kong magpapakilala ng boyfriend kina Mommy at Papa, at hindi ko alam kung anong magiging reskiyon nila. Hindi ko alam kung masasayahan ba sila na hindi lang pala puro libro at aral ang inaatupag ko, na nag s-sideline din akong lumandi minsan! Malay natin baka maging proud pa sila’t ang galling mag multi-task ng anak nila.

“Pwede ba Dani, umupo ka nga. Nahihilo ako sayo,” saway ni Kristal sa akin. Nasa park kami at tanghali pa lang ay kinakabahan na ako. Never ko pa kasi nasasabi kina Mommy na may nanliligaw sa akin atsaka never din nilang natatanong iyon sa akin. As in, never talaga naming napag-uusapan ang bagay na iyon. Ang napag-uusapan lang naming ay saka na ako mag-aasawa at bumuo ng pamilya kapag regular na ako sa trabaho ko.

“Bakit ka ba kinakabahan? Matapobre ba iyang parents mo paara kabahan ka?” tanong ni Kristal. Nakwento ko na kasi sa akniya ang tungkol sa estado ng buhay nina Kerwin, saka nashare ko na rin sa kaniyang nakapunta na ako sa bahay nina Kerwin kaya ganon.

“Hindi. Ang kinakatakutan ko lang naman ay baka hindi nila magustuhan, na madisappoint sila sa akin at hindi ako payagan. First time kong magpakilala kina Daddy ng boyfriend, Kristal kaya kinakabahan talaga ako.” Sabi ko.

“Matatanggap ng parents mo iyan. Gwapo naman si Kerwin, masipag tsaka mabait rin kaya sure akong matatanggap siya. Basta isiguro mo lang sa parents mo na hindi magiging distruction ang relationship niyo sa pag-aaral ninyong dalawa.” Suhestiyon niya.

“Tama, tama. Sige, sige. I will put that in mind.”

Pumasok muli kami sa mga klase naming ng hapon na iyon pero hindi pa rin ako makapag focus kasi na di-disturb ako sa kaisipang ano kaya ang magiging reaksiyon ng mga magulang ko. Magagalit kaya sila kasi boyfridn ko na si Kerwin? Na hindi ko siya pinakilala noon nang nanliligaw pa lang ito sa akin? Napakagat ako sa labi.

Uwian na at nagmamadali akong lumabas patungo sana sa parking lot nang mahagilap ng mga mata ko si Raffael na nakatayo sa harapan ng classroom naming. Atomatikong napakunot ako sa aking noo.

“Anong ginagawa mo ditto?” simula niyong tumungo ito sa bahay naming dahil hinahanp nito si Austrid ay ngayon ko na lang siya ulit nakita. Siguro dahil busy na sila sa internship nila dahil ganoon din si Austrid, hindi na rin ito napapadpad pa sa bahay namin.

“Fetching someone.” Tumaas ang isang kilay ko. Lumingon ako sa paligid. Hindi naman ditto ang classroom ni Kristal ah? Ako ba ang ibig niyang sabihin?

“Sino?”

“Sino pa bang nandito ngayon?” Hah? Napaturo ako sa sarili dahil ako lang naman ang naroon na kausap niya.

“Ako?” tanong ko.

Napangisi siya. “Who do you think?”

“Huh?” naguguluhang ani ko. Bakit ako?

Tumawa ito. “Of course not. Why would I fetch you?” agad ko siyang sinamaan ng tingin.

“She’s here!” sabi niya nang nakangiting nakatingin sa likuran ko kaya tiningnan ko rin iyon at nakita si Kristal na malaki din ang mga ngiting nakatingin kay Raffael. Agad itong lumapit kay Raffael and gave him a smack on his cheek. Nanlaki ang mga mata ko.

“H-huy!” saway ko sa kaibigan.

“Omg!” napatakip sa kaniyang bibig si Kristal. “I forgot to tell you, Dani.” She chuckled at ipinulupot ang kaniyang mga kamay sa bewang ni Raffael na ngayo’y nakatingin sa akin.

“We are also officially on a relationship,” nanlaki ang mga mata.

“Omg! Congrats!” I am happy for them, lalo na sa kaibigan ko kasi alam ko kung gaano niya pinapangarap itong si Raffael. I chuckled as I remember that I somehow helped the two of them na magkakilala.

“I’m happy for the both of you,” I said happily.

“Babi, kinakabahan ako.” Sabi ko kay Kerwin. Yes, babi is our endearment. Hindi ko alam kung saang lupalop niya iyan napulot o gawagawa niya lang but it’s cute naman.

“Ako din.” Sagot niya at hinigpitan ang paghawak sa kamay ko as we entered our house.

“Mom, Pa, I’m home.” I said, nasa sala sila Mommy ng dumating kami kaya kitang-kita ko ang mga reaksiyon nila. Napangiti agad si Mommy nang makita ang magkahawak naming mga kamay ni Kerwin samantalang wala namang reaksiyon sa mukhang makikita kay Papa na siyang nagpalunok sa akin. Hindi ko alam kung anong sabihin niyon. Kung galit ba siya o wala siyang pake? Kinakabahan tuloy ako.

Bumati rin si Kerwin sa kanila ng magandang gabi. Pinapasok kami ni Mommy at iniwan ko muna saglit si Kerwin sa sala naming upang magbihis muna. Pagbalik ko ay nag-uusap at nakangiti si Kerwin at si Mommy. Gumaan ang loob ko doon. Samantalang ganoon pa rin si Papa, seryoso lamang na nakikinig sa kanila.

Nang haponan ay doon na nagsalita si Papa. “Kailan lang nagging kayo?”

“Last week po, Sir.” Sagot ni Kerwin na tinanguan ni Papa. Napakagat ako sa labi. Kasama din namin si Ate Zoraida na kumain at bakas din sa mukha nito na pati siya ay kinakabahan para sa amin. Kung nandito si Austrid malamang ay ganito din ang ekspresyon nito sa mukha dahil pati iyon ay takot kay Papa.

“Ilang taon ka na ba hijo? Ano nga ulit ang pangalan mo?”

“Kerwin po, Sir. I am 23 years old po.”

“Oh, so you are one year older sa anak ko. Nag-aaral ka pa ba?” napatingin ako kay Kerwin. Magkahawak ang mga kamay naming sa ilalim ng mesa and I can feel the coldness in there, kaya pinisil-pisil ko ang mga daliri niya para pakalmahin siya ng kaunti.

“Yes sir, actually kaklase ko po ang pamangkin niyo po.”

“Oh, Austrid? So you’re an architect student too?” tanong ni Mommy sa kaniya.

Ngumiti si Kerwin, “Yes po.”

Napatango-tango si Papa. Inilagay niya ang hawak na kubyertos sa tabi ng kaniyang plato and look at us.

“I will not go against with your relationship,” tumingin ito sa akin. “but make sure that this won’t distract your studies, Dani.” Sabi nito.

“Okay that’s it. Magpapahinga na ako.” Badyang tatayo na si Papa nang magsalita muli si Kerwin.

“Thank you sir, I promise that I will take good care of your daughter. Maasahan niyo po iyan.” Tumango si Papa at tinapik pa sa kaniyang balikat si Kerwin bago umalis.

Hindi ko napigilang hindi mapangiti at mapapalakpak sa aking mga kamay dahil sa tuwa.

“Kinabahan ako dun ah,” Kerwin said which made me chuckle. Nakakagaan sa loob na legal na kami both sides.

Kinausap pa kami ni Mommy kaya nagtagal pa roon ng isa pang oras si Kerwin. Hindi naman gaanong strict si Mommy at magaling ding makisama si Kerwin kaya nakuha niya agad ang kiliti ng Mommy ko at kitang-kita sa mukha nito na gustong-gusto nito si Kerwin para sa akin.

“Hijo, magdala ka nito. Teka lang,”

“Hindi nap o-“ napakamot sa kaniyang ulo si Kerwin dahil hindi pa man siya natatapos ay tinalikuran na siya ni Mommy para ilagay sa plastic iyong ipapadala niyang pagkain sa kapatid at nanay niya. Isa din kasi sa napag-usapan namina ay ang tungkol roon.

“Ibigay mo ‘to sa Mama at kapatid mo,” nakangiting inabot ni Mommy ang isang plastic ng mga pagkain

Walang nagawa si Kerwin kung hindi ay tanggapin iyon. “Salamat po,”

“Oh, sige na’t gabi na. Mag iingat ka sa daan, Dani. Ihatid mo muna si Kerwin sa labas.”

“Yes mom, tara?”

“Pasensya ka na kay Papa kanina,”

“Hmm? Ayos lang iyon. Normal lang ‘yon para sa isang tatay. Magiging ganoon din ako kapag magkaka-anak din tayo ng babae,” he said sabay taas baba sa dalawa niyang kilay.

“Ikaw talaga,” mahina ko siyang pinalo sa braso na agad niya namang hinuli at hinawakan ng mahigpit.

“Thank you for this day, you don’t know how much you made me happy,” sabi niya and pull me closer to him to give me a hug.

Napangiti ako. “Thank you din for facing my parents.”

I looked at him and almost stop on breathing nang makitang ang lapit na ng mukha naming sa isa’t isa. Ramdam ko ang panginginit ng mukha ko, paniguradong ang pula-pula na niyon and I wonder if he noticed it.

Gusto kong sumigaw ng ngumiti siya at unti-unting pinaglapit ang aming mga mukha. Napapikit ako sa mga mata, which I don’t know kung bakit ako napapikit sa aking mga mata. Ramdam ko ang paglapat ng kaniyang mamasa-masang mga labi sa akin. Nagtagal iyon ng ilang segundong nakalapat roon bago niya hinay-hinay na binawi iyon.

Iminulat ko ang aking mga mata at nakitang malapit pa rin ang mukha niya sa akin. Nahihiyang tinignan ko rin siya sa mga mata and smiled shyly, he’s looking at me intently na para bang natatakot siyang mawala ako sa paningin niya.

But what made me smile more are the last words na binitawan niya bago siya tuluyang umalis.

“I love you, Daniella Ziel.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status