Share

Chapter 20

After that day ay araw-araw ko nang nakikita si Kerwin sa amin dahil araw-araw niya na rin akong hinahatid-sundo.

“Laki ng smile mo ah?” si Kristal nang nasa library kami tumatambay.

“Wala lang, bakit? Bawal ba?”

“Hindi naman, nakaka distract lang.” sabi niya’t inirapan ako.

“Oh? Bakit? Nag-away na naman kayo ng Raffael mo?” tanong ko.

She srugged. “Ewan ko ba don. Hindi na ako nire-replyan.”

“Baka busy lang.”

Napairap na naman ito. “Ewan ko lang talaga,” she said and sighed.

Napailing-iling na lang ako dahil palagi na lang nagtatalo ang dalawa. Katulad naming ay they are already dating. Iyon nga lang, hindi katulad sa amin ay hindi pa sila legal sa mga pamilya nila but I think okay lang iyon kay Kristal ganoon din naman kay Raffael.

Napapailing na lang ako sa kaibigan. Hindi naman na daw kailangan iyon. Ang maging girlfriend pa lang ni Raffael ay malaking bagay na. Peo kung ipapakilala siya nito sa parents nito, siya na daw talaga ang napakaswerteng babae sa buong mundo.

Binalik ko ang pansin sa binabasa kong libro which is very new kasi hindi romance book ang hawak ko kung hindi ay acads book. Simula nang maging kami ni Kerwin ay unti-unti na rin akong nag lie-low sa pagbabasa at ganoon din sa pagbili. Hindi katulad noon na ang daming kong time sa mga libro ko ngayon naman ay wala na talaga dahil minsan nakukulangan pa ako sa time na meron ako para kay Kerwin. Samantalang parang blessing in disguise daw si Kerwin ayon kay Mama dahil ito lang daw ang nakapag lie-low sa akin sa mga libro.

Dahil 3rd year na at finals din ay sunod-sunod ang mga pinapagawa sa amin. Lahat na ata ng courses namin ay may kaniya-kaniyang tasks na pinapagawa kaya sobrang nakakadrain. Minsan napapaisip na lang kami ng mga kaklase ko na gusto na naming huminto at maghanap ng na lang ng matanda pero mayamang lalaki na pwedeng maging sugar daddy naming. Pero syempre, hanggang reklamo lang naman kami. Hanggang ngayon ay nakikipagsagupaan pa rin kami sa mga gawain naming.

“Ilan na lang tasks mo na naiwan?” tanong ni Kristal sa akin habang nakatingin ito sa kaniyang To-do List.

Inilagay ko muna saglit ang librong binabasa sa gilid dahil sa tingin ko’y wala naman akong naiintindihan. Pagpapahingahin ko muna iyong utak ko.

“Tatlo na lang.”

“Sana all.” Naiiyak na ani ni Kristal habang nakatingin pa rin sa To-do list niya na may iilan pang hindi nache-checkan roon.

“Pagod na pagod na ako!” reklamo niya ng pabulong.

“Ayaw ko na! Gusto ko na lang maging patatas,” she said and act like she’s going to cry.

“One step at a time, wag kang mag madali. One step at a time, kaya mo yan,” I cheered her up.

Isa lang naman talaga ang solusyon dito eh. Time management at disiplina sa sarili. Make a schedule and don’t hold your phone. Ilayo mo iyong phone mo sayo. Discipline your self not to go to social medias if you are using your laptop. Ito talaga iyong madalas na mga rason kung bakit nahihirapang matapos ng mga studyante sa mga gawain nila. Dahil hindi nila dinidisiplina ang mga sarili nila. Hindi nila magawang hindi maopen, maya’t maya ang cellphone nila to check kung wala bang importanteng mensahe. Kung wala bang updates from their favorite artists o kung ano-ano pa.

Matapos kong makapagpahinga in no more than 5 minutes ay muli akong bumalik sa pagbabasa. May quiz kame mamayang hapon kaya imbes na tumunganga lang dito at matulog ay nag study na lang ako. Tsaka, I have to maintain iyong paningin sa akin ni Papa and to prove him na never magiging hadlang iyong relasyon naming dalawa ni Kerwin sa pag-aaral namin. Kerwin is also doing his best with his internship sa kompaniya ng Tito ko.

Sa sumunod na mga araw ay pag-aaral at si Kerwin ang naging priority ko. Sa tingin ko nga ay mas tataas pa ang grade ko ngayon kasi I am so motivated.

Napangiti ako. Nasa labas ako ngayon, sa waiting shed. Naghihintay kay Kerwin dahil ang sabi niya sa akin kaninang umaga na susunduin niya ako ngayon. Actually he’s already 20 minutes late, pero baka na traffic lang siya o baka may tinapos lang. Hindi naman siya nag text muli na hindi siya matutuloy kaya maghihintay na lang ako dito dahil baka nalowbat lang din siya or what.

Pero unti-unti na lang dumilim at halos isang oras na akong naghihintay roon ay hindi pa rin siya dumadating. Tine-text ko ito pero hindi naman nag re-reply. I also called him pero out of reach, nag-aalala tuloy ako. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Umuulan pa naman.

Napayakap ako sa aking sarili. Maghihintay muna ako for another 10 minutes pero kung wala pa rin ay sasakyan na ako ng jeep pauwi. Napakagat ako sa pang ibabang labi ng umihip ang malakas na hangin at lumakas pa lalo ang ulan. I hugged my self. Nababasa na rin ng kaunti ang uniform ko dahil sumasalibo iyong tubig ng ulan sa loob ng shed. Ako na lang din mag-isa doon kaya mag isa din akong nag mukhang kawawang studyante roon.

Tinanaw ko ang malakas na ulan na pumapatak sa aspaltong daanan sa harapan at tiningnan ang mga de kotseng mga taong dumadaan at napaisip na baka sumilong muna si Kerwin dahil ang lakas ng ulan.

Napabuga na naman ako ng hangin. 10 minutes na.

I texted Kerwin na umuwi na ako, para kung nasaan man ito ay hindi na ito mag-alala pa.

Tumayo na ako para mag abang na nang jeep na pwedeng masakyan kaso kada jeep na dumadaan ay puro na mga puno. Kaya wala akong nagawa kung di ay ang mapabuga ng hangin.

Nakatayo apa rin ako roon ng mapansin ko ang pag U-turn ng isang sasakyan. Hindi ko pinansin iyon at tiningnan ang mga papalapit na sasakyan kung may jeep na bang hindi pa puno pero wala pa rin kaya hindi ko naiwasang hinid mapapadyak sa aking paa dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom.

Tiningnan ko iyong sasakyan na nag U-turn, akala ko dadaan at lalagpas lamang ito pero huminto iyon mismo sa tapat ng waiting shed kaya napa-atras ako ng kaunti.

Bumaba ang salaman niyon sa bintana. Yumuko ako ng kaunti para tingnan kung sino iyon.

“Going home?” tanong ni Raffael nang magtama ang aming mga mata.

“Hop in,” aya nito at hindi na ako nag inarte pa dahil alam kong ganitong mga oras ang uwian ng mga trabahante kaya punuan ang mga jeep. Nagmadali akong pumasok para hindi mabasa ng ulan.

“Kerwin didn’t fetch you?”

Umiling ako, habang pinupunasan ang brasong nabasa ng kaunti sa ulan.

I heard him sighed and U-turned again upang ihatid ako.

“Hinatid mo si Kristal?” tanong ko sa kaniya at nilingon siya.

He looked at me and looked like he is hesitant to answer the question na para bang kung sasagutin niya iyon ng totoo ay masasaktan ako. But then, he answered that he did fetch Kristal kanina.

Nakarating kami sa bahay na naabutang papalabas ang kotse ni Papa.

Nangunot ang noo ko. San pupunta si Papa?

Raffael stopped the car at inabot ang paying sa likuran. Akala ko ay iaabot niya ito sa akin pero hindi. Hindi niya inabot sa akin at instead ay lumabas ito at umikot upang pagbuksan ako ng pintuan. Pagbaba ko ay agad niya akong inakbayan.

“Mababasa ka,” sabi niya.

I gasped when he pulled me closer to him. Kahit ang lapit-lapit na namin sa isa’t isa ay nababasa pa rin iyong kabilang balikat niya dahil sa liit ng payong niya.

Hindi natuloy sa paglabas ng sasakyan niya si Papa. He was supposed to fetch me kasi nag-aalala na siya dahil hindi na raw akong sumasagot sa mga tawag nila. Nalowbat pala iyong phone ko, hindi ko napansin.

“Mabuti na lang at nadaanan ka ni Raffael.” Si Mama na siya namang hinarap nito ngayon. “Dito ka lang muna Raffael ha, dito ka na maghaponan.”

“Nako, hindi na po, Tita.” Tumayo siya. “Aalis na din po ako.” Nasa sala kami ngayon at si Ate Zoraida ay naghahanda na para sa haponan namin sa kusina.

“Nako, sige na Raffael. Dito ka na kumain.” Sabi ulit ni Mama at pinaupo siyang muli.

Nilingon ako ni Raffael. Hindi halata sa mukha niyang ayaw niyang makikain dito sa amin. Hinayaan ko muna siyang iwan kasama ni Dad sa sala at tumungo muna ako sa kwarto ko para magpunas ng mabilis at magbihis.

I left my phone on charge habang nagpupunas kaya nang matapos akong magbihis ay agad ko iyong nilapitan upang buksan.

I saw the first message from Kerwin kaya napaupo muna ako.

“Babi, sorry. Nakalimutan kong mag text. Hindi kita nasundo kasi nagkayayaan kaming pumunta dito kina Aira. Birthday niya kasi. Naghintay ka ba? Sorry, sana nakauwi kana.” Ani niya sa kaniyang mensahe.

I sighed. He forgotten? Paano niyang nakalimutan na sunduin ako eh, it was already his routine everyday? Bumuga ako ng hangin and tried to understand.

Nireplyan ko siya na nakauwi na ako and that I didn’t waited for too long fo him. Hindi naman siguro matagal iyong isang oras at kalahati akong naghintay. Tss! Nagmukha pa akong basing sisiw doon tapos siya nagsasaya pala kina Airra?! Ugh!

I turned off again my phone at inilagay sa taas ng lamesa. Hindi ko alam pero na ba-badtrip ako. Sanay namans ana akong maghintay pero hindi ko alam kung bakit sa pagkakataong ito feeling ko sinayang niya ng sobra ang oras ko.

Nakabusangot akong lumabas ng kwarto. Pababa na ako ng makitang paakyat din si Raffael kaya pinagkunotan ko siya ng noo.

“I was aksed to call you,” sabi niya at tumalikod.

“Oh si Dani?” rinig kong tanong ni Mommy kay Raffael mula sa kusina.

Nakakahiya, inutusan pa si Raffael. Umupo ako sa madalas kong pwesto kung saan sa tapat na upuan kung saan kasalukuyang nakaupo si Raffael.

“Ang alam ko nag i-intern na kayo ngayon Raffael? Kamusta naman?” tanong ni Mommy.

“Ayos naman po, sa Monteverde firm po ako nalagay.”

“Ganon ba, sayang at hindi ka kina Jimmy napunta.”

“Alam po kasi ng encharge teacher namin that I am close with the Meduya’s Tita,” sagot niya kaya napatango-tango na lang si Mommy.

“By the way, nasaan nga pala si Kerwin Dani at himala hindi ka niya nahatid ngayon?” Napatingin sa akin si Raffael.

“Ah, may tinapos lang daw po.”

Nang matapos kaming mag dinner, 20 minutes after ay nagpaalamna si Raffael na hindi na magtatagal kasi may pupuntahan pa daw siya kaya hinatid ko muna ito palabas.

“San ka pupunta?” tanong ko sa kaniya ng hindi nag-iisip kaya tiningnan niya ako ng nakakaloko.

I tssked. “Birthday ni Airra diba? Hindi ka ba pupunta?”  tanong niya na. Napansin kong sandal siyang napatigil. Per agad din namang tinabunan iyon ng mga tawa.

“Ah, right! Nandoon na ba si Kierwin kaya hindi ka niya nasundo no?” He smiriked.

Hindi ako nagsalita dahil nababadtrip pa rin ako. Alam kong ngayon lang ‘to bukas o kahit mamaya niyan kapag nakausap ko na sa tawag si Kerwin mawawala din tong tampo ko. Ganoon ako karupok pag dating sa kaniya.

“Ayaw kong pumunta doon.” Sambit ni Raffael na nagpatingin muli sakin sa kaniya.

“I don’t want to see the cheater’s face.” Sabi niya ng seryosong nakatingin sa akin. Maya-maya niyon ay nagpaalam siyang aalis na dahil may babalikan pa daw siya sa Monteverde Construction firm.

Nangunot ang noo ko. Cheater? Anong ibig niyang sabihin don? I shrugged baka inisahan lang siya ng mga kaibigan niya sa laro nila dahil minsan naglalaro din ng mobile games si Raffael. Hindi naman siguro cheater sa relasyon? Mababait naman ang mga kaibigan niya, specially Babi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status