“Bakit kasi pumunta ka sa lugar na ito, estranghero? Ang dami naman mapupuntahan, pero ito pa ang napili mo. Ito tuloy ang napala natin,” sabi ni Gaia na may tonong paninisi kay Aurus.Ang lawak ng Atar, pero sa kagubatan pa ito pumunta. P’wede naman itong pumunta sa sentro ng bayan at tumuloy sa mga bahay panuluyan doon, o kaya ay sa Timog na bahagi ng dibisyon kung nasaan ang kwebang tinutuluyan niya sa Atar.“Wala akong ideya sa lugar na ito, premier guard. Kung alam ko sana na mapanganib dito, hindi na ako pumunta.”“Ano ba’ng nangyari at humantong tayo rito? Isa pa, bakit buhat-buhat mo ako?”“Hindi mo ba naaalala ang nangyari bago ka mawalan ng malay?” muling tanong ni Aurus.Nailang si Gaia sa posisyon nila ng binata lalo na nang maramdaman niya ang mainit nitong hininga sa pisngi niya. Gusto man niyang alalahanin ang mga nangyari, pero hindi niya ginawa. Mas gugustuhin niyang makaalis sa kasalukuyan nilang sitwasyon at makaalis sa mga bisig ng binata.“Mamaya ko na iisipin ang
Hindi ipinakita ni Gaia ang gulat sa mukha niya. Hawak na nila ang isang sangkap para makagawa ng lunas sa karamdaman niya, pero hindi niya alam kung dapat ba siya maging masaya. Gusto niyang umasang muli na gagaling pa siya, pero nang maalala ang sakit na naramdaman niya sa bungad ng k’weba, nawawala ang pag-asang iyon. Halos panawan na siya ng ulirat sa sakit at hindi niya alam kung hanggang kailan tatagal iyon bago siya bawian ng buhay. Kung magsisimula siya ngayon sa paghahanap ng mga sangkap, baka masayang lang din ang gagawin niya. Baka tuluyan na siyang mamaalam sa mundo sa kalagitnaan ng paghahanap niya.“Delikado kung mananatili pa tayo nang matagal dito, estranghero. Kung ayaw natin maging hapunan ng mga mababangis na hayop, kailangan na nating umalis bago sumapit ang dilim,” sabi niya at binalewala ang hawak nitong prutas.“Huwag mong sayangin ang pagkakataong ito, premier guard. Kapag nakuha mo ang mga sangkap ng lunas, makakalaya ka na sa sakit mo. Hindi ka na mahihirapan
“Anong sinabi mo?” gimbal na tanong ni Gaia sa batang babae na nakayakap sa binti niya.“Kinagagalak po kitang makilala, mahal na ina. Ako po si Brie at ito po ang kapatid kong si Brian. Kabilang po kami sa mga anak mo, ina,” masiglang sagot ng bata.“Nababaliw ka na, bata. Wala akong anak. Bitiwan mo nga ako.”Inalis ni Gaia ang maliliit nitong braso sa binti niya. Nawalan ng balanse ang bata at natumba sa lupa. Nangilid ang luha nito at maya-maya ay pumalahaw ng iyak. Nainis naman siya sa ingay nito.“Tumigil ka nga sa kaiiyak mo riyan. Ang sakit sa tainga ng boses mo!” singhal niya sa bata, pero mas lalong lumakas ang iyak nito.“Huwag mong ipakita ang masamang pakikitungo sa bata, premier guard,” saway ni Aurus bago nito lapitan ang bata. Patingkayad itong umupo sa harapan ng paslit. “Huwag ka na umiyak, munting binibini. Baka pumangit ka niyan, sige ka.”Tumayo ang bata at yumakap kay Aurus. Sumubsob ito sa balikat ng binata at nagsumbong.“Ayaw sa akin ni Ina, Ginoo. Hindi niya
Mag-isang hinarap ni Aurus ang anim na kalaban. Nanatili namang nakatayo sa likuran si Gaia at handang umatake kapag nasa dehadong sitwasyon ang binata, ngunit duda siya kung mangyayari ang pagka-dehado nito sa laban. Magaling si Aurus at hindi rin maikakaila na magagaling ang mga kalaban nito. Kakaiba ang istilo ng mga kalaban ni Aurus at halatang bihasa ang mga ito sa laban. Nagtataka siya kung saang dibisyon nagmula ang ganitong istilo ng pakikipaglaban.“Kakaiba ang istilong ginagamit mo sa laban, lalaki. Walang gan’yang istilo sa Forbideria. Sino ka at ano ang ginagawa mo rito? Isa kang dayuhan sa kaharian namin,” saad ng isa sa anim.“Wala kang patunay na isa akong dayuhan,” sagot ni Aurus.Pinag-aralan naman ni Gaia ang kilos ng anim na kalalakihan. Kinukumpara niya ang kasuotan at istilo ng mga ito sa mga naging kasama niya sa dooms gate. Isa man sa mga iyon ay walang tumugma. Isa lang ang nasa isip niya kung sino ang mga lalaking nakasuot ng puting uniporme.“Mga kawal kayo m
Gaia, makinig ka sa sasabihin ko. Huwag kang susuko. Magpalakas ka, anak, at patuloy na mabuhay. Darating ang araw na titingalain ka ng lahat.“Ina!”Bumalikwas ng bangon si Gaia nang marinig ang boses ng kaniyang ina, ngunit nahilot niya ang ulo nang kumirot iyon sa biglang pagbangon niya.“Mahina pa ang katawan mo, iha. Hindi ka dapat kumikilos nang bigla-bigla. Baka makasama sa katawan mo,” sabi ng boses matanda.Tinignan ni Gaia ang nagsalita at nakita niya ang matandang babae. May kung anong dinudurog ito sa isang bato bago ilagay sa kalderong nakasalang sa apoy. Napansin din niya ang isang kumpol ng pulang prutas na nakasabit sa dingding. Napakarami niyon na tila iniipon sa loob ng bahay.“Sino ka at nasaan ako?”“Tawagin mo akong Lola Claro, iha, at narito ka sa tahanan namin ng mga apo ko. Wala kang malay nang dalhin ka rito ni Ginoong Aurus. Kung itatanong mo kung nasaan siya, nasa ilog lang siya kasama ng mga bata. Kailangan niyang maligo para alisin ang putik sa katawan niy
Nagmamadaling tumayo si Gaia at lumabas ng bahay kasunod si Lola Claro. Humanga pa siya sa kaniyang katawan dahil tila bumalik na iyon sa normal. Epektibo talaga ang katas ng pulang prutas para bumalik ang lakas niya.“Anong nangyari, Brian? Sino ang mga nakapasok na kalaban?” tanong ni Lola Claro sa bata.“Hindi ko po kilala, Lola. Natanaw ko lang po sila habang nasa ilog kami nina Kuya Aurus at Brie. Mukha po silang madudungis na sanggano. May dala po silang mga armas na sibat at pana. Yari po iyon sa mga kahoy at kawayan. Sa tingin ko rin po, may pinatalas na bato sa dulo ng mga armas nila.”Pamilyar kay Gaia ang paglalarawan ni Brian, ngunit imposible ang sinasabi nito. Ang mga ganoong uri ng armas ay karaniwang ginagamit ng mga bilanggo sa blackhole. Kung narito ang mga bilanggo, maaaring nakalusot ang mga ito palabas nang magkaroon ng kaguluhan sa dooms gate.“Nasaan si Brie at Kuya Aurus mo?” muling tanong ni Lola Claro.“Binabantayan po ni Kuya Aurus ang kilos ng mga kalaban.
Napangisi si Gaia nang maramdaman ang pagkilos ng mga kalaban. Kahit nakapikit, nagawa niyang umiwas sa isang atake na paparating sa direksyon niya. Naramdaman niyang nasa unahan ang kalaban kaya’t sinamantala niya iyon. Itinaas niya ang kanang paa at sinipa ito paibaba sa lupa. Idiniin niya ang katawan nito kasabay nang pagmulat ng mga mata niya. Napahinto ang mga kalaban sa pagsugod nang mawalan ng malay ang lalaking tinatapakan niya.“Binabalaan kita, Sanmig. Umalis na kayo sa lugar na ito,” seryoso niyang sabi sa tumatawang pinuno ng grupo.“Hindi mo teritoryo ang lugar na ito, premier guard. Wala kang karapatan na utusan ako. Gagawin kong kampo ang magandang lugar na ito at dito ako magpaparami ng mga tao. Sasakupin ko ang Forbideria at lahat kayo ay luluhod sa harapan ko!”Hindi pinansin ni Gaia ang mahabang litanya ni Sanmig. Pinag-aralan niya ang posisyon ng mga kalaban habang nakapaligid sa kaniya. Kung si Sanmig ang kaniyang puntirya, kailangan niyang lampasan ang walong kal
Tumulong sina Gaia at Aurus para ibalik ang bitag sa dating ayos. Mas pinili naman ni Gaia na manatili sa bahay ni Lola Claro kaysa maglakbay para hanapin ang mga sangkap ng lunas. Nanatili rin si Aurus sa tabi niya kahit labag iyon sa loob ng binata. Mas gusto nitong tulungan si Gaia para gumaling, pero wala itong magagawa kundi manatili sa tabi ng dalaga.Sa mahigit isang linggo nila roon, nakagawian ni Gaia ang pamamasyal sa tabing ilog at kung minsan ay sa burol. Dala-dala niya ang libro ng kasaysayan ni Lola Claro at palaging binabasa iyon. Ginawa lang niyang libangan ang pagbabasa at wala siyang planong gawin ang mga nakasulat doon.“Gaia, pinapatawag ka ni Lola Claro. Kakain na raw,” sabi ng bagong dating na si Aurus.Itinupi ni Gaia ang hawak na libro bago tumayo. Pinagmasdan muna niya ang magandang tanawin sa kinaroroonang burol. Maliwanag ang sikat ng araw, ngunit kay lamig ng simoy ng hangin. Dinuduyan ng mayuming hangin ang itim at hanggang baywang niyang buhok. Maging ang
“Ina!” sigaw ni Brie.Bumitaw si Gaia kay Aurus at bahagyang dumistansya bago lumingon kay Brie. Tumatakbo ito patungo sa kaniya kaya sinalubong niya ito ng yakap. Humikbi ito sa kaniyang balikat habang buhat niya.“Ina, natatakot po ako.”“Patawad, Brie, kung nakita mo ang lahat ng ito. Maayos na ang lahat at ligtas ka na. Wala ng mananakit sa ’yo at hindi ko rin hahayaan na masaktan ka habang buhay ako,” mahinahon niyang sabi sa bata habang hinahaplos ang likuran nito.“Ginoong Aurus, ayos ka lang ba?”Naagaw ng boses babae ang atensyon ni Gaia kaya bumaling siya sa likuran niya. Nakatayo roon si Aurus habang katabi ang isang babae na nagtatakang nakatingin sa binata. Nagtataka rin siya kung bakit hindi gumagalaw si Aurus. Nilapitan niya ito at marahan itong tinapik sa pisngi.“Humihinga ka pa ba, Aurus? Anong nangyari sa ’yo? Bakit natigilan ka riyan?”Bahagya siyang nagulat nang bigla nitong hinawakan ang kamay niyang tumapik sa pisngi nito, pero hindi pa ito nakuntento at niyakap
“May regalo ako sa ’yo, premier guard.”Bumaling ang tingin ni Gaia sa matandang nagsalita. Marahil ito ang nag-utos sa mga lalaking nambulabog sa pintuan ng kwartong kinaroroonan niya kanina. Mabuti na lang at nagising agad siya bago pa makapasok ang mga ito. Nararamdaman niyang may panganib, dahil sa mabibigat na presensya sa labas ng silid. Tulad ng kaniyang inaasahan, kaguluhan ang sumalubong sa kaniya nang bumukas ang pinto. Mabilis niyang natapos ang laban at plano sanang umalis sa lugar, pero mas marami ang kalabang naghihintay sa kaniya sa bulwagan. Ngayon naman ay nasa harapan na niya ang taong hinahanap niya.“Hindi ako mahilig sa regalo, tanda. Gusto ko lang maningil sa taong nag-utos para patayin ako,” seryoso niyang sabi.Tumawa lang ito at parang aliw na aliw sa kaniyang sinabi. “Sigurado ka ba? Tiyak magugustuhan mo ang regalong inihanda ko sa ’yo, premier guard. Gawin mo na lang ang gusto mong paniningil pagkatapos mong makita ang regalo ko. Iyon ay kung magkaroon ka p
“Huminahon ka, tiyo. Maupo ka muna at mag-usap tayong mabuti,” pagpapakalma niya sa hindi mapakaling tiyuhin.“Wala akong oras para makipag-usap sa ’yo, Liam. Kailangan ko ang babae, buhay man o patay! Halughugin niyo ang buong paligid,” utos nito sa mga tauhan. Kahina-hinala ang kilos ng tiyuhin niya ngayon, at nagkaroon siya ng hinala rito nang maalala ang tanong ng babae sa kaniya. Hinahanap ng babae ang taong nag-utos sa mga tauhan ng Riyam para pasabugin ang dooms gate at patayin ang premier guard.Hindi kaya may kinalaman doon ang tiyuhin niya?“Pigilan sila at huwag hahayaang makalabas sa bulwagan,” maawtoridad niyang utos na agad sinunod ng kaniyang mga tauhan. Mabilis din humarang ang sampu niyang tagasilbi sa unahan niya para protektahan siya sa anumang panganib.Malakas na tumawa si Guyam. “Magaling, mahal kong pamangkin. Nakuha mo na ang tiwala ng sampung babaeng iyan at nakuha mo pa rin ang isang iyon. Ganoon ba kataas ang kagustuhan mong manatili sa posisyon bilang lide
“Wala akong alam sa sinasabi mo, pero sa tingin ko, ito ang kailangan mo.”Kaagad napansin ni Gaia ang pagbabago ng emosyon sa mga mata ng lalaki. Agad niyang naisip na krandular ang dahilan kaya sapilitan nitong kinukuha ang pinuno ng mga amazona. Gusto nitong malaman sa mga lider mismo kung namukadkad ang krandular, pero wala siyang ideya kung bakit hindi bumabalik ang mga pinuno sa tribo. Lalo na’t walang pagsisisi siyang nakita sa mukha ng mga kababaihan kanina.Tumitig siya sa lalaki. Maaari kayang tama ang sinasabi nito na kusang loob nagpaalipin ang mga dating lider, pero ano’ng dahilan?“Paano mo nakuha ang krandular?” Kunot noo itong naghihintay sa sagot niya.Huminga nang malalim si Gaia. Hindi na niya dapat isipin ang tungkol sa mga dating lider ng amazona. Mas dapat niyang isipin ang pakay sa lugar na ito at kung paano matutukoy ang utak sa pagpapasabog sa dooms gate. Dalawang taon siyang naghirap upang pangalagaan iyon, at hindi siya papayag na makalusot ang mga ito nang
Lulan ng karwahe, nakikiramdam si Gaia habang nakapikit. Napapagitnaan siya ng dalawang lalaki sa loob. Alam niyang may tumitingin sa nakahantad niyang hita mula sa mga kasama sa loob ng karwahe. Nang maramdaman ang pagkilos ng nasa kanan, mabilis siyang nagmulat ng mga mata at dinakot ang kamay nito na nagtangkang hawakan ang hita niya. Nagulat ang lalaki, pero hindi ito nakahulma nang ihampas niya ang sarili nitong kamay sa mukha nito. Napatingala ito at nauntog sa dingding ng karwahe.“Argh! Bwiset kang babae ka!” Galit nitong binunot ang patalim sa baywang, pero mabilis niyang sinapak ang lalaki at sinipa palabas ng karwahe. Nasira ang pintuan at tuluyan itong nahulog. Hinawakan siya ng natitirang lalaki sa loob ng karwahe, pero pinilipit niya ang braso nito.“Aray! Bitiwan mo ako!” sigaw nito.Naramdaman ni Gaia ang bahagyang pagtigil ng karwahe.“Ano’ng nangyayari dito?” bungad na tanong ng isang lalaki na sumilip sa nasirang pinto ng karwahe.Hinila ni Gaia ang hawak na lalaki
Binaybay ni Aurus at Trey ang daan na tinahak ng grupong kumuha kay Gaia. Ayon kay Trey, isa ang grupong iyon sa sumugod sa dooms gate na gustong pumatay kay Gaia. Ngayon alam na niya kung bakit pamilyar sa kaniya ang mga lalaking iyon. Hindi niya maiwasang mag-alala sa dalaga kahit alam niyang kaya nitong ipagtanggol ang sarili. Nag-aalala siya na baka hindi pa bumabalik sa dati ang lakas nito pagkatapos ng mga nangyari kagabi. Alam niyang hindi nagpapakita ng kahinaan si Gaia, pero nararamdaman niyang may epekto rito ang pagtatalik nila kagabi. Napansin niya iyon nang lumabas ito sa silid kaninang umaga. May panginginig ang mga binti nito, pero kaagad nitong naitago iyon. Wala naman siyang ideya sa plano nito kung bakit nagkusa itong sumama sa grupo ng Lunos.“Kuya Aurus, bakit po tayo iniwan ni Ina?” inosenteng tanong ni Brie.Marahang lumalakad ang sinasakyan nilang kabayo dahil sa makipot na daan. Medyo madulas din iyon dahil sa pag-ulan kagabi.“Hindi niya tayo iniwan, Brie. May
Nagulat si Gaia sa sinabi ni Aurus at hindi agad nakasagot. Nakita na lang niya ang papalayo nitong bulto sa kaniya. Wala sa sarili siyang napahawak sa tapat ng dibdib niya. Hindi niya inaasahan ang mabilis na tibok ng kanyang puso sa ginawa nito. Hindi man kapani-paniwala, pero tila naapektuhan ang damdamin niya sa sinabing iyon ng binata.“Pinuno!”Isang sigaw ang nagpabalik sa h’wisyo ni Gaia. Nakita niya ang kapatid ni Trey na nagmamadaling lumapit sa kaniya. Kaagad itong lumuhod sa harapan niya para magbigay galang.“Hindi ako ang lider niyo, kaya’t huwag mo nang gawin iyan. Tumayo ka at sabihin ang sadya mo,” saway niya rito, pero hindi nito pinansin ang sinabi niya.“Pinuno, ako po si Animfa. Nais ko lang pong ibalita na narito ang grupo ng Lunos dala ang malalakas nilang armas na pampasabog. Kung hindi raw po magpapakita ang pinuno ng tribo sa kanila ngayon, pasasabugin nila ang lugar na ito,” natataranta nitong sabi.“Bakit sila narito?” tanong na lang niya sa babae.“Palagi
Nagising si Gaia sa marahang hangin na dumadampi sa mukha niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata. Agad siyang umiwas ng tingin nang masilayan ang mukha ni Aurus. Hindi niya maiwasang mag-init ang mukha nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi man lang pumasok sa isip niya na mapupunta siya sa ganitong sitwasyon. Iyong gigising siya katabi ang isang lalaki at alam niyang pareho silang walang saplot sa ilalim ng kumot na yari sa balat ng hayop.Ipinilig niya ang ulo para mawala sa isip ang nangyari kagabi. Hindi na niya dapat inaalala ang ganoong bagay lalo pa’t napilitan lang silang gawin iyon. Tinangka na lang niyang umalis sa mahigpit na yakap ni Aurus, pero gumalaw ito at muli siyang hinila palapit. Sumubsob ang mukha niya sa dibdib nito. Muli siyang dumistansya dahil hindi na siya komportable sa posisyon nila, pero hinila ulit siya ni Aurus. Bahagya siyang nagtaka dahil hindi niya nararamdaman ang kirot ng sugat sa likuran niya. Marahil naghilom na iyon dahil sa kulay abong
“G-Gaia,” paggising niya sa dalaga, pero pakiramdam niya ay isang ungol ang lumalabas sa bibig niya dahil sa lakas ng nararamdaman niyang pagnanasa sa dalaga. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan at butil-butil na ang pawis sa noo niya. Kinokontrol niya ang sarili kahit hinahalikan niya ito. Pinipilit niyang lumayo rito, pero malakas ang kagustuhang namumuo sa katawan niya.Tuluyang napigtas ang pagpipigil ni Aurus nang muling napunta ang kaniyang paningin sa mga labi ni Gaia. Hindi niya nakontrol ang sarili at muling sinakop iyon. Guminhawa ang kaniyang pakiramdam nang maglapat ang kanilang mga labi, ngunit unti-unting bumabalik ang nararamdaman niya. Mas tumindi pa ang pagnanasa sa katawan niya nang marinig ang mahinang ungol ni Gaia. Tila mitsa iyon para mas mag-alab ang katawan niya.“G-Gaia, gumising ka. Itulak mo ako, pakiusap,” halos magmakaawa na ang boses niya, pero pagkasabik ang nararamdaman ng katawan niya.Namalayan na lang niyang nasa ibabaw na siya ni Gaia at humaplos ang ka