Share

Chapter Twenty

Author: Maybel Abutar
last update Last Updated: 2025-03-28 20:20:31

“Sino ka at bakit nasa panig ka ng malas na ’yan, huh?!” galit na tanong ni Piggy.

Hindi pinansin ni Aurus ang tanong ng matabang pinuno. Bahagya niyang ibinaling ang ulo sa direksyon ni Gaia. Napansin niya ang pamumutla nito at nanghihinang mga mata.

“Kumusta ang nararamdaman mo, Gaia? Ayos ka lang ba?” tanong niya na may halong pag-aalala.

“Bakit narito ka, Aurus? Nasaan si Brie?” balik nitong tanong na may bahid ng pag-aalala.

Bahagyang ngumiti si Aurus. Malamig at tila walang pakealam ang pinapakita nito, pero sa likod niyon ay labis din itong nag-aalala sa sitwasyon ng bata.

“Nasa maayos na kalagayan si Brie, Gaia. Kasama ko siya rito at nagtatago lang siya para hindi madamay sa gulo.”

“Sana hindi na lang kayo pumunta rito, Aurus. Ayokong madamay kayo sa kamalasan… argh!”

Naging alerto si Aurus nang malakas itong dumaing at muntikan ng matumba. Maagap niya itong hinawakan sa baywang at isinandal sa dibdib niya. Hindi maikakaila ang labis na pag-aalala sa ekspresyon niya, pero wal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Forty-one

    “Ina!” sigaw ni Brie.Bumitaw si Gaia kay Aurus at bahagyang dumistansya bago lumingon kay Brie. Tumatakbo ito patungo sa kaniya kaya sinalubong niya ito ng yakap. Humikbi ito sa kaniyang balikat habang buhat niya.“Ina, natatakot po ako.”“Patawad, Brie, kung nakita mo ang lahat ng ito. Maayos na ang lahat at ligtas ka na. Wala ng mananakit sa ’yo at hindi ko rin hahayaan na masaktan ka habang buhay ako,” mahinahon niyang sabi sa bata habang hinahaplos ang likuran nito.“Ginoong Aurus, ayos ka lang ba?”Naagaw ng boses babae ang atensyon ni Gaia kaya bumaling siya sa likuran niya. Nakatayo roon si Aurus habang katabi ang isang babae na nagtatakang nakatingin sa binata. Nagtataka rin siya kung bakit hindi gumagalaw si Aurus. Nilapitan niya ito at marahan itong tinapik sa pisngi.“Humihinga ka pa ba, Aurus? Anong nangyari sa ’yo? Bakit natigilan ka riyan?”Bahagya siyang nagulat nang bigla nitong hinawakan ang kamay niyang tumapik sa pisngi nito, pero hindi pa ito nakuntento at niyakap

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Forty

    “May regalo ako sa ’yo, premier guard.”Bumaling ang tingin ni Gaia sa matandang nagsalita. Marahil ito ang nag-utos sa mga lalaking nambulabog sa pintuan ng kwartong kinaroroonan niya kanina. Mabuti na lang at nagising agad siya bago pa makapasok ang mga ito. Nararamdaman niyang may panganib, dahil sa mabibigat na presensya sa labas ng silid. Tulad ng kaniyang inaasahan, kaguluhan ang sumalubong sa kaniya nang bumukas ang pinto. Mabilis niyang natapos ang laban at plano sanang umalis sa lugar, pero mas marami ang kalabang naghihintay sa kaniya sa bulwagan. Ngayon naman ay nasa harapan na niya ang taong hinahanap niya.“Hindi ako mahilig sa regalo, tanda. Gusto ko lang maningil sa taong nag-utos para patayin ako,” seryoso niyang sabi.Tumawa lang ito at parang aliw na aliw sa kaniyang sinabi. “Sigurado ka ba? Tiyak magugustuhan mo ang regalong inihanda ko sa ’yo, premier guard. Gawin mo na lang ang gusto mong paniningil pagkatapos mong makita ang regalo ko. Iyon ay kung magkaroon ka p

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty-nine

    “Huminahon ka, tiyo. Maupo ka muna at mag-usap tayong mabuti,” pagpapakalma niya sa hindi mapakaling tiyuhin.“Wala akong oras para makipag-usap sa ’yo, Liam. Kailangan ko ang babae, buhay man o patay! Halughugin niyo ang buong paligid,” utos nito sa mga tauhan. Kahina-hinala ang kilos ng tiyuhin niya ngayon, at nagkaroon siya ng hinala rito nang maalala ang tanong ng babae sa kaniya. Hinahanap ng babae ang taong nag-utos sa mga tauhan ng Riyam para pasabugin ang dooms gate at patayin ang premier guard.Hindi kaya may kinalaman doon ang tiyuhin niya?“Pigilan sila at huwag hahayaang makalabas sa bulwagan,” maawtoridad niyang utos na agad sinunod ng kaniyang mga tauhan. Mabilis din humarang ang sampu niyang tagasilbi sa unahan niya para protektahan siya sa anumang panganib.Malakas na tumawa si Guyam. “Magaling, mahal kong pamangkin. Nakuha mo na ang tiwala ng sampung babaeng iyan at nakuha mo pa rin ang isang iyon. Ganoon ba kataas ang kagustuhan mong manatili sa posisyon bilang lide

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty-eight

    “Wala akong alam sa sinasabi mo, pero sa tingin ko, ito ang kailangan mo.”Kaagad napansin ni Gaia ang pagbabago ng emosyon sa mga mata ng lalaki. Agad niyang naisip na krandular ang dahilan kaya sapilitan nitong kinukuha ang pinuno ng mga amazona. Gusto nitong malaman sa mga lider mismo kung namukadkad ang krandular, pero wala siyang ideya kung bakit hindi bumabalik ang mga pinuno sa tribo. Lalo na’t walang pagsisisi siyang nakita sa mukha ng mga kababaihan kanina.Tumitig siya sa lalaki. Maaari kayang tama ang sinasabi nito na kusang loob nagpaalipin ang mga dating lider, pero ano’ng dahilan?“Paano mo nakuha ang krandular?” Kunot noo itong naghihintay sa sagot niya.Huminga nang malalim si Gaia. Hindi na niya dapat isipin ang tungkol sa mga dating lider ng amazona. Mas dapat niyang isipin ang pakay sa lugar na ito at kung paano matutukoy ang utak sa pagpapasabog sa dooms gate. Dalawang taon siyang naghirap upang pangalagaan iyon, at hindi siya papayag na makalusot ang mga ito nang

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty-seven

    Lulan ng karwahe, nakikiramdam si Gaia habang nakapikit. Napapagitnaan siya ng dalawang lalaki sa loob. Alam niyang may tumitingin sa nakahantad niyang hita mula sa mga kasama sa loob ng karwahe. Nang maramdaman ang pagkilos ng nasa kanan, mabilis siyang nagmulat ng mga mata at dinakot ang kamay nito na nagtangkang hawakan ang hita niya. Nagulat ang lalaki, pero hindi ito nakahulma nang ihampas niya ang sarili nitong kamay sa mukha nito. Napatingala ito at nauntog sa dingding ng karwahe.“Argh! Bwiset kang babae ka!” Galit nitong binunot ang patalim sa baywang, pero mabilis niyang sinapak ang lalaki at sinipa palabas ng karwahe. Nasira ang pintuan at tuluyan itong nahulog. Hinawakan siya ng natitirang lalaki sa loob ng karwahe, pero pinilipit niya ang braso nito.“Aray! Bitiwan mo ako!” sigaw nito.Naramdaman ni Gaia ang bahagyang pagtigil ng karwahe.“Ano’ng nangyayari dito?” bungad na tanong ng isang lalaki na sumilip sa nasirang pinto ng karwahe.Hinila ni Gaia ang hawak na lalaki

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Thirty-six

    Binaybay ni Aurus at Trey ang daan na tinahak ng grupong kumuha kay Gaia. Ayon kay Trey, isa ang grupong iyon sa sumugod sa dooms gate na gustong pumatay kay Gaia. Ngayon alam na niya kung bakit pamilyar sa kaniya ang mga lalaking iyon. Hindi niya maiwasang mag-alala sa dalaga kahit alam niyang kaya nitong ipagtanggol ang sarili. Nag-aalala siya na baka hindi pa bumabalik sa dati ang lakas nito pagkatapos ng mga nangyari kagabi. Alam niyang hindi nagpapakita ng kahinaan si Gaia, pero nararamdaman niyang may epekto rito ang pagtatalik nila kagabi. Napansin niya iyon nang lumabas ito sa silid kaninang umaga. May panginginig ang mga binti nito, pero kaagad nitong naitago iyon. Wala naman siyang ideya sa plano nito kung bakit nagkusa itong sumama sa grupo ng Lunos.“Kuya Aurus, bakit po tayo iniwan ni Ina?” inosenteng tanong ni Brie.Marahang lumalakad ang sinasakyan nilang kabayo dahil sa makipot na daan. Medyo madulas din iyon dahil sa pag-ulan kagabi.“Hindi niya tayo iniwan, Brie. May

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status