LOGINNagpalit si Kyline ng magaang damit at naghanda nang umalis. Pagdating pa lang niya sa may pinto, nasalubong na niya si Jemma na may dalang tasa ng mainit na gatas. Napatingin ito sa ayos ni Kyline at bahagyang natigilan.“Madam, lalabas po kayo?” tanong nito.Tumango si Kyline. “Oo. Kailangan kong pumunta sa Beastbourne Grounds.”Ngayong gabi ang huling araw ng hypnosis contract nila ni Harvey. Kailangan niyang magpakita roon, at sa gabing ito rin niya personal na huhulihin ang tunay na salarin sa pagkamatay ng ina ni Shawn.Inilagay ni Jemma ang gatas sa kamay niya at agad sumunod. “Sasama po ako, Madam.”Ininom ni Kyline ang gatas bago sila sumakay sa sasakyan. Tahimik siyang nakatanaw sa bintana habang mabilis na dumadaan ang mga ilaw at tanawin sa labas. Mabigat ang dibdib niya, at hindi niya alam kung dahil ba iyon sa pagod o sa nerbiyos. Mayamaya, bigla siyang inantok at nakaramdam ulit ng hilo at pagsusuka. Pilit niyang kinontrol ang sarili, pero hindi naitago ang bahagyang pa
Naglaro ng sugal si Kyline, isang tahimik pero matapang na pustahan. Ang taya niya ay hindi siya sasakalin ni Shawn.Sa pagtitig ni Shawn sa determinadong mga mata ng babae, unti-unting lumuwag ang kamay na nakapulupot sa leeg nito. Malamig ang boses niya nang magsalita. “Karen,” sabi niya, walang emosyon, “hindi kita papatayin, hindi dahil nagtitiwala ako sa’yo, kundi dahil may silbi ka pa.”Ibinaba ni Kyline ang mga mata niya at hindi sumagot. Hindi na kailangan. Alam niyang panalo siya. Ayaw pa rin siyang patayin ni Shawn, o mas tama, hindi niya kayang gawin iyon sa ngayon. May mas mahalaga pa siyang papel.Muling itinaas ni Kyline ang tingin at sinalubong ang walang-buhay na mukha ni Shawn. May linaw sa mga mata niya, parang malinaw na malinaw na ang posisyon niya sa larong ito. “Tutupadin ko ang usapan,” kalmado niyang sabi. “Mamayang gabi, kusa nang babalik si Harvey sa Beastbourne Grounds.”Buhat-buhat siya ni Shawn palabas ng banyo at maingat, pero walang lambing, na inilapag
Kinuskos ni Aling Judy ang namamanhid niyang pisngi at hindi napigilang magbulong sa sarili. ‘Halatang-halata naman na para kay madam ang maasim na plum, pero nagkunwari pang para sa kanya. Gusto lang naman talaga nitong ipatikim kay misis, pero ang dami pang palusot.’Napatingin sa kanya si Shawn, malamig ang mga mata. “Ano’ng binubulong-bulong mo riyan?”Agad na umiling si Aling Judy. “Wala po, sir. Pero may inaasikaso pa po ako. Baka mas mabuti kung kayo na lang ang magdala niyan kay madam.”Bahagyang umirap si Shawn, halatang naiirita, pero inabot pa rin niya ang supot ng maasim na plum. “Ang daming abala,” malamig niyang sabi, na para bang napilitan lang. “May itatanong lang din naman ako sa kanya.”Marami siyang gustong itanong, kung paano napunta ang sapphire necklace sa kamay ng salarin at sa loob ng Beastbourne Grounds, at kung handa ba siyang tulungan si Luna sa pamamagitan ng paggamot.Pagbukas niya ng pinto, tumambad sa kanya si Kyline na nagyo-yoga, sumusunod sa video. B
Pagkakita ni Shawn sa sapphire necklace, biglang nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi niya kailanman inasahan na ang matagal na niyang hinahanap na kwintas ay lilitaw mismo sa Beastbourne Grounds.“Saan n’yo ’to nakuha?” malamig niyang tanong.Sumagot agad ang bodyguard, maingat ang tono. “Sa hardin po ng Beastbourne Grounds, sir. Base sa lokasyon, mukhang nahulog ito habang tumatakas ang salarin, posibleng nang umakyat sila sa pader palabas.”Lalong nagulo ang isip ni Shawn. Bakit ang sapphire necklace na personal na ibinigay ng kanyang ina kay Kyline ay mapupunta sa lugar kung saan naaksidente si Luna? Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi niya. Naisip niya na may kinalaman si Kyline rito.Iniabot niya ang kwintas kay Ronald, hindi maitago ang galit sa boses. “Kuhanan n’yo ng fingerprints. I want results today. Hanapin ninyo ang hayop na ’yon.”Tumango si Ronald at umatras. “Yes, Sir.”Nanatili si Shawn sa Beastbourne Grounds hanggang sa tuluyang maging stable ang lagay ni Luna
“Madam, binilhan ko po kayo ng bagong nightdress. Pakisukat kung kasya,” masayang sabi ni Jemma habang bahagyang inaalog ang paper bag sa kamay niya.Paglabas ni Kyline mula sa banyo, halos umabot na sa tenga ang pamumula ng mukha niya. Suot niya ang isang itim na slip dress na sobrang ikli, hanggang hita lang, at hapit na hapit sa katawan. Hindi niya mapigilang hilahin pababa ang laylayan habang naiilang na nagsalita.“Nightdress ba talaga ’to?” tanong niya, halatang hindi komportable. “Bakit parang… pang-akit?”Halos walang natatakpan ang damit. Malinis ang hiwa, dikit sa hubog ng katawan, at lantad ang maputing balat. Hindi ito mukhang pambahay, mas parang damit na may ibang intensyon.Tahimik na isinuksok ni Jemma sa b
Nang marinig ni Aling Judy ang salitang “dalhin ang bata,” unti-unting bumitaw ang bigat sa dibdib niya. Sa wakas, kahit papaano, ligtas si Kyline, kahit pansamantala lang.Pagkaalis ng sasakyan sa paningin niya, agad na lumapit si Jemma. “Aling Judy, kumusta?” puno ng kaba ang tanong nito.Napabuntong-hininga si Aling Judy at bahagyang tumango. “Tagumpay ang plano. Dinala siya pabalik sa Constantino para ‘magbuntis.’ Ibig sabihin, sa susunod na mga buwan, hindi muna siya ikukulong o ipapadala sa water prison.”Saglit siyang tumahimik, saka sinipat si Jemma nang may halong pagtataka. “Pero paano mo nagawa?” tanong niya. “Tatlong test, urine, blood, at ultrasound. Pa







