Share

33

Author: Hadara
last update Last Updated: 2025-10-05 10:25:07

Pinagpagan ni Shawn ang putik at alikabok sa tuyot at maruming puting bulaklak na napulot niya mula sa sahig. Saglit niyang tinitigan iyon, walang mabasa sa kanyang malamig na mukha. Pagkaraan ng ilang segundo, bahagyang gumalaw ang kanyang labi.

“Ang dumi,” malamig niyang sabi.

Agad namang umayon ang isang babaeng kamag-anak, sabik na sabik na magpasikat.

“Siyempre! Gaya ng babaeng ‘yon, si Karen, madumi rin!”

Hindi pa siya natatapos nang biglang itinaas ni Shawn ang hawak niyang tangkay ng bulaklak at malakas na hinampas ang mukha ng babae.

Bumagsak ito sa sahig, napahawak sa pisngi niyang nagmarka ng pulang bakas ng sampal.

“B-bakit?” pautal nitong sabi, gulat na gulat, hindi makapaniwala sa nangyari.

Tahimik si Shawn. Maingat niyang ibinalik ang tuyong bulaklak sa mesa ng altar, at sa sandaling iyon, ang malamig niyang tingin ay tila tumagos sa balat ng babae.

“Ang tinutukoy kong marumi,” malamig niyang sabi, “ay ikaw.”

Walang sinuman ang nangahas na gumalaw. Sa bawat hakbang ni S
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   164

    Tiningnan ni Jay si Shawn na para bang may nakakatawang tanong na narinig. Bahagya niyang ikiniling ang ulo, saka nagkrus ng mga braso at nagsalita nang seryoso, parang hinihimay ang isang kaso.“Kung pinili mo ang babaeng hindi mo mahal,” sabi niya, diretso at kalmado, “then hindi valid ang tanong. Kasi ang babaeng kayang ipagpalit ng isang lalaki sa sarili niyang anak, iyon lang ang babaeng mahal na mahal niya. Walang ibang paliwanag doon.”Parang tinamaan si Shawn sa dibdib. Halos reflex na agad siyang sumagot, medyo mataas ang boses. “Hindi ko siya mahal!”Pagkasabi niya niyon, doon lang tuluyang napagtanto ni Jay na may mali. Tumitig siya kay Shawn, seryoso na ang mga mata. “Shawn… huwag mong sabihing ikaw ’yan?”Nanahimik si Shawn. Hindi siya umimik, ni hindi umiling.Nanlaki ang mata ni Jay. “Wait. Buntis si Karen… anak mo?” Bigla siyang napahinto, saka umiling agad. “Hindi, hindi puwede. Shawn, don’t tell me… nahulog ka talaga kay Karen?”“Kailanman, hindi,” mariing pagtanggi

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   163

    Sa gitna ng rumaragasang ulan, tuluyang lumabo ang paningin ni Kyline. Ang pigurang papalapit mula sa malayo ay unti-unting nagiging anino, hanggang sa bumagsak ang dilim at hindi na niya nakita kung sino ang yumakap sa kanya nang mahigpit.Si Shawn iyon.Humabol siya nang halos mawalan ng hininga, agad sinapo ang ulo ni Kyline at inipit ito sa kanyang dibdib. Nang makita niya ang maputla at halos walang kulay na mukha ng babae, may dumaan na hapdi sa mga mata niya, isang kirot na hindi niya maitago. Sumunod si Ronald, may dalang payong, at mabilis na tinakpan silang dalawa mula sa ulan.Marahang pinunasan ni Shawn ang tubig-ulan sa mukha ni Kyline. Maingat ang galaw ng mga daliri niya, parang natatakot na masaktan pa ito. Wala na ang malamig at malayong anyo niya kanina; ang natira na lang ay isang lalaking puno ng pag-aalala. Tinitigan niya ang nakapikit na mga mata ng babae at dahan-dahang nagsalita, mababa ngunit punô ng pagsisisi.“Kung umamin ka lang sana… kung yumuko ka lang ka

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   162

    Tinitigan ni Shawn si Kyline na nakatayo sa gitna ng ulan. Sa mga mata niya, para siyang taong galing impiyerno, matigas, walang takot. Biglang lumamig ang ekspresyon ni Shawn. Gusto niyang makita kung hanggang kailan nito kayang magkunwari.Napatili sa gulat si Aling Judy nang makitang nakatayo sa ulan si Kyline. Agad siyang yumuko kay Shawn, halos magmakaawa. “Sir, bakit niyo po hinahayaan na maparusahan ang asawa niyo nang ganito? Ulan po ’yan! At buntis pa ang madam. Maawa po kayo, papasukin niyo na siya.”Hindi rin nakatiis si Ronald at maingat na sumingit. “Sir, kagagaling lang po ng operasyon ng madam. Mahina ang katawan niya ngayon, at buntis pa. Kahit hindi niyo po isipin ang madam, isipin niyo na lang po ang bata.”Sumulyap si Shawn kay Kyline, “Walang sinuman ang pwedeng mamagitan para sa kanya ngayon.” Huminto siya sandali bago idinugtong, mas malamig. “Hangga’t hindi siya umaamin, manatili siya diyan. Kahit mamatay siya sa labas, bawal kayong makialam.”Namutla si Aling J

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   161

    Bahagyang ngumiti si Harvey, may kahulugang nakatago sa mga mata, at marahang nagsalita kay Kyline. “Kung sino ang kasabwat sa pagtatanim ng bomba… hindi ba’t may sagot ka na sa puso mo?”Natigilan si Kyline. Bigla siyang napasambit, “Si Rhena… siya talaga, ’di ba?”Hindi siya sinagot ni Harvey. Sa halip, lalong lumalim ang ngiti sa gilid ng kanyang labi. Doon na tuluyang bumagsak ang katotohanan kay Kyline. Dumilim ang kanyang paningin, at ang mga kamay niya’y mariing nakapulupot. “Ang galing ng palabas n’yo,” malamig niyang sabi. “Ginamit n’yo talaga ang buong buhay ko para i-frame ako.”“Alam mo ba kung magkano ang ginastos ko para sa bombang itinanim ni Rhena?”Hindi umimik si Kyline. Tinitigan lang niya ang lalaki, hinihintay ang sagot.Itaas ni Harvey ang tatlong daliri, puno ng panunuya ang mga mata. “Tatlong libong piso. Three thousand pesos. Iyon lang ang halaga para mabili ang loob ng limang taong gulang na si Rhena.”Bumagsak ang kamao ni Kyline sa armrest ng upuan. “Harvey

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   160

    Pabigla-bigla ang lakad ng lalaki habang pumapasok sa Beastbourne Grounds. Basang-basa siya ng ulan, at ang tubig na tumutulo mula sa laylayan ng pantalon niya ay humahabol sa sahig, nag-iiwan ng bakas ng putik at lamig.Isang puting kidlat ang biglang tumama sa kalangitan at sa isang iglap ay naliwanagan ang mukha niya, maputla, halos wala nang dugo, at ang mga mata’y tila abo, puno ng desperasyon at kawalan ng pag-asa.Si Harvey iyon.Tahimik na sinulyapan ni Kyline ang orasan sa dingding. Alas-dose na ng hatinggabi. Napansin niya ang dugo sa sulok ng bibig ng lalaki at ang bahagyang linaw sa mga mata nito, na para bang batid na nito ang nangyayari sa katawan at isipan niya.“Forty minutes kang late,” malamig niyang sabi. “Mukhang nagsimula na ang epekto.”Pinunasan ni Harvey ang tubig ulan sa mukha niya. Sa mga mata niya, kumikislap ang dilim at pagnanasang pumatay. “Karen,” singhal niya, “ang tapang mo para itali ako sa isang ganitong klaseng hypnotic contract. Alam mo bang dahil

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   159

    Nang marinig niya ang salitang Beastbourne Grounds, biglang nanlaki ang mga mata ni Harvey. Dalawa lang ang kahihinatnan niya roon, mamatay, o muling ikulong sa madilim na basement habang-buhay.Napaurong siya sa sahig, yakap ang sarili, nanginginig sa takot. “Hindi pwede… imposible. Hindi ako babalik sa Beastbourne Grounds!”Naguluhan si Alonzo. “Sir Harvey, kumalma kayo. Tatawag ako ng doktor.” Mabilis niyang pinindot ang nurse bell at humingi ng tulong.Ngunit bago pa man dumating ang doktor, dalawang malinaw na tunog ng kampana ang umalingawngaw.Pumatak ang hatinggabi. Sa sandaling iyon, opisyal na nagkabisa ang kontrata ng hipnosis.Parang may sariling bigat ang tunog ng kampana, umiikot sa hangin, saka pasimpleng pumasok sa isipan ni Harvey sa pamamagitan ng kanyang mga tainga. Sa susunod na segundo, sa harap ng takot ni Alonzo, ang lalaking kanina lang ay nanginginig sa sahig ay biglang tumayo.Mekanikal ang galaw niya, parang isang manikang kinokontrol. Diretso ang tindig, e

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status