Share

4

Author: Hadara
last update Last Updated: 2025-09-19 16:18:01

Habang nakatingin si Shawn sa babae, hindi niya maiwasang maalala ang nakaraan, si Karen na nakaluhod sa harap niya, mahigpit na humahawak sa laylayan ng kanyang pantalon, umiiyak nang buong kababaan.

"Shawn, please, love me. Kahit konti lang…"

Nang bumalik siya sa wisyo, nakita niya ang malamig na mukha ni Kyline. Ang tinig ng lalaki ay seryoso at matatag na parang hindi na niya kayang baguhin.

"Even if you do it, I can’t love you." Mahina niyang banggit.

Kalmado ang mga mata ni Kyline, puno ng hiwaga na parang walang hanggan ang lalim. "I don’t want your love, Shawn," saad niya.

Sa paningin ni Shawn, ang ngiti ng babae ay may masamang intensyon. Bahagyang kumunot ang kanyang noo, naaalala ang huling gabing may nangyari sa kanila.

"Shawn, I want you to grant me a wish. At kapag sinabi ko na, hindi mo puwedeng tanggihan ang kondisyon ko," walang emosyong sabi ni Kyline.

Kumunot ang noo ni Shawn pero hindi siya nagsalita, inantay niya lang kung ano pa ang sasabihin ni Kyle.

Alam ni Kyline kung gaano kakilala ni Karen si Bernard, ang kanilang ama. Isang negosyanteng pera at interes lang ang nakikita. Kahit sabihin nitong bibigyan si Jonas ng malaking proyekto na nagkakahalaga ng sampu-sampung milyon, gaano ba iyon kapani-paniwala? Kaya balak niyang gamitin ang pagkakataong ito para sa sariling kapakanan, para matulungan si Jonas na magkaroon ng puhunan at makapagsimula ng negosyo.

Nakatitig si Shawn sa babaeng nakaharap sa kanya, halatang puno ng panunukso at pangungutya ang kanyang mga mata.

"I can grant your wish," malamig na sabi ni Shawn, "pero may tatlong kondisyon ako. Una, hindi dapat konektado sa akin ang wish mo. Pangalawa, hindi mo pwedeng saktan si Rhena. At pangatlo, hindi ka pwedeng umalis sa Constantino."

Naguluhan si Kyline. Kung galit at ayaw talaga ni Shawn kay Karen, bakit hindi siya makipag-divorce? At bakit hindi siya puwedeng umalis sa Constantino? 

Ngunit hindi niya pinahalata ang pagdududa at hinayaan na lang.

Dahan-dahan niyang iniikot ang tingin at tumigil sa pigura ni Rhena na naka-nightdress. "Okay," ani niya, "pero walang ibang dapat na nandirito habang ginagawa ang hypnotherapy."

Alam ng lahat kung gaano kabigat ang ibig sabihin ng mga salitang iyon.

Nagkukunwaring nag-aalala si Rhena, mariing pinisil ang kanyang mga kamay at umiling. "I won’t make a sound, it won’t affect your hypnosis. I’m just worried about Shawn."

Napangisi si Kyline at hindi napigilang tumusok sa punto. "If you are really worried, then stop wasting time with this favor."

Halos maiyak si Rhena. "Karen, how can you say that? I’m not trying to gain Shawn’s favor, I’m really worried about him…"

Ngunit imbes na makuha ang simpatya ng lalaki, lalo lang siyang nakaramdam ng pagod. Wala na siyang lakas para sa mga luha ni Rhena. "Rhena, you go back and rest first," mahinang utos ni Shawn.

Kahit labag sa loob, wala nang nagawa si Rhena kundi lumabas. Bago siya lumisan, sinigurado niyang ipinakita ang kanyang “pag-aalala” at “pagmamahal,” halos umaarte pa ng sobra.

Umikot ang mga mata ni Kyline at walang pakialam na isinara ang pinto nang malakas.

Pagkatapos ay nagbukas siya ng aromatherapy para sa pagtulog, nagsindi ng kandila, at pinatay ang ilaw. Umupo siya sa gilid ng kama, dala ang isang pocket watch.

Habang papalapit siya, bigla siyang hinawakan ni Shawn sa pulso.

"Kyline," mariin nitong banta, "you’d better pray na effective yang mga tricks mo. Otherwise, you’ll pay for your arrogance."

Hindi niya pinansin ang sinabi ng lalaki. Matapos niyang alisin ang kamay mula sa pagkakahawak nito, marahan niyang iniwagayway ang pocket watch.

"Now, you need to focus on the pocket watch in my hand."

Lumipas ang ilang minuto. Mahigpit pa rin ang ekspresyon ni Shawn, at hindi man lang siya mukhang inaantok. "Kyline, you—"

Hindi pa niya natatapos ang sasabihin nang bigla siyang patigilin ng malambot na kamay na tumakip sa kanyang labi. Bahagyang umiling si Kyline at pinabilis ang pag-ikot ng pocket watch.

Ang tinig ng babae ay tila may dalang mahika, malambing at nakakabighani. "Shawn, ngayon, makakaramdam ka ng pagod…”

Noong una, pinagtawanan niya lang sa isip ang ginagawa ng babae. Pero hindi niya inaasahan na kasabay ng mahihinang salita, may kakaibang samyo siyang naamoy, isang bango mula sa katawan ni Kyline.

At doon niya naramdaman ang bigat ng antok. Ang kanyang mga mata ay unti-unting bumigat, at kahit anong pigil, para bang hinihila siya ng amoy at ng tinig ng babae.

Napatingin siya sa mga daliri nitong nakatakip pa rin sa kanyang labi. Naamoy niya ang bango nito.

Hindi niya naiwasang bumulong, "Come closer."

Hindi malinaw na narinig ni Kyline ang sinabi, kaya bumulong siya malapit sa tainga ng lalaki. "What?"

Sa isang iglap, hinila siya ni Shawn papalapit, at diretsong dinala sa kanyang mga bisig.

Sa sandaling iyon, bahagyang nakabukas ang robe ni Shawn, lumitaw ang makisig na dibdib at malinaw na linya ng kanyang abs. Hindi inaasahan ni Kyline na mahulog siya sa bisig ng lalaki, at agad siyang nagpumiglas. Napatingala siya at nagulat.

"Shawn, what are you doing!"

"Don’t move," malamig ngunit may halong pagod ang tinig ng lalaki. Hindi niya itinulak si Kyline gaya ng dati, sa halip ay mas lalo pang lumapit upang langhapin ang banayad na amoy ng lavender mula sa leeg ng babae. Unti-unti, ang pagod sa kanyang malamig na mga mata ay lumalim, hanggang sa tuluyan siyang nakatulog habang yakap si Kyline.

"Shawn?" mahinang tawag ni Kyline. Ilang ulit niya itong sinubukang gisingin, ngunit nang mapansin niyang hindi ito tumutugon, pinilit niyang kumawala.

Subalit biglang kumunot ang noo ng lalaking natutulog, at ang madilim na aura na lumabas mula sa kanyang katawan ay agad nagdulot ng matinding takot. 

Para kay Kyline, kahit hindi pa gising si Shawn, ang presensya niya ay mas nakakatakot kaysa sa gising na anyo nito.

Nanlamig ang buong katawan ni Kyline at napatigil. Ang kanyang instinct bilang isang hypnotist ay nagsabi sa kanya na kung aalis siya nang walang pahintulot at maistorbo ang tulog ni Shawn, tiyak na mas masahol pa ang kahihinatnan niya kaysa sa kamatayan.

Huminga siya nang malalim at napilitan siyang manatili sa tabi ng lalaki, hinayaan niyang mahigpit itong kumapit sa kanyang palad. Habang nakaupo, kinuha niya ang cellphone upang i-record ang pagtulog ni Shawn.

Pagbukas ng screen, may lumabas na notification. Isang “mysterious group” ang naglabas ng proyekto na nagkakahalaga ng sampu-sampung milyon, at nakipag-collab sa isang maliit na studio. Agad na pumasok sa isip niya si Jonas.

Hindi sinira ng kanyang ama ang pangako. Ang “mysterious group” na iyon ay walang iba kundi ang Gonzaga Legacy.

Mayamaya, may sumunod na notification na nagmula sa kanyang I*, si Jonas ang nag-chat. "Are you there? Let’s meet tomorrow."

Napatingin si Kyline sa screen, may halong pagtataka. Noon, palaging “baby” ang tawag sa kanya ni Jonas sa bawat mensahe. Pero ngayon, pakiramdam niya, ang layo na nilang dalawa.

Muli na namang tumunog ang notification. Isa pang mensahe mula kay Jonas. "I have something very important to tell you."

Napakagat-labi si Kyline. Mahigpit na bilin ng kanyang ama na huwag na huwag muna siyang makikipagkita o makikipag-ugnayan kay Jonas, upang hindi mabunyag kay Shawn na hindi siya si Karen.

"Important? Could it be… Jonas wants to propose?" bulong niya sa sarili, at napasinghap habang tinatakpan ang kanyang bibig. Naalala niya ang pangako ng lalaki, noong araw na mahigpit siyang niyakap at sinabing pakakasalan siya kapag nakapagsimula na ng negosyo. Ang pananabik at kislap sa mga mata ni Jonas noong araw na iyon ay malinaw pa rin sa kanyang isipan.

Ngunit agad ding napalitan ang tuwa ng lungkot at guilt.

Siya at si Shawn ay pinaglaruan ng kanyang ama, at dahil sa isang gabi ng kalokohan, hindi alam ni Jonas ang totoo. Sa dulo, siya at si Karen ay parehong mga pawn lamang sa chessboard ng kanilang ama. Marahil, lahat ng paghihirap na nararanasan niya ngayon ay naranasan din ni Karen noon.

Mariing kinagat ni Kyline ang labi at nagpasya na magiging tapat siya. Nag-reply siya kay Jonas. "Okay."

***

Kinabukasan, maagang nagising si Kyline at maingat na umalis mula sa gilid ng kama. Ngunit pagbukas niya ng pinto, agad niyang nadatnan si Rhena na nakatayo sa labas. Halata sa mukha nito ang pagkapuyat. namumugto ang mata, may dark circles at eyebags, at puno ng selos ang tingin.

"Karen!" singhal nito, "it takes a whole night just to hypnotize sleep? What did you and Shawn do inside?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   153

    Nang marinig ni Aling Judy ang salitang “dalhin ang bata,” unti-unting bumitaw ang bigat sa dibdib niya. Sa wakas, kahit papaano, ligtas si Kyline, kahit pansamantala lang.Pagkaalis ng sasakyan sa paningin niya, agad na lumapit si Jemma. “Aling Judy, kumusta?” puno ng kaba ang tanong nito.Napabuntong-hininga si Aling Judy at bahagyang tumango. “Tagumpay ang plano. Dinala siya pabalik sa Constantino para ‘magbuntis.’ Ibig sabihin, sa susunod na mga buwan, hindi muna siya ikukulong o ipapadala sa water prison.”Saglit siyang tumahimik, saka sinipat si Jemma nang may halong pagtataka. “Pero paano mo nagawa?” tanong niya. “Tatlong test, urine, blood, at ultrasound. Pa

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   152

    Sabay-sabay silang lumapit sa nurse.Hindi pa man ito nagsasalita, nauna na si Shawn. Bahagyang nanginginig ang boses niya, kahit pilit niya itong itinatago. “Hindi siya buntis… tama?”Sa sandaling iyon, ayaw niyang marinig ang salitang oo. Ayaw niyang mabuntis si Kyline, lalo nang magdala ng anak niya.Hindi napansin ng nurse ang pagbabago ng tono niya. Inabot nito ang test results at ngumiti. “Congratulations, sir. You’re going to be a father.”Parang may malakas na pagsabog sa loob ng ulo ni Shawn.Nanlaki ang mga mata niya, mabilis niyang kinuha ang mga papel at isa-isang sinuri. Urine test, positive. Blood test, positive. Ultrasound, positive.Wala nang pagdududa.Buntis si Kyline. At anak niya ang dinadala nito.Sa gilid, namutla si Kyline. Napahawak siya sa rail ng upuan, parang nawalan ng lakas ang mga tuhod. Paulit-ulit siyang umiling, nanginginig ang mga daliri.“Hindi puwede,” mahina ngunit desperado ang tinig niya. “Impossible ‘to. May mali sa resulta. I want a re-test.”

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   151

    Agad ibinuka ni Jemma ang mga braso at hinarangan si Kyline, buong tapang na humarap kay Shawn na papalapit nang papalapit.“Sir,” nanginginig ngunit matatag ang boses niya, “kakagising lang po ng Madam. Please, bigyan n’yo po siya ng oras para makabawi.”Takot si Jemma, takot na ang sadya ng pagdating ni Shawn ay para ipalagay agad si Kyline sa water prison.Huminto si Shawn ilang hakbang ang layo. Marahan niyang isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon ng suit. Ang tingin niya’y malamig at matalim, parang kayang tumagos sa balat.“Umalis ka,” malamig niyang utos.Napakagat-labi si Jemma, ayaw sanang gumalaw. Ngunit hinawakan ni Kyline ang kanyang kamay at marahang umiling.“Okay lang ako, Jemma,” mahina niyang sabi. “Huwag kang mag-alala.”Alam ni Kyline na limitado ang pasensya ni Shawn. Kapag sinuway pa siya ni Jemma, baka siya pa ang mapahamak. Wala nang nagawa si Jemma kundi umatras.Lumapit si Shawn.Sa isang iglap, mahigpit niyang sinunggaban ang pulso ni Kyline at itinula

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   150

    Bahagyang nagulat si Cherry nang makita si Jessa. “Jessa? Bakit nandito ka?”Hindi napigilan ni Jessa ang sarili. Tinulak niya ito palayo, halatang pigil ang galit. “Sa tingin mo, bakit?” singhal niya. “Tinawagan kita nang ilang dosenang beses. Nag-message ako nang paulit-ulit. Wala kang sagot. Akala ko may nangyari na sa’yo!”Halos manginig ang boses niya. Sa sobrang pag-aalala, ginamit niya ang phone locator para mahanap si Cherry,at dito siya dinala ng kaba niya, sa ospital.Pero pagdating niya, iba ang bumungad.Magkatabi si Cherry at si Rhena. Masyadong magkalapit. Masyadong intimate. Hindi malinaw sa malayo kung ano ang ginagawa ng dalawa, pero sapat na ang itsura nila para manikip ang dibdib ni Jessa.Napatingin si Cherry sa cellphone niya. Punô ito ng missed calls at messages. Tahimik niya itong ibinalik sa bag, saka sumagot nang walang emosyon. “Busy ako kanina. Hindi ko napansin.”Parang binuhusan ng gasolina ang sagot na iyon. Sasabog na sana si Jessa, nang biglang may nap

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   149

    Biglang tumigil ang boses ni Shawn.“Oo.” Muling tumigas ang mga mata niya, walang kahit anong pag-aalinlangan sa sagot. Kahit pa buntis si Kyline ng anak niya, ipapadala pa rin niya ito sa water prison.Namutla si Ronald. “Sir Shawn—”Hindi pa man siya tapos, malamig nang nagsalita si Shawn. “Hindi ko hahayaang ipanganak niya ang anak namin. Kung sakaling buntis nga siya, I’ll do it myself… ipapatanggal ko.”Hindi maaaring isilang ang batang iyon. Kapag ipinanganak pa, pasanin lamang nito ang galit, kasalanan, at dugo nilang dalawa. Mas magiging malupit lang ang mundo para sa batang iyon.Gusto pang magsalita ni Ronald, ngunit itinaas ni Shawn ang kamay para pigilan siya. “Tama na. Huwag mo na siyang ipagtanggol. Desidido na ako. Walang makakapagbago nito.”Samantala sa ospital, matapos ang agarang operasyon ng kilalang doktor, tuluyang nailigtas si Kyline sa bingit ng kamatayan at inilipat sa ordinaryong kwarto. Hindi umalis si Jemma sa tabi ng kama. Mahigpit niyang hawak ang kamay

  • The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire   148

    Hindi maiwasang maalala ni Aling Judy ang mga nobela at teleseryeng napanood at nabasa niya noon. Napabulong siya, halos kausap ang sarili. “Paano kung… nawala ang Madam at may ibang pumalit? O mas matindi… napalitan siya ng ibang tao?”Hindi na pinansin ni Jemma ang mga hinala niya. Para sa kanya, hindi mahalaga kung sino talaga ang amo nila ngayon. Ang mahalaga lang ay ito ang taong minsang sumagip sa kanya, ang taong lumitaw na parang liwanag sa gitna ng panganib.“Aling Judy,” mariing sabi niya, “kailangan nating iligtas ang Madam. Kapag nakulong siya sa water prison, siguradong kamatayan ang kahahantungan niya.”Napahawak sa noo si Aling Judy, halatang wala nang maisip. “Gusto ko rin siyang iligtas,” mabigat niyang sagot. “Pero ngayon, ibininta

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status