Share

Chapter 5

Author: Pxnxx
last update publish date: 2026-08-08 00:16:05

THAT BRUTE! Wala yatang magawa sa buhay at palagi akong pinag-iinitan. Manigas siya kakaantay sa akin! Akala mo'y isang hari kung makapag-utos! Anong akala niya sa akin, isang aliping nabili niya sa kung saan?!

Inis na lumabas ako ng kuwarto at hindi sinunod ang utos ni Yvo na mag-impake na. The hell! Dito pa lang nga sa bahay nila Tita hindi na ako halos makagalaw at makaarte ng maayos tapos ngayon doon niya ako papatirahin sa condo niya?! Ano naman bang balak niya sa akin? Papaluhurin sa isan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Substitute   Chapter 5

    THAT BRUTE! Wala yatang magawa sa buhay at palagi akong pinag-iinitan. Manigas siya kakaantay sa akin! Akala mo'y isang hari kung makapag-utos! Anong akala niya sa akin, isang aliping nabili niya sa kung saan?!Inis na lumabas ako ng kuwarto at hindi sinunod ang utos ni Yvo na mag-impake na. The hell! Dito pa lang nga sa bahay nila Tita hindi na ako halos makagalaw at makaarte ng maayos tapos ngayon doon niya ako papatirahin sa condo niya?! Ano naman bang balak niya sa akin? Papaluhurin sa isang bilaong munggo habang may tiglilimang libro sa magkabilang kamay? Gagawin niya ba iyon para lang makaganti o para mapaamin ako?"Hija? Bakit hindi ka pa nag-aayos? Baka mainip si Yvo sa sala." sabi ni Tita Theresa nang masalubong ko siya sa labas ng kuwarto."Mom, ayaw kong umalis dito." Sabi ko at umarte na parang nagpapaawa. "Hindi pa ako magaling kaya kailangan ko ng pahinga. Kung sasama ako kay Yvo—.""Maalala mo ang lahat kung sasama ka sa akin." Biglang nagtayuan ang aking mga balahibo n

  • The Substitute   Chapter 4

    NANG makapasok sa loob ng bahay ay kaagad akong binitiwan ni Yvo. Walang tao sa sala maliban sa aming dalawa. Ang mga katulong ay nasa kusina't abalang nagtatrabaho. Ang ibang bisita nama'y nasa labas at ini-enjoy ang salu-salong nagaganap."Masakit ang ulo o may balak kang umalis gaya nang lagi mong ginagawa?" Patuyang sabi sa akin ni Yvo habang nakatitig siya sa akin nang malamig."Hindi ko alam ang sinasabi mo. Totoong masakit ang aking ulo lalo na nang makita kita." Malamig ko ring sabi sabay martsa paakyat sa kuwarto. Naiinis ako sa sobrang sama ng ugali ni Yvo. Siguro ay ganoon lamang siya dahil sa naramdamang pagkapahiya noong iwan ni Jia. But I still hate him, damn!Wala pa man ako sa kalagitnaan ng malaking hagdan ay kaagad na akong hinila ni Yvo para pigilan sa pag-akyat. Muntik na akong mahulog kung hindi lamang mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin."Talagang itinutuloy mo ang pag-arteng walang alam?" Matalim ang tinging tanong niya sa akin."Sabihin mo na ang gusto mong

  • The Substitute   Chapter 3

    Puno ng paghangang inilibot ko ang tingin sa malawak na hardin ng mga Montecarlo. Noon pangarap ko lamang ang makapunta sa ganito. Malawak na hardin, malaking bahay, sariling kuwarto at mga gamit na ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaroon ako."Pansamatala lang naman." patuya kong sabi sabay buga ng inipon na hangin sa dibdib.Everything that Jia has are impossible for me to have. I mean, I know someday that I can also have all of these but not as quick as Jia can.Madali niyang makamit ang gusto niya samantalang ako'y kailangan pang magbanat ng buto. Ang malala pa'y kailangan ko ring kumapit sa patalim para mabuhay. Na siya na ngang ginawa ko na naging dahilan ng kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay."I won't force you to remember us. But I want you to know that we're here to help you." Narinig kong sabi ni Tita Theresa mula sa katabi kong upuan. Kasama ko kasi siyang nagpapahangin dito sa garden.Isang linggo na ang nakakalipas simula nang dumating ako sa bahay na ito. I

  • The Substitute   Chapter 2

    Tuloy-tuloy akong naupo sa mahabang sofa nang makapasok kami sa bahay nila Jino. Hindi pa rin mawala ang kabang nararamdaman ko lalo na nang makita ko ang mga magulang ni Jino na pababa ng hagdan.Both gorgeous. His mother's wearing a white blouse and faded skirt na lagpas tuhod. No accessories. Sa unang tingin ay iisipin mong dalaga pa ito dahil sa pagdala ng sarili. While Jino's father was wearing a plain black shirt and jeans. Simple pero sumisigaw pa rin ng karangyaan ang kanilang hitsura. I bet mahihiyang tumabi sa mag-asawang ito ang ilang love-team sa telebisyon."Mom, Dad." sabi ni Jino bago siya humalik sa mga magulang. Hindi naaalis sa akin ang tingin ng mag-asawa. Pansin ko ang kaseryosohan sa kanilang mukha.Marahan akong napatayo nang makalapit na ang mga ito sa aking puwesto. Mas lalo palang nakakakaba kapag kaharap na ang mga ito."Uh, hell—," Malakas akong napasinghap nang malakas na tumama sa aking pisngi ang palad ng ina ni Jino. Pakiramdam ko'y bumakat ang palad nit

  • The Substitute   Chapter 1

    Tahimik na nakatitig sa akin si Tatay at Lemuel habang nag-aayos ako ng mga gamit. Nakakakaba ang mga tinging ipinupukol nila sa akin. Parang ano mang oras ay kakainin nila ako ng buhay."Ano bang trabaho ang pinasok mo at kailangan pang umalis tayo rito sa bahay?" Tanong sa akin ni Tatay. Napansin ko ang biglang paggalaw ng mga mata niya. Inilibot ni Tatay ang tingin sa loob ng aking kuwarto. Para bang may hinahanap itong kahina-hinala sa paligid."Personal Assistant po ako ni Jino." Maikli kong sagot bago ko isinarado ang zippers ng aking bag."Bakit kailangan pang makita niya ang mga pictures mo ate?" tanong naman ni Lemuel.Bakit ba ang daming tanong ng mga ito? Hindi ba nila nahahalatang hindi ko kayang sagutin ang mga iyon?Naglakad ako palabas ng kuwarto dala ang bag kong naglalaman ng ilan kong mga damit. Inilapag ko iyon sa aming sofa bago tumungo sa kusina para uminom."I don't know. Maybe he wants to make sure na mapagkakatiwalaan talaga ako." Sagot ko na lamang dahil hindi

  • The Substitute   Prologue

    Inhale.Exhale.Ilang beses kong sabi sa sarili habang nakatingin sa repleksiyon ko sa malaking salamin. I am in the washroom of one of the most popular hotel in our town.Mabilis kong pinahid ang nagkalat na lipstick sa aking labi at pisngi dahil sa ginawang paghalik sa akin ni Mr. Ocampo. Ang business man na siyang nakabili sa akin sa isang auction. Inayos ko rin ang maiksi kong damit na halos ilabas na ang mga pinakatatago kong mga kayamanan. Pati ang aking buhok na minsang nahablot ni Mr. Ocampo nang pumalag ako sa paghalik niya sa akin.Nakakadiri at nakakababa mang sabihin ay isa ako sa mga babaeng kumakapit sa patalim maiahon lamang ang pamilya sa kahirapan. I am one of those girls na handang ibigay ang lahat para sa kinabukasan ng pamilya.I'm living with my father and my younger brother sa isang konkretong bahay hindi kalayuan sa hotel na ito. Tatlo na lamang kami sa pamilya dahil ang aking nanay ay pumanaw na sa sakit na cancer sa dibdib. Wala kaming pera kaya hindi napagamo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status