MADALING araw, hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang akong nagising. Saglit pa akong nahiga bago nagpasyang bumangon. Kailangan ko ng tubig. Mag-aalas kuwatro pa lang pala, pero ang diwa ko gising na gising na. Marahil ay dahil iyon sa nananakit ko pa ring pisngi. Napakalakas ba naman ng pagkakasampal sa akin ng anak ni Manang Salve na si Mara. Walanghiya, kapag talaga napuno ako, hindi lang sampal ang aabutin nila sa akin. "Kontrabida na kung kontrabida, basta gaganti ako." Mahina kong bulong habang pababa ng hagdan. "Kanino?" Isang matinis na tili ang pinakawalan ko nang marinig ko ang boses ni Yvo. Saglit na nanginig ang mga tuhod ko na siyang naging dahilan kung bakit ako napaupo sa baitang ng hagdan. "Oh, I'm sorry. I didn't mean to star—." "Ayos lang ako, nabigla lang." Agap ko sa paghingi niya ng tawad. "Bakit gising k
Last Updated : 2026-08-11 Read more