Disyembre 10, 1481...
Hinirang na bagong Supremo si Atcandis, anak ng Supremo na si Luwis at ang Inang Reyna na si Alyada sa Kaharian ng Sarsul, ang pungad ng mga itim na mga Bampira. Si Atcandis ang panganay na anak ng mag-asawa.
"Mabuhay ang bagong Supremo ng mga itim!" Itinaas ni Luwis ang kaniyang kanang kamay habang hawak ang kamay ng kaniyang anak.
Nagsigawan at nagpalakpakan ang madla at agad na narinig ang tunog ng mga trumpeta at kalabog ng mga tambol.
"Mabuhay si Supremo Atcandis!" Sigaw naman ng kaniyang dalawang kapatid na sina Prinsipe Alli at Prinsipe Rowan na kapwa mga negosyante na at may kaniya-kaniyang mga pamilya.
"Mabuhay!" Sigaw ng mga madla at isa-isang nagsiyukod upang magbigay-pugay sa bagong nahirang na Pinuno.
Nang maisilang ang kanilang panganay ay nakikitaan na nila ito ng potensyal upang maging mabuting pinuno. Si Atcandis ang ikawalong Prinsipe na nakatala sa kasaysayan ng mga itim na bampira. Nang araw na ring iyon ay nagluwal ang kaniyang kabiyak sa pangalawa nilang supling na isang lalaki. Doble ang naging selebrasyon kung kaya't walang paglagyan ang galak ng kanilang mga kalahi.
"Bakit hindi ngumingiti si Zumir, Ama?" Tanong ng panganay na anak ni Atcandis na si Asmal.
"Marahil ay hindi pa niya alam kung paano?Hahaha," natatawang sagot naman ng kaniyang Ina.
"Kung ganoon ay ako ang magtuturo sa munting Prinsipe na ito kung paano ngumiti," nagagalak na sambit ni Asmal.
Anim na taong gulang si Asmal ng isilang ang kaniyang nakababatang kapatid. Palagi niyang pinapaalala sa ama na wala siyang interes sa trono at gusto niya lamang maglakbay at palaguin ang kanilang negosyo. Nais niyang si Zumir ang maging Supremo kasunod ng kaniyang ama.
"Kay gwapong sanggol!" ani Sabel, ang isa sa mga komadrona na nagpaanak kay Zenya, ang asawa ni Atcandis.
Tumingin sa kaniya ang sanggol, walang kangiti-ngiti sa mukha kaya napaigtad ang babae sabay tawa ng mapakla.
"Nakakatakot naman ho ang inyong tingin, Mahal na Prinsipe," naasiwang sabi ni Sabel.
Nagtawanan sila Supremo Atcandis, Zenya, at si Asmal.
Binuhat ng Supremo ang sanggol at pinakatitigan itong mabuti at nagpakawala siya ng ngiti na kay tamis.
"Nararamdaman kong ikaw ang siyang maghahari sa mundo anak, nararamdaman ko ang kakaibang awra na bumabalot sa iyong pagkatao," mahinang sambit ng Supremo.
Tila naintindihan ng munting Prinsipe ang sinabi ng ama kung kaya't nagmulat ito ng mga mata at direstong tumingin sa mga mata ng Supremo. May kakaibang naramdaman ang Supremo sa mga mata ng anak nang bigla itong nagkulay pula at ilang segundo lamang ay naging kulay itim na.
Nakahiga ang kaniyang mahal na asawa dahil kakapanganak lamang nito. Hinalikan niya ito sa noo at hinaplos ang ulo. Alam niya na hindi madali ang magluwal dahil makailang beses na niyang nakita ang kaniyang ina noon na nagluwal sa kaniyang dalawang nakababatang kapatid.
"Ama? Maaari ko po bang buhatin si Zumir? Nais ko pong maramdaman siya sa aking mga braso," pakiusap ng nakakatandang Prinsipe sa Amang Supremo.
"Oo naman, Asmal. Maaari mong buhatin ang munting Prinsipe," nakangiting sabi ni Zenya.
Bakas ang galak sa mukha ni Asmal at dahan-dahan na binuhat ang nakababatang kapatid. Inilapit niya ito sa malaking bintana ng kwarto ng kaniyang mga magulang at tiningnan ang maaliwalas na kalangitan at magandang panahon. Napasulyap din siya sa kulay asul na karagatan na sobrang payapa kung pakatitigan.
Napatingin naman si Asmal sa kaharian ng mga puti na may bandilang puti sa pinakatuktok. Sinasayaw ng ihip ng hangin ang bandila sa itaas habang ang mga mamamayan sa lahing iyon ay payapang namumuhay.
"Iyan ang kaharian ng mga puti na ating mahigpit na katunggali simula pa noong umusbong ang mga nilalang na katulad natin. Alam mo ba kapatid ay hanggang ngayon hindi ko pa rin malaman-laman kung saan nag-uugat ang kanilang galit sa atin gayong ang pagkain ng laman ng tao at pagsipsip ng kanilang mga dugo ay ginagawa rin naman nila. Hindi ko rin alam kung ano pa ang mga dahilan upang tayo ay kanilang kamuhian," mahabang sabi ng Prinsipeng si Asmal at bumuntong hininga.
Hindi naririnig ng kanilang mga magulang ang kanilang pinag-uusapan dahil malayo ang higaaang kama mula sa malawak na bintana na tinatayuan ni Asmal.
Napatingin si Asmal sa kaniyang kapatid at nasalubong niya ang matatalas nitong mga titig. Nagkulay pula ang mga mata nito na agad din namang naging itim. Kakaiba ang awra ng sanggol na kahit titigan lamang ay mapapatayo na nito ang balahibo ng kung sino mang makatitigan.
"Asmal? Anak, oras na upang painumin ng gatas ang iyong kapatid." Tawag sa kaniya ng kaniyang ama.
"Opo, nariyan na." Sagot niya at naglakad na papalapit sa kaniyang mga magulang.
Nang makitang umiinom na ng gatas ang kaniyang kapatid ay nagpaalam siya sa kaniyang mga magulang na bababa upang makipaglaro sa kaniyang mga pinsan na kapatid ng kaniyang ama.
Maingat ang bawat hakbang ng Prinsipe nang tahakin niya ang hagdan pababa. Napangiti siya nang makita ang kaniyang ibon na si Owwa na nakaabang sa hagdan na kaniyang bababaan.
"Kumusta, Owwa? Ikaw kumain na ba?" Tanong ng Prinsipe.
Lumapit ito sa kaniya at tumango. Ginamitan nila ng kakaibang mahika ang ibong si Owwa upang makapagsalita, at makaitindi. Tuso ang kaniyang alaga na para na ring tao kung mag-isip.
"Busog na busog po ako kamahalan sa handog na ibinigay ng inyong ama." Sagot ng ibon.
"Nais mo bang masilayan ang aking kakasilang lang na kapatid?" masayang tanong ni Asmal.
"Marahil ay mahimbing na natutulog ang munting Prinsipe ngayon, Kamahalan," magalang na sambit ng ibon.
"Kapag naggising na siya ay ipapakita ko sa iyo ang aking kapatid upang makasanayan niya ang iyong presensiya ng sa gayon ay magkalapit din ang inyong mga loob gaya nating dalawa." Sabi ni Asmal.
Naglakad siya papalapit sa kaniyang mga pinsan habang ang kaniyang ibon ay nakasunod naman sa kaniya. Nasa edad walo hanggang sampu na ang kaniyang mga pinsan na pareho rin niyang mga kasundo.
"Mangangabayo kami sa kapatagan, Asmal!" Sambit ni Hara, ang babae niyang pinsan na may mahabang buhok.
"Hindi maaari sapagkat ang lupaing iyon ay sakop sa balwerte ng mga puti, hindi ba?" Kunot noong sabi ni Asmal.
"Maaaring magpunta roon. Takot naman ang mga puti sa'tin hahahah." Sagot ni Hara at nagtawanan sila ng iba pa niyang mga pinsan.
"Hindi ako maaaring sumama baka ay pagalitan ako ni, ama," mahinang sagot ni Asmal.
"Mahina ka pala eh, takot ka siguro sa mga puti!" Sabat ni Juzar at nagtawanan silang muli.
"Hindi ako takot!" Inis na sabi ni Asmal.
"Patunayan mo! Sumama ka sa'ming mangabayo," Sabi ni Juzar.
"Kamahalan, huwag po. Alam niyo kung gaano kinasusuklaman ng inyong ama ang taong hindi marunong sumunod," mahinang bulong ng ibon.
"Hindi niya ito malalaman, Owwa." Sagot ng Prinsipe.
Isa-isang nagsakayan sa kani-kanilang nga kabayo ang mga batang bampira na mula sa lahi ng mga itim. Nang marating nila ang malawak na lupain ay napalunok sila ng makita kung gaano kalulusog ang mga alagang hayop ng mga puti. Wala silang pinalampas na oras at agad na inatake ang mga hayop. Lumikha ito ng kakaibang ingay na pumukaw sa atensyon ng mga puti na payapa sanang nagta-trabaho sa mga oras na iyon.
"Mga itim na bampira!" Sigaw ng isang Ginang na mula sa lahi ng mga puti.
Siungod siya ng tatlong pinsan ni Asmal habang si Asmal naman ay nakatulala habang nakatayo, patuloy niyang pinapanood ang mga nangyayari sa kaniyang paligid.
"Kamahalan, humayo na tayo!" Sambit ni Owwa ngunit hindi sumama si Asmal.
Imbis na suwayin ang mga pinsan ay nakisala ang Prinsipe sa pakikipag-away. Hanggang sa nagsidatingan ang mga puti. Nakalabas ang mga matatalas nitong mga pangil, ang kanilang mga mata ay kulay dugo na at nakahanda ng kitilin ang mga itim na siyang gumambala sa kanilang mapayapang pamumuhay.
Walang sinayang na oras si Owwa at agad na lumipad pabalik ng Kaharian upang magsumbong. Naalarma ang lahat at agad na naghanda para sumugod.
Isang madugong labanan ang nangyari ng mapatigil ang lahat sa isang sigaw mula sa kalayuan.
"ASMAL!" Sigaw ng Supremo na si Atcandis.
Pulang-pula ang mga mata nito, matatalas ang mga kuko, at nakalabas ang matatalas na ngipin habang nakalipad sa ere. Nanginig sa takot ang mga puti at nagsitakasan pa bago maabutan ng Supremo ng mga puti.
"ASMAL!" Muling sigaw ng Supremo. Mas lalong nag-alab ang kaniyang galit nang makitang may iilang gasgas sa mukha ang kaniyang anak at gutay-gutay na ang kasuotan nito.
Agad na lumipad na parang papel sa ere ang Supremo at walang awang pinugutan ng ulo ang mga natitirang puti na nandoon pa sa mga oras na iyon.
"Hindi natin teritoryo ito, Kuya! Tayo'y lumisan na!" Sambit ni Prinsipe Rowan, ang bunsong kapatid ng Supremo.
Buhat ni Prinsipe Rowan ang walang malay niyang mga anak na sina Hara at Kaugi, habang si Prinsipe Alli naman ay buhat-buhat sa kaniyang balikat ang nanghihinang anak na si Juzar.
Matalim ang titig na nilisan ng Supremo ang lupain ng mga puti habang buhat si Asmal.
Hindi lubos maisip ng magpipinsan na kanilang pagsisisihan ang kanilang ginawang iyon dahil mahigit anim na buwan silang ibinilanggo sa ilalim ng lupa ng kanilang mga magulang upang magtanda sa kasalanang kanilang ginawa.
Dalawang taon silang hindi nakatikim ng laman ng tao, maging ang dugo ng mga ito. Nang makalabas sa bilanggoan ay pinagtrabaho sila mula umaga hanggang mag dapit-hapon. Labis nilang pinagsisihan ang panggugulo na kanilang ginawa.
Sa kabilang banda ay labis ang paghihinagpis ng mga puti dahil sa mga buhay na nasawi dahil sa ginawang pag-atake ng mga itim.
"Minamaliit nila tayo sapagkat alam nila na mas malakas, makapangyarihan, at kayang-kaya nila tayo," puno ng galit na sambit ni Savanna, ang Ina sa isa sa mga batang nasawi.
"Alam nila na kahit anong gawin natin ay hindi tayo mananalo laban sa kanila," wala sa sariling sabi ni Rosa, ang isa sa mga magsasaka na nawalan ng pangkabuhayan at asawa.
Narinig ng Supremong si Deon ang hinanakit ng kaniyang mga nasasakupan ukol sa pangugulo ng mga batang mga bampira na galing sa lahi ng mga itim. Masakit para sa kaniya na marinig iyon mula sa kanila kung kaya't kinabukasan ay nagpatawag siya ng pagtitipon.
"Lahat ng mga batang bampira ay ipapadala sa Timog upang sanayin ng mga mandirigmang mula sa ating lahi. Hindi maaaring hamakin lang tayo ng mga itim habang buhay!" matapang na sabi ng Supremo.
"May laban na ba tayo kung sakaling matuto sila Supremo? O maliitin na naman tayo dahil kahit pa man anong gawin natin ay talo pa rin?" Umiiyak na sabi ng isang Ginang na namatayan ng asawa.
"Magiging malakas tayo at malalampsan natin sila. Ang mga puting bampira mula sa Timog ay sinasanay ng mga mandirigmang mula sa lahi ng mga lubo at hindi alam ng mga itim na kumakampi sa'tin ang lahing iyon kung kaya't ito ang naisip kong paraan upang mapagtibay ang ating lahi nang sa gayon ay may laban na tayo sa mga itim! Sigaw ng Supremo.
Nagtanguan ang lahat ng mga puti at nagtaas ng kanilang mga kamao sa ere, senyales na umaayon sila sa plano ng Supremo.
Nang araw na iyon ay agad na ipinadala ang nga batang bampira sa timog upang makapagsimula nang magsanay. Dahil kaonti lamang ang bilang ng kanilang populasyon ay hindi hahayaan ng Supremo na malagasan silang muli nang dahil lamang sa mga traydor na mga itim. Klarong-klaro pa sa kaniyang isipan ang ginawang pangta-traydor ng lahing iyon sa kanila noong hindi pa pinaghiwalay at hinati sa dalawang lahi ang mga bampira.
Uhaw sa dugo at gahaman sa trono ang mga itim. Ang nais nila ay sila lamang ang mag hari at walang sino man ang may karapatan na pumagitna sa kanila o pumigil. Dahil mahihina ang mga puti ay napagdesisyon ng dati nilang Supremo na siyang mula sa lahi ng mga itim na hatiin sa dalawang lahi. Ang kayamanan ng mga puti ay inangkin ng mga itim kung kaya't sila ngayon ay may maraming salapi, at maraming koneksyon sa ibat-ibang panig ng mundo habang sila ay naiwang talunan, kawawa, at kinailangang kumayod nang kumayod upang mabuhay.
Hinding-hindi makakalimutan ni Supremo Deon ang lahat ng iyon kahit pa man mosmos pa lamang siya ng mga panahong nangyari iyon. Itinatak niya sa isipan na kung siya ang magiging Supremo balang araw ay palalakasin niya ang kanilang hukbo upang tuluyang mapuksa ang mga traydor at gahamang mga bampira.
Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULTila bumulong ang hangin kay Tandang Luela nang marinig mula sa 'di kalayuan ang iyak ni Prinsesa Amira. Iyak ng isang dagliang pagkapaslang. Nagkulay pula ang kaniyang mga mata, nagsilabasan ang mga ugat sa kaniyang mga braso at sa kaniyang leeg. "Saan ho kayo magtutungo?" Tanong ni Analya, isa sa mga dalagitang puti na nakapansin ng agarang pagtalikod ni Tandang Luela habang ang mga matatalas na paningin ay nakatingin sa isang direksyon."Siguraduhin niyo na mauubos ang lahat ng itim na naririto." Aniya, tinutukoy ang mga kalabang itim sa mga oras na iyon."Pero—" hindi na naggawang tapusin ni Analya ang sana ay sasabihin nang tumalikod na ang matanda.Sa isang iglap, gamit ang puting mahika ay narating ni Tandang Luela ang kinaroroonan nina Usban, Inang Reyna Zenya, at Reyna Zafi. Mas lalong nanlisik ang mga mata ni Tandang Luela nang makita ang pamilyar na bestida at balabal na prenteng nakakalat sa tuyong lupa. Ang kasuotan ni Prinsesa Amira ay n
Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULNapangisi si Prinsesa Amira nang makita sina Prinsesa Xesha, Reyna Safi, at Inang Reyna Zenya na nagmamadaling nagtatakbo nang makita sila. Bakas ang takot sa mga mata ng tatlo habang pumupuslit."Saan kayo magtutungo?" mala-hangin sa bilis na hinarang niya ang tatlo at isa-isang itinulak gamit ang palad na may puting mahika.Tumilapon si Prinsesa Xesha sa may batohan dahilan upang mabali ang kaniyang tadyang. Humiyaw ang Prinsesa dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman habang sinusubukang makatakas."Anak!" Sumigaw si Reyna Zafi at nilapitan ang kaniyanv anak. Akmang gagamitan ng mahika ni Prinsess Amira ang mag-ina nang biglaang tumakbo si Inang Reyna Zenya at humarang sa harapan ng dalawa."Ako na lamang ang iyong saktan, huwag na sila!" Sigaw ng Inang Reyna."Kamahalan, kayo ay umalis riyan." ani Reyna Zafi.Umiling lamang si Inang Reyna Zenya."Nilalamon ako ng aking konsensiya nang hayaan kong mamatay ang ating mga kasamahan, hinding-hindi ako nar
Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULNagharap sina Supremo Atcandis at Pinunong Harez. Parehong may mag matatalim na tingin sa bawat isa na may malalim na pinanghuhugutan. Unti-unting nagkukulay dugo ang mga mata ng Supremo, nagsilabasan ang mga naglalakihang ugat sa leeg at braso, at ang unti-unting pagtalim ng kaniyang mga kuko. Habang si Pinunong Harez ay nagsisimulang magkulay tanso ang mga mata, nanalim ang mga pangil, at ang dahan-dahang pagpapalit anyo bilang lobo."Hindi-hindi ko mapapatawad ang lahi ninyo, Atcandis. Tandaan mong gagawin namin ang lahat mabura lamang kayong mga itim sa buong kasaysayan ng mga bampira." galit na galit na sambit ni Pinunong Harez.Malamig na nakatingin si Supremo Atcandis sa Pinuno ng mga lobo habang parehong tinatangay ang mga kapa nila ng mahinay hampas ng malamig na hangin."Ang atraso ng aking mga ninuno ay hindi magiging akin, Harez. Hindi ako ang pumatay kay Savanna kaya wala kang dahilan upang—" hindi naggawang tapusin ni Supremo Atcandis ang
Taon 1805...KAHARIAN NG SARSUL...Malamig ang simoy ng hangin at nagbabadya ang pagbuhos ng malakas na ulan dahil sa senyales na makikita sa napakaitim na ulap. Nagkakagulo ang mga paniki sa himpapawid maging ang mga uwak ay kataka-takang nakikipagsabayan sa mga orihinal na mga ibong pang gabi.Nakatayo si Prinsipe Zaitan sa harapan ng dalawang-daang puting mga bampira. Isang daang kasapi ng mga dakilang lobo, mga diwata na iila lamang ang bilang maging ang mga sirena na dumayo pa sa lupa magmula sa kinailaliman ng karagatan.Handa na ang lahat sa digmaan at walang oras na dapat sayangin. Sa puntong ito ang tamang panahon upang mapatunayan sa lahat kung sinong lahi ang siyang matitirang buhay.Sa kabilang dako naman ay kapwa nakasuot ng itim na kapa at kasuotan ang mahigit isang libong lahi ng mga itim na mga bampira. Walang ibang mga kaalyansa at purong mga kalahi ang kakampi sa laban. Handa na ang lahat sa magaganap na digmaan sa pagitan ng kapwa bampira na pinagbuklod ng paniniwal
Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULLibo-libong mga itim na bampira ang nagtipon, bitbit ang kanilang mga armas, mga espada na kuminang sa ilalim ng maulap na langit at mga panang handang dumurog sa alinmang makalapit na kaaway. Pinangungunahan ang lahat ng Supremo Atcandis, kasabay ng dalawa niyang anak.Si Prinsipe Asmal, ang kasalukuyang Punong Heneral ng hukbo, at si Prinsipe Zumir, ang tagapagmana ng trono. Ang buong hanay ng mga kawal at maharlikang tagapagtanggol ay nakaposisyon sa malawak na bakurang bato ng palasyo, nakasuot ng makakapal at matitibay na kasuotang itim na tila sumisipsip sa liwanag, animo’y nagiging anino mismo ng gabi.Mabigat at makapangyarihan ang bawat hakbang ng Supremo nang siya ay tumindig sa harap ng libo-libong kawal. Itinaas niya ang kanyang espada, at mula sa dulo nito ay bumalot ang itim na liwanag na umalingasaw sa paligid.“Mga anak ng dilim,” malakas na sigaw ni Supremo Atcandis, ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa bawat pader ng kaharian, “ito an
Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG DOTIYANapapansin ni Prinsipe Asmal na iniiwasan siya ni Prinsess Xesha nitong mga nakaraang araw. Hindi man niya maamin, ngunit nangungulila siya sa mga masasayang araw kung saan payapa silang nagbabasa ng libro sa hardin, gumuguhit, at kumakain ng meryenda. Minsan ay napipilit siya ng dalaga na magtanim ng mga bulaklak na nauuwi sa pagbabangayan nila. Ngunit para kay Prinsipe Asmal ay hindi siya naiinis, mas natutuwa pa nga siya sa tuwing nakikita ang nakakunot nitong noo, magkasalubong na mga kilay, at namumulang pisngi."Ilang araw mo na akong iiniwasan, may nagawa ba akong mali, kamahalan?" Tanong niya habang nakatalikod ang Prinsesa sa kaniya, abala sa pagdidilig nga mga bulaklak na itinanim nila, ilang linggo na ang nakakalipas."Isang linggo na lamang ay ikakasala na ako, kamahalan... Hindi magandang tignan na nakikisalamuha ako sa mga binata, isa iyong hindi pag-respeto sa magiging kabiyak." Sagot ni Prinsesa Xesha habang patuloy na nagdidili