Disyembre 10, 1489...
Nakatanaw sa palasyo ng mga puti ang Supremong si Atcandis habang malalim ang iniisip. Ilang taon na niyang hindi napapansin ang mga puti na noon man ay kitang-kita ang pagta-trabaho nito sa malawak nilang lupain.
"Ano ang iyong iniisip, Mahal?" Tanong ni Zenya habang nakayakap sa likurang bahagi ng kaniyang asawa.
"Ako'y nagtataka sapagkat hindi ko na nasusumpungan ang mga puti." Sagot niya.
"Marahil ay naging mas maingat na sila dahil aa nangyaring gulo noon." Sagot ni Zenya at nagkibit balikat na lamang.
Maya-maya ay narinig nila ang boses ng kanilang anak na si Asmal na tinatawag sila ng paulit-ulit. Nagkatinginan silang mag-asawa at napagtanto na baka ay nakarating na ang kanilang mga panauhin na kanilang pinadalhan ng sulat sa tulong ni Owwa upang makidalo sa pagdiriwang ng kaarawan ni Zumir.
"Ama! Si Zumir po ay hindi pa nagbibihis!" Sumbong ni Asmal sa kaniyang mga magulang.
Akala ng mag-asawa ay nakarating na ang kanilang mga panauhin. Akmang magtutungo ang mag-asawa sa kwarto ng kanilang bunsong anak ng pigilan sila ni Asmal.
"Nandoon po siya!" Sambit ni Asmal sabay turo sa kaniyang kapatid na abala sa pakikipag-espada sa kanilang mga kawal.
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang mag-asawa nang makitang nakahandusay sa lupa ang mahigit sampung mga kawal habang ang isa ay hinang-hina na habang nakikipaglaban kay Zumir.
Presko itong gumagalaw habang nilalabanan ang kawal. Hindi napansin ng kawal na nasa likod niya na pala si Zumir at akmang gigilitan na siya ng leeg ng Prinsipe ng mahawakan ni Atcandis ang kamay ni Zumir na may hawak na espada.
"Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa?" mala-kulog ang boses na tanong ng kaniyang ama. Nabitawan ng walong-taong gulang na si Zumir ang bitbit na espada.
Naghihingalo ang kawal na muntik ng mamatay sa kamay ng munting Prinsipe.
"Saan mo natutunan ang mga iyon? Hindi pa iyon itinuturo sa iyo, hindi ba?" Tanong ng kaniyang ama.
Nakatitig lang sa kaniya si Zumir. Malamig ang pagkakatitig nito sa kaniyang ama, ang mga mata'y hindi kakikitaan ng kahit anong ekspresyon na animo'y nakatitig sa walang kwentang bagay.
"Paumanhin, Ama. Hindi na po mauulit." Sambit ng bata.
"Diba sabi ko sa iyo ay magbihis ka na sapagkat paparating na ang mga panauhin? Kay tigas ng iyong ulo!" Sambit ni Asmal habang nakakrus ang dalawang braso.
"Ako'y magbibihis na." Tanging sabi ni Zumir at gumamit ng teleportasyon upang makarating agad sa kaniyang kwarto.
Naiwang tulala ang tatlo sapagkat nasaksihan nila ang ginawa ni Zumir.
"Saan niya natutunan iyon? Hindi pa itinuturo sa kaniyang ang teleportasyon sapagkat ang kaniyang lakas ay hindi pa sapat. Maaari niyang ikapanghina ang ginagawa niyang iyon! Ikaw ba, Asmal?" galit na tanong ni Atcandis.
Sa edad na labing-apat ay tinuturuan ang mga binatang mga bampira kung paano gamitin ang teleportasyon dahil kapag tumuntong na sa edad na iyan ay diyan na magsisimulang magbinata ang isang bampira at magsisimulang tumaas ang kaniyang lakas.
"Hindi ama, hindi ko pa masyadong nakukuha kung paano ang tamang paggamit niyon!" Agad na tanggi ni Asmal.
"Saan natuto ang iyong kapatid?" tila nauubusan ng pasensiyang sambit ni Atcandis.
"Kumalma ka muna, Mahal. Walang kasalanan si Asmal," mahinang sabi ni Zenya.
Nakayuko si Asmal kaya naman napabuntong hininga si Atcandis at tinapik ang balikat ng binatang anak.
"Puntahan mo na lamang ang iyong kapatid ng sa gayon ay masigurong nakapagbihis na nga." Utos niya kay Asmal.
Agad namang tumalima ang binata sa utos ng kaniyang ama at ginamit ang teleportasyon upang agad na makapunta sa kwarto ng kapatid.
Naabutan niya itong nakatayo sa harap ng salamin habang pinakatitigan ang sariling repleksyon. Napabuntong hininga siya nang mapansing hindi pa rin hindi ito bihis.
"Zumir, ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang pagdiriwang," malumanay ang boses na sambit ni Asmal.
"Kuya, kagabi ay nanaginip ako. Hindi alam kung bakit sa tuwing pasapit ang aking kaarawan ay binabalikan ako ng panaginip na iyon," mahina ang boses na sambit ni Zumir.
"Tungkol saan ang iyong panaginip? Isa ba itong magandang panaginip o—" hindi na nagawang tapusin ni Asmal ang kaniya sanang sasabihin nang magsalita si Zumir.
"Hawak ko sa kaliwang kamay ang isang Binibini. Hindi ko alam kung sino siya o nagkakilala na ba kami. Hindi ko masyadong maaninag ang kaniyang mukha ngunit tinatawag niya ako sa ibang pangalan. Tumatakbo kami sabay lipad sa kakahoyan habang hinanabol ng mga puting bampira kasabay nang pagpapaulan nila ng mga pana na nagtataglay ng kakaibang lason. Hindi ko alam Kuya kung bakit kami hinahabol. Natamaan ako sa puso nang panain ako ng isang lalaki na nagmula sa lahi ng mga puti. Katulad ng sa babae ay hindi ko maaninag ang kaniyang hitsura ngunit aking nararamdaman na may kakaiba sa kaniya, hindi ko mawari kung bakit lagi kong napapanaginipan iyon taon-taon," mahabang salaysaly ni Zumir.
Naiwang nakatitig si Asmal sa bunsong kapatid. Nasaksihan niya ang takot at pangamba sa mata ng nakababatang kapatid. Kumakabog ng malakas ang kaniyang dibdib. Nilapitan niya na lamang ito at tinapik sa balikat.
"Ang panaginip ay siyang kabaliktaran ng totoong mangyayari sa totoong mundo. Ipagsawalang-bahala mo na lamang iyon kapatid, marahil ay may masamang elemento lamang ang umaaligid sa iyo sapagkat ganoon sila sa mga batang katulad mo. Hayaan mo't ipapatawag namin kinabukasan ang pinakamagaling na—" hindi ulit nagawang tapusin ni Asmal ang kaniyang sasabihin sana nang magsalita ulit si Zumir.
"Huwag na Kuya, aking hindi na lamang papansinin iyon. Magbibihis na po ako." Sambit ni Zumir at naglakad na papalapit sa kaniyang malaking kama kung saan nakalatag ang kaniyang susuotin na inihanda pa ng kaniyang Inang Zenya.
"Sige mauuna na ako sa baba dahil darating din ang aking mga kasamahan sa pag-eensayo." Sambit ni Asmal.
Tumango lamang si Zumir. Nang makalabas mula sa kwarto ng kaniyang kapatid ay muli niyang naramdaman ang pagkabahala.
"Sana lamang ay walang ibig sabihin ang panaginip mo, kapatid," mahinang bulong niya sa sarili.
Masayang nagtatawanan at nagkukuwentuhan ang mga kaibigan ni Supremo Atcandis habang pinagmamasdan ang mga anak nila na masayang nagkukuwentuhan. Si Zumir ang pinakabata sa lahat dahil nasa edad sampu pataas na ang mga anak ng kaibigan ng Supremo.
"Itong si Joaquin nga ay kay hirap turuan ng teleportasyon, ilang buwan niya na itong inaaral at hanggang ngayon ay sa buong mansyon niya lamang kayang gumawa no'n." Kwento ni Suliro.
"Ilang taon na ba ang binata mo na iyon?" Tanong ni Toran.
"Labing-pito na." Sagot ni Suliro.
"Mabuti nga't sa teleportasyon lang nahihirapan ang iyong anak, ang aking binata na labing-tatlong taong gulang ay nahihirapan pang makipaglaban lalo na ang pana sapagkat hindi pa siya masyadong asintado." Kwento ni Arus.
Nanatiling tahimik at nakikinig si Atcandis. Biglang sumantop sa kaniyang isipan ang kaniyang bunsong anak na kahit hindi pa man tinuturuan sa paggamit ng espada ay maalam na maging ang teleportasyon ay nagagawa na nito ng walang kahirap-hirap kahit na walang nagtuturo.
"Supremo, kumusta ang panganay mong si Asmal?" Tanong ni Toran sa Supremo.
"Maalam na siyang gumamit ng pana at espada ngunit ang teleportasyon ay hindi pa niya masyadong gamay sapagkat agad siyang nauubusan ng enerhiya pagkatapos niyang maisagawa." Sagot ng Supremo.
"Maging si Kellyo ay sumasakit ang ulo pagkatapos maisagawa ang teleportasyon sapagkat kailangan nga naman ng konsenstrasyon at enerhiya upang maisagawa ng maayos. Kung gaano kalayo ang ibig gamitan ay ganoon din katindi ang konsentrasyon na gagawin maging sa enerhiya ay kinakailangang bulto," mahabang saad ni Suliro.
Hindi na sila muling nakapag-usap dahil nagsimula nang tumunog ang mga tambol at trumpeta. Tumayo ang lahat at sinalubong ng masigarbong palakpakan si Zumir.
Malamig ang ekspresyon ng mukha nito at tila walang pakialam sa paligid. Hindi ito ngumiti nang makaupo na sa silya na nasa harapan na inilaan para sa kaniya. Isa-isa siyang binati ng mga bisita at maya-maya ay sabay-sabay na naghapunan.
Dahil hindi tipo ni Zumir ang maraming tao ay nagtungo siya sa kaniyang silid at tinanaw mula sa malaking bintana ng kaniyang kwarto ang karagatan. Ni kahit isang beses ay hindi pa siya nakapunta roon kung kaya't sa mga oras na iyon ay nais niyang magtungo.
Hinubad niya ang pulang makapal na damit na nakapatong sa puting damit na kaniyang ginawang panloob. Mahaba ang manggas nito kung kaya't mapo-protektahan siya nito mula sa malamig na hangin. Tumingin siya sa kaniyang sariling repleksyon sa salamin at nasaksihan niya kung paano nag-aagaw ang kulay pula at itim sa kaniyang mga mata.
Pumikit siya at naglaan ng ilang segundo upang matutok ang isipan ng klaro sa lugar na kaniyang nais puntahan. Dati rati ay hanggang sa bakuran lang nila siya kayang magsawa ng teleportasyon ngayon ay susubukan niyang mapalayo. Naramdaman niya ang init sa kaniyang katawan at maya-maya lang ay nakarinig na siya ng tila tubig na humahampas sa bato.
Nang magmulat siya ng mga mata ay natagpuan niya ang sarili sa isang mataas na bato kung saan kitang-kita mula sa ibaba ang tubig. Malakas na humahampas ang naglalakihang alon sa malalaki at matatalas na bato sa ibaba.
Kulay asul, mukhang malalim, at malamig ang hangin. Nililipad ng hangin na nagmumula sa karagatan ang iilang hibla ng kaniyang magulong buhok. Napangiti siya ng kaonti nang mapagtantong kaya na niyang maisagawa ang teleportasyon kahit sa malalayong lugar na kaniyang nais puntahan.
Tumayo siya at tinanaw ang kanilang kaharian na sobrang liit sa kaniyang paningin. Ang bandila na kulay itim ay nasa tuktok na mahinang isinasayaw ng hanging panggabi.
"Nagawa ko." Bulong niya sa sarili habang patuloy na pinagmamasdan ang kanilang kaharian mula sa malayo.
Pinagmasdan niya ang mga palad at ang kaniyang mga daliri. Hindi niya lubos maisip na nagagawa niya ang mga bagay na hindi pa naman itinuturo sa kaniya.
Kahit ang Kuya niyang si Asmal na batak sa pagsasanay ay hindi pa nagagawang makalayo gaya ng kaya niyang gawin. Hindi niya mawari kung may kakaiba ba sa kaniya o talagang madali lamang siyang matuto sa pamamagitan nang panonood sa mga puti na kadalasang nakikita niyang nagsasanay sa Timog. Lingid sa kaalaman ng kaniyang mga magulang na pumupuslit siya sa tuwing abala ang kaniyang Ama at Ina sa pamumuno ng kanilang lahi at ang kaniyang Kuya Asmal sa pagsasanay.
Malinaw pa sa kaniyang isipan noong nasa edad anim pa lamang siya. Abala ang kaniyang mga magulang at nakakatandang kapatid nang maisipan niyang pumuslit. At dahil sumama si Owwa sa amo nitong si Asmal ay naiwan siyang mag-isa sa palasyo. Pumuslit siya at lumipad sa ere upang maghanap ng pagkakatuwaan.
Hindi nalamayan ng munting Prinsipe na nakarating siya sa isang bundok kung saan kita niya ang mga puti na nagsasanay. Karamihan ay mga bata na tinuturuan sa paggamit ng espada at pana habang ang mga binata naman ay tinuturuan paano isagawa ang teleportasyon.
Pinanood niya ang mga nagsasanay hanggang sa hindi niya namamalayan na palagi na siyang pumupuslit upang makapanood. Nang tumungtong siya sa edad na pito ay pinasanay na siya ng paunti-unti ng kaniyang ama sa paggamit ng Pana, palaso, at espada.
"Mahal na Prinsipe ang una ninyong pakatandaan ay—" hindi na nagawang tapusin ng kaniyang maestro ang sanay sasabihin nito ng kaniya itong unahan.
"Hinahamon kita sa isang duelo," malamig na sambit niya.
"Hahahaha sige na Kamahalan, umayos na po kayo at baka ako ang malagot sa inyong ama. Nagbabayad siya ng salapi upang—" hindi na naman nakatapos sa pagsasalita ang guro ng magsalita si Zumir.
"Minamaliit mo ba, ako?" Tanong nito habang nakatitig sa guro. Napalunok ang guro nang masaksihan kung paano naging kulay pula ang mga mata ng Prinsipe.
"Hindi po sa ganoon, Kamahalan. Hindi po biro ang paggamit ng espada kung kaya't—" Napaatras ang guro nabg tutukan ito ni Zumir sa leeg ng espada. Nagulat pa itong muli nang maramdaman na nasa likod niya na pala si Zumir habang nakatutok pa rin sa kaniya ang espada.
Natupad ang hiniling ni Zumir na duelo at natalo niya ang kaniyang Maestro. Nagulat ito sa pinamalas ng bata na kahit hindi pa man niya tinuturuan ay marunong na.
"Hindi kita kailangan. Makakaalis ka na at huwag nang babalik pa." Sambit ni Zumir at tinalikuran ang kaniyang Maestro upang magtungo siya sa kaniyang silid. Nais niyang magpahinga sa mga oras na iyon. Naiwan namang gulat na gulat ang kaniyang maeatro habang nakaupo pa rin sa lupa katabi ang dalawang espada na ginamit nila ng Prinsipe kanina.
Alas singko pa lamang ng umaga ay ginising na siya ng kaniyang Ina upang mag-ensayo kung kaya't naiinis siya dahil nauudlot ang kaniyang mahimbing na pagtulog. Simula ng araw na iyon ay hindi na niya pinabalik ang kaniyang Maestro at sinabi niya na lamang sa kaniyang ama na ataa niyang magsanay.
"Kakailanganin mong matuto sapagkat ikaw ang hahalili sa'kin, Zumir! Isa sa katangian na tinataglay ng isang Supremo ay ang pagiging maalam sa paggamit ng mga armas!" galit na sabi ni Supremo Atcandis.
Hindi sumagot si Zumir at nakayuko lamang habang patuloy na pinapakinggan ang kaniyang ama. Tumalikod ito at humarap sa malaking bintana ng kaniyang kwarto upang magpatuloy sa pagsasalita.
"Kung natatakot ka ay kailangan mong maramdaman iyon sapagkat parte iyon ng iyong pagsasanay; Upang matuto ay kailangan mong maramdaman ang lahat ng emosyon na siyang makakatulong—" hindi na pinakinggan ni Zumir ang mga sinasabi ng kaniyang ama.
Pumikit siya at ginawa ang teleportasyon at agad na naglaho.
Bumalik sa reyalidad si Zumir at napagtantong kalahating oras na siyang nakatayo sa batong iyon kung kaya't napagdesisyonan niyang umuwi na dahil tiyak na hinahanap na siya ng kaniyang mga magulang.
Nang makarating sa kanilang kaharian ay naabutan ay agad siyang napansin ni Twari, ang kanang kamay ng kaniyang ama. Tinanguan niya lamang ito at nakihalo siya sa mga panauhin. Naabutan niya ang tila mapangdudang mga mata ng lalaki ngunit hindi na lamang niya ito binigyang-pansin. Sa susunod ay pinaplano niya namang magtungo sa malayong kagubatan gamit ang teleportasyon.
Kasalukuyang panahon...KAHARIAN NG SARSULMatapos ang maagang pag-eensayo ng mag-isa ay tumulak na pauwi sa Kaharian ng Sarsul si Prinsipe Zumir. Napapansin niya na ang panghihina ng kaniyang katawan na para bang unti-unti na siyang nilalamon ng kamatayan. Ang kaniyang mga kakayahan ay naroroon pa. Kaya niya pang gumamit ng teleportasyon sa malalayong lugar, pahilomin ang mga sariling sugat, maliksi at malakas pa ang kaniyanf pangangatawan ngunit pakiramdam niya ay unti-unting nababawasan ang mga iyon. Madali na lamang siyang mapagod at mawalan ng lakas. Minsan ay sumusuka siya ng dugo, nanakit ang kaniyang ulo na halos pakiramdam niya ay mabibiyak na, dudura at uubo siya ng dugo, at minsan din ay halos makalimutan na niya ang mga tao sa kaniyang paligid, ngunit pinipili niyang tatagan ang sarili at labanan ang mga iyon na senyales na malapit na ang kaniyang hangganan.Maaga pa lamang ay nakita na niya si Prinsess Yneza sa balkonahe. Suot ang mahabang kulay pulang kasuotan na may bu
Kasalukuyang panahon...KAHARIAN NG DOTIYAAlas singko pa lamang ng umaga ay tahimik pa ang palasyo ng Dotiya. Sa labas, ang mga punong banaba ay nanginginang sa dampi ng hamog habang ang mga ibon sa mga hardin ay nagsisimula nang kumampay ng pakpak. Sa silid panauhin na inilaan para sa panandaliang paninirahan ni Prinsipe Asmal, sumasayaw ang malamig na hangin sa pagitan ng magaan na kurtinang kulay asul.Nagising nang maaga si Prinsipe Asmal. Hindi dahil sa anumang ingay kun'di sa kawalang-kapantay na katahimikan na tila baga may dalang babala. Lumapit siya sa bintana at tanaw ang palibot ng palasyo.Nakikita niya mula roon ang mga kawal sa mga tore, mga hardinero sa hardin, at ang mga batang kabataan ng Dotiya, mga lalaking siya mismo ang sumasanay para sa paparating na digmaan.Makalipas ang isang oras na pagmumuni-muni sa bintana ng kaniyang silid ay naligo na ang Prinsipe at nagbihis ng kaniyang kulay puting kasuotan na may burdang kulay ginto sa laylayan.Nang makababa siya sa
Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SACRESIAKinabukasan, matapos ang isang buong araw ng pahinga at paggamot, isang seremonyang pamamaalam ang isinagawa sa gitna ng palasyo ng Sacresia ng Hari at Reyna para kay Prinsipe Zaitan.Matapos ang seremonya ay nagsimula na ang malaking piging na pinagsaluhan ng lahat ng mga mamamayan ng Sacresia. Lumapit si Prinsesa Elkisha sa Prinsipe, may hawak na maliit na sisidlang pilak na may inukit na bulaklak ng dagat. Tumigil siya sa harapan ng binata at mariing tumitig dito.“Prinsipe Zaitan,” mahina ngunit buo ang tinig niya, “marahil ay hindi ko dapat ito sabihin... ngunit sa panahong nagdaan, sa bawat laban mo, sa bawat sakit na ininda mo ay hindi lang paghanga ang umusbong aking puso kun'di... damdamin na higit pa roon.”Hindi agad nakasagot si Prinsipe Zaitan.Tumitig siya sa mga mata ni Prinsesa Elkisha. Sa kabila ng lambot sa kaniyang mukha, mahigpit ang kaniyang paninindigan. Maganda, mabait, masayahin, matalino, at masarap kausap ang Prinsesa
Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SACRESIATahimik ang Arena, tila pinanawan ng hangin. Ang mga manonood ay nakaupo sa kani-kanilang mga puwesto, mga sireno’t sirena na pawang hindi na kumukurap. Sa entablado, naghahanda na si Prinsipe Zaitan para sa paghaharap nila ngayon ni Zudeo, ang kanang kamay ni Heneral Lutheo. Kilala si Zudeo bilang mandirigmang hindi tahimik at kalma ngunit nakakubli sa kalmadong itsura nito ang angking galing at katalinuhan. Ang kanyang buntot ay may kulay ng kayumangging ginto na minsan ay napagkakamalan siyang anak ng isang dugong bughaw. Wala silang armas, walang espada, walang sibat at pawang mga kamao at bangis lamang ang pagtatagpuin.Napatingin si Prinsipe Zaitan kay Zudeo habang lumalangoy ito palapit sa kaniya. Alam niyang kakaiba ang sirenong kawal na ito. Maliban kay Hakil, si Zudeo ang tanging kalaban na hindi nagpakita ng anumang kayabangan o pangmamaliit.Pagharap nila sa isa’t isa, tahimik ang pagitan habang nagkakatitigan na animo'y ginagamit
Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SARSULAlas sais ng umaga. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa kabundukan ay yumayakap sa katawan nina Prinsipe Zumir at Prinsipe Kairon, kapwa basa ng pawis at may banayad na putik sa mga laylayan ng kanilang mga kasuotan. Ang liwanag ng mga ulap na kahit ay makulimlim ay unti-unti nang sumisilip sa likod ng mga ulap, pinapalubag ang ginaw ng gabi habang tinatanglawan ang maugat at makahiwagang kagubatang nagsisilbing palaruan ng lakas at tiyaga para sa dalawang Prinsipe."Isa pa ba, Kamahalan?" tanong ni Prinsipe Kairon, hinahabol pa ang hininga habang nakahawak sa kaniyang espada. Tumango lamang si Prinsipe Zumir, walang imik. Kitang-kita sa kaniyang mga mata ang lalim ng iniisip habang ginagabayan ang bawat galaw ng katawan, hinahasa hindi lamang ang lakas kun'di ang disiplina ng kaniyang kalooban.Pagkatapos ng ilang sandali ay inihinto na nila ang pagsasanay. Ang kanilang mga katawan ay pagod ngunit ang diwa’y buhay hudyat ng kanilang dedikasy
Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SACRESIADahan-dahang iminulat ni Prinsipe Zaitan ang kaniyang mga mata. Sa una'y malabo pa ang lahat. Ang kisame, ang mga kurtinang bughaw, at ang malamig na hanging dumarampi sa kaniyang pisngi. Nanatili siyang tahimik, hanggang sa gumalaw ang kaniyang paningin pakanan.Doon, sa lilim ng malamlam na liwanag, nakita niya ang tatlong katauhang tila matagal nang naghihintay sa kaniyang paggising; Ang Hari, ang Reyna, at ang Prinsesa Elkisha.Ang Hari ay nakaupo sa silyang gawa sa makintab na kahoy, ang mga kamay ay magkahawak sa harapan habang tahimik na nakatingin. Ang Reyna nama'y nakatayo sa tabi nito, may hawak na sisidlang pilak na may mainit na inumin. Sa likuran nila ay bahagyang nakasilip si Prinsesa Elkisha hawak ang laylayan ng kaniyang mahaba at makislap na damit.Pilit bumabangon si Prinsipe Zaitan ngunit naramdaman niyang kumirot ang kaniyang balikat at dibdib na palatandaang sariwa pa ang epekto ng laban.“Huwag ka munang bumangon nang big