Share

KABANATA 2

last update Huling Na-update: 2023-08-13 15:54:40

Nobyembre 05, 1795...

Hindi makapaniwala si Kaigan na sa mga nagdaang taon ay ang kaniyang anak pala ang siyang magiging kabiyak ng dalagitang si Lovera at siyang magiging ama ng ipinagbubuntis ng dalaga. Lingid sa kaniyang kaalaman na may namumuo pa lang pagtitinginan ang dalawa habang siya ay wala sa kaharian at abala sa paghahanap ng sangkap sa gamot na gagamitin para sa Prinsipe ng mga itim.

Agad na itinakda ang araw ng pag-iisang dibdib ng dalawa. Inalam niya rin mula sa orakulo kung nagkataon lang ba na si Dalleon na kaniyang anak ang para kay Lovera o talagang silang ang nakatakda sa isa't-isa. 

"Magluluwal ang dalagitang nagngangalang Lovera ng isang lalaking sanggol na siyang magliligtas sa lahi ng mga puti mula sa pagkaubos. Siya ang gagapi sa nag-iisang bampira na nagmula sa lahi ng mga itim. Ang batang ito ay nagtataglay ng pambirihirang kakayahan na kapantay ang kakayahan ng Prinsipe ng nga itim o maaari niya pang malampasan. Siya ang anak ng pang- labinlimang Supremo ng mga puti na si Dalleon. Ang kaniyang kakayahan ay mag-iiwan ng malaking marka sa buong kasaysayan ng mga bampira hanggang siya'y malagutan ng hininga dahil sa katandaan." Narinig niyang sabi ng orakulo at nawala ang ilaw nito na animo'y napundi.

Magiging Supremo si Dalleon gaya niya. Napangiti siya dahil nakakataba nga ng puso na si Dalleon ang susunod na Supremo at hindi ang anak ng kaniyang kapatid na si Rowela. May dalawang binatang anak si Rowela na kaniyang nag-iisang kapatid, at ka edad ng mga ito ang kaniyang anak na si Dalleon. Ngunit sa nakikita niya ay walang interes sa trono ang dalawa dahil nakatuon ito sa pagpapalago ng kani-kanilang mga negosyo at pagpapamilya sa hinaharap.

Ang mas nakakagalak pa ay apo niya ang sanggol na magliligtas sa kanilang lahi. Ang ligaya na nararamdaman niya ay walang paglagyan at daglian niyang nakalimutan ang tungkol sa mga sangkap na kaniyang ipinapahanap. Dalawang sangkap na lamang at ang isa ay matatagpuan sa malayong kabundukan, ang isang sangkap naman ay maghihintay pa siya ng apat na taon bago makuha sapagkat ito ay isang puno na kada apat na taon lamang mamulaklak at isang bulaklak lamang kaya naman maigi niya itong pinapabantayan sa kaniyang mga tauhan.

Agad siyang nagpahanda ng piging para sa pag-iisang dibdib ng dalawa. Ipinasuot niya sa dalagita ang isang damit na may nagmamahalang mga palamuti dahil ang babae ang bukod-tanging kanilang pag-asa. Inimbitahan niya ang ibang lahi na nagmula pa sa kaharian ng mga Sirena, kaharian ng mga lobo, at kaharian ng mga diwata. 

"Ang kulay rosas na perlas na iyan ay binuo naming mga babaeng Sirena upang maging proteksyon sa iyong sanggol sa oras na siya ay maisilang. Ang kulay bughaw na perlas na iyab ay binuo ng aming mga kalalakihan upang maging malakas siya kapag nagkaroon ng laban sa ilalim ng karagatan, ang buong karagatan ay kaniyang magiging kakampi sa kaniyang buong buhay," mahaba at makabuluhang saad ng Reyna ng mga Sirena.

"Maraming Salamat, Mahal na Reyna Lucrezia." Sabay na sabi nina Dalleon at Lovera.

"Sana'y buong puso ninyo tatanggapin ang handog na regalo ng mga lobo. Ang bolang iyan ang magsisilbing liwanag ng inyong anak sa dilim. Sa oras na magkamalay siya sa takbo ng mundo ay kasabay din ang pagbubukas ng kaniyang kakayahan upang makakita sa dilim kahit na walang tanglaw," masayang handog ng pinuno ng mga lobo.

"Aming tinatanggap ito ng buong puso, Pinunong Harez." Tumayo ang mag-asawa at sabay na yumukod sa pinuno ng mga lobo.

"Ang kakayahan sa paglaho ay ihahandog ng mga diwata para sa inyong sanggol, Prinsipe Dalleon at Prinsesa Lovera." Naglakad papalapit ang Reyna ng mga Diwata at hinawakan sa tiyan si Lovera. Biglang umilaw ang kaniyang mga palad. Naramdaman ni Lovera ang kakaibang init na nagmumula sa ilaw at makalipas ang ilang segundo ay natapos na.

"Maraming Salamat, Reyna Vanessa." Sabay na sabi nina Dalleon at Lovera.

Nagsimula ang pagdiriwang. Ang maririnig sa buong kaharian ay ang tunog ng mga tambol, trumpeta, at ang halakhakan kasabay ng mga paa na nag-iindikan sa malawak na espasyo ng kaharian na inilaan para sa araw na iyon.

Sa kabilang banda ay nakatanaw mula sa sanga ng puno ang isang lalaking nakasuot ng malaking sumbrerong itim, damit at kapa na itim at nababalot ng itim na tela ang buong mukha. Ang kaniyang palaso at busog ay nasa kaniyang balikat nakasabit. Napangisi siya at napailing-iling.

"Talagang gagawin ng mga puti ang lahat upang matuldukan ang aming, lahi," wala sa sariling nasabi niya.

Umihip ang malamig ang preskong hangin at muntik ng tangayin ang kaniyang sumbrero ngunit agad din naman niyang nahawakan bago nito malantad ang kaniyang mahaba at itim na buhok. Nakita niya na papalapit sa kaniyang direksyon ang itim na uwak at nang makita siya ay tumuntong ito sa sanga na nasa kaniyang harapan.

"Kumusta ang Prinsipe?" Tanong niya sa ibon na si Owwa. Ginamitan ng itim na mahika ng mga itim na bampira ang ibon na si Owwa upang magkaroon ng kakayahang makapagsalita at maging tuso rin tulad ng kanilang lahi.

"Tulog ngunit ang diwa ay gising. Nakakausap ko siya mula sa kaniyang isipan. Masasabi kong kakaiba ang kemikal na itinuturok sa kaniya dahil hindi niya magawang kumilos ng kaonti sa ilang siglo kong pagmamatyag," mabahang sabi ng ibon.

"Mabuti na lamang at napatay ko na ang mangagamot na siyang gumagawa ng isa sa mga sangkap na magagamit upang makabuo ng kemikal na itinuturok nila sa kamahalan at aking ipinalabas na namatay ito sa katandaan." Sambit ng lalaki.

"Narinig ko na may nabuo silang panibagong solusyon bukod sa kemikal na nakasanayan nila." Sambit ng Ibon.

Napatingin sa kaniya ang lalaki dahil nakuha nito ang atensyon.

Panibagong solusyon?

"Anong solusyon?" Tanong niya.

"Burahin ang ala-ala ng Prinsipe sa pamamagitan ng gamot na nagmula sa pamilya ng mga Oroges na isa ring puting mga Bampira." Sagot ni Owwa.

Napanting ang tainga ng lalaki. Desidido ang mga puti na talagang buburahin na sila at sa kasaysayan na lamang mag-iiwan ng bakas.

Inihanda niya ang sarili at pumikit.

"Papatayin mo rin ba ang mangagamot na iyon?" Nakakalokong tawa ni Owwa.

"Kung maaari. Nangako ako sa yumaong Supremo na hindi ko hahayaang masayang ang kaniyang mga pinaghirapan. Ibabangon kong muli ang lahi ng mga itim at walang puti ang makakatuldok niyon, kahit ang sanggol na itinakda ng orakulo," madiin niyang sabi.

Napatingin si Owwa at ang lalaki sa labas ng kaharian kung saan masayang nag-iindakan ang mga puti maging ang bagong kasal ay masayang-masaya. 

Enero 14, 1797...

Nakangiti si Lovera mula sa salamin habang maiging sinusuklay ng kaniyang matalik na kaibigan si Meryam ang kaniyang mahaba, itim, at tuwid na buhok. Nang pakasalan siya ni Dalleon na kaniyang kasintahan ay hiniling niya na papasukin si Meryam bilang kanilang kusinera.

Hindi tulad nila Lovera na nakakaluwag-luwag sa buhay ang buhay nila ni Meryam. Alipin ang mga magulang nito na kapwa hardinero sa kaharian. Dahil matalik niya itong kaibigan ay hindi niya kayang mawala ito sa kaniyang tabi dahil kahit noon pa man ay si Meryam na ang kusinera sa kanilang tahanan. Matanda ng sampung taon si Meryam sa kaniya kaya itinuturing niya na itong kaniyang kapatid. Isa sa hinahangaan niya kay Meryam ay ang angking ganda ng Dalaga na kahit hindi ayusan o damitan ng mamahalin ay lumalabas pa rin ang natural nitong ganda.

Maputi at makinis ang kutis, mahaba ang kulay kapeng buhok na parang alon. Matangos ang ilong ng babae, at ang mga mata nito ay parang manika dahil malalantik ang mga pilikmata. Ang labi nito ay natural na kulay pula at ang katawan naman ay kahanga-hanga. Para itong Orasa at sa tuwing nagsusuot ang babae ng mga damit na hapit sa katawan ay mas lalong nadedepina ang hugis at kurba.

"Nakuha na ba si Oracio ang iyong unang halik, Meryam?" Nakangiting tanong ni Meryam.

Napangiti ang tatlumput anim na taong gulang na dalagita. Natapos na siya sa pagsusuklay sa kaibigan at umupo sa katabing upuan nito sa harap ng salamin.

"Oo Lovera at balak na naming magpakasal sa susunod na taon." Sagot ni Meryam na may malaking ngiti sa mukha.

"Talaga? Ngunit kung kayo ay magpapakasal na ay iiwan mo na ako dahil kakailanganin ka na ng iyong asawa." Sagot ni Lovera at nababakas ang lungkot sa boses nito.

Yumakap si Meryam sa kaniya at hinaplos ang buhok ng dalaga.

"Huwag kang mag-alala sapagkat sa tuwing kakailanganin mo ako ay hindi ako magdadalawang isip na agad kang puntahan. " Sagot ni Meryam.

Tumango si Lovera at gumanti ng yakap sa kaibigan. Maya-maya ay naramdaman niya ang pagbaliktad ng kaniyang sikmura. Agad siyang tumakbo papunta sa palikuran upang mailabas iyon. Umubo pa siya ng ilang beses at napahawak sa dibdib.

"Sa aking hinuha ay buntis ka, Lovera." Sabi ni Meryam na nagpatigil kay Lovera. Hinawak niya ang tiyan at wala sa sariling napangiti.

Agad niya itong binalita sa kaniyang asawa at galak na galak naman si Dalleon. Ipinagbigay alam niya ito sa kaniyang mga magulang maging sa kaniyang Lola na si Luciana ngunit ikinagimbal nila ang nadatnan sa kwarto ng babae.

Nakahiga ito sa kaniyang kama habang yakap-yakap ang damit ng yumaong asawa na si Ismael. May luha pa sa kaliwang mata at hindi na humihinga.

"Ina? Gumising po kayo! Nagbubuntis na ang asawa ng inyong apo, nagbubuntis na si Lovera!" Sigaw ni Kaigan habang umiiyak. Yakap niya ang malamig na katawan ng Ina. Umiiyak naman ang kaniyang asawa habang inaalo ang Supremo.

"Marahil ay labis siyang nalungkot sa pagkawala ni Lolo at kaniya lamang itinago upang hindi tayo mag-alala sa kaniya, Ama." Sabi ni Dalleon.

Nakahawak siya ng mahigpit sa kamay ng kaniyang asawa. Makalipas ang ilang minuto ay nakita nila kung paanong unti-unting nagiging abo ang katawan ng babae.

"Inaaaaaaaaaaa koooooo!!" Malakas na sigaw ni Kaigan na patuloy namang inaalo ng kaniyang asawa.

Napaluhod siya habang umiiyak. Ilang araw na nagluksa ang Supremo sa pagkawala ng kaniyang Ina. Sinisisi niya ang sarili dahil hindi niya ito natutukan dahil abala siya sa paghahanap ng mga sangkap na gagamitin para sa Prinsipe.

"Wala akong kwentang anak." Umiiyak si Kaigan habang direstsong nilalagok ang nakakalasing na inumin. Naalala niya na nagluksa rin siya ng sobra sa pagkawala ng kaniyang ama dahil sa isang pambihirang sakit.

"Huwag mong sisisihin ang iyong sarili, Mahal. Lahat ay nakatakdang mangyari. Hindi natin hawak ang kapalaran ng bawat isa. Maging masaya ka na lamang para sa kanila dahil sila Ama at Ina ay magkasama na sa kabilang buhay at alam kong masaya sila para sa iyo dahil isa kang mabuti at responsableng pinuno," mahabang sabi ng kaniyang asawa.

Yumakap siya sa kaniyang asawa. Ilang minuto lamang ay nakatulog na si Kaigan dahil sa kalasingan na agad namang tinabihan ng kaniyang butihing may bahay. Labis na nahahabag ang babae sa dinadamdam ng kaniyabg asawa sapagkat hindi madaling dalhin sa loob ang mawalan ng ina. Mas nakadaragdag pa ito sa alalahanin ng Supremo ukol sa mga sangkap na gagamitin at kailangan pang hanapin para sa gagawin na gamot para  Prinsipe ng mga itim upang tuluyan ng mabura ang alaala ng nakaraan nito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 48

    Kasalukuyang panahon...KAHARIAN NG SARSULMatapos ang maagang pag-eensayo ng mag-isa ay tumulak na pauwi sa Kaharian ng Sarsul si Prinsipe Zumir. Napapansin niya na ang panghihina ng kaniyang katawan na para bang unti-unti na siyang nilalamon ng kamatayan. Ang kaniyang mga kakayahan ay naroroon pa. Kaya niya pang gumamit ng teleportasyon sa malalayong lugar, pahilomin ang mga sariling sugat, maliksi at malakas pa ang kaniyanf pangangatawan ngunit pakiramdam niya ay unti-unting nababawasan ang mga iyon. Madali na lamang siyang mapagod at mawalan ng lakas. Minsan ay sumusuka siya ng dugo, nanakit ang kaniyang ulo na halos pakiramdam niya ay mabibiyak na, dudura at uubo siya ng dugo, at minsan din ay halos makalimutan na niya ang mga tao sa kaniyang paligid, ngunit pinipili niyang tatagan ang sarili at labanan ang mga iyon na senyales na malapit na ang kaniyang hangganan.Maaga pa lamang ay nakita na niya si Prinsess Yneza sa balkonahe. Suot ang mahabang kulay pulang kasuotan na may bu

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 47

    Kasalukuyang panahon...KAHARIAN NG DOTIYAAlas singko pa lamang ng umaga ay tahimik pa ang palasyo ng Dotiya. Sa labas, ang mga punong banaba ay nanginginang sa dampi ng hamog habang ang mga ibon sa mga hardin ay nagsisimula nang kumampay ng pakpak. Sa silid panauhin na inilaan para sa panandaliang paninirahan ni Prinsipe Asmal, sumasayaw ang malamig na hangin sa pagitan ng magaan na kurtinang kulay asul.Nagising nang maaga si Prinsipe Asmal. Hindi dahil sa anumang ingay kun'di sa kawalang-kapantay na katahimikan na tila baga may dalang babala. Lumapit siya sa bintana at tanaw ang palibot ng palasyo.Nakikita niya mula roon ang mga kawal sa mga tore, mga hardinero sa hardin, at ang mga batang kabataan ng Dotiya, mga lalaking siya mismo ang sumasanay para sa paparating na digmaan.Makalipas ang isang oras na pagmumuni-muni sa bintana ng kaniyang silid ay naligo na ang Prinsipe at nagbihis ng kaniyang kulay puting kasuotan na may burdang kulay ginto sa laylayan.Nang makababa siya sa

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 46

    Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SACRESIAKinabukasan, matapos ang isang buong araw ng pahinga at paggamot, isang seremonyang pamamaalam ang isinagawa sa gitna ng palasyo ng Sacresia ng Hari at Reyna para kay Prinsipe Zaitan.Matapos ang seremonya ay nagsimula na ang malaking piging na pinagsaluhan ng lahat ng mga mamamayan ng Sacresia. Lumapit si Prinsesa Elkisha sa Prinsipe, may hawak na maliit na sisidlang pilak na may inukit na bulaklak ng dagat. Tumigil siya sa harapan ng binata at mariing tumitig dito.“Prinsipe Zaitan,” mahina ngunit buo ang tinig niya, “marahil ay hindi ko dapat ito sabihin... ngunit sa panahong nagdaan, sa bawat laban mo, sa bawat sakit na ininda mo ay hindi lang paghanga ang umusbong aking puso kun'di... damdamin na higit pa roon.”Hindi agad nakasagot si Prinsipe Zaitan.Tumitig siya sa mga mata ni Prinsesa Elkisha. Sa kabila ng lambot sa kaniyang mukha, mahigpit ang kaniyang paninindigan. Maganda, mabait, masayahin, matalino, at masarap kausap ang Prinsesa

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 45

    Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SACRESIATahimik ang Arena, tila pinanawan ng hangin. Ang mga manonood ay nakaupo sa kani-kanilang mga puwesto, mga sireno’t sirena na pawang hindi na kumukurap. Sa entablado, naghahanda na si Prinsipe Zaitan para sa paghaharap nila ngayon ni Zudeo, ang kanang kamay ni Heneral Lutheo. Kilala si Zudeo bilang mandirigmang hindi tahimik at kalma ngunit nakakubli sa kalmadong itsura nito ang angking galing at katalinuhan. Ang kanyang buntot ay may kulay ng kayumangging ginto na minsan ay napagkakamalan siyang anak ng isang dugong bughaw. Wala silang armas, walang espada, walang sibat at pawang mga kamao at bangis lamang ang pagtatagpuin.Napatingin si Prinsipe Zaitan kay Zudeo habang lumalangoy ito palapit sa kaniya. Alam niyang kakaiba ang sirenong kawal na ito. Maliban kay Hakil, si Zudeo ang tanging kalaban na hindi nagpakita ng anumang kayabangan o pangmamaliit.Pagharap nila sa isa’t isa, tahimik ang pagitan habang nagkakatitigan na animo'y ginagamit

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 44

    Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SARSULAlas sais ng umaga. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa kabundukan ay yumayakap sa katawan nina Prinsipe Zumir at Prinsipe Kairon, kapwa basa ng pawis at may banayad na putik sa mga laylayan ng kanilang mga kasuotan. Ang liwanag ng mga ulap na kahit ay makulimlim ay unti-unti nang sumisilip sa likod ng mga ulap, pinapalubag ang ginaw ng gabi habang tinatanglawan ang maugat at makahiwagang kagubatang nagsisilbing palaruan ng lakas at tiyaga para sa dalawang Prinsipe."Isa pa ba, Kamahalan?" tanong ni Prinsipe Kairon, hinahabol pa ang hininga habang nakahawak sa kaniyang espada. Tumango lamang si Prinsipe Zumir, walang imik. Kitang-kita sa kaniyang mga mata ang lalim ng iniisip habang ginagabayan ang bawat galaw ng katawan, hinahasa hindi lamang ang lakas kun'di ang disiplina ng kaniyang kalooban.Pagkatapos ng ilang sandali ay inihinto na nila ang pagsasanay. Ang kanilang mga katawan ay pagod ngunit ang diwa’y buhay hudyat ng kanilang dedikasy

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 43

    Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SACRESIADahan-dahang iminulat ni Prinsipe Zaitan ang kaniyang mga mata. Sa una'y malabo pa ang lahat. Ang kisame, ang mga kurtinang bughaw, at ang malamig na hanging dumarampi sa kaniyang pisngi. Nanatili siyang tahimik, hanggang sa gumalaw ang kaniyang paningin pakanan.Doon, sa lilim ng malamlam na liwanag, nakita niya ang tatlong katauhang tila matagal nang naghihintay sa kaniyang paggising; Ang Hari, ang Reyna, at ang Prinsesa Elkisha.Ang Hari ay nakaupo sa silyang gawa sa makintab na kahoy, ang mga kamay ay magkahawak sa harapan habang tahimik na nakatingin. Ang Reyna nama'y nakatayo sa tabi nito, may hawak na sisidlang pilak na may mainit na inumin. Sa likuran nila ay bahagyang nakasilip si Prinsesa Elkisha hawak ang laylayan ng kaniyang mahaba at makislap na damit.Pilit bumabangon si Prinsipe Zaitan ngunit naramdaman niyang kumirot ang kaniyang balikat at dibdib na palatandaang sariwa pa ang epekto ng laban.“Huwag ka munang bumangon nang big

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status