Share

KABANATA 49

last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-01 20:56:32

Kasalukuyang panahon...

KAHARIAN NG ALNEA

Tahimik ang mga diwata.

Walang tinig, walang ihip ng hangin, tanging ang mahinang pag-alon ng tubig ng Lawa ng Alnea ang maririnig. Sa ibabaw ng tubig ay sumasalamin ang kalangitang may kulay ng kahel at asul na tila ay nahati sa pagitan ng dapithapon at bagong umaga.

Sa tabi ng lawa, nakatayo si Prinsipe Zaitan, suot ang puting kasuotan na gawa mula sa makinang at mahiwang tela. Hawak pa rin niya ang bato ng liwanag na iniabot ni Reyna Vanessa, maliit lamang ito ngunit ang init nito sa kaniyang palad ay parang tibok ng puso.

Tumikhim si Inang Zaya, ang matandang diwata.

“Sa pagpasok mo sa lawa, hindi tubig ang sasalubong sa’yo kundi ang alaala ng lahat ng bampirang nawala sa liwanag. Ang mga anino ng iyong lahi ay hindi mo kaaway, ngunit hindi rin sila kakampi. Sa ilalim, walang direksyon, walang oras, tanging paninindigan mo ang makapagliligtas sa iyo.”

Marahan siyang tumango.

Isang hakbang...

Isa pa...

Hanggang sa unti-unti siyang nilamon
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 50

    Kasalukuyang taon...MUNDO NG MGA TAOAlas singko ng umaga nang makarating si Prinsipe Zumir sa mundo ng mga tao. Sa ilang linggo niyang pabalik-balik, hindi siya isinuplong ng nakatatandang kapatid sa kanilang mga magulang. Hindi niya maintindihan, ngunit alam ng Prinsipe na huling pagkakataon na ito na masisilayan niya ang mga kinilala niyang magulang at ang minamahal na si Misan.Umiiyak si Aling Sabelia nang marinig mula kay Prinsipe Zumir na bilang na lamang ang kaniyang mga oras sa mundo. Unti-unti nang pinapahina ng kemikal ang kaniyang katawan na, bagama’t hindi na naituturok, ay nanatili pa rin sa kaniyang sistema."Alam na ba ito ni Misan?" tanong ng matandang babae.Kasalukuyan silang nakaupo sa bilugang mesa na may klase-klaseng prutas sa gitna. Nasa kusina sila sa mga oras na iyon. Nagising ang mag-asawa nang marinig ang boses ng anak-anakan nila mula sa isipan. Nais ni Prinsipe Zumir na sulitin ang huling araw na makakasama niya silang lahat."Hindi, at wala akong balak

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 49

    Kasalukuyang panahon...KAHARIAN NG ALNEATahimik ang mga diwata.Walang tinig, walang ihip ng hangin, tanging ang mahinang pag-alon ng tubig ng Lawa ng Alnea ang maririnig. Sa ibabaw ng tubig ay sumasalamin ang kalangitang may kulay ng kahel at asul na tila ay nahati sa pagitan ng dapithapon at bagong umaga.Sa tabi ng lawa, nakatayo si Prinsipe Zaitan, suot ang puting kasuotan na gawa mula sa makinang at mahiwang tela. Hawak pa rin niya ang bato ng liwanag na iniabot ni Reyna Vanessa, maliit lamang ito ngunit ang init nito sa kaniyang palad ay parang tibok ng puso.Tumikhim si Inang Zaya, ang matandang diwata.“Sa pagpasok mo sa lawa, hindi tubig ang sasalubong sa’yo kundi ang alaala ng lahat ng bampirang nawala sa liwanag. Ang mga anino ng iyong lahi ay hindi mo kaaway, ngunit hindi rin sila kakampi. Sa ilalim, walang direksyon, walang oras, tanging paninindigan mo ang makapagliligtas sa iyo.”Marahan siyang tumango. Isang hakbang...Isa pa...Hanggang sa unti-unti siyang nilamon

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 48

    Kasalukuyang panahon...KAHARIAN NG SARSULMatapos ang maagang pag-eensayo ng mag-isa ay tumulak na pauwi sa Kaharian ng Sarsul si Prinsipe Zumir. Napapansin niya na ang panghihina ng kaniyang katawan na para bang unti-unti na siyang nilalamon ng kamatayan. Ang kaniyang mga kakayahan ay naroroon pa. Kaya niya pang gumamit ng teleportasyon sa malalayong lugar, pahilomin ang mga sariling sugat, maliksi at malakas pa ang kaniyanf pangangatawan ngunit pakiramdam niya ay unti-unting nababawasan ang mga iyon. Madali na lamang siyang mapagod at mawalan ng lakas. Minsan ay sumusuka siya ng dugo, nanakit ang kaniyang ulo na halos pakiramdam niya ay mabibiyak na, dudura at uubo siya ng dugo, at minsan din ay halos makalimutan na niya ang mga tao sa kaniyang paligid, ngunit pinipili niyang tatagan ang sarili at labanan ang mga iyon na senyales na malapit na ang kaniyang hangganan.Maaga pa lamang ay nakita na niya si Prinsess Yneza sa balkonahe. Suot ang mahabang kulay pulang kasuotan na may bu

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 47

    Kasalukuyang panahon...KAHARIAN NG DOTIYAAlas singko pa lamang ng umaga ay tahimik pa ang palasyo ng Dotiya. Sa labas, ang mga punong banaba ay nanginginang sa dampi ng hamog habang ang mga ibon sa mga hardin ay nagsisimula nang kumampay ng pakpak. Sa silid panauhin na inilaan para sa panandaliang paninirahan ni Prinsipe Asmal, sumasayaw ang malamig na hangin sa pagitan ng magaan na kurtinang kulay asul.Nagising nang maaga si Prinsipe Asmal. Hindi dahil sa anumang ingay kun'di sa kawalang-kapantay na katahimikan na tila baga may dalang babala. Lumapit siya sa bintana at tanaw ang palibot ng palasyo.Nakikita niya mula roon ang mga kawal sa mga tore, mga hardinero sa hardin, at ang mga batang kabataan ng Dotiya, mga lalaking siya mismo ang sumasanay para sa paparating na digmaan.Makalipas ang isang oras na pagmumuni-muni sa bintana ng kaniyang silid ay naligo na ang Prinsipe at nagbihis ng kaniyang kulay puting kasuotan na may burdang kulay ginto sa laylayan.Nang makababa siya sa

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 46

    Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SACRESIAKinabukasan, matapos ang isang buong araw ng pahinga at paggamot, isang seremonyang pamamaalam ang isinagawa sa gitna ng palasyo ng Sacresia ng Hari at Reyna para kay Prinsipe Zaitan.Matapos ang seremonya ay nagsimula na ang malaking piging na pinagsaluhan ng lahat ng mga mamamayan ng Sacresia. Lumapit si Prinsesa Elkisha sa Prinsipe, may hawak na maliit na sisidlang pilak na may inukit na bulaklak ng dagat. Tumigil siya sa harapan ng binata at mariing tumitig dito.“Prinsipe Zaitan,” mahina ngunit buo ang tinig niya, “marahil ay hindi ko dapat ito sabihin... ngunit sa panahong nagdaan, sa bawat laban mo, sa bawat sakit na ininda mo ay hindi lang paghanga ang umusbong aking puso kun'di... damdamin na higit pa roon.”Hindi agad nakasagot si Prinsipe Zaitan.Tumitig siya sa mga mata ni Prinsesa Elkisha. Sa kabila ng lambot sa kaniyang mukha, mahigpit ang kaniyang paninindigan. Maganda, mabait, masayahin, matalino, at masarap kausap ang Prinsesa

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 45

    Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SACRESIATahimik ang Arena, tila pinanawan ng hangin. Ang mga manonood ay nakaupo sa kani-kanilang mga puwesto, mga sireno’t sirena na pawang hindi na kumukurap. Sa entablado, naghahanda na si Prinsipe Zaitan para sa paghaharap nila ngayon ni Zudeo, ang kanang kamay ni Heneral Lutheo. Kilala si Zudeo bilang mandirigmang hindi tahimik at kalma ngunit nakakubli sa kalmadong itsura nito ang angking galing at katalinuhan. Ang kanyang buntot ay may kulay ng kayumangging ginto na minsan ay napagkakamalan siyang anak ng isang dugong bughaw. Wala silang armas, walang espada, walang sibat at pawang mga kamao at bangis lamang ang pagtatagpuin.Napatingin si Prinsipe Zaitan kay Zudeo habang lumalangoy ito palapit sa kaniya. Alam niyang kakaiba ang sirenong kawal na ito. Maliban kay Hakil, si Zudeo ang tanging kalaban na hindi nagpakita ng anumang kayabangan o pangmamaliit.Pagharap nila sa isa’t isa, tahimik ang pagitan habang nagkakatitigan na animo'y ginagamit

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status