Oktubre 04, 1498...
Nagpatawag nang agarang pagtitipon ang Supremo. Hindi niya alam kung paano nangyaring nawawala ang mga armas sa sikretong lagusan na tanging ang mga itim lamang ang nakakaalam. Napa-bendisyonan na iyon sa mga diwata at ang mga ginamit na mga metal na iyon ay mahirap hanapin at aabot pa ng ilang taon bago matagpuan.
"May traydor sa ating lahi. Lahat ng mga armas na nakatago sa sikretong lagusan ay kaniyang kinuha. Hindi ko nga lang natitiyak kung ano ang kaniyang pangagamitan ng mga iyon." Sambit ni Twari, ang kanang kamay ng Supremo.
"Ngayong araw ay ipahalughog mo ang mga tahanan ng lahat ng sa gayon ay malaman natin kung sino ang traydor." Sambit ng Supremo. Bakas ang galit sa kaniyang bawat pananalita.
Maging ang imbakan ng mga pagkain at salapi ay nakabukas. Nawawala ang ilang sako ng mga pagkain maging ang iilang kaban ng mga ginto at salapi. Dahil abala ang Supremo sa pamamalakad ng kaharian ay hindi niya masyadong natutukan, kasa-kasama niya sa bawat lakad ang kaniyang may bahay at si Twari.
Sinimulan na ang paghahaloglog ng buong mga kabahayan ngunit walang nakitaang mga armas ang bawat bahay ng kaniyang mga nasasakupan. Hindi maaaring ang mga puti ang may kagagawan sapagkat hindi mabubukas ang lagusan kung saan nakalagay ang mga armas kung hindi nabibilang sa lahi ng mga itim ang siyang nais na makapasok. Maging ang imbakan ng mga pagkain at salapi ay nasa sa sikretong silid na hindi mapapasukan ng kung sino-sino.
Malakas ang kutob ng Supremo na may nangyayaring hindi maganda ng hindi niya namamalayan. Sa mga nagdaang mga taon ay alam niyang masyado niyang naaabuso ang kabutihan ng kaniyang mga nasasakupan sa pamamagitan ng pagbili sa mga pinaghirapan nitong mga bagay bagay at negosyo sa pinakamababang halaga. Ngunit hindi naman niya sinisingil ang kaniyang mga mamamayan ng salapi upang bayaran ang mga pagkain na kaniyang tinutustos buwan-buwan.
Nang sumapit ang gabi ay hindi nakatulog ang Supremo. Nais niyang makalikom ng kasagutan sa mga nangyayari sa ilalim ng kaniyang pamamalakad. Hindi ito ang ipinangako niyang klase ng pamamalakad sa kaniyang ama na sobrang laki ng tiwalang ibinibigay sa kaniya.
Kinabukasan ay sumalubong sa kaniya ang pagkawala ng mga alagang hayop at iilang mga dugo na nagkalat sa kulungan ng mga baboy. Ang iilang mga kawal na nagbabantay sa lagusan kung saan naroon nakalagay ang mga armas, pagkain, salapi, at ginto ay wala ng mga buhay. Napatingin siya sa mga paa na nakabakat sa malambot na lupa kung saan may maring dugong nagkalat.
Tama ang kaniyang kutob na isang itim ba bampira ang somasabotahe sa kaniya. Kaya naman agad niyang pinahalughog muli ang mga kabahayan upang mahuli na nang tuluyan ang sino mang traydor ngunit tulad noong una niyang pinagawa iyon ay wala siyang nakuhang kasagutan o bampirang mapagbubuntungan ng kasalanan sapagkat inosente ang lahat.
Ilang araw na hindi mapakali ang Supremo dahil sa mga nangyayari. Habang nakatanaw sa karagatan mula sa kaniyang bintana ay ibon na dumapo upang ibigay sa kaniya ang isang sulat. Agad na lumlipad palayo ang ibon at nawala na lang bigla sa kaniyang paningin. Binuklat niya ang sulat at agad na napatigalgal nang mabasa ang nakasulat mula doon.
"Sa taong 1499, sa buwan ng Nobyembre ay lulusob ang aming lahi." ang nakasulat sa lumang papel. Maikli lamang ngunit nagbigay iyon ng kakaibang kaba at takot sa Supremo.
Ilang buwan siyang hindi mapakali at wala sa sarili, maging ang pamumuno ay kaniya nang napabayaan dahil sa matinding pangamba. Hindi niya batid kung saang lahi nagmula ang sulat na iyon. Alam niyang malabo na galing iyon sa mga puti sapagkat ang lahing iyon ay likas na mahihina at alam niyang pagsisisihan lang naman ng mga iyon ang gagawing paglusob dahil alam niyang matatalo rin naman ng kaniyang mga nasasakupan ang lahing iyon.
Biglang sumantop sa kaniyang isipan na baka ang lahing naghahamon ng labanan ay ang lahing nagnanakaw ng kanilang mga armas, mga pagkain, salapi, at mga ginto. Napapansin ng Reyna ang pagkabalisa ng Supremo. Nag-aalala siya para sa kaniyang asawa. Nabasa niya ang sulat at naghatid din ito sa kaniya ng kakaibang takot.
Natatakot siya para sa kaniyang pamilya at para sa kaniyang nasasakupan. Nasisiguro niyang makapangyarihan ang lahi na naghahamon at hindi basta-basta. Napatingin ang Supremo sa bunso niyang anak na may katangi-tanging kakayahan na kayang pahilomin ang sariling mga sugat na walang lunas ma ginagamit.
Kung sakaling masawi ang kanilang lahi ay alam niyang si Zumir ang siyang tanging matitira. Alam niya na magiging makapangyarihan ito na walang sino mang makakagapi sa kaniyang anak. Napatingin sa kaniya ang kaniyang binatang anak. Sa buong kasaysayan ay si Zumir lamang ang may kakayahang natatangi.
Sa murang edad ay natutong gumamit ng teleportasyon at kahit na sanggol pa lamang noon ay nakakapagsalita na sa pamamagitan ng isipan. Mas higit na malakas na ito sa kaniya, kay Twari, at maging sa kaniyang panganay na anak na si Asmal.
"Ama, nais mo bang sumama sa akin na magtungo sa buwan?" Tanong ni Zumir habang nakatanaw sa kabilugan ng buwan na siyang nagsisilbing tanglaw nila sa gabing iyon.
"Hindi kakayanin ng iyong enerhiya ang layo ng iyong pupuntahan, Zumir. Baka ay ikapanghina mo pa, Anak." Sagot ni Supremo Atcandis.
"Nagtungo na ako roon noong isang araw Ama. Hindi ako nakaramdam ng paghihininga. Nakabalik ako ng ligtas." Sagot nito at sa pagkakataong iyon ay nakatitig sa kaniya ang kulay pula nitong mga mata.
"Hindi kakayanin ng aking katawan ang pagpaparoon. Baka ay ako ay mamatay sa kalawakan." Sagot ni Supremo Atcandis na medyo natatawa pa.
"Huwag kang mag-alala, Ama. Ako ang bahala sa iyo. Kung sakaling makaramdam ka ng panghihina ay aalayan kita ng porsyente ng aking enerhiya." Sambit ng kaniyang anak at hinawakan siya sa balikat.
Tumitig siya sa kaniyang anak na kahit pa man ay batang binatilyo pa lamang ay mas matangka at makisig kaysa sa kaniya.
"Ama, wala kayong dapat na ikatakot dahil ang kabilugan ng buwan ang siyang magsisilbing taga bigay sa atin ng enerhiya sa ating pagtapak doon. Mas malakas tayo kung buong-buo siyang magpapakita." Sambit ni Prinsipe Zumir.
Pumikit silang dalawa at ilang segundo lamang ay natagpuan na ni Supremo Atcandis ang kanilang mga sarili sa buwan. Medyo lumulutang sila ng kaonti. Napangiti siya nang hawakan siya ng mahigpit ng kaniyang anak. Kitang-kita niya ang mga planeta sa ibaba, iba-iba ang mga kulay at laki.
"Hiniling mo ba ama noong ikaw ay ka edad ko pa lamang na maging Supremo?" wala sa sariling tanong ni Prinsipe Zumir.
Agad na umiling ang Supremo.
"Noong kabataan ko ay ang nasa aking isipan lamang ay gusto kong magkaroon ng pamilya sa babaeng aking pakakasalan at masaganang pamumuhay. Dahil walang interes sa trono ang aking mga kapatid at ako ang pinili ni ama na humalili sa kaniya ay tinaggap ko iyon ng buong puso." Sagot ng Supremo.
Bata pa lamang ay nakikitaan na ang Supremo na si Atcandis ng mga katangian para maging isang mabuting pinuno. Sa una ay kinakabahan ang Supremo sa nakaatas sa kaniya na hindi lamang maliit na bagay. Dadalhin niya ang buong kaharian hanggang kailan niya gustuhin. Nakikita niya ang sarili sa kaniyang bunsong anak na kailan man hindi hiniling nito sa kaniyang ama na siya ang koronahan.
"Ama, alam kong hindi basta bastang lahi ang naghahamon sa atin." Napatingin ang Supremo sa kaniyang anak. Nakatingala ito sa mga bituin na walang kasing ningning. Hindi niya batid kung saan nalaman ni Prinsipe Zumie ang tungkol sa lahing nanghahamon.
"Ako'y patawarin niyo sana ngunit ang inyong isipan ang nakabukas nitong mga nagdaang mga buwan. Magulo ang mga boses na nagsasalita roon na para bang may mabigat kayong dinadala ama. Narinig ko ang iyong boses mula sa iyong isipan na ikaw ay nangangamba sapagkat alam mong hindi basta basta ang naghahamon sa ating lahi," malamig na sambit ng binatilyong Prinsipe.
Hindi nakasagot ang Supremo. Masyado na ba niyang dinadamdam ang mga pangyayari na kahit ang mga boses sa kaniyang isipan ay malaya niya na lamang na naipaparinig sa iba?
"Nalaman ko rin mula kay Owwa na ilang beses na tayong nanakawan ng mga armas, mga pagkain, mga salapi, at mga ginto." Dagdag ng Prinsipe.
Bumuntong hininga ang Supremo at tumingin ng diretso sa pulang mga mata ng kaniyang anak. Ang mga mata nila ay kapwa pula dahil sa kabilugan ng buwan.
"Kung sakaling hindi magtagumpay ang ating lahi mula sa mga di matukoy mga manlulusob ay nais kong ipagpatuloy mo ang mga nasimulan ng ating lahi," madamdaming saad ng Supremo.
"Ama, ano ba ang iyong mga pinagsasabi? Hindi tayo masasawi, hindi tayo mag—" hindi na nagawang tapusin ng Prinsipe ang sana ay sasabihin niya nang magsalita ang Supremo.
"Iyong ipangako na hindi lamang tayo mag-iiwan ng marka sa kasaysayan ng mga bampira, Zumir. Iyong ipangako na kahit sino man ang magtangkang burahin tayo sa mundo ay hindi nila magagawa dahil mayroon pa na ikaw. Ipangako mo na hanggang sa kasalukuyang panahon, mananatiling makapangyarihan ang mga itim, Ipangako mo na walang sino man ang makakatalo sa atin. Magiging Supremo ka ng lahat ng lahi, at magiging Hari ng mundong ginagalawan ng lahat," makahulugang sambit ng Supremo.
Hindi agad nakasagot ang Prinsipe. Hindi niya maitindihan ang kaniyang nararamdaman. Kinakabahan siya, nangangamba, at binabalot ng matinding takot ang kaniyang pagkatao.
"Ipinapangako ko ama, hindi lamang tayo magiging parte ng tagumpay ng mga di matukoy na mga manlulusob. Gagawin ko ang lahat, bilang susunod na hahalili sa trono na mananatili ang kaharian ng mga itim na nakatayo." Sagot ni Prinsipe Zumir.
Napangiti ang Supremo at binalingan ng tingin ang kanilang mga paanan na nakatapak sa buwan.
Disyembre 10-11, 1498...
"Maligayang kaarawan, Kamahalan!" Bati ng lahat kay Prinsipe Zumir. Nakatayo siya sa harapan suot ang magarbong kasuotan.
Ngayon ang anibersaryo ng kaniyang pagkasilang. Nasa edad labing pito na ang Prinsipe at sa nagdaang mga buwan ay mas lalo siyang nagiging makapangyarihan. Nang araw na iyon ay nagtungo sa kaharian ang iilang mga mayayamang pamilya upang makisalo sa malaking handaan sa kaharian ng mga itim.
"Nasa tamang edad na si Zumir at tiyak na magkakabutihan sila ng aking unica hija na si Selda, maganda at matalino ang aking anak na tiyak na matitipohan ng iyong binata." Sambit ng babaeng negosyante at humalakhak. Katabi niya ang labing-walong taong gulang na anak na si Selda. Nakasuot ito ng kulay lila na kasuotan. Nakalugay ang kulot na kulot nitong buhok. Ngumiti ito sa Supremo at binalingan ng tingin ang Prinsipeng si Zumir na tahimik na kumakain sa tabi ng kaniyang ama.
"Ano sa tingin mo anak?" Bumaling ang Supremo sa kaniyang anak ngunit malamig lamang siyang tiningnan nito.
Upang mawala ang ilang ay tumawa ang ina ni Selda na si Serin at nagbukas na lamang ng bagong usapin tungkol sa kaniyang mga negosyo at kung gaano siya kayaman. Isa rin itong itim na bampira ngunit nakatira sa labas ng Kaharian sapagkat nakapag-asawa ito ng ibang lahi na nagmula sa lahi ng mga lobo na mahigpit sana na ipinagbabawal. Iyon ang dahilan kaya napatalsik si Serin mula sa kaniyang kaharian maging ang kaniyang asawa. Maaari lamang silang dumalaw sa kani-kanilang mga kaharian ngunit ipinagbabawal ang pagtira ulit dahil lumabag sila sa batas.
"Kay lamig ng mga titig ng iyong binata sa aking dalaga, Supremo. Tila ipinaparamdam niya na hindi niya tipo si Selda," dismayadong sambit ni Serin.
Nailang naman si Selda ay nag-iwas ng tingin. Noon pa man ay may pagtingin na siya sa Prinsipe dahil madalas niya itong makita. Kasamahan ng kaniyang nakakatandang kapatid sa pag-eensayo si Zumir. Kahit na hindi nakangiti ang Prinsipe ay hindi nakabawas sa itsura nito ang angkin nitong kagwapohan. Masyadong perpekto ang hulma ng mukha ng binata na kahit sinong binibini ay mapapako ang tingin.
"Ipagpaumanhin po ninyo sapagkat ganiyan ho simula noon ang personalidad ng aking kapatid. Sa ngayon ay mas pinagtutuonan niya ng pansin ang pag-eensayo dahil sa mga susunod na mga taon ay siya ang hahalili sa aming ama." Sagot ni Asmal.
Napatingin siya sa kaniyang kapatid na si Zumir na magana pa rin na kumakain na tila walang pakialam sa paligid. Napatingin si Asmal sa dalagitang si Selda na ngayon ay nagbababa na ng tingin sa kaniyang nga kubyertos. Nang matapos ang kasiyahan ay isa-isa nang nagpaalaman ang bawat pamilya upang tumulak na paalis.
Kinabukasan ay naabutan ni Asmal si Zumir na mag-isang gumagamit ng pana habang pinapatamaan ang prutas na mansanas na mahilig isang metro ang layo.
"Hindi mo ba talaga nagustuhan ang anak ng negosyanteng si Serin? Hindi ko maitatangging may kabigha-bighaning karikitan ang binibining iyon, Zumir." Sambit ni Asmal ay ipinuwesto na rin ang kaniyang pana upang patamaan ang iilang mga mansanas.
"Hindi," walang ganang sagot ng binata.
"Paano ka magkakaroon ng Reyna kung kahit sa sobrang gandang Binibinin ay walang talab sa iyo?" Natatawang saad ni Asmal.
"Walang ibang maganda sa aking mga mata kung hindi si, Ina lamang. Walang makakahigit sa karikitang kaniyang taglay, Kuya." Sagot nito na ikinatulala niya.
Napailing-iling na lamang si Asmal ay pinagtuonan ang kaniyang ginagawa. Natamaan niya ang lahat maging si Zumir ay walang pinalampas. Ibinaba nila pareho ang kanilang mga busog at pana at parehong naupo sa upuan na malapit sa kanilang pinapatamaan kanina.
"Ikaw, Kuya? Wala ka bang balak na mag-asawa? Nasa tamang edad ka na." Sambit ni Prinsipe Zumir.
Umiling si Asmal at tumingin sa kaniyang kapatid. Hinawakan niya ito sa balikat at ngumiti.
"Mag-aasawa lamang ako kapag nakita mismo ng dalawa kong mga mata ang pagkokorona sa iyo ni Ama." Nakangiti sagot ni Asmal.
Kunot-noo naman siyang tiningnan ni Zumir.
"Paano kong hindi ako mahirang? Habang buhay kang mag-iisa? Hindi ka parin ba mag-aasawa?" Tanong ni Zumir.
"Gaya nga nang sinabi ko, hindi ako mag-aasawa hangga't hindi ka nahihirang." Sagot ni Asmal.
Wala sa sariling napangiti si Zumir sa sinabi ng kaniyang nakatatandang kapatid. Marami ang nakaabang sa kaniyang pagiging Supremo at hindi niya magagawang biguin ang mga iyon na pinangungunahan ng kaniyang pamilya.
Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULNapangisi si Prinsesa Amira nang makita sina Prinsesa Xesha, Reyna Safi, at Inang Reyna Zenya na nagmamadaling nagtatakbo nang makita sila. Bakas ang takot sa mga mata ng tatlo habang pumupuslit."Saan kayo magtutungo?" mala-hangin sa bilis na hinarang niya ang tatlo at isa-isang itinulak gamit ang palad na may puting mahika.Tumilapon si Prinsesa Xesha sa may batohan dahilan upang mabali ang kaniyang tadyang. Humiyaw ang Prinsesa dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman habang sinusubukang makatakas."Anak!" Sumigaw si Reyna Zafi at nilapitan ang kaniyanv anak. Akmang gagamitan ng mahika ni Prinsess Amira ang mag-ina nang biglaang tumakbo si Inang Reyna Zenya at humarang sa harapan ng dalawa."Ako na lamang ang iyong saktan, huwag na sila!" Sigaw ng Inang Reyna."Kamahalan, kayo ay umalis riyan." ani Reyna Zafi.Umiling lamang si Inang Reyna Zenya."Nilalamon ako ng aking konsensiya nang hayaan kong mamatay ang ating mga kasamahan, hinding-hindi ako nar
Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULNagharap sina Supremo Atcandis at Pinunong Harez. Parehong may mag matatalim na tingin sa bawat isa na may malalim na pinanghuhugutan. Unti-unting nagkukulay dugo ang mga mata ng Supremo, nagsilabasan ang mga naglalakihang ugat sa leeg at braso, at ang unti-unting pagtalim ng kaniyang mga kuko. Habang si Pinunong Harez ay nagsisimulang magkulay tanso ang mga mata, nanalim ang mga pangil, at ang dahan-dahang pagpapalit anyo bilang lobo."Hindi-hindi ko mapapatawad ang lahi ninyo, Atcandis. Tandaan mong gagawin namin ang lahat mabura lamang kayong mga itim sa buong kasaysayan ng mga bampira." galit na galit na sambit ni Pinunong Harez.Malamig na nakatingin si Supremo Atcandis sa Pinuno ng mga lobo habang parehong tinatangay ang mga kapa nila ng mahinay hampas ng malamig na hangin."Ang atraso ng aking mga ninuno ay hindi magiging akin, Harez. Hindi ako ang pumatay kay Savanna kaya wala kang dahilan upang—" hindi naggawang tapusin ni Supremo Atcandis ang
Taon 1805...KAHARIAN NG SARSUL...Malamig ang simoy ng hangin at nagbabadya ang pagbuhos ng malakas na ulan dahil sa senyales na makikita sa napakaitim na ulap. Nagkakagulo ang mga paniki sa himpapawid maging ang mga uwak ay kataka-takang nakikipagsabayan sa mga orihinal na mga ibong pang gabi.Nakatayo si Prinsipe Zaitan sa harapan ng dalawang-daang puting mga bampira. Isang daang kasapi ng mga dakilang lobo, mga diwata na iila lamang ang bilang maging ang mga sirena na dumayo pa sa lupa magmula sa kinailaliman ng karagatan.Handa na ang lahat sa digmaan at walang oras na dapat sayangin. Sa puntong ito ang tamang panahon upang mapatunayan sa lahat kung sinong lahi ang siyang matitirang buhay.Sa kabilang dako naman ay kapwa nakasuot ng itim na kapa at kasuotan ang mahigit isang libong lahi ng mga itim na mga bampira. Walang ibang mga kaalyansa at purong mga kalahi ang kakampi sa laban. Handa na ang lahat sa magaganap na digmaan sa pagitan ng kapwa bampira na pinagbuklod ng paniniwal
Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULLibo-libong mga itim na bampira ang nagtipon, bitbit ang kanilang mga armas, mga espada na kuminang sa ilalim ng maulap na langit at mga panang handang dumurog sa alinmang makalapit na kaaway. Pinangungunahan ang lahat ng Supremo Atcandis, kasabay ng dalawa niyang anak.Si Prinsipe Asmal, ang kasalukuyang Punong Heneral ng hukbo, at si Prinsipe Zumir, ang tagapagmana ng trono. Ang buong hanay ng mga kawal at maharlikang tagapagtanggol ay nakaposisyon sa malawak na bakurang bato ng palasyo, nakasuot ng makakapal at matitibay na kasuotang itim na tila sumisipsip sa liwanag, animo’y nagiging anino mismo ng gabi.Mabigat at makapangyarihan ang bawat hakbang ng Supremo nang siya ay tumindig sa harap ng libo-libong kawal. Itinaas niya ang kanyang espada, at mula sa dulo nito ay bumalot ang itim na liwanag na umalingasaw sa paligid.“Mga anak ng dilim,” malakas na sigaw ni Supremo Atcandis, ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa bawat pader ng kaharian, “ito an
Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG DOTIYANapapansin ni Prinsipe Asmal na iniiwasan siya ni Prinsess Xesha nitong mga nakaraang araw. Hindi man niya maamin, ngunit nangungulila siya sa mga masasayang araw kung saan payapa silang nagbabasa ng libro sa hardin, gumuguhit, at kumakain ng meryenda. Minsan ay napipilit siya ng dalaga na magtanim ng mga bulaklak na nauuwi sa pagbabangayan nila. Ngunit para kay Prinsipe Asmal ay hindi siya naiinis, mas natutuwa pa nga siya sa tuwing nakikita ang nakakunot nitong noo, magkasalubong na mga kilay, at namumulang pisngi."Ilang araw mo na akong iiniwasan, may nagawa ba akong mali, kamahalan?" Tanong niya habang nakatalikod ang Prinsesa sa kaniya, abala sa pagdidilig nga mga bulaklak na itinanim nila, ilang linggo na ang nakakalipas."Isang linggo na lamang ay ikakasala na ako, kamahalan... Hindi magandang tignan na nakikisalamuha ako sa mga binata, isa iyong hindi pag-respeto sa magiging kabiyak." Sagot ni Prinsesa Xesha habang patuloy na nagdidili
Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SARSUL...Nakatayo sa terasa si Prinsipe Zumir habang malayang pinapanood ang mga itim na bampira na nagsasanay sa malaking espasyo sa harapan ng palasyo. Napahigpit ang kapit ni Prinsipe Zumir sa kaniyang dibdib nang maramdaman ang matinding paninikip niyon. Ilang araw na rin siyang sumusuka at dumudura ng dugo. Nahihirapan na rin siyang makatulog sa gabi, ngunit sa kabila nito, pinipilit pa rin niyang mag-ensayo sapagkat ilang linggo na lamang ay magaganap na ang digmaan.Iilang hakbang pa lamang ang layo ni Prinsesa Yneza ay naramdaman na niya itong papalapit. Nakasuot ng pulang mahabang bestida ang dalaga habang may malaking ngiti sa labi."Nagdala ako ng mga preskong prutas para sa iyo. Nandoon na ang lahat ng iyon sa ibaba. Nais mo bang kumain kasama—" Hindi na nagawang tapusin ng dalaga ang sasabihin nang magsalita si Prinsipe Zumir."Wala nang saysay ang pagpunta mo rito araw-araw. Hiniling ko na sa iyong ama na hindi na matutuloy ang ating pag