Share

KABANATA 7

Marso 02, 1499...

Inaalalayan ng mga tagapagsilbi si Prinsipe Zumir upang mahubad niya nang tuluyan ang kaniyang pang-itaas na kasuotan. Kakatapos niya lamang sa kaniyang pag-eensayo. Mas lalo niyang pinag-aaralan ang teleportasyon. Nais niyang hindi lamang sa buwan ang kaya niyang tunguhin. Pawis na pawis ang Prinsipe at hinihingal dahil mahigit limang oras siyang nag-ensayo. Walang kain at tubig. Sinasanay niya ang kaniyang sarili sa ganoon upang malaman kung saan ang hangganan ng kaniyang makakaya o ang makakaya ng kaniyang katawan.

Napatingin ang lahat ng mga taga-silbi nang makitang pumasok ang isang matandang babae. Puno ng ibat-ibang klase ng palamuti sa kaniyang balat. Halos matabunan na ang kaniyang buong katawan no'n. Nang magkaabot ang mga mata nila ng Prinsipe ay yumukod siya upang bumati.

"Magandang Araw, Kamahalan." Bati niya sa binatang Prinsipe na dinayo niya pa kahit na napakalayo ng kaniyang ginawang paglalakbay upang makapunta.

"Magandang Araw sa iyo, Tandang Lu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status