Disyembre 30, 1496...
Nakaupo sa harapang bahagi ang Supremo Atcandis katabi ang Inang Reyna na si Zenya. Ang panganay na anak nila na si Asmal ay nakaupo sa kaliwang bahagi ng Supremo. Kapwa nakasuot sila ng magagarbong mga kasuotan. Ang mga kapatid ng Supremo at mga asawa nito ay prenteng nakaupo sa tabi ng dating Supremo na si Luwis at Inang Reyna na si Alyada. Ang mga mamamayang mga itim na bampira ay nakapa- libot sa malawak na bilog na sinadya talagang gawin.
"Ang duelo na ito ay may tatlong lebel; Sa oras na malampasan ang dalawa ay ang makakalaban nila sa panghuli ay ang kanang kamay ng Supremo na si Twari. Laging tatandaan na espada lamang ang gagamitin at hindi maaaring gumamit ng teleportasyon upang gawing taktika," malakas na pag-aanunsyo ng punong-taga asiwa na si Romelda, isang babaeng mandirigma na isa sa mga naging guro ng mga kabataang mga itim na mula sa pamilyang bughaw.
Kabilang sa mga isasalang ay ang Prinsipe na si Zumir. Sa nagdaang mga taon ay kakikitaan ang malaking pagbabago sa anyo ng Prinsipe. Matangkad ito sa normal na taas ng isang batang nasa edad kinse. Makisig at madaling matuto ang binatang Prinsipe. Isininasagawa ang ganitong klase ng duelo taon-taon upang magsilbing pagtatapos sa mga binatang mga bampira sa ilang taon nila na pagsasanay.
Kinakabahan ang Inang Reyna na si Zenya dahil alam niyang walang dapat mamagitan sa duelong magaganap. Dito rin masusukat kung talagang may natutunan ang mga Prinsipe sa kanilang mga naging pagsasanay. Habang ang Supremo at ang Prinsipe na si Asmal ay kalmado lamang dahil malaki ang tiwala nila kay Zumir.
Pinalo ng tatlong beses ang tambol at tumunog ang trumpeta. Nagbilang ng tatlo si Romelda upang simulan na ang gagawing duelo. Tinawag ni Romelda ang unang Prinsipe na sasalang.
"Mula sa pamilya ng mga dakilang mangangaso, Prinsipe Dulhen laban sa mandirigmang si Kuhan." Anunsyo ni Romelda.
Lumapit sa harapan ang Prinsipe na si Dulhen. Bitbit niya ang isang espada at handang-handa nang sumalang sa duelo. Sa dulo ay nanalo ang Prinsipe.
Ang sunod na isinalang ay ang Prinsipe na si Kowa, mula sa pamilya ng mga dakilang Negosyante. Ngunit hindi nagtagumpay ang Prinsipe dahil natalo siya ng mandirigma.
Sumunod pa ang iba at nang tawagin ang panghuli ay abot ang kaba ng Inang Reyna. Gusto niyang maiyak dahil hindi mababakas ang kaba sa mukha ng kaniyang anak. Likas itong tahimik, walang pakialam sa kaniyang paligid, at napaka misteryosong binata. Hawak nito sa kaliwang kamay ang espada niya. Bahagyang magulo ang itim na itim nitong buhok na mahinang inililipad ng ihip ng malamig na hangin.
"Hindi naman aabot sa pagpaslang Mahal, hindi ba?" Tanong ng Reyna sa kaniyang kabiyak.
Hindi sumagot ang Supremo bagkos ay nginitian niya lamang ang kaniyang asawa.
"Hindi masasawi o matatalo si Zumir, isa siyang kakaibang bampira, magtiwala ka sa anak natin Mahal." Sagot ng Supremo.
Puwesto sa harapan ang Prinsipe na blangkong nakatingin sa mandirigmang nasa kaniyang harapan. Hindi kakikitaan ng kaba o ano mang eskpresyon ang binatang Prinsipe. Nang matapos ang pagbibilang ni Romelda ay nagsimula na silang gumalaw. Halos maiwang tulala ang lahat ng hindi umabot ng isang minuto ay natalo na ang mandirigma habang nakatutok sa kaniya ang espada ng Prinsipe na si Zumir.
"Kakaiba!" Puri ng isang magsasakang Bampira.
"Napakagaling ng kamahalan!" dagdag naman ng isa.
"Sa isang pikit-mata ay natalo na niya, kahanga-hanga!" Sabat ng isang babaeng dalaga.
"Ang nanalo ay si Prinsipe Zumir!" Anunsyo ni Romelda.
Galak na galak ang Inang Reyna at ang Supremo sa ipinamalas ng kanilang bunso. Habang kalmadong nakatingin lamang si Asmal sa kaniyang kapatid na blangko pa rin ang ekspresyon sa mukha habang nakatayo sa harapan ng mandirigmang kaniyang natalo.
"Sana lang ay mali ako." Bulong ni Asmal sa sarili.
Sa huli ay naglaban sina Prinsipe Zumir at Prinsipe Dulhen. Pangisi-ngisi ang labing-walong taong gulang na Prinsipe. Batak na siya sa ganitong mga gawain sapagkat ang pamilya na kaniyang pinagmulan ay dakilang mga mangangaso. Bata pa lamang ay marunong na siya kahit mas malaki pa sa kaniya ay kaya niyang pataubin. Ngunit magkasing tangkad lamang sila ng kinse anyos na si Prinsipe Zumir at hindi nagkakalayo ang kanilang kakisigan.
"Ang mananalo sa inyong dalawa ang siyang makakaharap ni Twari. Simulan na ang pangalawang duelo!" Sigaw ni Romelda.
Iwinasiwas na ni Prinsipe Dulhen ang kaniyang espada habang nakangisi kay Prinsipe Zumir. Hindi niya mahulaan kung anong iniisip nito sapagkat nang subukan niyang gamitan ito ng telepatiya ay nakasara ang isipan ng Prinsipe. Hindi niya magawang basahin pati ang mga galaw nito at kalabisan man para sa kaniyang na aminin ngunit napahanga siya ng Prinsipe sa ginawa nito sa mandirigma kanina. Natalo nito ng hindi umabot ng dalawang minuto.
"Sanggol ka pa lamang sa larangang ito, Kamahalan. Hayaan mo't ipapatikim ko sa iyo kung ang tamis ng pagkatalo." Aniya habang nakangisi.
"Kung magagawa mo akong talunin ay sa'yo na ang trono sa oras na ako ang hiranging Supremo," malamig na sambit ng Prinsipe na si Zumir.
Nanlaki ang mga mata ni Dulhen at nang makabawi ay ngumisi siya. Ang tanging maririnig sa paligid ay ang kalansing ng kanilang mga espada. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng isipan at nilagyan nito ito ng limitasyon na sila lamang ang makakarinig at hindi ang sino man.
"Hindi kaya pagsisihan mo iyan balang araw, Kamahalan?" Tanong ng Prinsipe Dulhen.
Nagpalit na sila ng pwesto at patuloy parin ang pangsasanggaan nila ng kaniya-kaniyang atake.
"Hindi sapagkat hindi ko hahayaan na manalo ka," Sagot ng Prinsipe na Zumir.
Hindi namalayan ni Prinsipe Dulhen na tumalsik na pala ang kaniyang espada palabas ng bilog. Abot-abot ang kaniyang kaba sa mga oras na iyon. Sinamantala niya ang pagiging maliksi ng kaniyang mga paa kung kaya ay sinipa niya ang epada ng Prinsipe na si Zumir at tumalsik din ito palabas ng bilog.
Ngumisi si Prinsipe Dulhen ngunit nanatili ang blangkong ekspresyon sa mukha ni Prinsipe Zumir. Inatake niya ang Kamahalan ngunit nagulat siya nang bigla itong napunta sa kaniyang likod at buong lakas siyang sinipa nito sa likod dahilan upang mapasalampak siya sa lupa. Dali-dali siyang tumayo at inatakeng muli ang Prinsipe ngunit hindi niya natamaan nang planohin niyang sipain sana ito sa mukha. Nahawakan ng Prinsipe ang kaniyang paa at tila isa siyang bulak dahil walang awa siya nitong ihagis sa lupa dahila upang mapasalampak siyang muli. Nanatili itong kalmado at blangko.
Napansin niya ang gasgas sa kaniyang mukha at ang mga braso kung kaya't inatake niya itong muli ngunit papalapit pa lamang siya nang mauna na itong makalapit at hinuli ang kaniyang ulo at buong puwersang pinagtalsik mula sa bilog.
Hindi makapaniwala ang Prinsipe na natalo siya ni Zumir ng walang kahirap-hirap. Tila pinaglaruan lamang siya ng Kamahalan. Sa mga oras na iyon ay pinagdudahan niya ang kaniyang kakayahan at tuluyang niyakap ang pagkatalo. Napatingin siyang muli sa Kamahalan na wala ni isang gasgas o sugat sa katawan. Ni hindi ito pinagpawisan o hiningal gaya niya. Nanatili nakatitig ito sa kaniya habang blangko pa rin ang ekspresyon. Umiling-iling ito na tila nabigo sa pinakita niyang kakayahan. Naalala niya ang pagmamayabang niya na tila nakalimutan na hindi basta-basta ang Prinsipeng si Zumir na magiging susunod na Supremo ng kanilang lahi.
"Ang nanalo, Prinsipe Zumir!" Anunsyo ni Romelda at nagpalakpakan ang lahat. Humarap sa malda ang binatang Prinsipe at unang lumapat ang kaniyang mga mata sa kaniyang Ina na maluha-luha habang nakangiti sa kaniya. Sunod niyang tinignan ay ang kaniyang ama na tinanguan lamang siya at ang kaniyang nakakatandang kapatid na nginitian siya ng kaonti. Nabasa niya sa isipan nito ang sinabi ng kaniyang kapatid.
"Mahusay, Kahamahalan." Sambit nito.
Nginitian niya lamang ng kaonti at muli siyang tumalikod upang dampotin ang espada na kanina lang ay tumalsik dahil kay Prinsipe Dulhen.
Ilang minuto lamang ay nagsimula nang maglaban sina Twari at Prinsipe Zumir. Hindi akalain ni Zumir na napakahusay ng kaliwang kamay ng kaniyang ama. Maliksi, kalmado, at tuso ang lalaki. Ang baway galaw nito ay hindi agad-agad mababasa. Napadaing ang Prinsipe ng tamaan siya sa kaniyang kanang balikat dahilan upang tumulo ang masaganang dugo mula doon. Nanatiling nakatingin sa kaniya si Twari ay maya-maya ay naghahanda na naman itong atakehin siya. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Romelda kanina lamang.
"Lahat ng taktika ay pwede ninyong gawin upang manalo basta ay siguraduhin niyo lamang na hindi kayo lalagpas o tatalksik mula sa bilog na iyan." Sambit ng babaeng mandirigma.
Nagulat si Twari nang ngumisi si Prinsipe Zumir. Nakita niyang pumikit ito at nilagay ang dalawang daliri nito sa kaniyang noo at biglang naglaho. Napakabilis ng mga pangyayari, namalayan na lamang ni Twari na nasa likuran na niya ang Prinsipe at nakatutok na sa kaniya ang espada nito. Hindi nagpatinag si Twari kung kaya't inatake niya ito mula sa likod. Lumipad ang Prinsipe pabalik sa kaniyang pwesto kanina at naglaban ang kani-kanilang mga espada.
Halos hindi sila maaninag ng mga nanonood ang dalawa dahil sa bilis ng kanilang mga galaw at tanging kalansing lamang ng kani-kanilang mga espada ang maririnig.
Nang hindi matamaan ng kanang kamay ng Supremo ang Prinsipe ay doon na tuluyang nabasa ni Zumir ay susunod na atake at galaw ni Twari. Nawala sa pokus ang lalaki at huli na nang makabawi siya sapagkat sunod-sunod ang natanggap niyang atake mula sa binatang Prinsipe. Nawalan siya ng balanse at walang nagawa kundi salagin ang tila walang katapusang hampas at pagsugod ni Zumir.
"Maaaring malampasan niya ang angking galing ni Twari," mahinang bulong ng Supremo na narinig ni Asmal.
"Hindi na ako magtataka ama na sa nga susunod na mga taon ay hindi na magagawang gapiin ng sino man si Zumir." Sagot ni Prinsipe Asmal.
Tinignan siya ng kaniyang ama at sumang-ayon sa sinabi ng kaniyang anak. Hindi nga sila nagkamali dahil nasaksihan nila kung paano tumilapon palayo si Twari. Hinihingal si Zumir habang tagaktagak ang kaniyang nga pawis. Nakahawak siya sa kaniyang balikat na may tumutulong dugo.
Sandaling natahimik ang mga tao at nang tumuntong sa maliit na entablado si Romelda ay saka pa sila nag-ingay.
"Nanalo ang Kamahalan!" Anunsyo ng babaeng mandirigma.
Nanatiling blangko ang ekspresyon ng Prinsipe habang naliligo sa sariling pawis at patuloy na hinahabol ang kaniyang paghinga. Ngunit ang ikinagulat ng lahat nang bigla na lamang maghilom ang sugat ng binata na kahit pa man walang inilalapat na lunas doon.
"Hindi maaari." Sambit ni Asmal na tila wala sa sarili.
Dahil ang kakayahang pahilomin ang sariling sugat ng walang kahit na anong lunas na ginanagamit ay kakayahan na tinataglay ng isang itim na bampira na walang kamatayan.
Enero 15, 1498...
Naglakad papasok sa isang sikretong silid si Prinsipe Dulhen upang makigpag-usap sa Supremo ng mga puti na si Supremo Deon. Napangisi siya nang makitang kumpleto ang lahat ng mga matataas ang antas ng pamumuno sa loob. Maingat siyang naglakad papalapit at agad na binati ang mga naroon.
"Magandang araw, Supremo!" Bati niya sa Supremo na agad naman siyang tinanguan.
"Magandang Araw, Prinsipe Dulhen." Bati pabalik ng Supremo.
"Ano ang balita na iyong dala ngayon? Mula sa iyong lahing pinagmulan?" Nakangising tanong ng kapatid ni Supremo Deon na si Arcasi.
"Ang mga itim na bampira ay mas lalong lumalakas. Ang Prinsipe na si Zumir na siyang susunod na Supremo ay tila hindi na magagapi sapagkat sa mga nagdaang mga taon ay mas nalilinang ang kaniyang mga pambihirang kakayahan. Nais ko na ang inyong mga kabataan ay sumailalim din sa isang buwis-buhay na pag-eensayo gaya ng ginagawa namin na mga itim. Ituturo ko rin sa inyo ang kanilang mga kayamanan at pinagkukunan ng mga pagkain at salapi. Nais ko ring ipabatid sa inyo na ang mga armas na aming ginagamit ay pinabebendisyonan namin sa mga diwata upang maging mas makapangyarihan kami sa inyo. Alam ko rin kung saan ikinukubli ang aming mga armas na siyang magagamit natin sa susunod na taon na paglusob," mahabang sabi ni Prinsipe Dulhen.
Simula nang matalo siya ng Prinsipeng si Zumir ay labis niyang dinamdam iyon. Tila ba hindi nagkaroon ng kabuluhan ang ilang taon niyang pagsasanay para lamang talunin ng isang hamak na Prinsipe na mas bata sa kaniya ng ilang taon.
Ang isa pa sa kaniyang kinasusuklaman sa kaniyang lahing pinagmulan ay kulang na kulang ang salapi na binibigay ng Supremo sa kanilang pamilya kapalit ng serbisyong kanilang ibinibigay. Kahit ang pinuno nila na kaniyang ama ay tila nawawalan na ng pag-asa, ang kanilang pangkabuhayan sa paggawa ng mga armas ay naibebenta na lamang ng iilang centimo. Nakoronahan siyang Prinsipe dahil sa yaman na mayroon sila sa mga nagdaang mga taon kahit pa wala silang dugong bughaw.
Nakipagkasundo siya sa mga puti upang makaganti sa mga gahamang namumuno sa kanilang lahi. Alam niya na ang mga puti ay may mabubusilak na mga puso na kahit hindi niya kalahi ang mga ito ay alam niyang tatanggapin siya dahil ang kaniyang mga ninuno noon ay nagmula naman sa lahi nila ngunit pumanig lamang sa mga itim dahil sa uhaw ang mga ito sa yaman at posisyon.
"Nais kong maging kanang kamay mo, Deon kung sakaling matalo natin ang aking lahi," mariing sambit ni Prinsipe Dulhe.
"Utang namin ang lahat ng impormasyon sa iyo dahil kung hindi sumantop sa iyong isip na ikaw ay papanig sa amin, siguro ay magpakailanman kaming aabusuhin, at aalilain ng mga itim." Sagot ng Supremo.
Itinataas ng Supremo ang kopita na naglalaman ng dugo. Sumunod ang lahat at huling nagtaas ang Prinsipeng si Dulhen.
"Mabuhay ang mga puti!" Sambit ng Supremo sa malakas na boses.
"Mabuhay ang Prinsipe Dulhen!" Sambit ng lahat.
Maya-maya lang ay sumunod ang mga magulang ni Prinsipe Dulhen kasama ang lahat ng mamamayan na kabilang sa pamilya ng mga dakilang mangangaso. Pare-pareho sila ng mga hinanaing at nais na mangyari. Nais nilang magkaroon ng pantay na pagtrato ang sino man na susunod na mamuno sa mga bampira sa susunod na mga taon.
Kasalukuyang panahon...KAHARIAN NG SARSULMatapos ang maagang pag-eensayo ng mag-isa ay tumulak na pauwi sa Kaharian ng Sarsul si Prinsipe Zumir. Napapansin niya na ang panghihina ng kaniyang katawan na para bang unti-unti na siyang nilalamon ng kamatayan. Ang kaniyang mga kakayahan ay naroroon pa. Kaya niya pang gumamit ng teleportasyon sa malalayong lugar, pahilomin ang mga sariling sugat, maliksi at malakas pa ang kaniyanf pangangatawan ngunit pakiramdam niya ay unti-unting nababawasan ang mga iyon. Madali na lamang siyang mapagod at mawalan ng lakas. Minsan ay sumusuka siya ng dugo, nanakit ang kaniyang ulo na halos pakiramdam niya ay mabibiyak na, dudura at uubo siya ng dugo, at minsan din ay halos makalimutan na niya ang mga tao sa kaniyang paligid, ngunit pinipili niyang tatagan ang sarili at labanan ang mga iyon na senyales na malapit na ang kaniyang hangganan.Maaga pa lamang ay nakita na niya si Prinsess Yneza sa balkonahe. Suot ang mahabang kulay pulang kasuotan na may bu
Kasalukuyang panahon...KAHARIAN NG DOTIYAAlas singko pa lamang ng umaga ay tahimik pa ang palasyo ng Dotiya. Sa labas, ang mga punong banaba ay nanginginang sa dampi ng hamog habang ang mga ibon sa mga hardin ay nagsisimula nang kumampay ng pakpak. Sa silid panauhin na inilaan para sa panandaliang paninirahan ni Prinsipe Asmal, sumasayaw ang malamig na hangin sa pagitan ng magaan na kurtinang kulay asul.Nagising nang maaga si Prinsipe Asmal. Hindi dahil sa anumang ingay kun'di sa kawalang-kapantay na katahimikan na tila baga may dalang babala. Lumapit siya sa bintana at tanaw ang palibot ng palasyo.Nakikita niya mula roon ang mga kawal sa mga tore, mga hardinero sa hardin, at ang mga batang kabataan ng Dotiya, mga lalaking siya mismo ang sumasanay para sa paparating na digmaan.Makalipas ang isang oras na pagmumuni-muni sa bintana ng kaniyang silid ay naligo na ang Prinsipe at nagbihis ng kaniyang kulay puting kasuotan na may burdang kulay ginto sa laylayan.Nang makababa siya sa
Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SACRESIAKinabukasan, matapos ang isang buong araw ng pahinga at paggamot, isang seremonyang pamamaalam ang isinagawa sa gitna ng palasyo ng Sacresia ng Hari at Reyna para kay Prinsipe Zaitan.Matapos ang seremonya ay nagsimula na ang malaking piging na pinagsaluhan ng lahat ng mga mamamayan ng Sacresia. Lumapit si Prinsesa Elkisha sa Prinsipe, may hawak na maliit na sisidlang pilak na may inukit na bulaklak ng dagat. Tumigil siya sa harapan ng binata at mariing tumitig dito.“Prinsipe Zaitan,” mahina ngunit buo ang tinig niya, “marahil ay hindi ko dapat ito sabihin... ngunit sa panahong nagdaan, sa bawat laban mo, sa bawat sakit na ininda mo ay hindi lang paghanga ang umusbong aking puso kun'di... damdamin na higit pa roon.”Hindi agad nakasagot si Prinsipe Zaitan.Tumitig siya sa mga mata ni Prinsesa Elkisha. Sa kabila ng lambot sa kaniyang mukha, mahigpit ang kaniyang paninindigan. Maganda, mabait, masayahin, matalino, at masarap kausap ang Prinsesa
Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SACRESIATahimik ang Arena, tila pinanawan ng hangin. Ang mga manonood ay nakaupo sa kani-kanilang mga puwesto, mga sireno’t sirena na pawang hindi na kumukurap. Sa entablado, naghahanda na si Prinsipe Zaitan para sa paghaharap nila ngayon ni Zudeo, ang kanang kamay ni Heneral Lutheo. Kilala si Zudeo bilang mandirigmang hindi tahimik at kalma ngunit nakakubli sa kalmadong itsura nito ang angking galing at katalinuhan. Ang kanyang buntot ay may kulay ng kayumangging ginto na minsan ay napagkakamalan siyang anak ng isang dugong bughaw. Wala silang armas, walang espada, walang sibat at pawang mga kamao at bangis lamang ang pagtatagpuin.Napatingin si Prinsipe Zaitan kay Zudeo habang lumalangoy ito palapit sa kaniya. Alam niyang kakaiba ang sirenong kawal na ito. Maliban kay Hakil, si Zudeo ang tanging kalaban na hindi nagpakita ng anumang kayabangan o pangmamaliit.Pagharap nila sa isa’t isa, tahimik ang pagitan habang nagkakatitigan na animo'y ginagamit
Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SARSULAlas sais ng umaga. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa kabundukan ay yumayakap sa katawan nina Prinsipe Zumir at Prinsipe Kairon, kapwa basa ng pawis at may banayad na putik sa mga laylayan ng kanilang mga kasuotan. Ang liwanag ng mga ulap na kahit ay makulimlim ay unti-unti nang sumisilip sa likod ng mga ulap, pinapalubag ang ginaw ng gabi habang tinatanglawan ang maugat at makahiwagang kagubatang nagsisilbing palaruan ng lakas at tiyaga para sa dalawang Prinsipe."Isa pa ba, Kamahalan?" tanong ni Prinsipe Kairon, hinahabol pa ang hininga habang nakahawak sa kaniyang espada. Tumango lamang si Prinsipe Zumir, walang imik. Kitang-kita sa kaniyang mga mata ang lalim ng iniisip habang ginagabayan ang bawat galaw ng katawan, hinahasa hindi lamang ang lakas kun'di ang disiplina ng kaniyang kalooban.Pagkatapos ng ilang sandali ay inihinto na nila ang pagsasanay. Ang kanilang mga katawan ay pagod ngunit ang diwa’y buhay hudyat ng kanilang dedikasy
Kasalukuyang taon...KAHARIAN NG SACRESIADahan-dahang iminulat ni Prinsipe Zaitan ang kaniyang mga mata. Sa una'y malabo pa ang lahat. Ang kisame, ang mga kurtinang bughaw, at ang malamig na hanging dumarampi sa kaniyang pisngi. Nanatili siyang tahimik, hanggang sa gumalaw ang kaniyang paningin pakanan.Doon, sa lilim ng malamlam na liwanag, nakita niya ang tatlong katauhang tila matagal nang naghihintay sa kaniyang paggising; Ang Hari, ang Reyna, at ang Prinsesa Elkisha.Ang Hari ay nakaupo sa silyang gawa sa makintab na kahoy, ang mga kamay ay magkahawak sa harapan habang tahimik na nakatingin. Ang Reyna nama'y nakatayo sa tabi nito, may hawak na sisidlang pilak na may mainit na inumin. Sa likuran nila ay bahagyang nakasilip si Prinsesa Elkisha hawak ang laylayan ng kaniyang mahaba at makislap na damit.Pilit bumabangon si Prinsipe Zaitan ngunit naramdaman niyang kumirot ang kaniyang balikat at dibdib na palatandaang sariwa pa ang epekto ng laban.“Huwag ka munang bumangon nang big