Share

The Surgeon's Regret: Chasing His Runaway Wife
The Surgeon's Regret: Chasing His Runaway Wife
Author: KAYE

KABANATA 1

Author: KAYE
last update publish date: 2026-07-20 11:05:19

SAMARA POV

May mga gabi na kahit anong lakas ng buhos ng ulan sa labas, mas naririnig ko pa rin ang sarili kong tibok ng puso. O ang kawalan nito.

Tumingin ako sa orasan sa dingding ng kusina. 2:14 AM.

Malamig na ang niluto kong hapunan sa lamesa. Dalawang taon. Dalawang taon ko nang ginagawa ang routine na ito. Naghihintay sa asawa kong si Cassian Valdez. Ang sikat na neurosurgeon at CEO ng Valdez Medical Group. Ang lalaking pinangarap ko noon pa man, pero naging simula rin ng sarili kong impiyerno.

Kasal kami, oo. Isang marangyang arranged marriage na pinalabas na fairytale sa media para isalba ang nalulubog na kumpanya ng tatay ko. Pero sa loob ng mansyong ito, ako lang ang nakakaalam kung gaano kalamig ang reyalidad. Para kay Cassian, isa lang akong responsibilidad. Isang obligasyon na kailangan niyang tiisin.

Narinig ko ang ugong ng makina ng kanyang sports car sa labas. Agad akong napatayo, inayos ang suot kong silk robe, at mabilis na pumunta sa p***o.

Bukas ang p***o ng opisina niya sa dulo ng pasilyo nang makapasok siya. Pero bago ko pa siya matawag, may narinig akong boses ng babae. Isang pamilyar na boses na nagpatigas sa buong katawan ko.

"Cassian, please... hanggang kailan ba tayo ganito?"

Si Evelyn. Ang ex-girlfriend niya na bigla na namang sumulpot sa buhay namin nitong mga nakaraang buwan.

Humakbang ako palapit, dahan-dahan, parang magnanakaw sa sarili kong bahay. Bahagyang nakabukas ang p***o ng opisina. At doon, parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko sa nakita ko.

Evelyn was clinging to his suit jacket, her hands gripping his chest. Habang si Cassian naman, kahit mukhang pagod mula sa mahabang operasyon sa ospital, ay hindi siya itinutulak. He just stood there, letting her hold him.

"I told you to wait, Evelyn. It’s complicated," mababa at malalim ang boses ni Cassian. Ang boses na bihirang-bihira kong marinig dahil halos hindi niya ako kinakausap kapag kaming dalawa lang.

"Complicated? Dahil ba sa babaeng 'yon?" Evelyn sobbed, looking up at him with tearful eyes. "Dahil ba kay Samara? Cassian, asawa mo siya! Araw-araw akong namamatay sa selos habang naiisip kong magkasama kayo sa iisang bubong!"

Gusto kong sumigaw. Gusto kong pumasok sa silid at sabihing, *'Wala kaming ginagawa! Hindi niya ako hinahawakan!'* Pero nanatiling nakadikit ang mga paa ko sa sahig. Nanginginig ang buong katawan ko, naghihintay sa isasagot ng asawa ko. Nagbabakasakali na kahit kaunti, ipagtatanggol niya ang posisyon ko bilang asawa niya.

Pero nagkamali ako.

Huminga ng malalim si Cassian at hinawakan ang mga kamay ni Evelyn para ilayo ito sa dibdib niya, pero hindi niya binitiwan ang pagkakahawak dito.

"You don't have to be jealous of Samara," malamig na sagot ni Cassian. Bawat salita niya ay parang yelo na bumaon sa sistema ko. "I never loved her. She’s just a tool for my family. Pagkatapos ng contract na pinirmahan ng mga magulang namin, ibibigay ko rin sa kanya ang divorce na gusto mo. Sa'yo lang ako babalik."

I never loved her. She’s just a tool.

Parang nawalan ng hangin ang buong paligid. Ang mga luhang matagal kong pinipigilan ay tuluyan nang umagos sa mga pisngi ko. So, ganoon lang pala 'yon? Lahat ng pag-aalaga ko, lahat ng pagtitiis ko sa malamig niyang pakikitungo sa loob ng dalawang taon, basura lang para sa kanya? Isang tool. Isang kasangkapan.

Hindi ko na kaya. Bago pa nila ako mapansin, dahan-dahan akong umatras. Bawat hakbang ko pabalik sa kwarto namin ay parang pagtapak sa mga bubog.

Pumasok ako sa kwarto at ni-lock ang p***o. Napasandal ako sa kahoy na p***o habang dahan-dahang napaupo sa sahig. Doon ko ibinuhos ang lahat ng sakit. Niyakap ko ang sarili ko habang humihikbi nang walang tunog, natatakot na marinig nila ako.

I sacrificed my youth, my dreams, and my dignity for a man who treated me like an invisible object. Akala ko, kung magiging mabuti akong asawa, kung magiging masunurin ako, matututunan niya rin akong mahalin. Pero tanga ko. Dahil ang puso ni Cassian Valdez, nakalaan lang sa isang babae. At hinding-hindi ako 'yon.

Tumingin ako sa wedding ring ko. Kumikinang ito sa dilim, pero para sa akin, isa na lang itong kadena na sumasakal sa buhay ko.

"Tama na," bulong ko sa sarili ko, habang pinapahid ang mga luha sa mukha ko. Hinarap ko ang salamin at nakita ang isang babaeng sirang-sira na ang pagkatao.

I have hit my rock bottom tonight. Wala nang itatagal ang pagtitiis ko. Kung gamit lang ang tingin niya sa akin, mas mabuting umalis na ako bago pa ako tuluyang mawala sa sarili ko.

Bukas. Bukas na bukas din, tatapusin ko na ang kahibangan na ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Surgeon's Regret: Chasing His Runaway Wife   KABANATA 10

    SAMARA POVDire-diretso akong naglakad palabas ng restaurant habang ang mga paa ko ay parang gustong matanggal sa lakas ng paglakad ko. Pagdating ko sa parking lot, naramdaman ko ang lamig ng hangin sa gabi na dumampi sa balat ko, pero mas malamig ang pakiramdam sa loob ng dibdib ko. Pumasok ako sa kotse ko, inilapag ang bag sa passenger seat, at saka tuluyang hinayaan ang sarili kong mapasandal sa manibela habang humihinga nang malalim.Bakit ganito? Pagkatapos ng gabing ito, akala ko ay gagaan ang pakiramdam ko. Akala ko matatapos na ang lahat ng galit at sakit na ibinaon ko sa Paris sa loob ng limang taon. Pero mali ako. Ang mga salitang binitawan ni Cassian tungkol sa kung paano niya ako hinanap at kung paano siya nagsisi ay parang mga tinik na muling bumuhay sa mga sugat na matagal nang naghilom.Huwag kang padadala sa mga drama niya, Samara.Inayos ko ang sarili ko, pinunasan ang konting luha na tumulo sa pisngi ko, at pinaandar ang makina ng sasakyan pabalik sa hotel. Kailangan

  • The Surgeon's Regret: Chasing His Runaway Wife   KABANATA 9

    SAMARA POVNapakurap ako habang nakatitig sa mga mata ni Cassian. Ang bawat salitang binitawan niya ay may bigat na parang pader na unt-unting bumabagsak sa mga depensang itinayo ko sa loob ng limang taon. Pero mas naging mabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa isang banta—ang anak ko. Kung pipilitin kong lumaban nang patago, alam kong may kakayahan siyang gamitin ang impluwensya at pera ng mga Valdez para bawiin si Altair sa akin sa korte. Hinding-hindi ko hahayaan na mangyari iyon. Si Altair ang buhay ko."Fine," mariing sagot ko habang pilit na pinapatag ang boses ko, ibinaba ang mga kamay niyang nakahawak pa rin sa balikat ko. "Isang gabi, Cassian. Isang oras, o kahit ilang minuto para lang matapos na ito. Pero huwag na huwag mo akong gagamitan ng blackmail sa susunod."Isang bahagyang ngiti ang sumilay sa mga labi niya, hindi ang aroganteng ngiti noon kundi isang klase ng ngiti na may halong ginhawa. "Sa isang pribadong restaurant sa BGC. Susunduin kita mamayang alas syete.""Hi

  • The Surgeon's Regret: Chasing His Runaway Wife   KABANATA 8

    SAMARA POVDire-diretso akong naglakad palayo sa ballroom at lumabas sa may veranda kung saan mas malamig ang hangin. Gusto kong huminga. Pakiramdam ko ay kinukulang ako sa hangin habang nakatayo sa tabi ni Cassian kanina. Ang tagal kong binuo ang pader na pumoprotekta sa akin, pero isang titig lang niya at isang sulyap sa mga mata niyang puno ng pagsisisi, parang gumuho agad ang kalahati nito.Huwag kang magpapadala, Samara.Ipinagpag ko ang mga isipang iyon at kinuha ang phone ko para i-check si Altair sa hotel suite. Nakita ko ang message ng nanny niya na payapang natutulog na ang bata. Nakahinga ako ng maluwag. Si Altair ang lakas ko. Hangga't kasama ko ang anak ko, hinding-hindi ako magpapakita ng kahinaan sa lalaking sumira sa akin noon.Habang naglalakad ako pabalik sa loob para kunin ang bag ko at umalis na sa event, biglang humarang sa daan ko si Evelyn. Nakataas ang kilay nito habang nakacross-arms, halatang naghihintay ng gulo."So, ikaw pala ang sikat na Aria," pabulong na

  • The Surgeon's Regret: Chasing His Runaway Wife   KABANATA 7

    SAMARA POVKanina pa ako pabalik-balik sa loob ng hotel suite habang pinapanood si Altair na payapang naglalaro ng kanyang building blocks sa sahig. Tahimik siya, pero alam kong dama niya ang tensyon kanina sa elevator hall. Ang galing niyang magtago ng nararamdaman, mana sa tatay niya.Naalala ko na naman ang itsura ni Cassian kanina. Ang mukha ng isang lalaking nasanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya, pero ngayon ay mukhang basahan sa tindi ng pagsisisi. Sinabi niyang alam na niya ang tungkol kay Altair. Inalam niya ang timeline. Binuweltahan niya ako ng paghingi ng tawad.Apology? Ngayon pa na limang taon nang abo ang lahat?Huminto ako sa tapat ng salamin at tinignan ang sarili ko. Ang mukha ng babaeng umiiyak sa sahig ng walk-in closet noon ay wala na. Ang natira na lang ay si Aria—ang babaeng natututong bumangon nang mag-isa mula sa abo ng sarili niyang kasawian. Pero sa kabila ng tibay na ipinakita ko sa harap ni Cassian kanina, umabot sa buto ko ang kaba nang sabihin niyan

  • The Surgeon's Regret: Chasing His Runaway Wife   KABANATA 6

    DR. CASSIAN POVLimang taon.Limang taong paulit-ulit na nag-play sa utak ko ang eksenang 'yon. Ang malamig na kwarto, ang naiwang wedding ring sa ibabaw ng nightstand, at ang pirasong papel na naglalaman ng pangalang pilit kong binubura sa reyalidad. Samara Hidalgo.Naka-upo ako sa swivel chair ng opisina ko dito sa Valdez Medical Group, hawak ang baso ng malamig na kape na halos hindi ko na nagalaw buong gabi. Dalawang araw na ang lumipas simula nang makita ko siya ulit sa lobby ng hotel. Dalawang araw na rin akong walang maayos na tulog. Every time I close my eyes, I see her face—cold, distant, and completely foreign compared to the quiet, patient wife I ignored for two years.Bakit ko ba hinayaan na umabot sa ganito?Noong mga panahong pinilit kaming ipakasal ng mga magulang ko para sa business merger, sarado ang isip ko. I was young, arrogant, and drowning in residency training. I treated her like a burden, a corporate tool forced into my life. Naging sunod-sunuran siya, tiniis a

  • The Surgeon's Regret: Chasing His Runaway Wife   KABANATA 5

    SAMARA POV"Mommy, are you mad at me?"Nabasag ang katahimikan sa loob ng SUV dahil sa maliit na boses ni Altair. Tumingin ako sa kanya habang nakaupo siya sa car seat, nakayuko ang ulo at nilalaro ang strap ng gadget bag niya. Nawala ang pagiging bibo niya kanina; ngayon, mukha na siyang tutang natatakot.Huminga ako nang malalim at hinawakan ang malamig niyang kamay. "No, baby. Mommy is not mad at you. Medyo nagulat lang ako kasi umalis ka sa pwesto mo. I was worried.""I just wanted to help you, Mommy. Nakita ko yung picture nung man sa magazine mo sa Paris bago tayo lumipad dito. Sabi sa text, he's the big boss doctor of the hospital. I thought... if I talk to him, he will buy a lot of your diamonds," seryosong paliwanag niya, diretsong nakatitig sa akin gamit ang mga matatalinong mata niya.Napalunok ako. Kaya pala. Kaya pala ganoon na lang kadali para kay Altair na lapitan si Cassian at sabihin ang mga linyang iyon. My brilliant little boy tried to play matchmaker and business p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status