MasukSAMARA POV
Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Nanatili akong nakaupo sa sahig ng walk-in closet, yakap-yakap ang mga tuhod ko habang pinakikinggan ang bawat kalabog ng p***o sa kabilang kwarto. Umalis na si Evelyn. Narinig ko ang sasakyan nitong umalis bago mag-alas tres ng madaling araw. Pero ang mga salita ni Cassian? Nanatili silang nakaukit sa utak ko, paulit-ulit na nagpaparusa sa akin.
She’s just a tool.
Alas kwatro na ng madaling araw nang marinig ko ang pagbukas ng p***o ng mismong master's bedroom ko. Hindi ko ni-lock ang p***o mula sa closet, kaya naman malinaw kong narinig ang mabibigat at tila pagod na mga hakbang ni Cassian.
May amoy ng alak na humalo sa pamilyar niyang panlalaking pabango—yung paborito kong amoy ng mint at cedarwood na dati-rati ay nagpapakalma sa akin. Pero ngayon, nagdulot lang ito ng kakaibang kaba sa dibdib ko. Pinihit ko ang p***o ng closet at dahan-dahang lumabas.
Doong ko siya nakita. Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakatungo, habang maluwag na ang pagkakalubay ng kanyang necktie. Ang mamahalin niyang suit jacket ay nakasampay na lang sa sahig. Mukha siyang gulo, pagod, at halatang nakainom.
Napaangat siya ng tingin nang marinig niya ang paghakbang ko. Sumalubong sa akin ang kanyang mapupungay at mapupulang mga mata. Mas lalo siyang mukhang arogante at guwapo sa ilalim ng madilim na ilaw ng silid, isang katotohanang kinamumuhian ko sa sarili ko dahil naaakit pa rin ako sa kanya.
"Bakit gising ka pa?" paos na tanong niya. Walang emosyon ang boses niya, pero ramdam ang bigat ng bawat salita.
"Hinihintay kita," pagsisinungaling ko. Lumapit ako sa kanya, pilit na pinatitigas ang boses ko para hindi niya mahalata na galing ako sa matinding pag-iyak. "Uminom ka ba?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Sa halip, tinitigan niya lang ako habang papalapit ako sa kanya. May kakaibang tindi sa mga mata niya ngayon—isang bagay na bihira kong makita sa loob ng dalawang taon naming pagsasama. Madalas, kapag tinitingnan niya ako, para lang siyang tumitingin sa hangin. Pero ngayon, tila binabasa niya ang bawat sulok ng mukha ko.
Huminto ako sa tapat niya at dahan-dahang yumuko para pulutin ang jacket niya sa sahig. Pero bago ko pa ito maitaas, mabilis na humawak ang mainit niyang kamay sa braso ko. Nabitiwan ko ang jacket.
"Cassian..." bulong ko.
"Huwag mo nang asikasuhin 'yan," sabi niya, sabay hila sa akin paitaas.
Dahil sa lakas ng hila niya at sa epekto ng alak sa kanya, nawalan ako ng balanse. Bumagsak ako nang dahan-dahan sa kandungan niya. Awtomatikong napakapit ang mga kamay ko sa malalapad niyang balikat. Ang bilis ng tibok ng puso ko ay naging bingi sa buong silid.
"Mabango ka pa rin," bulong niya malapit sa leeg ko, habang ang isa niyang kamay ay dumaan sa aking baywang, humahapit sa akin palapit sa katawan niya. Sobrang init ng balat niya.
Gusto ko siyang itulak. Gusto ko siyang sampalin at isumbat sa kanya ang narinig ko sa opisina niya kanina. Gusto kong isigaw na alam ko na ang totoo—na ginagamit niya lang ako. Pero habang nararamdaman ko ang labi niya na nagsisimulang humalik sa gilid ng aking panga, may bahagi ng puso ko ang sumuko.
Ito na ang huli. Alam ko sa sarili ko na aalis ako bukas. Ito na ang huling gabi na magiging asawa niya ako, ang huling gabi na mahahawakan ko ang lalaking lihim kong minahal nang buong buhay ko. Kung magiging kasangkapan man ako, hahayaan kong ito na ang huling beses na gagamitin niya ako—pero sa pagkakataong ito, para naman sa sarili kong closure.
"Cassian, tingnan mo ako," pakiusap ko, hinawakan ko ang mukha niya para pilitin siyang tumitig sa akin.
Hindi niya ako sinagot gamit ang salita. Sa halip, hinuli ng kanyang labi ang sa akin. Masidhi, mapusok, at puno ng kakaibang gutom ang halik na iyon. Hindi ito ang karaniwang malamig at mabilis na halik na ibinibigay niya sa akin tuwing kailangan naming magpanggap. It was dark, desperate, and intoxicating.
Hinalikan ko siya pabalik nang may parehong tindi, ibinuhos ko ang lahat ng sakit, ang lahat ng pagmamahal na hinding-hindi ko na masasabi sa kanya. Binuhat niya ako at marahang inihiga sa malambot na kama, nang hindi pinuputol ang aming p********k. Ang kanyang mga kamay ay mabilis na naglakbay sa ilalim ng aking silk robe, na nag-iiwan ng kakaibang init sa bawat balat na nadadaluyan nito.
Sa gabing iyon, sa ilalim ng madilim na silid at sa kabila ng pusong durog na durog, hinayaan kong lamunin kami ng init ng isa't isa. Isang mapusok at emosyonal na gabi kung saan naramdaman kong akin siya, kahit alam kong bukas, gigising ako na wala nang natitira sa amin.
Alas siyete ng umaga.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata habang sumisilip ang liwanag ng araw sa bintana. Masakit ang buong katawan ko, pero mas masakit ang reyalidad na agad na bumalik sa utak ko. Lumingon ako sa aking tabi. Doon si Cassian, mahimbing pa ring natutulog, nakadapa ang kalahati ng katawan, at nakayakap sa unan na pwesto ko kanina.
Tinitigan ko ang mukha niya sa huling pagkakataon. Ang matangos niyang ilong, ang makakapal niyang pilikmata, at ang labi na kagabi lang ay nagdala sa akin sa langit, pero ilang oras bago iyon ay nagdala sa akin sa impiyerno.
Tumayo ako nang walang gawa ng anumang ingay. Naligo ako nang mabilis, nagpalit ng simpleng damit, at kinuha ang maliit na maleta na itinago ko na sa closet kagabi pa habang hindi ko pa siya nakikita. Doon lang nakalagay ang mga personal kong dokumento—ang passport ko, kaunting ipon, at ang mga lumang litrato ko. Iniwan ko ang lahat ng damit, alahas, at mamahaling gamit na binili niya para sa akin. Walang kahit isang bagay na galing sa pera ng mga Valdez ang dinala ko.
Pumunta ako sa gilid ng kama at inilapag ang isang puting envelope sa ibabaw ng nightstand. Sa ibabaw nito, inilagay ko ang aking wedding ring. Ang gintong singsing na naging simbolo ng dalawang taon kong pagiging preso sa huwad na kasal na ito. Inside the envelope were the divorce papers, signed cleanly with my name: Samara Hidalgo.
Hindi na ako lumingon pa habang naglalakad ako palabas ng master's bedroom, pababa ng hagdan, at tuluyang lumabas ng mansyon. Sumakay ako ng taxi patungong airport, kung saan naghihintay ang aking one-way ticket patungong Paris.
Paalam, Cassian.
Apat na linggo ang lumipas sa Paris.
Malamig ang panahon, pero mas malamig ang pakiramdam ng mag-isa sa isang maliit na apartment. Nagawa kong makakuha ng trabaho bilang assistant sa isang maliit na jewelry shop dahil sa background ko sa sining, pilit na binubuo ang sarili ko mula sa simula.
Isang umaga, habang naghahanda ako para pumasok sa trabaho, bigla akong naramdaman ng matinding pagkahilo. Hindi ko pa man nailalapat ang paa ko sa sahig ay napatakbo na ako sa banyo. Napakapit ako sa sink habang isinusuka ang wala namang laman sa tiyan ko.
Hinihingal akong napasandal sa pader ng banyo. Kinabahan ako. Bigla kong naalala ang huling gabi namin ni Cassian. Isang buwan na ang nakalipas. At ang period ko... huli na ng dalawang linggo.
Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ang pregnancy test kit na binili ko noong isang araw pero natatakot kong gamitin. Lumipas ang limang minuto na tila ba isang taon para sa akin.
Dahan-dahan kong tiningnan ang plastic stick na nasa ibabaw ng sink.
Dalawang pulang guhit.
Napasinghap ako at awtomatikong napahawak sa aking patag na tiyan. Buntis ako. Buntis ako sa lalaking iniwan ko, sa lalaking kailanman ay hindi ako minahal.
Napaiyak ako, pero sa pagkakataong ito, hindi dahil sa sakit kundi dahil sa takot at sa kakaibang lakas na biglang umusbong sa dibdib ko. Hindi pwedeng malaman ni Cassian ang tungkol dito. Hinding-hindi ko hahayaan na maging "tool" din ang anak ko para sa pamilya niya, tulad ng ginawa niya sa akin.
Hinarap ko ang salamin ng banyo, pinunasan ko ang aking mga luha, at pinalitan ito ng isang matapang na tingin. Mula ngayon, wala na si Samara na sunod-sunoran. Ako na lang at ang anak ko. At gagawin ko ang lahat para protektahan siya, kahit mangahulugan ito na hinding-hindi na kami babalik pa sa Pilipinas.
SAMARA POV"Mommy, are you mad at me?"Nabasag ang katahimikan sa loob ng SUV dahil sa maliit na boses ni Altair. Tumingin ako sa kanya habang nakaupo siya sa car seat, nakayuko ang ulo at nilalaro ang strap ng gadget bag niya. Nawala ang pagiging bibo niya kanina; ngayon, mukha na siyang tutang natatakot.Huminga ako nang malalim at hinawakan ang malamig niyang kamay. "No, baby. Mommy is not mad at you. Medyo nagulat lang ako kasi umalis ka sa pwesto mo. I was worried.""I just wanted to help you, Mommy. Nakita ko yung picture nung man sa magazine mo sa Paris bago tayo lumipad dito. Sabi sa text, he's the big boss doctor of the hospital. I thought... if I talk to him, he will buy a lot of your diamonds," seryosong paliwanag niya, diretsong nakatitig sa akin gamit ang mga matatalinong mata niya.Napalunok ako. Kaya pala. Kaya pala ganoon na lang kadali para kay Altair na lapitan si Cassian at sabihin ang mga linyang iyon. My brilliant little boy tried to play matchmaker and business p
SAMARA POVNapatigil ang buong mundo ko habang nakatayo ako sa pagitan ni Cassian at ng anak ko. Ang amoy ng mint at cedarwood na pilit kong kinalimutan sa loob ng limang taon ay biglang sumakop sa espasyo ko. Ramdam ko ang mariing titig ni Cassian sa likod ko, pero nanatili ang paningin ko kay Altair."Altair," medyo may kalakasan at seryosong tawag ko sa anak ko. "I told you to wait for me, right? Bakit ka umalis doon?"Tumingala sa akin si Altair, hawak pa rin ang kanyang maliit na gadget bag. Imbes na matakot dahil seryoso ako, ngumiti pa ang gago kong anak—isang ngiti na carbon copy ng lalaking nasa likuran ko ngayon."Sorry, Mommy. Navigated to the wrong coordinate. I got lost," nakataas-kamay pang sabi ng bata na parang wala lang. Pero bago ko pa siya mahila paalis, narinig ko ang marahang pagtayo ni Cassian mula sa pagkakaluhod niya sa sahig."Aria?" Isang mababa, paos, at tila hindi makapaniwalang boses ang tumawag sa pangalan ko. Hindi 'Samara' ang tinawag niya kundi ang des
SAMARA POVLimang taon. Mahabang panahon para sa iba, pero para sa akin, mabilis na lumipas ang mga taon dahil abala ako sa pagbuo ng bagong buhay. Ang mahina, emosyonal, at sunod-sunurang si Samara Hidalgo na iniwan si Cassian Valdez sa Maynila ay matagal nang patay.Ngayon, kilala na ako sa mundo ng fashion at sining bilang 'Aria', ang lead jewelry designer ng isang sikat na French luxury brand. Pilit kong itinago ang tunay kong pagkakakilanlan para sa proteksyon ko, at lalo na para sa anak ko. Nakakatawa kung paano nagbabago ang ikot ng mundo. Ang babaeng itinuring lang na kasangkapan noon, ngayon ay pinag-aagawan na ng mga mayayaman para lang sa isang piraso ng dinesenyo kong alahas."Mommy, look! Parang spaceship yung ceiling!"Napatingin ako sa ibaba at agad na lumambot ang puso ko. Hinigpitan ko ang hawak sa maliit na kamay ng apat na taong gulang kong anak na si Altair. Naka-suot siya ng maliit na navy blue suit na terno sa pormal kong suot para sa grand exhibition ngayong gab
SAMARA POVHindi ako nakatulog nang gabing iyon. Nanatili akong nakaupo sa sahig ng walk-in closet, yakap-yakap ang mga tuhod ko habang pinakikinggan ang bawat kalabog ng pinto sa kabilang kwarto. Umalis na si Evelyn. Narinig ko ang sasakyan nitong umalis bago mag-alas tres ng madaling araw. Pero ang mga salita ni Cassian? Nanatili silang nakaukit sa utak ko, paulit-ulit na nagpaparusa sa akin.She’s just a tool.Alas kwatro na ng madaling araw nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng mismong master's bedroom ko. Hindi ko ni-lock ang pinto mula sa closet, kaya naman malinaw kong narinig ang mabibigat at tila pagod na mga hakbang ni Cassian.May amoy ng alak na humalo sa pamilyar niyang panlalaking pabango—yung paborito kong amoy ng mint at cedarwood na dati-rati ay nagpapakalma sa akin. Pero ngayon, nagdulot lang ito ng kakaibang kaba sa dibdib ko. Pinihit ko ang pinto ng closet at dahan-dahang lumabas.Doong ko siya nakita. Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakatungo, habang maluwag na
SAMARA POVMay mga gabi na kahit anong lakas ng buhos ng ulan sa labas, mas naririnig ko pa rin ang sarili kong tibok ng puso. O ang kawalan nito.Tumingin ako sa orasan sa dingding ng kusina. 2:14 AM.Malamig na ang niluto kong hapunan sa lamesa. Dalawang taon. Dalawang taon ko nang ginagawa ang routine na ito. Naghihintay sa asawa kong si Cassian Valdez. Ang sikat na neurosurgeon at CEO ng Valdez Medical Group. Ang lalaking pinangarap ko noon pa man, pero naging simula rin ng sarili kong impiyerno.Kasal kami, oo. Isang marangyang arranged marriage na pinalabas na fairytale sa media para isalba ang nalulubog na kumpanya ng tatay ko. Pero sa loob ng mansyong ito, ako lang ang nakakaalam kung gaano kalamig ang reyalidad. Para kay Cassian, isa lang akong responsibilidad. Isang obligasyon na kailangan niyang tiisin.Narinig ko ang ugong ng makina ng kanyang sports car sa labas. Agad akong napatayo, inayos ang suot kong silk robe, at mabilis na pumunta sa pinto.Bukas ang pinto ng opisin







