Share

Chapter 13.2-To Protect

"Magpakita ka. Mas swerte ka nga kasi mag pamilya ka pa," sabi niya maya-maya.

Tiningnan ko siya. "Wala ka nang pamilya?"

Umiling siya bilang sagot. "Patay na ang mga magulang ko. Wala rin akong naging asawa noong normal na tao pa lang ako. Kahit ngayon, wala akong balak na mag-asawa kasi...sino namang tatanggap sa katulad natin, 'di ba? Sa totoo lang, kaya kita dinala rito para naman may makasama ako. Mahirap din mag-isa, 'no?"

Napaismid ako. "Anong akala mo? Titira ako rito kasama mo?"

"May mauuwian ka ba?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"W-Wala." Umiwas ako ng tingin.

"Dito ka na lang." Sumandig siya sa upuan at nilagay ang mga kamay sa likod ng ulo. "Kahit huwag ka nang magtrabaho basta may kasama ako rito. Tuturuan pa kitang maging magaling na Nayagi."

"Bakit hindi ka na lang kasi maghanap ng babaeng ibabahay mo? Ah, alam ko na. Wala ka pa sigurong nagugustuhang babae."

Napatingala siya sa kisame, nakangiti na parang tanga. "Actually, meron. Matagal ko na siyang mahal."

"Sino naman?
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status