Share

Chapter 6

Author: Rhod Selda
last update Last Updated: 2023-09-12 14:15:18

SA second floor ang kuwarto ni Elise at mula roon ay makikita ang malawak na harden at smimming pool. Gusto niya ang lugar, tahimik, malinis. Ngunit habang nakatanaw sa labas buhat sa bintana, sumagi naman sa kaniyang isip ang mga sinabi ni Thrasius.

Tila nag-iwan iyon ng mas malalim na sugat sa kaniyang puso. Ramdam niya na labag sa loob ni Thrasius ang mga sinabi. Nababasa niya sa mga mata nito ang totoong hinaing ng puso nito.

Nagbabadya na namang tumulo ang kaniyang luha ngunit naudlot nang may kumatok sa pinto. Inayos niya ang kaniyang mukha bago pinagbuksan ng pinto ang kumakatok. Si Sister Feliz pala.

“Ayos ka na ba rito, Elise? Babalik na ako sa kumbento,” anito.

“Opo. Marami pong salamat,” saad niya.

“Walang anuman. Basta makisama ka lang kay Terrence. Kung may problema ka, tawagan mo lang ako. Nakausap ko naman na si Terrence at alam na ang gagawin.”

“Sige po.”

“Oh, siya, aalis na ako. Tatawagan na lang kita para sa schedule ng pagtuturo mo sa mga bata.”

“Opo.”

Nang makaalis ang ginang ay kaagad niyang isinara ang pinto. Inayos na niya ang kaniyang gamit. Mayroon nang closet sa kuwarto, kumpleto ang gamit, may sariling palikuran, may air-con.

Mayamaya ay naisip niya si Terrence. Hindi niya alam kung paano ito pakikisamahan. Naiilang siyang kausapin ito matapos matuklasan na ito pala ang nakat*al*k niya noon at hindi si Thrasius. Sinungitan pa naman niya ito noong isang araw sa orphanage. Dahil sa pagkailang ay halos ayaw na niyang lumabas ng kuwarto kaso uhaw na uhaw na siya.

Pinakiramdaman muna niya ang paligid. Nang wala siyang marinig na ingay ay saka lamang siya lumabas. Dalawa ang kuwarto roon sa second floor at kay Terrence malamang ang isa. Mahinhin siyang humakbang pababa ng hagdan at dumiretso sa kusina.

Malinis at organize rin ang kusina, kumpleto ang gamit. Nagbukas siya ng ref at kumuha ng pitcher ng tubig. Nasa loob ng drawer ng dish cabinet ang mga baso, maging kutsara. Nakaayos lahat ang mga ito, malinis. Nang makainom ng tubig ay guminhawa rin ang kaniyang pakiramdam.

Lumuklok siya sa silya katapat ng lamesa at tinitigan ang fruit basket na may artificial na ulo ng puting manok. Kahit anong distract niya sa sarili, naiisip pa rin niya si Thrasius kaya nati-trigger ang kirot sa kaniyang puso. Umalab na naman ang bawat sulok ng kaniyang mga mata at hindi inawat ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

“Alam ko may dahilan ka kaya sinabi mo na hindi mo ako mahal, Thrasius,” usal niya.

Panay ang singhot niya dahil sa luha at panunubig ng kaniyang ilong.

Mayamaya ay may tumikhim. Napakislot siya sabay lingon sa pintuan. Nakatayo roon si Terrence at nakasandal sa hamba. Ginupo siya ng hiya at akmang tatayo.

“Maupo ka lang,” pigil nito sa kaniya.

Umupo naman siya nang maayos.

Humakbang palapit sa kaniya si Terrence. Hinila nito ang silya sa tapat niya at doon naupo.

“Huwag kang mailang. Feel at home ka lang dapat dito at puwede mong gamitin ang mga kagamitan dito,” sabi nito, may ngiti sa mga labi.

Naiilang siyang tingnan sa mukha si Terrence kaya bahagya siyang nakayuko. Pinahid niya ng kamay ang bakas ng luha sa kaniyang pisngi.

“Salamat,” tipid niyang wika.

“Are you crying?” mamaya ay tanong nito.

Iiling-iling siya. “Wala ito, may naalala lang ako,” mariing kaila niya.

“Please don’t be shy.”

Napilitan siyang tumitig sa mukha nito. Hindi niya masabing mas guwapo si Thrasius kaysa kay Terrence. Although may pagkakahawig ang mga ito sa angle ng mukha, mga mata at ilong, may kanya-kanyang appeal ang mga ito. Halos pareho lang din ng porma ng katawan. Mas matangkas lang konti si Thrasius kay Terrence pero mas maputi ang kutis ni Terrence. Medyo moreno kasi si Thrasius.

“Siya nga pala, nakausap ko si Thrasius. I hope naalala mo na ang nangyari noong gabi sa family reunion namin,” basag ni Terrence sa katahimikan.

Bahagyang naibsan ang pagkailang niya rito at nabuhay ang kaniyang iritasyon. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikaw pala ‘yong nasa kuwarto?” aniya sa matigas na tinig.

“Firstly, I apologize for the mistake. You just came into the room, and you kissed me. I'm tempted and have lost control,” sabi nito.

“And you took advantage of the situation! Hindi mo pa kaagad ako kinausap!” Hindi niya naawat ang sarili na magtaas ng tinig.

Terrence chuckled. “Relax. Una, natukso ako kasi nakainom din ako ng alak, and I lost control of my emotions. Pangalawa, hindi kita nakausap kasi sinungitan mo naman ako noon sa orphanage. At saka iniisip ko kasi na baka girlfriend ka ni Thrasius. Mabuti na lang hindi kasi talagang giyera ang mangyayari.”

Mabigat na naman ang kaniyang dibdib nang maisip na kaibigan lang talaga ang turing sa kaniya ni Thrasius.

“Ano’ng sabi ni Thrasius noong nakausap mo siya?” usisa niya. Bahagya rin siyang kumalma.

“Hm, he got mad. I don’t know the story behind you and Thrasius, but I felt there was something special between you two. Given nang gusto mo siya kaya siguro naisip mong akitin siya. Pero sa palagay ko ay hindi ka naman niya iniiwasan dahil ayaw niya sa ‘yo. Baka nga may ibang dahilan.”

Napakuyom siya ng palad dahil sa inis. “Nagalit sa ‘yo si Thrasius. Nagkunwari pa iyang concern sa akin,” may hinampong sabi niya.

“Well, he’s not pretending. Thrasius really cares for you.”

Matiim siyang tumitig kay Terrence. Diretso rin ang tingin nito sa kaniyang mga mata, seryoso. May kakaibang karisma ang mga mata ni Terrence, hindi niya maipaliwanag. Ibinaba niya ang tingin sa fruit basket.

“Hindi ako naniniwala. Kung may care siya sa akin, hindi niya ako sasaktan emotionally. Hindi ko makita ang care na sinasabi niya,” giit niya.

“You’re just mad at him because Thrasius can’t love you back. That has nothing to do with the care I mentioned.” Tumayo ito.

Dumaiti ang bagang niya nang maisip na tama si Terrence. Hindi niya ma-appreciate ang care ni Thrasius kasi hindi ‘yon ang gusto niya.

“Umasa ako na babalik siya para tuparin ang pangako niya sa akin noon. Naghintay ako,” may pait sa tinig na wika niya.

Lumapit sa ref si Terrence at naghalungkat sa loob. “People change because of the environment and adulthood. The adolescence stage is an exciting growing process for human beings. We should accept that once we get older, nagbabago rin ang mga gusto natin sa buhay. I think you are just stuck in a moment where you can’t accept that things will change. Kaya ka nasasaktan kasi umasa ka nang sobra,” sabi nito.

Lalong bumigat ang kaniyang pakiramdam sa dibdib dahil sa emosyong sumisidhi. Terrence was savage; he hits the point. Uminit na ang bunbunan niya.

“Ramdam ko na gusto ako ni Thrasius. Alam ko may iba siyang dahilan kaya niya ako iniiwasan. Kahit nagbago siya, hindi niya basta maitapon o kalimutan ang panahon kung saan siya naging masaya,” aniya.

Naglabas ng buong manok si Terrence at dinala sa lababo. “You must know the new Thrasius first, Elise. Nagbago na ang taste niya sa babae. At ang tingin niya sa katulad mo ay isang inosenteng babae na dapat ingatan, a friend material, but not passable to his standard to be his lover or future wife,” sabi pa nito.

Marahas siyang tumayo. “Half-brother mo lang si Thrasius, at alam ko na hindi kayo close, to the point na kilalang-kilala mo na siya!” asik niya.

Lalo siyang nairita nang tumawa nang pagak si Terrence.

“I don’t understand why love is a big deal to some people,” anito.

Kung hindi lang nakahihiya ay sasampalin niya si Terrence. “Love is the most precious thing in the world. Kung wala nito, walang peace,” depensa niya.

“Kung makapangyarihan ang pag-ibig na sinasabi mo, wala sanang pamilyang nasisira.”

Natigilan siya sa biglang paglamig ng tinig ni Terrence. Nasi-sense na niya na hindi naniniwala sa pag-ibig ang lalaking ito. Bigla tuloy siyang na-curious. Hindi siya kumibo at bumalik ang pagkailang kay Terrence.

“Marunong ka bang magluto?” mamaya ay tanong nito.

“Ah, oo naman,” mabilis niyang sagot.

“Oo nga pala, nakita kitang nagluto sa orphanage. Natikman ko ang niluto mong pancit, masarap.” Pumihit ito paharap sa kaniya, nakangiti. “May pupuntahan ako. Puwede bang ikaw na ang magluto ng manok? Kahit anong lutong alam mo lang.”

“S-Sige.”

“May mga gulay naman sa ref at kumpleto ang spices at herbs. Just feel at home.” Nilagpasan siya nito.

Hinabol niya ng tingin si Terrence. Kailangan niyang magpakumbaba kahit sadyang naiirita siya rito.

“Terrence,” tawag niya rito.

Nilingon naman siya nito. “Yes?”

“Uh…. salamat pala sa pagpatira sa akin dito,” aniya.

Ngumisi ito. “No worries. You can stay here whenever you want. At kung gusto mong magtrabaho sa poultry ko, welcome ka rin. Kailangan ko ng office staff.”

Napangiti siya. “Salamat.”

“Just enjoy staying here. See you later.”

Tumango lamang siya habang nakasunod pa rin ang tingin sa papalayong pegura ni Terrence. Na-excite tuloy siya at sa wakas ay magkakaroon na siya ng trabaho.

Frozen pa ang manok pero naibabad na ni Terrence sa kaserola na maraming tubig. Naghanda na lamang siya ng ibang sangkap para sa kaldereta. Mabuti meron doong tomato sauce at ibang sangkap.

Saktong alas-dose ng tanghali ay nakapagluto na siya. Nahihiya naman siyang kakain at mauuna sa may-ari ng bahay. Habang wala pa si Terrence ay nagwalis muna siya sa lobby.

Mayamaya ay may kumatok sa main door. Naisip niya na baka si Terrence na ito pero hindi naman naka-lock ang pinto. Ayaw tumigil ng kumakatok kaya pinagbuksan na niya.

“May bagong print na tayo ng OR reciept, Terrence,” sabi ng lalaki, na siyang kumatok. Nakatingin ito sa hawak na malapad na papel.

Natigilan siya at sinuyod ng tingin ang lalaki. Matangkad ito, maganda rin ang katawan, makisig, matikas. May hawig din ito kay Terrence pero pamilyar sa kaniya. Maaring naroon din ito noong gabi sa family reunion nila Terrence. Nang mapatingin sa kaniya ay bakas sa mukha ng lalaki ang pagkamangha. Nasuyod din siya nito ng tingin at napansin ang hawak niyang walis.

“Oh, who are you, dear?” anito.

Naumid na siya. Hindi lang mukha ng lalaki ang guwapo, maging boses nito, buong-buo. Obvious sa hilatsa ng mukha nito na may lahing banyaga, lalo na ang mga mata.

“Uh…. I’m Elise,” naiilang niyang pakilala.

Ngumisi ang lalaki. “Are you Terrence maid or a new fling?”

Napalunok siya. Nainis siya sa parte ng fling. Mas okay pa ang maid. “H-Hindi ako fling, pero puwede sa maid,” aniya.

Tumawa nang pagak ang lalaki. Even his laugh sounds sexy. “Sorry.”

“Seth!” tinig ni Terrence. Mabuti dumating na ito. Ang bilis nitong nakalapit sa kanila.

Binuksan na lamang niya nang tuluyan ang pinto.

“Napadaan lang ako para ibigay sa ‘yo ang resebo ng latest deliveries. Dumating na rin ang bagong OR natin. Wala akong mautusan kaya ako na ang naghatid,” anang lalaki. Ibinigay nito kay Terrence ang papel na hawak.

“Thanks. I need this for my inventory later,” ani Terrence.

“Anyway, who’s this beautiful young lady?” pagkuwan ay tanong ng lalaki kay Terrence.

“Ah, si Elise. Housemate ko,” sabi naman ni Terrence.

“What?” amuse na untag ni Seth.

“Huwag kang magulat, Tang*na ka.” Nabaling ang atenisyon ni Terrence kay Elise. “Si Seth nga pala, Elise, pinsan ko sa mother side. Siya ang kasosyo ko rito sa poultry. May bahay rin siya rito sa compound,” pakilala nito sa lalaking bisita.

“Nice to meet you po,” magalang niyang wika.

“Same here, Elise. Lucky you, hindi ka maid. Pero sana ay makakaya mong magtagal rito kasama si Terrence,” ani Seth. Mayamaya rin ay duma*ng ito nang sikuhin ni Terrence sa tagiliran.

“Don’t ruin my image, as*hole. Let Elise discover things for more thrill,” may gigil na wika naman ni Terrence.

“Hayop ka! May binabalak ka, ano?”

“Tang*na mo! Lumayas ka na nga!”

Tatawa-tawa lang si Seth. Tinapik pa nito sa balikat si Terrence bago lumisan.

Nanririndi si Elise sa malutong na pagmumura ni Terrence pero wala siyang choice kundi tiisin ito. Itinuloy na lamang niya ang pagwawalis sa lobby.

“Luto na pala ang ulam. Puwede ka na kumain,” sabi niya kay Terrence na binubusisi ang papel na hawak.

“Thanks. Sabay na tayong kumain,” sabi nito.

“Mamaya na ako,” aniya.

“No. Please stop that. You’re not a maid here.”

Nagulat siya nang agawin ni Terrence sa kamay niya ang walis. Tulalang napatitig siya sa mukha nitong nakangiti.

“Let’s eat!” paanyaya nito. Nagpatiuna na itong pumasok sa kusina.

Napabuga siya ng hangin. Sumunod na lamang siya rito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Taste Of Lust    Chapter 63 (Final Chapter)

    NAHIRAPAN si Elise sa labor dahil gabi pa lang ay humilab na ang kaniyang tiyan. Nataon pa na nasa Maynila si Terrence. Mabuti kasama niya ang mommy nito na kararating. Gusto kasi nitong masaksihan ang paglabas ng apo nito. Kaya three days bago ang due date niya sa panganganak ay naroon na ito. Napaaga ang labor niya. Kung kailan dumating si Terrence sa ospital ay saka lang nagmadaling lumabas ang anak niya. Ang tatay lang pala nito ang hinihintay. Saktong sumikat ang araw ay matagumpay niyang nailuwal ang anak nila, their first son. “Welcome to the world, Baby Elrence!” bati ni Terrence sa anak nila. Huhat na nito ang baby. Hindi na niya pinalitan ang naisip ni Terrence na pangalan ng anak nila na kinuha sa mga pangalan nila. Nagustuhan din naman niya ito. Natuwa siya dahil may nakuha rin sa mukha niya si Elrence, ang kaniyang mga labi. Pagdating sa mga mata at ilong, kopyang-kopya naman kay Terrence. Maputi ang anak nila, makinis, nakuha ang pa rin ang karesma ng angkan ng Del Val

  • The Taste Of Lust    Chapter 62

    MAY kirot pa rin sa puso ni Terrence habang nakatingin kina Thrasius at Elise na magkayakap. Hindi niya maiwasang isipin na matimbang pa rin talaga sa puso ni Elise si Thrasius. Well, he can’t blame her. Pero nag-usap na sila ni Thrasius, at sinabi nito na hindi na ito makikialam sa relasyon nila ni Elise. Katunayan ay pinaubaya nito sa kaniya ang kaligtasan ni Elise. Thrasius was finally letting go of Elise. He’s happy to feel Thrasius’s genuine feelings and prove that brotherhood matters to him. Na-realize na rin ni Thrasius ang lapses nito at mga maling mindset. Okay na siya roon. Ang kailangan na lang niyang tutukan ay si Elise. Dapat maka-recover na ito sa amnesia. Huling check-up nito sa doktor, nabanggit ng doktor na malaki na ang improvement ni Elise. At maaring bigla lang umanong babalik ang memorya nito na hindi namamalayan. Nagpaalam na sa kanila si Thrasius. Si Elise naman ay bumalik sa warehouse ng itlog at nangolekta na naman ng rejected eggs. Mukhang may binabalak na

  • The Taste Of Lust    Chapter 61

    PAULIT-ULIT na umukilkil sa kukoti ni Elise ang mga eksenang napanood niya sa video. Nanuot pa rin ang kirot sa kaniyang puso. Maaring galit na galit siya noong masaksihan sina Terrence at Thalia sa opisina. Pero habang inuulit niya ang eksena sa kaniyang isip, unti-unti siyang nakukumbinsi na inosente si Terrence. Ang hindi niya maintindihan ay bakit apektado pa rin siya. Maaring may iba pa siyang iniisip noon. Ayaw niyang ma-stress kaya natulog na lamang siya. Kinabukasan ay nagpasya si Elise na umuwi na sa Tarlac. Umaga sila umalis ni Terrence lulan ng kotse nito. Sa tuwing may madaanan silang nagtitinda ng kung anong pagkain sa gilid ng kalsada ay pinahihinto niya ang sasakyan. Bumili siya ng mga pagkaing bihira niya makita. Nakapunta na sila ni Terrence sa Zambales at doon din ay may ilang senaryo siyang naalala. Hirap pa rin siyang maipagbuklod ang naipong memorya, senyales na hindi pa siya lubusang magaling sa amnesia. Nakaidlip siya sa biyahe at ginising lang ng malakas na

  • The Taste Of Lust    Chapter 60

    KABADO si Terrence habang hinihintay ang sagot ni Elise sa sinabi niya tungkol sa kasal. She’s obviously confused and can’t focus on him. “If you’re not ready yet, it’s okay. I will wait na lang hanggang maalala mo na lahat ng nangyari. It would help you to decide,” aniya. “Uh….. pasensiya na. Gusto ko munang mawala ang amnesia ko,” saad nito. “Ayos lang. At least may mga na-recover ka na ring memories. It’s a good start.” Tumayo na siya at nagligpit ng pinagkainan nila. Iniwanan lang niya ng isang basong tubig si Elise bago hinakot ang mga kubyertos. Tuloy ay hinugasan na rin niya ang mga ito. Unti-unti na ring nare-recover ni Elise ang memories nito ngunit hindi pa nito naunawaan lahat ng senaryo. Apektado pa rin ang emosyon nito. And to push it through, Terrence gave his best to help Elise. Dinala niya ito sa mga lugar na madalas nilang puntahan, lalo na sa Clark. Sa Clark nagsimulang mapabilis ang pagbabalik ng alaala ni Elise, kaso sumabay ang pagsisimula rin ng paglilihi n

  • The Taste Of Lust    Chapter 59

    KINAIN ni Terrence ang kinagatang cookies ni Elise. Nakatulog na ang dalaga sa couch sa lobby. Saka lang ito iniwan ni Grace nang makalapit siya. Binuhat na niya ang dalaga at inilipat sa opisina ng kaniyang tiya. Mas malamig doon at may malaking sofa. “Nagsisimula na bang maglihi si Elise?” tanong ng kaniyang tiya. “I think she just started her cravings. Inaatake pa rin siya ng morning sickness pero hindi na ganoon katindi,” turan niya. Lumuklok siya sa isang couch mas malapit sa table ng kaniyang tiya. “How’s her memories?” “May mga naaalala na siya. Good thing, Elise draw those scenes she recalled.” “Mabuti naman. Dapat talaga makaalala na siya bago niya maranasan ang matinding paglilihi. First time niyang magbuntis kaya asahan natin na mahihirapan siya.” He sighed. “Iyon din po ang inaalala ko. Kahit papano ay hindi na stress si Elise. Simula noong nakausap niya ulit si Thrasius, nabawasan ang confusion niya.” “Ingatan mo sa pagkain si Elise. Baka mamaya ay hindi mo mamalay

  • The Taste Of Lust    Chapter 58

    NABUHAYAN na sana ng pag-asa si Terrence dahil may naaalala na si Elise. Pero bigla na namang nagbago ang mood nito. Maybe Elise also recalled some scenes in the office. He felt panic again. Naisip niya na maaring maungkat ang emosyon ni Elise once naalala nito ang huling pangyayari bago ito nabundol ng truck. It might trigger her anger towards him. He needs to explain the scene before Elise holds hate against him. Nabuhay nang muli ang galit niya kay Thalia, na dahilan bakit nagkalitse-litse ang buhay nila. Nang muli niyang silipin si Elise, wala na ito sa lobby. Nagbukas siya ng laptop at nag-connect ng access sa CCTV footage sa lahat ng sulok ng opisina at warehouse, maging sa lobby. Nakita sa video na pumasok sa warehouse ng mga itlog si Elise. Napanatag siya dahil nilapitan ito ni Candy at nilibang. Dumating na rin si Seth kasama si Ashley. Nanggaling sa doktor ang mga ito at nagpabili siya ng dalawang bandle ng band paper. “Kumusta na si Elise?” tanong ni Ashley. Umupo ito s

  • The Taste Of Lust    Chapter 57

    MALAYO ang farm kaya sumakay sila ni Grace sa tricycle na hiniram nila kay Mang Toni. Marunong mag-drive ng motor si Grace kaya ito ang nagmaneho at nakaupo lang si Elise sa loob ng sidecar. Nagtanong-tanong naman ito sa tauhan kung saan ang farm ng mga gulay dahil limot din niya. May munting gate ang farm at malaya naman silang nakapasok. Mainit sa mismong taniman ng gulay pero malilim naman sa gigilid dahil maraming punung-kahoy. May dala silang dalawang malalaking echo bag na paglagyan ng mga gulay. Natakam si Elise sa malalaking bunga ng dalandan kaya kinuha niya ang panungkit na merong net. Pinagtigaan niyang makuha ang malalaking bunga na nasa matataas. Si Grace na ang namitas ng bunga ng kamatis na hinog at ibang gulay. Mainit kasi sa puwesto nito. Tuwang-tuwa siya nang makakuha ng anim na bunga ng dalandan. Nang hawak na niya ang isang prutas ay may senaryo na namang sumagi sa isip niya. Napaupo siya sa bench at pumikit. Nakikita niya ang kaniyang sarili na nanunungkit ng da

  • The Taste Of Lust    Chapter 56

    NAG-BAKE ng chocolate cake si Elise pero hindi siya satisfied sa lasa. Mukhang limot na rin niya kung paano niya napasarap ang cake na ginawa niya noong bago nagka-amnesia. “Keep trying, Elise. Masarap din naman ang lasa, eh,” ani Grace. Ito ang tagahatol niya sa cake. “Pero parang may kulang,” nakasimangot niyang wika. “Huwag kang malungkot. Mag-bake ka pa hanggang sa mapamilyar ka sa lasa. Malay mo, makaalala ka once nakuha mo ang lasang hinahanap mo.” Nahango na niya ang maliit na cake kasama ang cupcakes. Pati ang frosting ay nakulangan siya sa lasa. Parang may mali talaga kahit nasunod niya ang recipe sa libro. Noong natikman niya ang tirang mango cake na ginawa niya, may something sa lasa niyon na pamilyar sa kaniya. Maaring may ibang paraan siya sa pagbi-bake at hindi nasusunod ang nasa recipe. Sabi pa ni Terrence, nag-e-imbento umano siya ng receipe ng cake at cookies. “May kulang talaga, eh,” giit niya. “Hayaan mo na. Better luck next time na lang. Marami naman kayong

  • The Taste Of Lust    Chapter 55

    SA pagpasok ni Elise sa orphanage ay awtomatikong bumalik ang kaniyang isip sa nakaraan. Hindi niya maintindihan bakit pakiramdam niya ay matagal siyang hindi nakapunta roon. Sabi naman ni Grace ay nagtuturo siya ng arts sa mga bata sa tuwing Sabado. Maraming bata na hindi niya kilala, pero sabi ni Grace ay nakilala na niya ang mga bagong bata. Iyong ibang malalaking bata ay wala na sa orphanage. Naninibago siya sa ambiance ng lugar. May bagong gusali ring tinatayo para umano dagdag tulugan ng mga bata at staff. Pumasok siya sa library na paborito niyang tambayan noon, nila ni Thrasius. And some memories suddenly appeared in her mind. Noong umalis na si Thrasius, palagi na siyang mag-isa roon pagkatapos ng tanghalian. Paulit-ulit niyang binabasa ang sulat na iniwan noon ni Thrasius, na inipit sa librong madalas nilang basahin. Madaling araw kasi umalis noon si Thrasius kasama ang kamag-anak umano ng daddy nito. Hindi niya ito naabutan kaya iyak siya nang iyak paggising. Nagtampo ka

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status