“PAANO pala kayo naging close ni Thrasius?” tanong ni Terrence.
Kumakain na sila at ilang minuto ring naghari ang katahimikan. Dahil sa tanong ni Thrasius ay awtomatikong bumalik ang kaniyang isip sa nakaraan. Unti-unti ay nabubuhay rin ang kirot sa kaniyang puso.
“Nauna akong dumating sa orphanage. Wala akong kaibigan dahil hindi ako nakikipag-usap sa ibang tao. Nagkukulong lang ako sa kuwarto. Madalas ay binu-bully ako ng ibang bata sa tuwing nakikita nila ako. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak at magtago. Hanggang sa dumating si Thrasius. He’s the first kid who talked to me nicely,” panimulang kuwento niya.
“Oh, I see. So, naging magkaibigan kayo?” ani Terrence.
“Hindi pa sa umpisa kasi binu-bully rin niya ako.”
“What? He really did that?” amuse nitong untag.
“Yes. Pero nagbago ang trato niya sa akin noong malaman ang dahilan bakit ako napunta sa orphanage. He started showing care for me. Pinagtatanggol din niya ako at inaaway ang mga bully.”
“Paano ka pala napunta sa orphanage? What happened to your parents?”
Natigilan siya sa tanong ni Terrence. Makalipas ang ilang taon, noon na ulit may tanong nagtanong sa kaniya kung ano ang nangyari sa parents niya. And it’s still hard for her to express even a single detail. Wala pa siyang pinagkuwentuhan ng nangyari. Ang mga madre na kumupkop sa kaniya, ang mga ‘yon lang ang nagkukuwento sa mga nagtatanong.
Mga theory ng pulis ang nagbigay linaw sa nangyari dahil hanggang sa sandaling iyon ay wala pa rin siyang lakas ng loob na magkuwento ng buong pangyayari. Hindi niya kaya. Ayaw rin ng doktor na pilitin siyang magkuwento dahil nabubuhay ang kaniyang trauma.
“Pasensiya na, hindi ko kayang sabihin,” tanging nawika niya.
“Uh, sorry. But how Thrasius know your story?”
“Sinabi lang ni Sister Feliz.”
“Okay. I won’t ask you about that again if it’s not good for you. Pero huwag kang mahihiyang magsabi sa akin kung may problema ka. Baka makatulong ako.” Ngumiti ito.
Tipid naman siyang ngumiti at itinuloy ang pagsubo ng pagkain.
Kinabukasan ng umaga ay sumama si Elise kay Terrence sa opisina ng poultry. Nadatnan nila roon si Seth at may kargang batang lalaki na pogi, kamukha nito. Tantiya niya ay nasa isang taong gulang ang bata.
“Hello, Aster! Kiss your Tito,” ani Terrence sa bata.
Kinuha nito ang bata kay Seth at pinahalik sa pisngi nito. Walang muang ang bata pero tila alam na ang gagawin.
Nawindang din si Elise nang maisip na anak ni Seth ang bata. Meaning, may asawa na ito.
“Pupunta kaming Manila ni Ashley, Terrence. May aasikasuhin lang siya at gusto kasama kami ni Aster,” sabi ni Seth.
“No problem. May assistant naman ako sa office.”
Napatingin si Seth kay Elise. “Ah, you mean, magtatrabaho rito si Elise?” anito.
“Yes,” mabilis na sagot ni Terrence.
“Good. We need a regular office staff.” Binawi ni Seth ang bata kay Terrence. “Say goodbye to Tito.”
“Parang nagsasalita na, ah. Hintayin mo muna magsalita si Aster bago dagdagan. Pagpahingahin mo muna ang matris ng asawa mo, hayop ka!” Walang abog na dinakma ni Terrence ang pagkal*l*ki ni Seth.
“G*go!” angil naman ng isa.
Napatagis ang bagang ni Elise dahil sa palitan ng malulutong na mura ng dalawang lalaki. Mabuti umalis na si Seth, natahimik ang isip niya. Sa tuwing may naririnig kasi siyang nagmumura, wari ginagatungan ng apoy ang kaniyang ulo. Mabilis siyang mairita.
Malaki naman ang opisina ng poultry pero hindi organize, obvious na walang naglalagi roon. May extension pa ang opisina at doon sila pumasok ni Terrence.
“It’s my office since I am the CEO,” sabi nito.
Sinipat niya si Terrence. Wala siyang ideya kung gaano ka-sucessful ang poultry business nito. Hindi pa naman niya nalilibot ang buong area pero sa warehouse pa lang ng mga itlog, alam nang sobrang laki na ng naabot ng negosyo nito.
“Sabi mo kasosyo mo si Seth sa negosyo. Meaning, dalawa kayo ang owner,” aniya.
“I’m the owner.” Hinarap siya ni Terrence. “Ibinigay sa akin ni Seth ang ownership ng poultry since ako naman ang unang nakaisip nito. Bale nag-invest lang siya at partner ko sa negosyo. Dati hati kami. Kaso marami pa siyang business sa US na namana sa daddy niya. May negosyo rin ang asawa niya sa US at madalas ay doon sila naglalagi.”
“So, sa ‘yo pala talaga itong poultry? Wala ka na bang ibang kahati like kapatid mo?”
Ngumisi si Terrence. Lumapit ito sa mataas na drawer. “Wala. My business was a sole proprietor. I don’t want any investment from other people except sa cousins ko. Nag-invest lang sila for the money interest. Ang mga kapatid ko ay walang pakialam sa negosyo ko. May kaniya-kaniya kaming pinagkakaabalahan at wala silang ambag dito kahit piso.”
“Oo nga pala. Si Thrasius ay nasa navy. Si Tristan naman ay air force,” aniya.
Muli siyang hinarap ni Terrence. May hawak na itong naka-folder na papeles. “Did you meet Tristan, too?” tanong nito.
“Uhm, isang beses noong first time akong isinama ni Sister Feliz sa rest house ninyo.”
“I see. Tristan was our youngest brother pero iba rin ang nanay niya.”
Nawindang siya. Akala niya ay kapatid ni Thrasius si Tristan same ng ina at tatay. She can’t imagine how playboy Terrence’s father is. Mukhang may pinagmanahan talaga ito.
“So, ikaw ang panganay?” aniya. Sumandal siya sa gilid ng xerox machine.
“Yes,” tugon ni Terrence sa malamig na tinig. Umupo na ito sa tapat ng lamesa at binuksan ang folder.
Curious siya sa naging takbo ng buhay nito. Alam niya hindi masaya ang pamilyang may third party issue. Si Terrence ang panganay, meaning, saksi ito sa lahat ng pangyayari sa pamilya nito.
Gusto sana niyang magtanong pa tungkol sa pamilya nito pero hindi niya magawa. Unfair naman kung magtatanong siya pero siya ay ayaw mag-share ng sariling kuwento.
“Ano pala ang magiging trabaho ko rito?” tanong na lamang niya. Umupo siya sa silyang katapat ni Terrence.
“Meron na akong secretary na nag-aasikaso ng papers. Ang kailangan ko lang ay office staff. Kung kaya mo ring gumawa ng payroll at ibang related sa paperwork, mas okay.”
“Marunong naman ako. Aaralin ko na lang ang iba,” sabi niya.
“Good. Hindi ako kumukuha ng maraming office staff kasi nagagawa ko naman ang ibang trabaho. Kaso malaki na rin ang business kaya nag-hire ako ng secretary at manager para sa mas maayos na operation. I’m still finishing my business course.”
“You’re new in business?”
“Hm, hindi naman. Actually, I hate business before. I’m once a soldier.”
Napatda siya. Sa tuwing nakaririnig siya ng salitang ‘sundalo’, o kahit makakita ng naka-unipormeng sundalo, nabo-bother siya. Naaalala kasi niya ang kaniyang ama.
“As in, sumasabak ka sa giyera?” usisa niya.
“Yes. I got the 2nd lieutenant rank in the military after years I graduated from the military academy. Kaso nagkaroon kami ng matinding encounter noon kontra sa rebeldeng grupo. Iyon ang worst na nag-trigger ng shell shock ko. After seeing my comrade die in front of me, begging for help, I couldn’t help because I was injured. I started losing my sanity, which pushed me to quit my job. I was traumatized. Nagkaroon din ako ng severe injury noon kaya nag-file ako ng disability retirement nang mas maaga,” kuwento nito.
Habang nakikinig kay Terrence, unti-unting nabubuhay ang kaniyang takot. Ibinaba niya ang kaniyang mga kamay sa hita nang bahagyang manginig dahil sa emosyong umaahon mula sa kaniyang puso.
“Uh…. kailan pala ako magsisimula sa trabaho?” tanong niya, juts to interrupt the topic.
Napatitig si Terrence diretso sa kaniyang mga mata. Bahagya naman siyang napayuko upang itago ang anxiousness niya.
“Kung kaya mo na bukas mag-start, mas okay. Tuturuan naman kita ngayon ng dapat mong gawin,” sabi nito.
“Sige. Nakahanda naman ako.”
“And about sa salary mo, bukas natin pag-usapan.”
Ibinalik niya ang tingin kay Terrence. Nahihiya siyang pag-usapan ang sweldo gayong nakikitira siya sa bahay nito.
“Puwede ba’ng ibawas mo na lang sa magiging sweldo ko ang pag-stay sa bahay mo?” aniya.
Napangiti si Terrence. “Libre na ang pagtira mo sa bahay ko.”
“Pero….”
“It’s okay. Kung nag-aalangan ka sa gastos, huwag mo na rin ‘yon intindihin.”
“Magsi-share na lang ako ng bayad sa kuryente at ako na ang bahala sa foods.”
“Sige, para mas komportable ka. Kahit sa kuryente na lang ikaw mag-share. Pero about sa food, leave it to me. Unlimited ang eggs natin dito at manok, libre lang. May fruits and vegetables garden din dito kaya konti na lang ang bibilhin sa labas. Ako na ang bahala roon. Puwede ka ring bumili ng gusto mong food sa labas.”
“Gano’n na lang. Salamat.”
“Okay. Then let’s start exploring the other facilities first.” Tumayo si Terrence.
Sumunod naman siya rito paglabas. Una nilang pinuntahan ang warehouse ng mga itlog at mga nakatay at malinis nang manok na ready for deliveries. Namangha siya sa laki ng storage ng mga manok, may iba’t ibang cuts, may brand ang packaging. Sobrang linis ng warehouse.
Hindi niya akalaing ganoon kalaki ang poultry business ni Terrence, at minsan na siyang nakabili ng brand ng manok nito sa supermarket. Isa na ito sa sikat na fresh chicken meat and eggs suppliers sa buong bansa. Ayon kay Terrence, more than three years pa lang since nag-start ang business nito pero ang bilis ng paglago.
Kuwento nito, nagsimula lang umano ito sa pagbebenta ng itlog sa local market ng Tarlac. Hanggang sa lumago na ang negosyo nito. Kahit noong active pa ito sa army, nagsimula na ito sa negosyo.
“This is the slaughterhouse. Dito kinakatay ang mga manok,” sabi ni Terrence.
Pumasok naman sila sa malawak na warehouse. Maayos din doon at hindi mabaho. Marami rin itong empleyado roon, puro lalaki. High-tech ang mga gamit doon sa pagkatay ng manok. At sa dulo ng slaughter, may mga lagayan ng balahibo ng manok, iba-ibang kulay.
“Ano’ng ginagawa sa balahibo?” tanong niya.
“Maraming nagaggawa ‘yan. For decoration, costume, gamit panlinis at iba pa,” tugon naman ni Terrence.
“Impressive. Walang tapon sa products,” komento niya.
“Yeah.”
Tumuloy na sila sa manukan. Meron din palang manok pangsabong doon pero pangbenta lang. Maraming breed ng manok na alaga, meron ding native. Sumikat umano ang poultry business ni Terrence dahil sa pagsu-supply nito ng native eggs at manok sa mga palengke. Literal na native ang manok mula sa probinsiya at organic ang kinakain, unlike sa high breed.
Umingay sa paligid nang may mga bisitang dumating, naka-kotseng itim. Nang makita ang mga lalaking bumaba mula sa kotse, bigla naman siyang ginupo ng kaba. Mga sundalo ang bisita!
“Wait lang, Elise. Aasikasuhin ko lang ang mga kaibigan ko,” paalam ni Terrence.
Tumalikod siya at nagpakaabala sa pagsinop ng balahibo na nahulog sa lupa. Matagal din noong huli siyang nakakita ng sundalong may dalang baril. Hindi niya akalaing mararamdaman niya ulit ang takot sa mga ito. It means her wounds and trauma from the past haven’t healed yet.
NAHIRAPAN si Elise sa labor dahil gabi pa lang ay humilab na ang kaniyang tiyan. Nataon pa na nasa Maynila si Terrence. Mabuti kasama niya ang mommy nito na kararating. Gusto kasi nitong masaksihan ang paglabas ng apo nito. Kaya three days bago ang due date niya sa panganganak ay naroon na ito. Napaaga ang labor niya. Kung kailan dumating si Terrence sa ospital ay saka lang nagmadaling lumabas ang anak niya. Ang tatay lang pala nito ang hinihintay. Saktong sumikat ang araw ay matagumpay niyang nailuwal ang anak nila, their first son. “Welcome to the world, Baby Elrence!” bati ni Terrence sa anak nila. Huhat na nito ang baby. Hindi na niya pinalitan ang naisip ni Terrence na pangalan ng anak nila na kinuha sa mga pangalan nila. Nagustuhan din naman niya ito. Natuwa siya dahil may nakuha rin sa mukha niya si Elrence, ang kaniyang mga labi. Pagdating sa mga mata at ilong, kopyang-kopya naman kay Terrence. Maputi ang anak nila, makinis, nakuha ang pa rin ang karesma ng angkan ng Del Val
MAY kirot pa rin sa puso ni Terrence habang nakatingin kina Thrasius at Elise na magkayakap. Hindi niya maiwasang isipin na matimbang pa rin talaga sa puso ni Elise si Thrasius. Well, he can’t blame her. Pero nag-usap na sila ni Thrasius, at sinabi nito na hindi na ito makikialam sa relasyon nila ni Elise. Katunayan ay pinaubaya nito sa kaniya ang kaligtasan ni Elise. Thrasius was finally letting go of Elise. He’s happy to feel Thrasius’s genuine feelings and prove that brotherhood matters to him. Na-realize na rin ni Thrasius ang lapses nito at mga maling mindset. Okay na siya roon. Ang kailangan na lang niyang tutukan ay si Elise. Dapat maka-recover na ito sa amnesia. Huling check-up nito sa doktor, nabanggit ng doktor na malaki na ang improvement ni Elise. At maaring bigla lang umanong babalik ang memorya nito na hindi namamalayan. Nagpaalam na sa kanila si Thrasius. Si Elise naman ay bumalik sa warehouse ng itlog at nangolekta na naman ng rejected eggs. Mukhang may binabalak na
PAULIT-ULIT na umukilkil sa kukoti ni Elise ang mga eksenang napanood niya sa video. Nanuot pa rin ang kirot sa kaniyang puso. Maaring galit na galit siya noong masaksihan sina Terrence at Thalia sa opisina. Pero habang inuulit niya ang eksena sa kaniyang isip, unti-unti siyang nakukumbinsi na inosente si Terrence. Ang hindi niya maintindihan ay bakit apektado pa rin siya. Maaring may iba pa siyang iniisip noon. Ayaw niyang ma-stress kaya natulog na lamang siya. Kinabukasan ay nagpasya si Elise na umuwi na sa Tarlac. Umaga sila umalis ni Terrence lulan ng kotse nito. Sa tuwing may madaanan silang nagtitinda ng kung anong pagkain sa gilid ng kalsada ay pinahihinto niya ang sasakyan. Bumili siya ng mga pagkaing bihira niya makita. Nakapunta na sila ni Terrence sa Zambales at doon din ay may ilang senaryo siyang naalala. Hirap pa rin siyang maipagbuklod ang naipong memorya, senyales na hindi pa siya lubusang magaling sa amnesia. Nakaidlip siya sa biyahe at ginising lang ng malakas na
KABADO si Terrence habang hinihintay ang sagot ni Elise sa sinabi niya tungkol sa kasal. She’s obviously confused and can’t focus on him. “If you’re not ready yet, it’s okay. I will wait na lang hanggang maalala mo na lahat ng nangyari. It would help you to decide,” aniya. “Uh….. pasensiya na. Gusto ko munang mawala ang amnesia ko,” saad nito. “Ayos lang. At least may mga na-recover ka na ring memories. It’s a good start.” Tumayo na siya at nagligpit ng pinagkainan nila. Iniwanan lang niya ng isang basong tubig si Elise bago hinakot ang mga kubyertos. Tuloy ay hinugasan na rin niya ang mga ito. Unti-unti na ring nare-recover ni Elise ang memories nito ngunit hindi pa nito naunawaan lahat ng senaryo. Apektado pa rin ang emosyon nito. And to push it through, Terrence gave his best to help Elise. Dinala niya ito sa mga lugar na madalas nilang puntahan, lalo na sa Clark. Sa Clark nagsimulang mapabilis ang pagbabalik ng alaala ni Elise, kaso sumabay ang pagsisimula rin ng paglilihi n
KINAIN ni Terrence ang kinagatang cookies ni Elise. Nakatulog na ang dalaga sa couch sa lobby. Saka lang ito iniwan ni Grace nang makalapit siya. Binuhat na niya ang dalaga at inilipat sa opisina ng kaniyang tiya. Mas malamig doon at may malaking sofa. “Nagsisimula na bang maglihi si Elise?” tanong ng kaniyang tiya. “I think she just started her cravings. Inaatake pa rin siya ng morning sickness pero hindi na ganoon katindi,” turan niya. Lumuklok siya sa isang couch mas malapit sa table ng kaniyang tiya. “How’s her memories?” “May mga naaalala na siya. Good thing, Elise draw those scenes she recalled.” “Mabuti naman. Dapat talaga makaalala na siya bago niya maranasan ang matinding paglilihi. First time niyang magbuntis kaya asahan natin na mahihirapan siya.” He sighed. “Iyon din po ang inaalala ko. Kahit papano ay hindi na stress si Elise. Simula noong nakausap niya ulit si Thrasius, nabawasan ang confusion niya.” “Ingatan mo sa pagkain si Elise. Baka mamaya ay hindi mo mamalay
NABUHAYAN na sana ng pag-asa si Terrence dahil may naaalala na si Elise. Pero bigla na namang nagbago ang mood nito. Maybe Elise also recalled some scenes in the office. He felt panic again. Naisip niya na maaring maungkat ang emosyon ni Elise once naalala nito ang huling pangyayari bago ito nabundol ng truck. It might trigger her anger towards him. He needs to explain the scene before Elise holds hate against him. Nabuhay nang muli ang galit niya kay Thalia, na dahilan bakit nagkalitse-litse ang buhay nila. Nang muli niyang silipin si Elise, wala na ito sa lobby. Nagbukas siya ng laptop at nag-connect ng access sa CCTV footage sa lahat ng sulok ng opisina at warehouse, maging sa lobby. Nakita sa video na pumasok sa warehouse ng mga itlog si Elise. Napanatag siya dahil nilapitan ito ni Candy at nilibang. Dumating na rin si Seth kasama si Ashley. Nanggaling sa doktor ang mga ito at nagpabili siya ng dalawang bandle ng band paper. “Kumusta na si Elise?” tanong ni Ashley. Umupo ito s