Share

Kabanata 7

Author: GreenRian22
last update Last Updated: 2025-04-29 20:01:39

Alice's Point Of View.

"Don't mind me, just fvcking drive!" sigaw niya sa akin, nakapikit pa rin siya at nakahawak sa dibdib niyang natamaan ng bala.

"Tanga ka ba? Anong don't mind me? Paano kapag namatay ka diyan?" kinakabahang tanong ko sa kaniya, napansin ko naman ang pagdilat niya sandali at pagtingin sa akin.

"Why the heck are you crying?"

Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa kaniya. "Hindi ako umiiyak dahil nag-alala ako sa'yo 'no! Kinakabahan lang ako!" sagot ko at nakita ko naman ang muli niyang pagpikit. "At huwag kang matulog!"

Mas lalo akong kinabahan noong unti-unting lumalim ang paghinga niya. "Magmaneho ka na... Bilisan mo."

Pinilit kong kalmahin ang aking sarili bago tumango at muling nagmaneho, mas binilisan ko na ngayon katulad ng sabi niya. "Saan ba ang pinakamalapit na hospital dito sa England?!" sigaw ko, wala akong ibang makita kundi mga matatas na gusali. Kung nasa Pilipinas lang sana kami, alam ko na kaagad kung saan kami pupunta.

"Fvck. Huwag mo akong dalhin sa hospital," halos pabulong na lang niya iyong sagot.

"Anong huwag? Tanga ka ba?" inis kong sabi at nilingon siya, halatang-halata sa kaniyang mukha ang sakit. Hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy sa pagmamaneho, salamat naman sa Diyos dahil sa ilang minuto kong pagmamaneho nakahanap ako ng isang hospital. Kaagad akong dumiretso sa loob at humingi ng tulong.

Mabilis naman akong dinaluhan ng mga nurse at tinulungan akong ilabas sa sasakyan si Valerian na ngayon ay wala ng malay.

"What happened to him?" tanong sa akin ng Doctor.

"Uhmm—" Sasabihin ko bang natamaan siya ng baril?

Hindi niya na nahintay pa ang sagot ko dahil kaagad na siyang hinatak ng mga nurse at sinama sa loob operating room kasama si Valerian.

Napaupo naman ako sa bakanteng upuan sa labas, sinandal ko ang aking likod sa upuan at malakas na bumuntong hininga upang kalmahin ang aking sarili ngunit hindi iyon naging epektibo. Pinikit ko ang aking mga mata, nahihirapan na akong makahinga, ramdam ko pa rin ang panginginig ng aking mga kamay. At sa hindi ko inaasahan, naramdaman ko na lamang ang pagbasak ng aking katawan.

Valerian's Point Of View.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at noong napagtanto kong nasa hospital ako ay napamura na lamang.

"Boss!"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko kaagad si Frank na lumapit sa akin, sinubukan kong tumayo at hindi na ininda pa ang sakit ng aking katawan.

Fvck this.

"How long have I been unconscious?" tanong ko sa kaniya at sumandal sa headboard ng kama.

"Dalawang araw na."

"Kailangan ko ng madischarge ngayong araw," inis kong sabi, hindi na ako makapaghintay sa mga hayop na gumawa sa akin nito.

"Pero hindi ka pa magaling, Boss."

Umilang ako at malakas na napabuntong hininga. "You know how much I hate hospitals, Frank," seryosong ani ko. "Nasaan nga pala ang babaeng iyon?"

Nakita kong natigilan siya kaya napakunot ang aking noo.

"Uh... about her, Boss. She's unconscious."

What? Wala naman akong naaalalang nasaktan siya o natamaan ng bala?

"What happened?" tanong ko.

"Sabi ng Doctor sa akin may asthma raw ang babaeng iyon, anemic din. Dalawang araw na siyang walang malay."

"Where's her room? Puntahan natin, baka tumakas," wika ko at tumango naman siya. Kahit hindi pa ako fully recovered ay tinanggal ko ang dextrose sa aking kamay at lumabas ng kwarto kasama siya. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating kami sa kwarto ni Alice, sakto lang dahil mukhang gising na siya.

Alice's Point Of View.

Nakatulala lamang ako simula ng magising ako, hindi ako makapaniwalang inatake na naman ako ng asthma. Ayoko na talagang maging sakitin. Ang dami-dami kong mga bagay na hindi nagagawa, lalong-lalo na noong bata ako.

Hindi ako pwedeng maglaro katulad ng mga kapatid ko, palaging may nurse at guard ang nasabi tabi ko dahil sakitin nga ako. At ayoko noon, sawang-sawa na akong maging mahina at hindi magawa ang mga bagay na gusto kong gawin.

Napahinto ako sa pag-iisip noong bumukas ang pinto, nanlaki ang mga mata ko noong makita si Valerian kasama iyong nakita ko ring lalaki sa mansyon niya, hindi ko alam kung kaibigan niya ba iyon pero paniguradong nasa Mafia rin ito.

"A-Anong ginagawa niyo rito?" mahina kong sabi at mabilis na nagtama ang mga mata namin ni Valerian, nakita ko ang pagdaan ng inis sa kaniya.

"Ano pa nga ba? Tumayo ka na riyan, aalis na tayo," inis niyang sabi at napakunot naman ang noo ko.

"Aalis na? Teka, magaling ka na ba?" tanong ko sa kaniya at tinignan naman niya ako ng masama.

"Ano bang pakialam mo? Tumayo ka na riyan bago pa kita kaladkarin palabas dito," malamig niyang sagot.

Napairap ako sa narinig. "Pasalamat ka nga dinala kita rito sa hospital, dahil paniguradong patay ka na ngayon kung hindi—"

Naputol ang aking sasabihin ng makita kong maglabas siya ng baril at mabilis iyong tinutok sa akin, gusto kong murahin ang aking sarili. Sumusobra na naman ang mga sinasabi ko! Ako talaga ang gagawa ng paraan para mamatay ang sarili ko!

"Sinasabi mo bang dapat akong magtanaw ng utang na loob sa ginawa mo?" supladong tanong niya at naglakad papalapit sa akin, naramdaman ko ang pagtama ng malamig na bunganga ng baril niya sa aking ulo, mas lalo akong nakaramdam ng kaba. "Answer me, Woman. May utang na loob ba ako sa'yo?"

"H-Hindi," halos pabulong kong sagot, nakita ko naman ang pagbaba niya ng baril ngunit matalim pa rin ang tingin niya sa akin.

"Tumayo ka na riyan, aalis tayo sa ayaw at gusto mo," seryosong ani niya at sumunod naman ako kaagad.

Lumabas kami kaagad ng hospital, nasa unahan si Valerian habang nasa likod kami nitong lalaking kasama niya kanina.

"But you haven't been discharged yet, Sir!" pagpigil sa amin ng isang Doctor na tinulak lang ni Valerian para makapagpatuloy sa paglalakad.

"Fvck off, asshole!" narinig ko pang inis niyang sabi.

Napayuko na lamang ako habang naglalakad kami palabas, pinagtitinginan na kami ng mga tao pero walang pakialam si Valerian.

Ang sabi sa akin ng Doctor ko noon, malaki ang possibilidad na asthma ang maging dahilan ng kamatayan ko. Pero sa tingin ko ay mali siya, baka si Valerian ang maging dahilan ng kamatayan ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marilou Deguzman
more more update po author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Taste Of The Mafia Boss Endless Love    Kabanata 24

    Beckett's Point Of View."Totoo ba iyon? Hindi talaga anak ni Rowan si Alice?" nagtatakang tanong ko kay Frank habang naglalakad kami pababa sa hagdan, pinalabas kami ni Valerian pagkatapos niyang malaman ang totoo."Yeah... I was shocked too when I found out. Kaya naman pala walang pakialam si Rowan na ipakasal si Alice kay Boss," sagot niya, pumunta kami sa sala at napagpasyahan naming mag-inuman."Do you think Boss plans will change?" tanong ko bago uminom ng beer. Alam namin ang plano niya, kaya niya lang pinakasalan ang babaeng iyon para maghiganti. Hindi ko pa personal na nakilala si Alice dahil busy ako sa mga pinapagawa ni Valerian pero naririnig ko kay Frank na tahimik lang itong babae, mukhang mahina at malayong-malayo sa mga kapatid nito.Nagkibit-balikat siya. "I don't know... Maybe. Alam mo naman iyon, hindi pa rin niya kayang pumatay ng inosenteng tao.""Sometimes he needs to.""When it's needed," pagtatama niya at napailang na lamang ako bago sumandal sa couch."Hindi n

  • The Taste Of The Mafia Boss Endless Love    Kabanata 23

    Valerian's Point Of View.Akalain mo nga naman... Matalino rin pala ang matandang 'to. Alam niyang pekeng statue ang binigay namin. "Give me the real statue now, if you want to save your wife," seryosong aniya habang nakatingin sa akin. May hawak na baril ang isa niyang kamay, nakabulagta sa sahig ang mga tauhan niya.Tsk. Pero ang tanga niya pa rin. Sigurado akong nakuha na ni Beckett si Alice, at ngayon ay paalis na sila."You know what, Leyes? You're not the most greedy person I've ever met," seryosong sambit ko. Sa dami ng mga taong dumaan sa buhay ko, sanay na sanay na ako sa ganitong mga senaryo. Ilang beses ko ng naranasan ang ganito."But I think you're the dumbest one," I added and he glared at me.Napakatanga niya. Kung gusto niya iyong statue, bakit hindi niya inubos ang pera niya para makuha iyon? Gusto niyang makatipid? Bakit ko naman hahayaang ibigay iyon?Umatras ako ng bigla niya akong tutukan ng baril, wala akong armas sa akin. Dahil ang baril na hawak niya ay mula

  • The Taste Of The Mafia Boss Endless Love    Kabanata 22

    Alice's Point Of View.Parang ganito rin noong nakidnap ako noon... Wala akong alam kung anong oras na, kung tanghali na ba, umaga o gabi. Wala akong idea kung anong nangyayari sa labas. Ni-hindi ko alam kung ilang araw na akong nandito. Pero alam kong wala pa akong isang linggo, siguro dalawang araw. Hindi ko alam. Hindi ako sigurado.Pakiramdam ko nga hindi ako mamatay sa pananakit nila sa akin, kundi sa pagkaing pinapakain nila. Gusto kong isampal sa kanila ang plato, nakakainis, hindi naman ako maarte sa pagkain pero sana naman pagkaing pang tao ang ibigay nila sa akin.Malakas akong napabuntong hininga, alam kong dinidistract ko lang ang sarili ko. Ayokong isipin kung makakalabas pa ako rito rito o hindi... Kasi aminado akong mas malaki ang tyansang hindi na. Sa ugali pa naman ni Valerian, mukha bang ipagpapalit niya ang statue para lang makalaya ako?Tsk. Wala talaga akong ibang dapat gawin ngayon kundi ang magdasal... Umasa sa himala na baka magbago ang desisyon niya at iligtas

  • The Taste Of The Mafia Boss Endless Love    Kabanata 21

    Valerian's Point Of View.Napatulala na lamang ako pagkatapos kong marinig iyon, mabilis kong pinaalis sa kwarto ko sina Beckett at Frank para makapag-isip-isip ako.Kinuha ko ang bote ng alak na nasa tabi ko at kaagad iyong ininom. I don't fvcking know what to feel. How should I react after knowing that she's really... innocent?Isang beses pumasok sa isip ko na baka nga hindi siya anak ni Rowan... Pero dahil sa galit na bumabalot sa puso ko, mabilis kong isinawalang bahala ang isipang iyon. Pero ngayong alam kong hindi siya anak ng demonyong 'yon, napagtanto ko na kung bakit mukhang wala talaga siyang idea sa mundo ng Mafia.That's why she doesn't know how to use a gun. That's why she doesn't know the Mafia group Rowan has. Kaya pala... Kaya pala dahil ampon lang siya.Dala ang bote ng alak ay lumabas ako at pumunta sa kaniyang kwarto. Pinihit ko ang doorknob at bumungad sa akin ang tahimik at madilim na paligid, ngunit amoy na amoy ko ang pabango niya na parang nandito lang siya s

  • The Taste Of The Mafia Boss Endless Love    Kabanata 20

    Alice's Point Of View. "I'm so glad you remembered me, Mrs. Fernsby." Siya iyong manyak din na nagbidd sa statue, hindi ako makapaniwalang makikita ko pa ang mukha ng matandang 'to. "Fvck you. Let me go," inis kong sabi ngunit tumawa lang siya, nakita kong sinenyasan niyang umalis iyong dalawang utusan niya at mabilis namang sumunod. "You know, I won't hurt you, Mrs. Fernsby. I just want the statue." "Then let me go! You don't have to kidnap me, old man!" malakas kong sigaw at sa isang saglit lang ay mabilis na lumusot ang kamay niya sa kulungan ko at mabilis na hinatak ang aking buhok, bumangga ako sa bakal dahil sa lakas ng pagkakahatak niya. Sunod ko na lamang naramdaman ang pagtulo ng luha ko dahil sa sobrang takot na nararamdaman. "L-Let me go," umiiyak kong sabi ngunit nakahawak pa rin siya sa aking buhok. "You know, when I first you saw I thought that you're really beautiful and I want to taste you... But I'm not interested to someone who's already married," giit n

  • The Taste Of The Mafia Boss Endless Love    Kabanata 19

    Alice's Point Of View.Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa lalaking 'to dahil pumunta siya sa aking likod at tinutukan ako ng baril."Walk," utos niya sa akin at tinanggal ang panyo sa aking bibig. "Don't try to shout, I'll not think twice to kill you."Mas nadagdagan naman ang takot na naramdaman ko dahil sa narinig, nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil lumulutang ang isipan ko dahil sa takot. Napansin kong pumunta kami sa mataas na parte ng barko, napansin ko roon ang isang helicopter, kaagad na nagulo ang aking buhok dahil sa hangin mula rito. Maingay din at humahalo iyon sa ingay ng malakas na tugtog.Tinulak ako ng lalaki papasok sa helicopter at wala naman akong nagawa kundi ang sumunod dahil nakatutok pa rin sa akin iyong baril niya."Nice one, bro! I'm sure Boss will be happy we got his wife!" saad noong isang lalaking nagmamaneho noong helicopter.Tinulak na ako noong lalaki para makaupo, ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pag-angat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status