LOGINHyacinth
Masaya kaming nagsalo sa tanghalian na hinanda ni Nanay Lucing at masasabi ko na nagustuhan ko ang luto niya dahil masarap naman talaga ito.
Sinampalukang manok ang inihain niya sa amin at dahil nga sa panahon ay bagay na bagay ang mainit na sabaw nito.
Hindi ko nga napansin na napadami ang kain ko dahil masarap talaga ang luto ni Nanay Lucing.
“Mabuti naman at nagustuhan mo ang ulam, Ms. Hya!” sabi ni Nanay sa akin
“Yan lang kasi ang madaling lutuin!” sabi pa nito kaya naman hinawakan ko agad ang kamay niya
“Naku, masarap po ang luto ninyo, Nanay! At salamat po kasi naabala namin kayo!”
Napangiti si Nanay sa akin at ganun din naman siya kay Argus na matamang nakatingin lang sa akin.
Hindi ko na lang siya pinansin dahil pakiramdam ko, nanlalambot ako sa twing tinitignan niya ako.
Kung bakit dati, nagagawa ko siyang tarayan, ngayon, hindi ko magawa. Siguro dahil wala naman na akong dahilan para gawin yun lalo na at maganda naman ang pakikitungo niya sa akin.
Of course, it will be a lame reason kung idadahilan ko ang nangyari noon sa amin. Baka naman isipin niya na hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-move on!
And of course, wala na sa akin nang bagay na iyon pero ang maging malapit kay Argus, yun siguro ang hindi mangyayari.
I can be civil, given that he is my colleague pero kung higit pa doon, malabong mangyari.
Napakurap ako at napukaw ng pagring ng telepono ko ang malalim na pag-iisip ko.
“Hello Daddy!” sagot ko saka ako nag-excuse sa mga kaharao ko sa mesa
I texted Dad at sinabi ko ang sitwasyon namin dito kaya hindi kami nakabalik ni Argus sa Manila.
“Okay naman po kami dito! Kasama ko po si Mr. Mediavilla at si Mang Lito! Hopefully po, nakauwi na kami bukas pag open na ang mga kalsada at wala ng baha!”
Knowing my Mom and Dad, hindi sila mapapakali hangga’t hindi nila ako nakakausap.
After a few minutes at nagpaalam na din ako kay Daddy at bumalik na ako sa mesa para makipagwentuhan sa kanila.
“May damit po dito yung kapatid ko, Ms. Hya. Sa palagay ko naman kasya yun sa iyo!” sabi ni Kuya Bogs sa akin
“Doon ka na lang din matulog sa kwarto niya, Ms. Hya!” sabi naman ni Nanay Lucing
“Salamat po sa inyo, Nay Lucing!” sagot ko pa sa kanila
Masaya naman ang naging kwentuhan namin at bandang alas-nuebe ay hinatid na ako ni Kuya Bogs sa kwarto ng kapatid niya.
Si Argus naman ay sa kwarto ni Kuya Bogs matutulog habang si Mang Lito naman ay sa sala.
Mabuti na lang din at nagkaroon na ng kuryente kaya naman kahit papano ay hindi madilim sa bahay nila.
“Wala lang po kaming aircon dito, Ms. Hya! Bentilador lang po!” sabi ni Kuya Bogs kaya ako pa ang nakaramdam ng hiya dahil sa pag-iintindi nila sa akin
“Wala pong kaso yun, Kuya Bogs! huwag niyo na po akong intindihin.” sagot ko sa kanya
Hinanap ko ang banyo nila Kuya Bogs at mabuti na lang, palagi akong may dalang mga underwear sa bag kaya naman nakapagpalit ako ng mga ito.
Palabas na ako ng banyo matapos kong maglinis ng aking sarili at nakita ko si Argus na nasa labas at mukhang gagamit din siya nito.
“Okay ka lang, Faith?” tanong sa akin ni Argus at hindi ko nga alam kung bakit kahit noon, mas gusto niyang tinatawag ako sa pangalawang pangalan ko
“Oo naman! Bakit?” tanong ko din sa kanya
“Just wanna ask, Faith! Baka may kailangan ka pa, and..”
“I am fine! Aakyat na ako!” sabi ko sa kanya
“Faith, hindi ba tayo pwedeng maging magkaibigan? We are working together at hindi naman ito ang unang beses na magkakasama tayo!” sabi niya sa akin kaya napahinto ako
Humarap ako sa kanya saka ako humalukipkip.
“Colleagues! Pwede pa! Pero yung maging magkaibigan, hindi ko alam!” sagot ko sa kanya
“May I know why do you hate me so much?” tanong niya sa akin at hindi naman ako nakasagot agad
“Kasi kung dahil pa rin ito sa nangyari noon, don’t you think na masyado na yung matagal for you to dwell on it?”
Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
“I don’t hate you, Argus!” sagot ko sa kanya dahil para sa akin, masyadong Malala pag sinabi mong hate
“Then what? Bakit ni hindi mo ako makausap ng maayos?” tanong niya sa akin
“Maayos kitang kinakausap, Argus! Gaya ng sabi ni, hindi ito ang unang beses na makakasama kita and I am being civil with you, right?” sagot ko sa kanya
“Okay! Thank you then, for being civil!” pumasok na si Argus sa banyo kaya ako naman ang natigilan
I shook my head saka ako umakyat para makapunta sa kwarto. Gusto ko na ding magpahinga and thinking of Argus’ tantrums is not my priority right now.
I am trying to be civil at wala naman akong ginagawa para ma-offend siya. And him, being my friend? Yun yata ang hindi mangyayari!
*******
Kinabukasan ay maaliwalas na ang panahon kaya naman sure ako na makakabalik na kami ngayon sa Manila.
Bumaba na ako matapos kong ayusin ang kamang hinigan ko at nakita ko na nasa mesa na sila Argus at si Mang Lito having coffee. Nandoon din ang mag-ina na Todo asikaso sa mga kasama ko.
“Good morning Ms. Hya! Nag-almusal ka na!” aya sa akin ni Nanay Lucing
“Sige po salamat!” sabi ko at may nakahandang plato na sa harap ko pero hindi kasi ako sanay na mag-almusal
“Kape lang po ako, Nay!” sagot ko at nagulat naman ako sa pag sabat ni Argus
“You should eat breakfast, Faith! Yan ang mahalagang meal of the day!” sabi ni Argus at nagulat pa nga ako dahil nilagyan niya ng sinangag ang plato ko pati na ng itlog at hotdog
“Argus…” pigil ko sa kanya pero hindi siya nagpaawat
Napatingin ako sa mga tao sa harap ko at lahat sila ay pawang nakangiti. Gustuhin ko mang bulyawan si Argus sa ginagawa niya ay nagpigil na ako dahil ayoko naman siyang mapahiya sa harap ng mga kasama namin sa mesa.
“Eat! Huwag matigas ang ulo!” sabi pa niya sabay abot sa akin ng kutsara
Inirapan ko siya pero kinuha ko pa rin ito at nagsimula na nga akong kumain and I caught him smiling. Hindi ko na lang pinansin para matapos na ito at ng makabalik na kami sa Manila.
Nung matapos na ang almusal ay nagpahinga lang kami saglit at nagpaalam na kami kay Nanay Lucing.
“Maraming salamat po, Nay! Pasensya na po talaga kayo sa abala!” saad ni Argus
“Naku! Ano bang abala! Walang kaso iyon at kung magagawi ulit kayo dito, dalawin niyo ulit ako ha!” tila naglalambing na saad ni Nanay Lucing
“Sige po Nay! Dadalaw po ako ulit! Ipagluto niyo po ulit ako ng sinampalukan!” Argus said at tumango naman agad ang matanda
“ Sa susunod na punta mo, hindi lang sinampalukan ang iluluto ko! Pramis!” anang matanda kaya niyakap naman siya ni Argus
“Eh pero teka, bakit ikaw lang! Isama mo ulit itong si Ms. Hya!” baling nito sa akin kaya ngumiti naman ako sa kanya
“Baka po si Mr. Mediavilla na lang Nay! Tutal naman po, nakapunta na siya dito, hindi na po niya kailangan na kasama ako!” sagot ko agad
“Pero salamat po Nay ha! Sa pag-aasikaso po ninyo!” sabi ko namna at ngumiti na sa akin si Nanay
“Wala yun! Maliit na bagay lang yan kumpara sa mga tulong na naibigay ninyo sa anako ko. Laking pasasalamat ko nga at naipasok niya sa Tanya Marie Foundation kaya, nakapagtapos siya ng pag-aaral!” sabi pa ni Nanay Lucing
Ang Tanya Marie Foundation ay binuo ng magulang ko at ipinangalan ito ni Mommy sa bunsong kapatid niya na si Tita Tanya. Ayon sa kwento niya sa aming magkakapatid, mahirap ang buhay nila noon at hindi naging madali ang buhay para sa kanila noong mga bata pa sila.
Nasagasaan si Tita Tanya dahil lumabas ito ng bahay para manghingi ng pagkain sa labas dahil nagugutom siya at yun ang naging dahilan kung bakit nagkasakit at tuluyang nawala sa sarili ang aming Lola. Bata pa si Tita Tanya noon, around six or seven years old, at pag naaalala ko ang kwento na iyon, masasabi ko na swerte kaming magkakapatid dahil hindi namin naranasa ang kahirapan.
Pero nandoon din ang pangaral sa amin ni Mommy that we should not take what we have for granted. Pahalagahan namin ito dahil hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong buhay.
Kaya naman nagsikap si Mommy at si Tito Arvie para makapagtapos sila at nung maikasal na sila ni Daddy, doon nila naisipang itayo ang foundation na ang layunin ay tulungan ang mga kabataan na gustong mag-aral pero kapos sa buhay.
At sa loob ng ilang taon na tumatakbo ang foundation, marami na din itong napagtapos and it warms my heart whenever they come back and acknowledge my parents for that.
Nagpaalam na din kami kay Nanay Lucing at nagtungo na kami sa factory para naman maituloy na ni Argus ang paglilibot niya.
Naiwan na lang ako s office doon at tinawagan ko na si Daddy para mag-update sa kanila at sabihing pabalik na sin kami ng Maynila. Naghintay ako sa loob ng opisina at nung matanaw ko na pabalik na si Argus at kuya Bogs ay tumayo na din ako.
Pero hindi pa man ako nakakalabas ay pumasok na si Argus sa office at mataman akong tinignan.
“Aalis na ba tayo?” tanong ko sa kanya pero inilingan niya lang ako
“Bakit ka ba ganyan?” tanong niya sa akin kaya naman nagtaka ako sa sinabi niya
“Anong bakit ako ganyan?” he smirked kaya naman lalo akong nainis sa facial reaksyon niya
“Bakit mo naman kailangang sabihin kay Nay Lucing yun? Ganun ka ba magpakita ng appreciation sa pang-aabala natin sa kanila?” inis na tanong ni Argus
“Teka lang ha! Ano bang ginawa ko?” tanong ko dahil wala talaga akong idea kung bakit siya nagagalit sa akin
“Sinabi mo na ako na lang ang babalik dito para dalawin siya!”
“Yun lang ba? Ano bang masama doon Argus?” inis na tanong ko kaya naman napailing ulit siya
“Hindi ka man lang marunong magpasintabi! Pwede mo namang sabihin na oo Nay, babalik po ako! Kung ano-ano pa ang sinagot mo! Hindi mo ba nakita na medyo lumungkot siya nung sinabi mo yun!” ani Argus at hindi naman ako nakasagot sa sinabi niyang iyon
“You are not sensitive enough, Faith! Ni ayaw mong kumain kanina ng almusal samantalang maagang nagising si Nanay para ihanda yun!” inis na saad ni Argus at doon na ako sumagot
“Eh sa hindi nga ako kumakain ng almusal!” katwiran ko pa
“Oo nga pero sana, just to show your appreciation, kumain ka pa rin! Kung hindi ka pa pinilit, hindi mo gagawin!” sagot niya sa akin kaya hindi ko na talaga napigil ang sarili ko
“Nagpasalamat ako sa kanya, Argus! Hindi lang isang beses kung hindi maraming beses pa! Ano ba ang gusto mo, magpadala pa ako ng bulaklak kay Nanay just to say thanks to her?” balik ko sa kanya
“Hindi ko sinasabi yan, Faith! Ang sa akin lang, maging sensitive ka man lang sa nararamdaman ng iba! Mula noon hanggang ngayon, ganyan ka! Hindi ka nakikinig! Kung ano lang ang gusto mong paniwalaan at pakinggan, doon ka lang!” galit na sagot ni Argus sa akin
“Hey! Hindi totoo yan!” sigaw ko at sa gilid ng mata ko, I saw Kuya Bogs outside at tila nagtataka pa siya sa nakikita niya sa salamin
“Totoo yan, Faith! Hindi ka marunong makinig! Never did you ever tried to listen to me!” sumbat niya sa akin kaya naningkit na ang mga mata ko
“Well obviously, Argus, may kinalaman pa rin ito sa nangyari noon, tama?” balik ko sa kanya at siya naman ang hindi nakapagsalita
And after sometime, he looked at me at hindi ko maintindihan kung bakit kumalabog ang dibdib ko.
“I guess some things never change…”
Argus“Wala pa bang balita?” tanong ni Tito Lucian sa akin habang nasa hardin kami ng mansion Nakakuyom ang kamay niya sa tindi ng galit at awang nararamdaman patungkol sa nakita niyang breakdown kanina ni Faith.Ayon kay Tito, ito ang unang beses na nakita niyang ganito si Faith. Siguro kasi mas nag-sink in na sa isip niya ang nangyari at ako man ay nahihirapan din para sa kanya.My girl doesn’t need to be in this situation. Dapat, masaya na kaming naghihintay para sa date ng kasal namin pero mukhang malabo na ito dahil na din sa pagtataboy sa akin ng aking fiance’.Nung una kong malaman ang sitwasyon ay sa ospital ko na naabutan si Faith at nung makita ko siyang puro pasa ay hindi ko napigilan ang aking sarili.Halos magwala ako pero pinigilan ako ni Tito Lucian at Tita Thea. Awang-awa ako sa aking nobya pati na din sa magulang niya.“Walang makuhang footage sa CCTV, Tito kaya malakas ng loob nung investigator na may kasabwat doon ang kung sino mang gumawa nito kay Faith!” sagot
Hyacinth“Anak, hindi ka pa kumakain!” sabi ni Mommy sa akin at kahit naririnig ko siya ay pinilit kong huwag imulat ang aking mga mataHindi ako sumagot at pinigilan kong mapaiyak dahil ang gusto ko, iwan ako ni Mommy. Gusto kong mapag-isa at gusto ko na lang lunurin ang sarili ko sa pag-iisa.“Princess, nandito si Argus! Please anak, kausapin mo naman siya!” sabi ni Mommy kaya napilitan na akong dumilat “Paalisin niyo siya Mommy! Ayoko siyang makita!” matigas na saad ko pero natigilan ako nung marinig ko ang tinig ni Argus“Babe….”Awtomatikong tumulo ang luha ko nung marinig ko ang tinig ni Argus. Hangga’t maari, ayoko na siyang makausap. Ayokong makita niya akong ganito.“Iwan ko muna kayong dalawa!” sabi ni Mommy “Gusto kong mapag-isa!” sagot ko kay Mommy pero hindi nagpatinag si Argus at nanatili lang siya sa kwartoAlam ko yun dahil ramdam ko ang presensya niya.Narinig ko ang pagsara ng pinto pero hindi ko minulat ang mga mata ko. Naramdaman ko ang paglundo ng kama kaya a
HyacinthMabilis ang naging pagpaplano ng aming kasal ni Argus at sobrang excited na din ako para sa araw na iyon.Dalawang buwan ang inilaan namin para sa preparations at dahil may wedding coordinator naman ay naging mas madali ang planning ng aming wedding.At bilang ako ang pasimuno ng mga bridal shower para sa mga kababata ko, Maegan planned my bridal shower party at kahit pa nga tutol dito si Argus ay wala naman siyang nagawa.“You can have your own stag party, Babe!” biro ko sa kanya habang kausap ko siya sa teleponoNaghahanda na ako para sa party na gaganapin sa isa sa mga hotel ng mga Thompson's at kahit magkasama kami kanina ni Argus to check in the details for the wedding, ay heto at kausap ko na naman siya.He have been clingy at ang sabi niya, ilang beses na kaming nagkahiwalay at ayaw na niyang maulit pa ito.And whenever we have problems may it be in the company or in the wedding itself, we promised na pag-uusapan namin ito ng maayos and will not let our emotions get i
HyacinthNasa isang beach resort kami this weekend dahil gusto ni Argus na makapag-relax kami after the stress na naranasan namin noon mga nakaraang araw.And I think it is a very nice idea naman kaya agad akong pumayag nung tinanong niya ang opinion ko.Kasama namin si Nanay Pilar sa bakasyon pati na din si Liam at si Yaya Lot.Nasabi kasi ni Nanay Pilar na makakabuti kay Liam ang tubig dagat kaya naisipan ni Argus na magbakasyon kami.Kasama namin si Blake at nung nakaburol si Yvette ay nakilala ko na finally ang babaeng muling nagpatibok sa puso niya.Si Zia…And she is beautiful! Bagay na bagay sila ni Blake.Hindi ko lang nausisa kung paano niya ito nakilala but I am sure na Ike kwento niya din ito sa akin.Masaya din ako dahil unti-unti, nagiging maayos na ang relasyon nilang dalawa ni Argus. And I know n time, babalik din sila sa dati.Maaring nagkaroon ng feelings sa akin si Blake but I know that it was just fleeting. Kumbaga, nagdaan lang at hindi naman ganun kalalim kaya ng
HyacinthPagkatapos ng libing ni Yvette ay nag-alisan na ang ilang mga tao na dumalo at kaming magkakaibigan ang tanging naiwan sa harap ng puntod niya.Nauna na din si Nanay Pilar kasama ang yaya ni Liam dahil nakatulog na din ito. Lahat kami ay malungkot dahil sa nangyari kay Yvette. Alam ko naman na kahit hindi kami malapit noon at nagkaroon pa ng misunderstanding ay nalulungkot pa rin ako sa sinapit niya.And the loneliness is worse pag naalala ko si Liam dahil nawalan siya ng ina. Kaya naman ibinulong ko noon sa kabaong ni Yvette na huwag siyang mag-alala dahil tutulungan ko si Argus na alagaan ang anak niya.Sa ilang araw na nakasama ko si Liam ay nakita ko kung gaano siya kasabik sa pagmamahal ng isang ina. At wala namang kaso sa akin yun lalo pa at alam ko naman na si Argus ang nakamulatan niyang Daddy.Mommy na nga ang tawag niya sa akin and I really don’t mind dahil hindi mahirap mahalin si Liam. He is a very sweet boy at palagi siyang nakayakap at nakahalik sa amin ng nob
ArgusNagmamadali akong makauwi sa unit ko at halos paliparin ko na ang kotse ko lalo na at natatakot na din ang yaya ni Liam dahil sa pagwawala ni Yvette.Agad akong sumakay ng lift at nung makarating ako sa harap ng unit ko ay naabutan ko doon si Yvette na kinakalabog ang pinto.“Liam! Liam! Mommy is here! Liam!” sigaw nito “Yvette!” pigil ko naman sa kanya at nakita ko na nagliwanag ang mukha nito“Baste!” sigaw niya saka siya tumakbo palapit sa akin at mahigpit akong niyakapAnd I guess makakaya ko pa siyang pakalmahin.“Saan ka ba galing? Kung saan-saan na kita hinanap?” sagot ko sa kanya“Namasyal lang ako Baste!” Hindi na maganda ang amoy ni Yvette at nakita ko din na namayat siya kaya naman lalo akong nag-alala sa kanya.“Si Liam? Yung anak natin? Nasaan siya?” anito kaya naman lalong tumibay ang hinala ko na hindi na talaga maganda ang lagay ng pag-iisip niya“Nasa loob siya! Pero mas maganda kung bago mo siya lapitan, naglinis ka muna ng katawan!” sabi ko sa kanya at nakit







