Share

Chapter 3

Chapter Three

"Puwede bang tigilan n'yo na itong putanginang kalokohan niyo?!" galit na galit ng sambit ni Avaeh. "Guys, you've already reached the limit! It's not even getting funny!"

Mula sa maingay na kasiyahan, natiklop ang bibig ng mga ito.

"Avaeh..." Sinubukang lumapit ni Mad sa kaibigan, ngunit hindi pa man nito nahahawakan ang kaniyang kamay ay itinaboy na ito ni Avaeh.

"Mad, I only want an honest answer right now," wika ni Avaeh, pilit na ikinakalma ang sarili. "Is this marriage contract valid or not? Is the marriage real or just a stupid prank?"

"Of course, that is real!" ngiting-ngiti na sagot ni Mad.  "Aren't you happy? Hindi ka na ikakasal sa taong hindi mo naman kilala!"

"And what the hell comes into your mind that I know this guy?" turo ni Avaeh kay Colt. "Walang kaibihan ang ginawa niyong 'to sa ginawang arranged marrige nina Mom and Dad!"

"Avaeh, please, let me explain."

"C'mon, explain how would I void this marriage contract before leaving this place. Hell sure that can't be done, right?" ngisi ni Avaeh. "Ipaliwanag niyo itong ginawa niyong kalokohan. C'mon, I'll listen to your stupid shits!"

Sa ilang taon na nakasama ni Avaeh si Mad, ngayon lamang siya nagalit nang ganito. Batid niyang nakasasakit na sa damdamin ang mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig, ngunit wala pa ring makapapantay sa sakit sa pusong idinulot ng kaniyang mga kaibigan, lalo na si Mad na alam niyang may pakana ng lahat.

Isa sa pinakaayaw niyang mangyari ay ang magalit dahil alam niyang sosobra siya sa kaniyang limitasyon. Ngunit paano niya pang pipigilan ang sariling hindi magalit sa isang bagay na lubos na nakagagalit? Lalo pa't ang problemang hindi naman siya ang may gawa ay kailangan niyang hanapan ng solusyon na hindi kayang tapusin sa loob ng sampung minuto o kahit pa sampung araw o sampung linggo.

"The times when we skipped classes..."

"I knew it," pagpuputol ni Avaeh kay Mad. "Kaya pala lagi kayong wala noon ay dahil inaasikaso niyo 'yang walang kuwentang marriage contract na 'yan at talagang nandamay pa kayo ng pastor, ha?"

"Hear me out, okay? Ginawa lang naman namin 'yon dahil gusto ka naming iiwas sa lalaking ipapakasal sa'yo ng parents mo. Avaeh," hawak ni Mad sa kamay ng kaibigan, "I knew how you've been stressed out in this, kaya gusto kitang tulungan. Gaya mo, nasa isang arranged marriage din si Colt. Kapag nalaman ng parents niyo na kasal kayong dalawa, hindi na nila kayo pipiliting magpakasal pa sa mga nirereto nila sa inyo. And when it's decided already na magsarili kayong dalawa, that's the time we'll secretly file an annulment. Walang makakaalam."

"And you think annulment is an easy process?" pagtataas ni Avaeh ng kilay.

"It will only take four months, that's estimated. Remember, my father is a lawyer. Mas mapapadali lang dahil kasama natin si Daddy."

"And what if he told my parents about this?"

"Trust me, he won't."

"Then, what are we gonna do after the annulment? You think everything's gonna be okay already? Paano kapag nalaman nina Mom and Dad na hindi ko naman pala kasama sa bahay ang lalaking accidentally kong pinakasalan? Gano'n din kay Colt, paano kapag nakarating sa parents niya?"

"No, hindi nila malalaman, unless no one will talk about it. Please, listen to me. When we go home, we'll let them know about it right away. They will give you a house to stay in, for sure. Magsasama kayo ro'n for months habang on process ang annulme-"

"Cut it, Mad," pagpuputol ni Colt kay Mad.

Lahat ay naibaling ang tingin kay Colt. Halos hindi na maipinta ang hitsura ng mga ito nang sandaling marinig nila ang boses na iyon. Batid ng mga itong mas malalagot sila sa ginawa.

Pirmi ang pagtayo ni Colt. Diretso lamang ang tingin nito kay Mad, nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng shorts. Kapagkuwan ay hinila nito si Avaeh paalis ng lugar, ngunit pagkatapos ng tatlong hakbang ay bahagya itong huminto.

"I'm asking everyone, don't follow us," pagdidiin ni Colt.

Tuluyan na ngang umalis ang dalawa, ngunit imbes na magtungo sa transcient house ay dumiretso sila sa kotse ni Colt. Nang masiguradong walang ibang sumunod, mabilis na ipinatakbo ni Colt ang sasakyan.

Samantala, si Avaeh ay gulong-gulo pa rin,  ngunit pinili na lamang niyang hindi magsalita. Isa pa, tanggap niya kung saan man siya dalhin ni Colt. Mas makapag-iisip siya kung malayo siya sa mga kaibigan. Kung paglayo ang magiging solusyon, pipiliin niya munang hindi magpakita.

Mula sa daan ay inilipat niya ang kaniyang tingin kay Colt. Sinubukan niyang basahin ang mga mata nito, ngunit nagkamali siya ng hula. Ang buong akala niya kasi ay magagalit ito sa mga kaibigan gaya ng ginawa niya, ngunit nanatili itong kalmado. Gayunpaman, hindi maitatago sa kaniya ang nais iparating ng mga mata ni Colt—galit.

Walang tigatig ang namutawi sa loob ng sasakyan. Wala ni isa man sa kanila ang nagbalak na magsalita pagkatapos iwan ang mga kaibigan. Tinahak ng sasakyan ang isang masikip na daan kung saan napakaraming puno ang nakapaligid.

"Saan tayo pupunta?" hindi na napigilang tanong ni Avaeh.

"We'll be heading to a beach resort that I know, but it'll take us hours of driving. I'll make sure they won't be able to follow us. Matulog ka muna, alam kong hindi pa sapat ang tulog mo," sambit ni Colt. "Don't worry, I assure your safety."

Mula kay Colt ay ibinalik ni Avaeh ang tingin sa daan. Sa isip niya, kailangan niya bang pagkatiwalaan ang lalaking ito? Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at humugot ng isang malalim na hininga. Wala na rin naman siyang ibang choice.

Ilang oras pa ay nakarating na ang dalawa sa kanilang destinasyon. Kumpara sa naunang beach resort, mas maliit ito at mas tago, ngunit higit na mas payapa. Pagkababa ng kotse ay bumungad sa kanila ang mga kainang nakahilera at mga bahay ng gawa sa nipa. Sa hindi kalayuan ay tanaw rin ang kalmadong karagatan. Ayon kay Colt, isa itong private resort kaya walang gaanong mga tao.

Inimbitahan sa kainan dahil alam nitong hindi pa siya nag-aalmusal, gayon din naman ito. Nagtungo sila sa seafood restaurant doon at um-order ng iba't ibang potahe tulad ng shrimp tempura, fried fish, lobster roll, salt and pepper calamares, at mga panghimagas.

Hindi alam ni Avaeh kung anong una niyang kakainin sa rami ng mga nakalapag sa mesa. Kagigising niya lang ulit at pakiramdam niya'y nananaginip pa siya. Napakunot-noo na lamang siya habang pinagtatanto kung paano nila uubusing dalawa iyong ganoong karaming pagkain eh, hindi rin naman siya matakaw.

"Ang dami naman yata nito?" ani Avaeh.

Tumango si Colt. "Don't worry, hindi naman natin uubusin lahat ng 'to. I bought some for the kids out there. 'You see them?"

Ibinaling ni Avaeh ang kaniyang tingin sa labas na itinuro ni Colt. Napansin niya roon ang mga batang may bitbit na mga batyang puno ng mga isda. Ang mga iba'y nagliligpit ng mga lambat habang ang iba'y tumatalon sa tuwa habang hinihintay pa ang ibang mga kalalakihang paparating pa lamang sakay ng mga bangka.

Ganoon pala ang buhay ng mga bata sa isla. Lagi niyang hinihiling na sana kahit isang araw ay maranasan niya ulit na maging bata dahil walang pang pinoproblema at puro kasiyahan lang. Ngunit ngayon ay may napagtanto siya—hindi pala lahat ng mga bata ay pare-pareho ng sitwasyon. May mga napipilitang maghanap-buhay dahil sa hirap ng buhay. May mga maagang namumulat sa reyalidad. Gayunpaman, napaka-inosente ng mga bata sa salitang 'hirap'. Palagi silang nakahahanap ng kasiyahan sa kanilang mga ginagawa, gaano pa man ito kabigat. 

Kapagkuwan ay binuhat ng mga bata ang batya-batyang isda papunta sa pintuan ng restawran. Sa labas naman ay may ilang nag-aabang na mga kitchen porter. Matapos iabot ang mga batya ay pumasok ang mga bata sa loob ng kainan, saka dumiretso kay Colt, na ikinabigla naman ni Avaeh.

"Kuya Colt!" sigaw ng mga bata, sabay yakap rito.

Nanlaki ang mga mata ni Avaeh sa pagkamangha. Sa pakikitungo ng mga bata kay Colt, palagay niya ay matagal na ang mga itong magkakakilala. Hindi naman maitago ng labi niya ang ngiti habang pinagmamasdan ang mga ito.

"Kuya Colt, girlfriend mo po?" tanong ng isang batang lalaki, sabay turo kay Avaeh.

Marahang tumawa si Colt. "Asawa ko."

"Huh?! May asawa ka na po?" gulat na gulat na tanong ng bata.

"Oo, eh. Pati nga ako hindi makapaniwala."

Parang gago.

"Ate, ang ganda mo naman po," lapit ng isang batang babae sa kaniya, bitbit ang isang napakatamis na ngiti sa labi. "Bagay na bagay po kayo ni Kuya Colt!"

Hindi alam ni Avaeh ang mararamdaman, ngunit napangiti na lamang siya sa papuri ng bata sa kaniya. Nag-abot naman siya ng pasasalamat dito, saka tiningnan si Colt na hindi na maalis ang ngiti sa labi. Ngayon alam niya na, itong mga bata pala sa isla ang magpapasaya sa lalaking iyon.

Kapagkuwan ay nakisalo na rin ang mga bata sa mesa at nagsimula nang kumain. Bukod sa masasarap na pagkain, napuno rin ang hapag-kainan ng masasayang kuwentuhan at halakhak ng mga bata, na nagdulot din ng aliw kina Colt at Avaeh.

Nang mapuno na ang kanilang mga kalamnan, pinili na ng dalawa na mauna dahil may kailangan pa silang pag-usapan. Hindi na problema ang mga bata sapagkat kilala na ang mga ito sa restawran na iyon at para bang bahay na rin nila iyon dahil madalas nila itong tambayan. Sa katunayan, tumutulong pa ang mga ito sa pagseserb ng pagkain sa mga customer.

"Magkano nga pala 'yong pagkain?" tanong ni Avaeh habang naglalakad-lakad silang dalawa ni Colt sa dalampasigan.

"Don't bother asking, I already paid for them."

"Eh? Ang dami n'on. I won't let you shoulder everything."

"I won't let you pay as well. Let's close the deal, we have something more important to talk about."

Isang singhal na lamang ang pinakawalan ni Avaeh, mukhang wala na rin naman siyang magagawa. Bagkus, pinasalamatan na lamang niya si Colt at nangako ritong babawi siya.

"I am actually mad for what they did," kapagkuwan ay sambit ni Colt. "They all knew our situation, so they did this for us to prevent ourselves from the arranged marriage. Little did they know that they created a much bigger problem."

"I'm sorry, I should have been careful from Mad."

"I told you, nothing to be sorry about. What has been done is all their fault, not ours. I don't even know how they were able to access all my personal information. Not because they're my friends, I'll tolerate this kind of act. My mom will surely get ill once she knew about this."

Hindi lingid kay Avaeh ang bakas ng kaba at pag-aalala kay Colt. Sa mga mata nito, ramdam niya kung paano nito pahalagahan ang mga magulang. Palagay niya ay pumayag lamang itong ipakasal sa ibang babae dahil ayaw nitong mabigo ang mga magulang o baka may mas higit pang rason.

"Avaeh..." Bahagyang huminto si Colt sa paglalakad at diretsong tiningnan si Avaeh sa mga mata. "Once and for all, let's put an end to this."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status