Share

Chapter 2

Chapter 2

Sa sobrang hilo at pananakit ng tiyan, hindi na napigilan ni Avaeh ang masuka, dahilan upang mabilis na imulat ni Colt ang mga mata. Sakto pang sa kumot niya nailabas lahat. Hindi na niya nagawa pang pumunta sa banyo dahil sunod-sunod ang paglabas ng kaniyang mga nakain at nainom noong huling gabi.

Samantala, hindi maipinta ang mukha ni Colt na tiningnan si Avaeh. Hindi nito alam kung gaano karami ang nainom niya at ganoon na lamang siya kung sumuka. Binalak nitong kuhanan siya ng tubig, ngunit napansing hubo't hubad ang sarili sa sandaling iangat nito nang bahagya ang kumot na nakatakip sa buong katawan. Humugot ito ng isang malaking unan at iyon ang ipinantakip sa pribadong parte ng katawan habang sinusubukang umalis sa kama.

Nakalugmok sa kama ang buong mukha ni Avaeh. Kahit papaano ay nabawasan ang init ng tiyan niya, ngunit patuloy pa rin sa pagkirot ang kaniyang ulo. Pag-angat niya ng kaniyang tingin ay nahagilap ng kaniyang dalawang mata ang basong puno ng tubig na agad-agad niyang kinuha upang inumin.

"Inabuso ang alak eh, hindi naman pala kaya."

Muli siyang nag-angat ng tingin at napansin si Colt na nakatayo sa kaniyang gilid, nakasuot lamang ng boxer shorts. Sa sobrang pagkahilo niya ay hindi niya na napansin itong umalis. Nang akma siyang magsalita ay biglang sumagi sa kaniyang isipan ang papel. Agad niya itong nakita sa sahig at mabuti na lamang ay hindi natalsikan ng suka. Pinulot niya ito at tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig, saka bumalik sa kaniyang kama.

Umupo si Avaeh at muling pinagtuunan ng pansin ang papel. Sa pagbabaka-sakaling namamalik-mata lamang, paulit-ulit niyang kinuskus ang kaniyang mga mata na buhay na buhay na sa ngayon. In-scan niya ang buong form at nakita ang kaniyang buong pangalan na nakasulat sa wife at ang pangalan naman ni Colt sa husband. Hindi nga siya nagkakamali: Ang papel na iyon ay marriage contract nila ni Colt.

Nakasulat lahat ng impormasyon nina Avaeh at Colt sa lisensyang iyon. Pareho rin silang pumirma, maging ang solemnizing officer. Ang nakasulat na petsa kung kailan sila ikinasal ay noong huling gabi lamang. Natanggap naman ito sa opisina ng Civil Registrar isang linggo na ang nakalilipas.

"What is that?" tanong ni Colt.

Walang anu-ano'y iniabot ni Avaeh ang papel kay Colt at hinayaan itong i-scan din ang buong papel. "Ang galing nilang pumeke ng dokyumento, parang totoo!" halakhak niya.

Binasa ni Colt ang nasa papel at kapagkuwan ay sambit niya, "This is real," dahilan upang mapatameme si Avaeh. "I know Pastor Rick," dagdag pa nito. "Siya ang nagkasal kay Ate at sa asawa nito. I am familiar with his signature and I can say that this is real."

"C'mon, tell me you're just kidding," ngisi ni Avaeh.

Iniabot ni Colt ang papel pabalik kay Avaeh. "Wala akong oras makipagbiruan sa ganitong sitwasyon."

Sa tono ng pagsasalita ni Colt, batid ni Avaeh na hindi ito nagsisinungaling. Ngunit dahil sa nangyayari ay gusto niya na lamang paniwalain ang sarili na isang malaking kalokohan lamang ang lahat. Paano ba naman kasi nagkaroon ng marriage contract sa kama niya? Ano 'yon, natulog siya at paggising niya'y kasal na siya? Bakit parang napakabilis naman yata ng proseso at lahat ng mga pangyayari? Malamang sa malamang ay pinagtatawanan na siya ng mundo.

Isang sampal ang ibinigay ni Avaeh sa kanang pisngi at isa pa sa kaliwa nang muli niyang tingnan ang papel. Ano ba naman kasi ang naisip niya at pumirma siya sa kontratang iyon? Isa pa, bakit hindi man lang niya namalayan na ikinasal siya kay Colt?

D*****g si Avaeh. Kahit anong pilit niyang pag-alala sa gabing iyon ay wala siyang maalala. Dala pa rin siguro ng sakit ng kaniya ulo kaya ayaw gumana ng utak niya. Bukod sa marriage contract na iyon, itinatanong niya rin sa sarili kung bakit pareho silang n*******d ni Colt. May nangyari din ba sa kanilang dalawa noong gabing iyon?

Kung kanina'y tiyan niya lamang ang nag-iinit, ngayon ay ang dugo na niya't buong pagkatao. Gustong sumigaw ni Avaeh sa inis, ngunit pilit niyang kinokontrol ang sarili. Isa pa, may natitirang parte sa kaniya na ayaw maniwalang ikinasal siya noong gabing iyon at totoo ang marriage contract.

Nagkaroon ng hindi makabasag-pinggan na katahimikan sa buong silid. Napakabigat ng presyon sa loob. Muling napainom ng tubig si Avaeh at si Colt naman ay napaupo na lang din sa tabi niya sa sobrang pagkadismaya.

"Could you explain to me how did you find this?" tanong ni Colt, diretso ang tingin kay Avaeh.

Upang bigyan ng hustisya ang kunot sa noo ni Colt, ipinaliwanag ni Avaeh kung paano niya natagpuan ang marriage contract. Pinilit niyang bigkasin kahit ang mga pinakamaliit na detalye, baka sakali na makakuha siya ng kasagutan dito. Sinubukan niyang hindi mautal lalo pa't mata-sa-mata kung tumitig itong si Colt. Ni hindi niya rin namalayan ang sarili na habang patuloy sa pagsasalita ay diretso rin ang kaniyang tingin sa kabuuan ng mukha ni Colt. Doon niya napagtanto na mas guwapo pala ito nang malapitan.

Nangungusap ang mga mata nitong kasintapang ng kidlat. Ang malinis na pagkaka-trim ng balbas ni Colt ay dumagdag pa sa pagka-maginoo nito at sumang-ayon din sa natural nitong rosas na labi at matangos na ilong.

"Could you stop looking at me like that?" sambit ni Avaeh.

Nagkunot-noo si Colt. "Why? I'm listening."

"It's as if I stole your kidney. But okay, whatever," kibit-balikat ni Avaeh. "Now, I wanna know if you're aware about this. Bakit nakasulat ang mga pangalan natin dito sa marriage contract, Mr. Colt Juarez? At bakit tayo magkasama sa iisang kuwarto?"

"Beats me," walang emosyong bigkas ni Colt.

Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Avaeh. "You really don't know, huh?"

"I can recall some of the happenings last night, but I'm clueless about that marriage contract," ani Colt. "Bakit naman ako magpapakasal sa'yo, hindi ba?"

Nanlaki ang mga mata ni Avaeh. "At sino ka rin naman para pakasalan ko?"

"Right, we're not even close. Besides, I'm engaged."

Sandaling nahinto si Avaeh nang makarating iyon sa kaniyang pandinig. Hindi siya manhid upang hindi mapansin ang pagbabago sa tono ng boses ni Colt sa sandaling sabihin nito na engaged na ito. Hindi rin naman lingid sa kaalaman niya na engaged na siya at hindi tama itong nangyayari. Sa oras na malaman ng mga magulang niya na natulog siya sa iisang kuwarto kasama ang ibang lalaki, paniguradong malalagot siya.

"Now I won't be able to marry that woman anymore," muli pang wika ni Colt.

Tuluyan nang nanghina ang mga tuhod ni Avaeh. Hindi maalis ang kaniyang tingin kay Colt. Pansin na pansin niya ang pagkadismaya sa hitsura nito. Nang dahil sa kaniya, may masisira pa siyang relasyon. Nang dahil sa kapabayaan niya sa sarili, hindi niya nabantayan ang mga galaw niya. Ni hindi niya rin inasahan na mangyayari ang ganitong bagay.

"You really think the document is valid?" tanong ni Avaeh, umaasa pa ring hindi totoo ang marriage contract na hawak-hawak.

"Why not? Every piece of information is written there. We both signed the certificate, also the pastor who take part in the marriage," sagot ni Colt. "But whether that's real or not, we can't change the fact that we sleep together in the same room, and that means betrayal to my future wife."

Tama si Colt—malaking pagtataksil ito. Ngunit hindi gaya nito, walang pakialam si Avaeh kung ipagkanulo niya man ang mapapangasawa dahil mas malaking problema para sa kaniya ang maging isang kabit.

"I'm so sorry. I tried to remember things, but I just can't. This shouldn't have happened." Niyakap ng kaniyang mga palad ang buong mukha. Mangiyak-ngiyak na rin si Avaeh, ngunit pilit pa ring pinigilan ang sarili. "If only-"

"Stop that," pagpuputol ni Colt sa salita ni Avaeh. "Wala kang kasalanan. Just like you, I can't remember anything. Wala sa atin ang may gusto sa nangyari, if ever there is."

"If you don't mind, paano kapag nalaman 'to ng mga magulang mo?" tanong ni Avaeh.

"I actually don't know how exactly would I feel about this," sagot ni Colt. "Besides, hindi ko kilala ang babaeng papakasalan ko dahil parents ko mismo ang nag-arrange ng kasal para sa'kin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nila. But because my mom is sick, I can't just refuse to her request. Sa ngayon, dignidad ko ang iniisip ko. I can't be titled as a cheater."

"Can you repeat that?"

"I care for my dignity."

"No, not that," iling ni Avaeh. "Na-setup ka rin ng parents mo?"

Tumango si Colt. "I haven't seen the girl yet, actually. Balak pa lang nilang ganapin ang pamamanhikan sa mga susunod na linggo. I'm not sure how would I confront her. I can't give her the love she deserves and I know she feels the same way—she can't also give the love I deserve."

Natigilan si Avaeh. Habang pinagmamasdan niya ang mga mata ni Colt, sumagi sa kaniyang isipan kung gaanong mapaglaro ang tadhana sa kanilang dalawa. Ngunit sa kabila n'on, ibang kaginhawaan din ang naramdaman niya dahil sa ganitong sitwayson, hindi pala siya nag-iisa. Sinong mag-aakala na sa gan'tong lugar at pagkakataon ay makahahanap siya ng isang tao na nasa parehong sapatos na suot niya?

Muling bumuntong-hininga si Avaeh.

Kahit na gaano pa sila kapareho ng sitwasyon, hindi masosolusyonan n'on ang problema. Sa katunayan, mas lalo pang lalala ang mga pangyayari sa mga susunod na araw. Paano pa magpapakasal ang mga ito sa mga itinakda sa kanila kung sila na mismo ang naunang ikinasal? Paano nila babaguhin ang kanilang tadhana nang walang nadadamay na ibang tao?

"I think I know already how everything started," sambit ni Avaeh kay Colt.

Umusok ang ilong ni Avaeh habang paunti-unting inalala ang mga nangyari. Hindi pa man niya lubos maunawaan ang sitwasyon, may palagay na siya kung paano nagsimula ang lahat. Hindi siya maaaring magkamali, sino pa ba ang ibang gagawa nito?

Wala nang ibang nararamdaman si Avaeh kung hindi galit at inis. Peace of mind lang naman ang hiniling niya bago siya magpunta sa beach, ngunit bakit hanggang dito ay sinusundan siya ng problema?

Mabilis na nagbihis si Avaeh, ganoon din si Colt, bago lumabas sa transcient house. Dala-dala ng kaniyang kaliwang kamay ang marriage contract, samantala ang kabila ay hawak ang kamay ni Colt. Hinila niya ito papunta sa area kung saan alam niyang naroon ang mga may gawa nito. Kung nakita niyang maayos at malinis ang marriage contract, ngayon ay lukot-lukot na ito gaya ng kaniyang hitsura. Wala na siyang pakialam kung masira man ito. Ang tanging gusto lamang niya ay ma-void ang license kahit na alam niyang hindi iyon magiging madali.

Walang sinabi ang malamig na simoy ng hangin sa kumukulong dugo ni Avaeh. Kahit pa ang mga alon ay sumasabay sa bugso ng kaniyang damdamin, na tila ba'y nakikiramay ang mga ito sa kaniya. Sa hindi kalayuan ay tanaw na niya ang mga kaibigan; Nakatayo ang mga ito at tila ba'y sabik na sabik na naghihintay sa kanilang dalawa ni Colt. Binilisan niya pa ang paglakad, hawak pa rin ang kamay ni Colt, hanggang sa makarating sa mga ito.

Hindi pa man nakapagsasalita ay pinaliguan na sina Avaeh at Colt ng mga puti at pulang talutot ng rosas kasabay ng masayang sigawan ng mga kaibigan ng: "Maligayang Bagong Kasal!"

Bagaman hindi kita ni Avaeh ang sariling mukha, batid niyang namumula na siya sa matinding pagkainis. Nang hindi na niya mapigilan ay napasigaw na lamang siya, dahilan upang matigil ang kaniyang mga kaibigan sa panunukso sa kanilang dalawa ni Colt.

Samantala, si Colt ay wala pa ring imik.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status