Share

The Thrill That Make Me Love You
The Thrill That Make Me Love You
Author: Ellise

CHAPTER 1

Author: Ellise
last update publish date: 2026-08-07 21:11:55

Kasandra Natividad POV

"Kass, bilisan mo naman diyan! Paniguradong puno na naman ang Tambayan niyan kapag nahuli tayo!"

Rinig na rinig ko ang sigaw ni Lyka mula sa labas ng classroom namin sa Education Building. Mabilis kong isinara ang notebook ko at inayos ang sling bag ko bago patakbong lumabas. Humabol ang mahaba kong buhok na sinadyang kulutin sa dulo ngayong araw.

"Ito na nga, oh! Excited ka naman masyado. Magsisimula pa lang naman ang briefing para sa Cheering Foundation," hingal kong sabi nang makalapit ako sa kanya.

"Anong excited? Baka nakakalimutan mo, kasama ang College of Architecture ngayong taon sa cluster natin? At alam mo kung sinong nandoon!" kinikilig na bulong ni Lyka habang hinahatak ako sa braso patungo sa malaking Quadrangle ng St. Jude University.

Napatigil ako sa paglalakad at naramdaman ko agad ang biglang pagbilis ng tibok ng dibdib ko. Isa lang naman ang ibig sabihin noon.

Nathan Caleb Gadon.

Ewan ko ba. Sa dami ng lalaki sa campus na sumusubok makipagkilala sa akin kapag may gig ang banda namin sa mga bar sa Katipunan, sa kanya lang talaga ako natutulala. Nakakatawa nga, eh. Ako na certified party girl, nakikipag-jamming hanggang madaling araw, at palaging nasa gitna ng ingay... nagkagusto sa isang lalaki na halos ayaw lumabas ng drafting room nila at parang allergic sa maraming tao.

"Nandito na ba sila?" halos pabulong kong tanong kay Lyka habang sumisilip sa malaking crowd sa Quadrangle.

"Ayun oh! Tingnan mo sa may shade ng acacia tree. Naka-black polo shirt lang pero parang modelo ng magazine!" turo ni Lyka.

Sumunod ang tingin ko sa tinuro niya. At doon, tila huminto ang ikot ng paligid ko.

Nakatayo si Nathan habang nakasabit ang kamay sa bulsa ng kanyang jeans. Hawak niya ang isang clipboard at seryosong nakikipag-usap sa mga officers ng departamento nila. Ang maayos niyang buhok na bahagyang bagsak sa noo niya, ang matangos niyang ilong, at ang malamig niyang mga mata na parang laging maraming iniisip—lahat iyon ay sapat na para manghina ang mga tuhod ko.

"Kass, matutunaw 'yung tao. Ayusin mo 'yang mukha mo," sita sa akin ni Enzo, ang lead guitarist ng banda namin at kaklase ko rin sa Education, habang umaakbay sa akin.

Inirapan ko si Enzo at tinabig ang kamay niya. "Inggit ka lang kasi mas gwapo siya sa 'yo. Tsaka bakit ka ba nanghihimasok?"

"Concern lang ako sa 'yo, Kass. Alam mo namang imposibleng mapansin ka niyan. Taga-ibang mundo 'yan. Pamilya ng mga sikat na architect at businessmen. Balita ko nga, bawal pa 'yan mag-girlfriend basta-basta dahil strict ang mommy niya," paalala ni Enzo na may halong seryosong tono.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang bahagya. Alam ko naman iyon. Marami akong nababalitaan tungkol sa pamilya Gadon. Super strict ng parents niya at halos kontrolado ang buong buhay ni Nathan. Pero ewan ko ba, sa tuwing nakikita ko siyang mag-isa sa library o kaya ay naglalakad sa hallway nang may dalang malaking drafting tube, gusto ko siyang lapitan at tanungin kung masaya pa ba siya.

"Bawal mangarap?" pabulong kong sagot bago ko muling ibinalik ang tingin kay Nathan.

Biglang nag-feedback ang sound system sa gitna ng quadrangle, dahilan para magtakip ng tainga ang lahat. Umakyat sa platform ang Student Council President para opisyal na simulan ang announcement.

"Good afternoon, St. Judeans! Welcome to the official preparation kickoff for this year's University Cheering Foundation!" sigaw ng President sa mic na sinundan ng malakas na hiwayan ng mga estudyante.

Simula na naman ng pinakamainit na kompetisyon sa buong taon. Ang Cheering Foundation ay hindi lang simpleng sayaw o sigaw. Dito nagkakasubukan ang pride ng bawat departamento. At ngayong taon, binago ang mekanismo: kailangang magkaroon ng head-to-head battle sa simula bago ang Grand Finals.

"Para sa ating opening battle, magkakaroon tayo ng bunutan para sa mga magkakalabang departamento sa Pep Squad at Cheer Dance category!"

Nagsimulang mag-ingay ang paligid. Bawat departamento ay nagdadasal na huwag makatapat ang mga powerhouse Teams. Ang Education Department ay kilala sa mataas na energy at malikhaing konsepto, samantalang ang Architecture naman ay kilala sa precise movements at kakaibang props design.

"Unang bunutan... College of Education!"

Nagpalakpakan ang mga kasama ko. Lumapit ang Chairman ng departamento namin para bumunot ng numero sa kahon.

"At ang makakatapat ng Education Department sa unang round ay..." Bitin ng SC President sa mic habang binubuksan ang maliit na papel. "... Ang College of Architecture!"

Biglang naghihiyawan ang buong quadrangle! Napatingin sa akin si Lyka habang hawak ang magkabila kong balikat. "Oh my gosh, Kass! Katapat natin sila!"

Napatulala ako. Kalaban namin ang departamento ni Nathan?

Dahil sa sigawan ng mga tao, napalingon ako sa kabilang panig ng venue. Sa hindi inaasahang pagkakataon, dahan-dahang humarap si Nathan sa kinaroroonan ng Education Department.

At doon nagtama ang mga mata namin.

Bahagyang kumunot ang noo niya nang magtagpo ang tingin namin. Walang ngiti sa kanyang labi, pero hindi rin siya humiwalay ng tingin sa akin. Tila tumigil ang ingay ng drums at ang hiwayan ng libo-libong estudyante sa paligid namin. Sa loob ng limang segundo, kami lang dalawa ang tila magkaharap sa gitna ng malaking Quadrangle.

Ito ang unang beses na direktang tumingin sa akin si Nathan Caleb Gadon. At hindi ko alam kung bakit, pero naramdaman ko ang matinding kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.

Dahan-dahan siyang tumango sa akin bago siya pormal na pumuwesto sa tabi ng Chairman nila, bilang kinatawan ng Architecture Department.

"Magkakalaban tayo" bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahang lumilitaw ang isang maliit na ngiti sa mga labi ko.

Sige, Nathan. Kung ito lang ang tanging paraan para mapansin mo ako at makasama kita sa iisang stage... sisiguraduhin kong hindi mo makakalimutan ang pangalang Kasandra Natividad.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Thrill That Make Me Love You   CHAPTER 39

    Kasandra Natividad POV Tatlong araw pa lamang ang nakalilipas mula nung tanggapin namin ni Nathan ang pormal na pagkilala galing sa ASEAN Architectural Heritage Council sa Marina Bay Sands.Nakatayo ako sa ikalabing-walong palapag ng aming temporary project office sa Tanjong Pagar, Singapore. Sa malaking glass window, natatanaw ko ang patuloy na paggalaw ng mga malalaking tower cranes sa site ng kauna-unahang yugto ng ASEAN Youth Sports & Innovation Complex. Ang amoy ng bagong timplang chamomile tea at ang tahimik na pag-ikot ng electric fan sa aking tabi ay dapat sanang nagbibigay sa akin ng kapayapaan.Pero hindi.Hawak-hawak ko ang aking cellphone habang nakatitig sa tatlong hindi pa nababasang encrypted messages mula sa isang unregistered Singaporean number.“Architect Natividad-Gadon. Don’t trust the Swiss Bank Audit Report. Roberto Natividad didn’t design Vault 09 to hide gold. He designed it as a containment matrix for what is buried under the Singapore Strait. Look at the sub

  • The Thrill That Make Me Love You    CHAPTER 38

    Kasandra Natividad POV Nakatayo ako sa gilid ng floor-to-ceiling glass panel ng Changi International Airport sa Singapore. Sa labas ng malaking bintana, ang mga eroplano ay dahan-dahang lumilipad sa gitna ng maliwanag at maaliwalas na kalangitan. Ang amoy ng masarap na kape, ang malamig na aircon ng terminal, at ang banayad na paghawak ng mainit na palad ni Nathan sa aking baywang ay nagbigay sa akin ng isang matinding pakiramdam ng kapayapaan at bagong panimula. Apat na araw na ang nakalilipas matapos ang trahedya sa St. Jude University Grand Gymnasium. Sa tulong ng NBI, ng Board of Architecture, at ng pormal na pagsisiyasat ng International Court of Arbitration, ang buong sindikato nina Enzo at Victorino Jr. ay pormal nang naisampa sa korte nang walang pyansa. Ang 120 metric tons ng historical bullion deposits sa ilalim ng stadium ay pormal nang pumasok sa pangangalaga ng Bangko Sentral ng Pilipinas, habang ang malaking bahagi ng nakuhang offshore accounts sa Switzerland ay

  • The Thrill That Make Me Love You   CHAPTER 37

    Kasandra Natividad POV Mabilis ang takbo ng sasakyan namin pababa ng Kennon Road patungong NLEX.Ang dilim ng madaling-araw ay dahan-dahang binabasag ng kulay-ubeng liwanag ng bukang-liwayway sa kalangitan. Sa tabi ko, nakatutok si Nathan sa kalsada, ang kanyang dalawang kamay ay nakahawak nang madiin sa steering wheel habang ang kanyang panga ay nakakuyom sa matinding konsentrasyon. Sa backseat, tuloy-tuloy ang pakikipag-usap ni Miles sa NBI Regional Tactical Operations Center at sa University Safety Board.Inabot ko ang kanang kamay ni Nathan. Naramdaman ko ang malamig na pawis sa kanyang mga daliri, pero nang idikit ko ang aking mga palad sa kanya, agad niyang pinisil ang akin nang may buong pagmamahal."Magiging maayos ang lahat, Kass," pabulong na sabi ni Nathan nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada. "Nandito ako. Hindi natin hahayaang sirain nila ang pangarap ng Papa mo.""Nag-aalala ako para sa mga estudyante, Nathan," sagot ko habang nakatitig sa speedometer. "Alas-syete n

  • The Thrill That Make Me Love You   Chapter 36

    Nathan Caleb Gadon POV Nakahawak ako nang madiin sa malamig na steering wheel habang pabalik kami sa Irisan studio mula sa Trinidad Valley.Sa passenger seat sa tabi ko, nakasandal si Kasandra. Nakapikit ang kanyang mga mata habang dahan-dahang humihinga nang malalim. Nakasuot siya ng aking makapal na leather jacket, at ang kanyang dalawang kamay ay nakayakap sa kanyang dibdib doon sa dalawang silver rings na muli kong isinuot sa kanyang daliri kanina. Si Miles ay nakatutok sa kanyang laptop sa backseat, pormal na nagpapadala ng mga dokumento sa National Bureau of Investigation upang masiguradong walang makakalusot sa mga kasong isasampa laban kay Enzo.Tinitigan ko ang mukha ng asawa ko. Ang mga bakas ng luha at pagod ay naroon pa rin sa ilalim ng kanyang mga mata.Akala ko nung gabing iyon sa Outlook Drive, tuluyan ko nang nawala si Kasandra. Akala ko ang mga pader na binuo ng pamilya ko at ang mga maniobra ni Enzo ang magiging huling lamat na wawasak sa aming dalawa. But standing

  • The Thrill That Make Me Love You   CHAPTER 35

    Kasandra Natividad POV Nakatayo ako sa tapat ng nakalokang pintuan ng rest house sa Trinidad Valley. Ang lamig na pumapasok mula sa mga siwang ng bintana ay hindi pumantay sa matinding panginginig na lumalamon sa buong katawan ko.Nakatitig ako kay Enzo. Ang lalaking itinuring kong kuya, ang abogadon na palaging nakatayo sa likod namin ni Miles noong mga panahong wala kaming makain siya pala ang tunay na anino sa likod ng lahat."Ang ama mo...?" pabulong na tanong ko. Ang boses ko ay halos ayaw nang lumabas sa matinding pagkagulat. "Si Don Victorino... ang namatay mong ama na sinasabi mong isang simpleng accountant... siya ang partner ni Tiyo Julian?"Ngumiti si Enzo, isang malamig at nakakakilabot na ngiti habang dahan-dahan niyang iniaayos ang kwelyo ng kanyang suit."Hindi siya simpleng accountant, Kasandra," panimula ni Enzo habang lumalapit sa akin. "Si Papa ang utak sa likod ng offshore banking structure sa Switzerland. Si Julian Gadon ang nagbigay ng pera, pero ang ama ko ang

  • The Thrill That Make Me Love You   CHAPTER 34

    Kasandra Natividad POV Tumatakbo ako sa gitna ng malakas at malamig na buhos ng ulan sa kahabaan ng Outlook Drive.Ang bawat patak ng tubig sa aking mukha ay humahalo sa napakasakit at napakainit kong mga luha. Ang hanging tumatama sa aking basang damit ay kasinglamig ng katotohanang katutuklas ko lang.Buhay ang Papa ko...Buhay siya habang ako ay lumalaking nangungulila, habang si Miles ay nagsusumikap mag-aral, at habang ang pamilya Natividad ay nagdurusa sa kawalan ng katarungan. Nakakulong siya sa isang malamig at malayo na pasilidad sa Geneva, pinapakain ng mga gamot para hindi makapagsalita, hanggang sa tuluyang dumanas ng matinding dusa at mamatay noong nakaraang taon lang.At ang lalaking pinagkatiwalaan ko ng aking puso... ang lalaking inakala kong magwawasto sa lahat ng pagkakamali... ay binayaran ang kumpanyang nakatuklas nito para lang matakpan ang krimen at mailagay ang lahat sa ilalim ng kanyang pangalan."Kasandra! Kass, magpaliwanag ka muna! Pakinggan mo 'ko!"Narin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status