Share

Chapter 12

Ilang araw na rin na hindi ko nasisilayan o nakakausap man lang si Allen. Lahat kase ng gadgets ko ay kinuha ni mommy kaya hindi ko magawang makipagcommunicate kay Allen at hindi rin ako hinahayaan ni mommy na may bumisita sa akin kahit na si Celestine. They treat me like a bird that should be kept in a cage.

            

Ngayon ay nakatulala lang ako sa may bintana at hindi mapigilan ang mga luhang lumalandas sa aking pisngi. Ngunit nang marinig kong bumukas ang pinto ay napatingin ako doon at nakita si mommy. Lumapit ito sa akin at pinunasan ang aking mga luha. Hinahaplos din nito ang aking buhok at tinignan ako sa aking mga mata nang diretso.

            

"Huwag ka nang magdrama Diana. Lahat ng mga ginagawa at pinapagawa namin sayo ay para rin sa ikabubuti mo," wika nito na siyang agad kong ikinailing.

            

"No mom. Ginagawa niyo ito para sa sarili niyo at sa negosyo niyo. Wala kayong pakiramdam mommy. Nasasaktan at nahihirapan na ako sa lahat nang pinapagawa niyo pero wala kayong pakealam kase puro negosyo lang ang nasa isipan niyo. You make my life miserable. You're destroying my entire life little by little. All i ever want is freedom from you. I want to be happy but you're killing my happiness."

            

"Huwag mo akong sisisihin o kaya ang daddy mo na nangyayari ito sayo Diana. Wala kang alam sa nangyayari ngayon at kung buhay lang si Carissa hindi na sana kami nahihirapan ng daddy mo. Kaso nang dahil sayo nawala ang pinakamamahal naming anak. Kulang pa lahat nang paghihirap mo para sa kabayaran nang pagkawala niya kaya magtiis ka at sundin lahat nang ipinapagawa namin."

    

"So, kapag buhay si ate ganitong buhay ang ibibigay niyo sa kanya? Shame on you mom." At ng dahil na naman doon ay hindi na nakapagtatakang dumapo ang kanyang kamay sa aking pisngi. She always do this to me.

            

Si ate Carissa ay ang nakatatanda kong kapatid pero wala na siya ngayon. Nang dahil sa isang aksidente. My parents blames me of her death. Na siyang dahilan nila kaya ginagawa nila sakin 'to. Ano ba kaseng nangyari? Well, niyaya ko kase si ate noong mga bata pa kami na pumunta sa park na malapit sa amin. Kahit pinagbawalan kami nina mommy na huwag lalabas ng bahay nang walang kasama pero sadyang matigas ang ulo ko noon kaya tumakas kami ni ate tapos bigla akong tumawid sa kalsada kahit may sasakyan. Hinabol ako ni ate at itinulak kaya siya ang nasagasaan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Mahal na mahal nina mommy si ate kaya labis-labis ang pagluluksa nila hanggang ngayon kaya ganito ang trato nila sa akin. Na para bang naging kapalit din ng buhay ko ang buhay na nawala kay ate.

            

"Sana ikaw na lang ang namatay at hindi si Carissa." 

            

"Sana nga ako na lang mommy." 

            

"Sana nga," wika nito at umalis na sa aking kwarto. At kahit na sanay na ako na makarinig nang masasakit na salita galing sa mga magulang ko ay nasasaktan pa rin ako. Sinong matinong magulang ang hihiling nang kamatayan ng kanyang anak?

            

Umiyak lang ako nang umiyak at mayamaya'y naisipan kong tumakas kaya heto ako ngayon dahan-dahang binubuksan ang pinto ng aking kwarto. Syempre bago ako lumabas ay sinilip ko muna kung may tao ba at nang makitang wala ay lumabas na ako ng kwarto. Dahan-dahang akong naglakad sa hagdan hanggang sa sala pero agad din na napatigil ng makita si mommy na masama ang tingin sa akin.

            

"Where do you think you're going Diana?"

            

"Just let me go mom."

            

"You're not going anywhere. You either obey me or you want me to destroy his life. Choose," wika nito. Kahit na hindi niya sabihin ang pangalan nang tinutukoy niya ay alam kong si Allen iyon.

            

"I really hate you," wika ko at wala akong choice kundi bumalik sa aking kwarto. Kapag kase hindi ako sumunod sa kanya ay gagawin niya talaga ang binitawan niyang salita at ayoko namang mangyari iyon. Kaya naglakad na lang ako pabalik sa aking kwarto na may mabigat na dinaramdam.

     

                                                      ~~~

            

Narito ako ngayon sa aking kwarto at kanina pa pabalik-balik ang lakad. Bukas na kase ang kasal at ayokong matuloy iyon. Gusto kong matigil ang kasal pero paano? Napatingin ako sa wall clock at ngayon ko lang napagtanto na malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Mayamaya'y biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at iniluwa nito si Celestine.

            

"Celestine," wika ko at sinenyasan naman niya ako na huwag maingay. Nang malapitan niya ako ay hinila niya ako palabas ng aking kwarto. Kaya nagtataka akong napatingin sa kanya at huminto sa paglakad ng nasa hagdanan na kami.

            

"What are you doing here?" tanong ko ng may mahinang boses.

     

"Shh. Ayaw mong matuloy ang kasal niyo ni Eric di ba?" Tumango naman ako bilang tugon sa kanyang tanong.

            

"Then, just follow me. Itatakas kita dito." 

            

"Thank you cuz," I said and hug her.

            

"Mamaya ka na magpasalamat. Kailangan na nating makaalis dito."

            

"Wait. May kukunin lang ako sa kwarto ko," wika ko at mabilis akong bumalik sa aking kwarto. At kinuha ang aking bag na di kalakihan. Kinuha ko ang aking wallet, cellphone at naglagay din ng konting damit. Nang lalabas na sana ako ng kwarto ay pumasok muli si Celestine.

            

"Paparating si tita."

            

"What?" tanong ko at mas mabilis pa sa alas kwatro na pumailalim si Celestine sa kama kasama ng aking bag. Samantalang ako ay nagtungo sa kama at umupo.

            

Bumukas ang aking pinto at rinig ko ang mga yabag ni mommy papalapit sa akin.

            

"Bakit gising ka pa?" tanong nito sa akin at hindi ko siya sinulyapan.

            

"Hindi pa po ako inaantok."

            

"Matulog ka na dahil maaga kang aayusan bukas. Kailangang maganda ka sa kasal mo," wika niya at umalis na.

            

"Hayy mabuti pa mamaya muna tayo umalis dahil siguradong hindi agad babalik si tita sa kanyang kwarto," wika ni celestine na siyang sinang-ayunan ko.

       

"Celestine bakit ba ganito ang buhay ko? Ayoko na." Then my eyes starts to get teary.

            

"Heyy cuz, just be strong. Soon, mare-realize din nila tita na hindi tama 'tong ginagawa nila sayo. Maybe kapag mawawala ka sa puder nila hahanapin ka nila. Hindi dahil sa kailangan ka nila para sa negosyo kundi dahil mahal ka nila. Siguro kahit na ganito sila sayo, may munting pagmamahal pa rin sila para sayo. Kaya huwag kang susuko na ipakita sa kanila na anak ka nila at mahal mo sila sa kabila nang lahat ng pasakit na 'to."

            

"Sana nga celestine," wika ko at niyakap ito. Nanatili muna kami ni Celestine sa aking silid hanggang sa makalipas ang sampung minuto ay lumabas na kami. Paglabas namin ay patay lahat ng ilaw kaya nangangapa kami sa dilim. Hindi naman namin pwedeng buksan ang ilaw dahil siguradong mahuhuli kami. Pero dahil hindi namin makita ang daraanan namin ay wala kaming choice kundi gamitin ang ilaw ng aming cellphone. Dahan-dahan kaming naglakad palabas ng bahay. Pagkalabas namin ay agad kaming sumakay sa kotse na nakaparada 'di kalayuan sa bahay at umalis na.

             

"Saan tayo pupunta ngayon?" tanong ko habang nasa daan kami ni celestine.

             

"Ihahatid na kita sa apartment na tinutuluyan ni Allen. Tapos bukas ay ihahatid kayo ni manong jose sa rest house ng kaibigan ko. Huwag kang mag-alala dahil ayos lang sa kanya na doon muna kayo ni Allen. Tsaka bibisitahin ko rin kayo," wika ni Celestine at makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa apartment ni Allen.

             

"Allen," wika ko at agad siyang hinagkan nang yakap. Tila hindi makapaniwala si Allen na nasa harapan niya ako.

         

"Anong ginagawa niyo dito?"

             

"Itinakas ako ni Celestine sa bahay. Mabuti na nga lang at hindi kami nahuli."

             

"Pero paano na ang kasal mo bukas? Siguradong sa akin ka nila hahanapin."

             

"Huwag kang mag-alala Allen dahil bukas na bukas ay aalis kayo dito at magpapakalayo muna," wika ni Celestine.

             

"Thank you kung ganoon Celestine," wika naman ni Allen at tumango naman ang aking pinsan.

             

"Walang anuman. Basta para sa pinsan ko. Sige na. Kailangan ko nang umalis. Sana maging masaya kayo," wika ni celestine at umalis na.

             

"Diana ayos ka lang ba?" tanong nito nang tumungo kami sa sofa.

             

"Ayos lang ako," wika ko at niyakap siya. Hindi siya umimik at niyakap din ako pabalik.

             

"Allen"

             

"Hmm," wika nito at napatingala ako sa kanya. Idinapo ko ang aking kamay sa kanyang pisngi at nginitian siya. 

             

"I love you" 

             

"Mahal din kita Diana," wika niya at pinagsalikop ang aming mga kamay. Nakayakap at nakasandal lang ako sa kanya. Hanggang sa unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata.

         

                                    ~~~

            

Kinabukasan alas-singko pa lang ay gising na kami ni Allenpara iayos ang mga gamit na dadalhin namin. Dahil mayamaya lang ay darating na yung maghahatid sa amin sa rest house ng kaibigan ni Celestine.

            

"Tama bang gawin natin 'to Diana? Ang takasan ang ganitong pagsubok kesa harapin ito?" Biglang tanong sa akin ni Allen kaya napahinto ako sa pag-aayos ng mga gamit.

            

"We don't have any other choice Allen. Kung hindi natin ito gagawin ano na lang ang mangyayari sa atin?"

            

"Pero Diana—"

            

"Gusto mo bang makasal ako sa iba Allen? Kapag hindi ako o tayo tatakas ay matutuloy ang plano ng mga magulang ko. Ayokong mangyari iyon Allen dipende na lang kung gusto mong ibalik ako sa kanila," wika ko at napayuko na lang.

            

"Pasensya ka na Diana," wika niya at niyakap ako.

  

Nang dumating na ang inutusan ni Celestine ay umalis na kami sa apartment ni Allen at nag biyahe na patungo sa kung saan kami maninirahan pansamantala.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status